Napaisip rin si Pandora sa nasambit ng kaibigan. Madalas kasing biktima ng bullying ang kaibigang si Xai noong high school sila.
Masaya sya dahil magkakasama na naman sila ngayon sa college life nila. Nang malaman nya kasi ang nangyari sa magulang ni Xai noong bata pa sila ay kinaibigan nya agad ito. Bago pa lamang sila sa village na yun at wala pa sya halos kaibigan kaya inalok nya si Xai. Agad naman itong pumayag at hanggang ngayon at magkasama parin sila kahit minsan ay nagkakatampuhan ang dalawa.
Magka edad lang rin sila ni Xai, parehong labingsiyam na taong gulang.
Mahaba ang buhok ni Pandora samantalang maikli at hanggang balikat lamang ang kay Xai. Magkapareho ng tangkad, maputi at may balingkinitang katawan.
Bagay na di nila masyadong ipinagmamalaki.
"Naku mga apo, saan ba kayo galing?" Tanong ng Lola Issa nila.
"Sa book store po, kaso nakalimutan ko po kasing magdala ng payong kaya nabasa po kami, wala rin po kaming masisilungan," paliwanag ni Dora.
"Di ba sabi ko naman sayo Xai, na lagi kang magdala ng payong?" Panenermon ng matanda habang nagtitimpla ng tsaa.
"Tsaka gabi na, anong oras na oh, alas otso na tapos basa pa kayo," dagdag pa nito.
"Sorry na po Lola, tsaka nag- iingat naman po kami. Naabutan lang po kami ng ulan sa daan lagpas na po sa karinderya kaya di kami nakasilong," giit ni Xai, na nagpupunas ng buhok.
"O, sya, sya, kumain muna kayo at ng mainitan ang katawan ninyo, ikaw naman Dora kaya mo bang umuwi? kung hindi ay pwede ka namang dumito muna, tawagan mo na lang ang magulang mo, ang lakas ng ulan sa labas, may bagyo yata eh," sambit ni lola Melissa.
"Sige po, salamat po sa inyo ah," sagot naman ni Pandora na binalingan ng tingin ang kaibigan.
Pagkatapos nilang kumain ay nagsabi si Pandora na sila na ang magliligpit at maaari ng magpahinga ang matanda.
Si Xai naman ay kumuha ng mga damit na pwedeng gamitin ni Dora.
"Ang bait talaga ng Lola mo, tsaka ang sarap nya pa magluto. Ang swerte mo talaga Xai," wika ng kaibigan nito ng iabot ni Xai ang bihisan.
"Alam mo naman, syempre mahal na mahal ako nun, tsaka tinuturing ka na rin nyang apo, maswerte tayo kasi nga mabait si Lola, minsan lang yun maging strikto lalo kung ikakasama natin," tugon ni Xai.
Pinayagan naman si Pandora ng mga magulang nito dahil sobrang lakas narin ng ulan at hangin sa labas.
Sa kwarto ni Xai natulog si Pandora, mabilis na nakatulog ito dahil sa malamig na panahon. Samantalang si Xai ay nag ayos muna ng mga gamit nya pagkatapos nito ay agad rin itong umakyat ng higaan dahil pagod narin ito.
Ala una ng magising si Lola Melissa dahil giniginaw sya sa lamig. Naisipan nyang sumilip sa kwarto ni Xai upang tingnan ang dalawa. Nakita nyang mahimbing na natutulog ang mga ito. Natutuwa syang makita ang dalawa, para silang magkapatid kung tutuusin, dahil narin sa pagiging close nito sa isa't isa.
Ngunit may lungkot parin sa loob ni Lola Melissa dahil alam nyang malapit ng umalis ang dalawang ito. Malapit na silang tumayo sa sarili nilang mga paa, yung wala masyadong gagabay sa kanila kung di mga sarili nila.
Pagkatapos niyon ay bumalik na si Lola Melissa sa kwarto nya at baka magising pa ang magkaibigan.
Kinabukasan, maagang nagising si Pandora, nakita nyang wala sa higaan si Xai kaya bumaba rin agad sya. Nakita nyang nagluluto ito, sa kabilang dako naman ay nag aayos ng mga damit ang matanda.
"Good morning Xai, good morning Lola," bati niya sa dalawa.
"Good morning din," magkasabay na tugon ng mga ito.
"Ang aga nyo naman pong magising?" Tanong ni Pandora kay Lola Melissa.
"Naku hija, sanay na kami ng kaibigan mong magising ng maaga," sagot naman nito.
"Mamaya ka na umuwi kapag medyo pataas na ang araw, dito ka na rin mag umagahan," alok pa ng matanda.
"Ay, nakakahiya naman po. Pero salamat rin po," nahihiyang sambit ni Pandora.
"Tsaka linggo naman ngayon, day off ko, magsisimba kami ni Lola, gusto mong sumama?" Singit ni Xai .
"Oh? Really? Sige, sige. Di rin kasi ako nakakasimba eh," wika nito.
Mga ilang minuto ang lumipas at handa na ang umagahan kaya kumain narin sila. Pritong itlog at hotdog pares with sinangag ang umagahan nila na sarap na sarap si Pandora. Nagbiro pa itong nasa lahi daw siguro ng mga Agustin ang pagiging chefs dahil sa sarap ng mga luto nila.
Sa katunayan ay totoo naman dahil ang mga Lolo si Xai ay mga beteranong mga chefs ng restaurant nung nabubuhay pa ang mga ito. Sumunod din sa yapak nito si Alejandro Agustin, ama ni Xai, na may mga awards sa culinary arts contests at isang senior chef ng isang company bago ito magkasakit at pumanaw.
"Naku sinabi mo pa," saad ni Lola Melissa.
Nag ng umagang iyon ay nagsimba ang maglola kasama si Pandora. Marami itong ipinagpasalamat at ipinagdasal pa na makapasa sila sa interview. Pagkatapos magsimba at dumiretso sila ng karinderya dahil dun na daw sila manananghalian at ipagluluto sila ni Lola Melissa.
Habang kumakain ay nagkuwentuhan sila sa mga bagay bagay.
"Salamat po ulit Lola, thanks besh, ang saya ng araw ko ngayon. Sana maulit pa ulit 'to," pahayag ni Pandora.
"Oo naman apo, tsaka hayaan nyo marami pang mangyayaring ganito," tugon ni Lola Melissa.
Nagpaalam narin si Pandora na uuwi na dahil baka magalit ang mga magulang nya at makatulong rin sa gawaing bahay.
Day off ni Xai kaya ng hapon ring iyon ay nagsearch sya sa internet kung ano ano ba ang mga dapat gawin kapag may interview. Nag message narin sya kay Pandora at ibinahagi rito ang mga na search.
Nalalapit na ang kanilang interview at kaunting panahon na lang ang natitira para makapaghanda at ayusin nila ang kanilang mga documents.