tama na muna siguro dito tol,di naman na yata hahabol ang mga yun saka feeling ko babalik na ako sa anyong tao ulit ah ni philip na naka anyong agila at hirap na hirap sa pagbuhat sa kanyang kaibigan,oo dito na lang tol ang sakit na ng balikat ko dyan sa mga kuko mo .at tuluyang na ngang nag anyong tao muli si philip at sabay silang bumagsak sa isang malapad na bato at sakto lang sa dalawang tao ang espasyo nito at bangin na ang gilid, walang kibo ang dalawang mag kaibigan at kapwa nakatingin lang sila sa kalangitan habang nakatihaya at nag papahinga,grabe tol hindi ko akalain na may ganyan ka palang kakayahan nagulat ako ng husto,ano bang nangyari sayo at nagkaroon ka ng ganyang abilidad tanong ni omar kay philip,di ko nga alam tol eh naalala mo ba yung muntik na tayong madisgrasya sa truck na sasalpok sana satin may segundo na nakapag palit anyo ako noon ngunit hindi agila kung hindi isang lion kaya nagawa kong itulak ka ng malakas, saka yung nasa hospital tayo feeling ko nag ka instinct ako ng lion noon,tapos yung humabol ako sa inyo sa terminal ng bus napansin ko na halos buong katawan ko ay nag anyong cheetah,,nag umpisa to yung simulang inatake tayo ng lion yung galing tayo sa bilyaran pag gising ko sa hospital ganito na nangyari sakin, at patuloy ang pagpapaliwanag ni philip sa kaibigan maya maya ay Omarrr,Philipp yoow nasaan kayo pasigaw ni badong at iba pa para makita sila,tol naririnig mo ba yon sila badong yun hinahanap nila tayo ah,tara na tumayo ka na dyan sabay hawak sa kamay ni omar para itayo ito at pag ka tayo nya kay omar ay sya namang muling humiga,at natawa lang ang dalawa,langya tol mukhang di ko kaya tumayo haha,buhatin na lang kita tol sabi ni omar kay philip,at itinayo nga ni omar si philip at iniakbay nito ang kamay sa kanyang balikat,at biglang natawa ulit ang dalawa,mukhang alanganin pa yata tong pwesto natin nasa matarik tayo na bahagi sa lugar na to subukan natig akyatin yang malaking bato tiyak sa taas nyan may daan pababa para makita na din tayo nila badong,at inakyat na ni omar ang malaking bato para makahingi ng tulong,bilisan mo tol mukhang lumalayo sila badong sumigaw ka na dyan ah ni philip,di nila maririnig tol dahil salungat ang hangin pero pag nakaakyat ako siguro ok na dahil open na doon,ahh akalain mo medyo may talino ka pala minsan haha pabiro ni philip sa kaibigan,at nang malapit na si omar sa taas ng bato ay di nya na pansin na isang Marupok na bato ang kanyang hinawakan at bigla itong nabasag at tipong lalaglag na si omar pababa ulit kay philip ngunit sa mga sandaling yun ay biglang may humawak sa kamay ni omar dahilan para hindi sya mahulog ng tuluyan at napabulong si omar sa sarili 'hay salamat naman sumakto pa' at ng tignan ni omar kung sino ang humawak sa kanya ay biglang nanglaki ang mata ni omar sa takot dahil hinawakan sya ng kamay ng isang tao pero ang mukha ay isang oso,ngunit naramdaman ni omar na hinawakan sya nito para tulungan hindi para patayin at iniangat na nga nito si omar pataas at napahiga si omar at huminga ng malalim hay salamat makakahingi na ng tulong at pag tingin nya sa oso ay unti unti na itong nagiging tao ng tuluyan,manong salamat nga pala ikaw yung humarang samin kanina diba marami pong salamat, bakit po tinulungan mo ako? ngunit hindi nag salita ang manong at bigla nalang itong umalis ng walang sinabi,,hmm suplado naman ni manong mahinang pag kasabi ni omar sa sarili,lumipas ang isang minuto nagpasya ng tamuyo si omar pero nagulat sya dahil may mga taong nakatayo mismo sa harap nya,at biglang nag sabing anong nangyari sa inyo tol at pag tingin nya sa mga to ay napangiti si omar dahil nakita na sya ni tom at ni badong,mahabang istorya mga tol tulungan nyo muna si philip dyan sa baba masakit katawan nyan dyan kasi kami bumagsak,at madaling nag pasya si badong at tom para tulungan si philip at lumipas lang ang ilang minuto ay na iakyat na nila ito,salamat sa inyo mga tol ah ni philip at sabay si philip at Omar na nag sabi,oo nga pala si Abbie hanapin nyo din na may halong pag aalala, umupo si badong at tinapik nito ang balikat ni philip wag ka na mag alala philip nakita na namin si Abbie doon banda sa paahan ng bundok nandoon si paul at tito ni omar binabantayan sya dahil maraming sugat si Abbie at wala syang malay,nagkatitigan si omar at si philip at napa iling na lang ang mga to,tara puntahan natin si Abbie nagmamadaling sabi ni omar at nakalimutan na yata ang mga sakit sa katawan,habang naglalakad ang mga magkakaibigan,ay ipinaliwag na nila kung bakit ganon ang sinapit nila sa kamay ng pterodactyl,ipinaliwanag nila na inatake sila nito,at kapwa naman nagkaintindihan si omar at philip sa pamamagitan lang ng tingin nila sa isat isa na wag muna sabihin sa mga kaibigan nila ang tungkol kay philip at sa mga nangyaring labanan ng mga kakaibang nilalang na yun,makalipas ang ilang minuto at nakarating na nga sila sa lugar kung saan nakita si Abbie na walang malay at sugatan,Tito kamusta na po si Abbie ano na pong lagay nya tanong ni omar dito,wag na kayong mag alala ito't may malay naman na sya at marami syang galos ,eh nalaglag daw kayo sabi nya napakaswerte nitong batang to , kamusta naman kayo? hindi biro ang mga gasgas nyo bilisan natin makakababa para malinisan mga sugat nyo ah na tito. sige po tugon ng mga magkakaibigan at nagsimula na nga silang bumaba para makauwi. hindi ka pala kagaanan Abbie sambit ni tom sa dalaga na naka karga sa likuran nya,at napangiti lang si Abbie,grabe sa payat mong yan may bigat ka pa pala pabirong pagkakasabi ni omar kay Abbie at nagtawanan lang sila,napaka swerte nyo at walang nangyari sa inyo masama pasingit na pagkakasabi ng tito,oo nga po eh kahit papano eh kampi parin namin any tadhana haha hirit ni omar at abot tanaw na nga nila pababa ang bahay nila badong.