webnovel

SPECIAL CHAPTER

France Axle Molliñez Point of View

"Masaya kaba?"

Unang tanong ko kay Chloe nang tawagan ko sya sa bagong numero na gamit nya. We are here at the Batangas Beach. She's with Lucas but her fiancé gave us some privacy to talk.

Ngumiti sya sa akin. "Oo naman, hindi ko nga akalain na magmamahal ako ulit." Sabi nya habang tinitignan ang finger ring nya doon.

Masaya ako, para sa kanya. Kahit may parte sa akin na parang may kulang. Siguro nga, kahit kailan ay magiging duwag ako sa nararamdaman ko para sa kanya noon. Ito naba yung pagsisisi na tinatawag? Noong panahon na itinutulak ko sya palayo sa akin para hindi sya gaanong masaktan?

Nandito na kami, masaya sa kung anong meron sa amin sa buhay. Pero para akong naiiwan dahil sa paglingon sa aming nakaraan. Na hindi na kami tulad noon, tamang bar at gala lang magto-tropa. Kahit magpuyat at umuwi nang madaling araw ay ayos lang dahil wala ka pang responsibilidad. Yung nakaraan na masayang balikan, pero mukhang malabo na ulit iyon mangyari dahil may mga asawa na kami.

Bago ko ipaalam kay Chloe noon na magpapakasal ako, iyon na ang pinlano ko. Hindi ko naman akalain na mahuhulog ako sa sarili kong plano dahil nahulog si Elisha sa akin. Masyado syang mabait para saktan ko. Lahat, ginagawa nya para hindi nya ako maikulong sa kanya kapag gusto kong makipag kita kay Chloe.

Yung time na binigyan ko si Chloe ng ilang buwan para makapag bonding kami together, hindi ko gustong ipaalam pero nahuli nya ako noon.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya ng naka-ngiti sa akin. Na guilty tuloy ako bigla dahil sa maling paraan na ginawa ko.

Hinarap ko sya. "Kay Chloe lang, pwede ba na payagan mo na lang ako?" Tanong ko iyon. Pero dahil nawala ang ngiti sa mukha nya ay parang naging tunog sarkastiko sa kanya.

Lumapit sya sa akin at inayos pa ang collar ko. "Kahit kailan, hindi kita pagkakaitan para maging malaya." Mahinahon nyang sabi. "Gawin mo ang gusto mong gawin sa buhay, hindi ko kukunin ang kalayaan mo para maging masaya."

Nag iwas ako ng tingin at palihim na napalunok ng yakapin nya ako. Gusto ko na ulit makita si Chloe after a month dahil hindi na muli syang nagpakita pa sa akin. Ako na ang kumalas sa pagkakayakap nya at agad na tumalikod.

Hindi ito yung ginusto ko. Pero ito yung naging kinalabasan dahil sa sarili kong plano. Sana pala ay nagpatulong ako kay Chloe para matulungan nya ako sa pag pressure nang magulang ko na pakasalan sya. Sana pala ay madali lang syang saktan, pero masyado syang mabait para gawin ko iyon.

Panigurado ay ako din ang malalagot sa magulang nya kapag nangyari iyon.

I failed her, I failed to protect Chloe because of my stupid plan. Nasasaktan ako kapag naririnig ko syang umiiyak ng dahil sa akin. Nag plano akong mag bakasyon kasama sya para sana maipaliwanag ko ang lahat. Pero ang nangyari, mas lalo lang syang nasaktan nang pinilit kong maging manhid sa nararamdaman nya para sa akin.

Chloe doesn't deserve me, she deserve someone and better than me. Iyong lalaki na nandyan palagi kahit hindi pinapakita o pinaparamdam na nandyan lang sya. Iyong lalaki na tahimik lang pero palihim syang binabantayan.

Alam ko na talaga kung kanino ko sya itutulak. Panigurado naman mahuhulog din ang loob nya doon. Ayoko lang talaga na kapag pinili ko sya ay may isa naman akong masasaktan.

"Sino ba talaga sa dalawa ang pinili mo?" Tanong ni Lexord sa akin kasama si Israel. Nasa Bar kami ngayon nag-iinom.

Hindi ko napigilan ang init sa sulok nang mata ko. Ang tagal ko nang kinikimkim yung sakit na nararamdaman ko noon pa man. Kung nag isip lang ako ng mabuti, hindi mangyayari iyong ganito.

"Hindi ko alam, ipit na ipit na ako." Iyak ko sa kanila. Hanggang ngayon, kahit ilang buwan na lang ay ikakasal na ako, hindi ko pa din mahanap yung saya sa akin.

"Choose wisely. Dalawang mabait na babae ang importante sa buhay mo. Pero kapag magmamahal ka, dapat isa lang. May tao ka talagang masasaktan because if your stupidity plan. It's either Chloe, your best friend or the other girl." Sambit ni Israel sa akin habang pinaglalaruan lang ang alak sa kamay nya.

"So hard bro, hayaan mo, maiintindihan ka naman ng dalawa kapag may pinili ka isa sa kanila. Pati, mababait naman iyong mga yon. Mas mahirapan ka kapag laban sa masama vs mabait. Kaya mo yan, ikaw paba? Magpaka totoo ka lang sa sarili mo, malalagpasan mo din ito." Payo naman ni Lexord at nagsalin ng alak sa baso bago ito ininom.

Choose wisely. Iyon ang sabi nila pero hirap na hirap pa din ako. Nalaman ko na lang ang ginagawa ko kay Chloe na ipinagtutulakan ko na sya sa iba. Sigurado ako, sasaluhin naman sya noon. Misteryoso nga lang pero alam ko na may kabaitan sya at mapagmahal. Kung wala naman syang gusto dito sa best friend ko ay hindi ko na mahuhuli ang pag galaw ng cctv dito sa hotel para mang hack ng mga system.

Na trauma sya sakin. Dama ko yung takot nya nang pumunta ulit ako. Hindi ko alam ang gagawin dahil sa ginawa ko ay parang nasira na din ang relasyon namin bilang kaibigan. Ang dami ko nang mali, halos hindi ko na kayanin yung sakit at gabi gabi umiinom dahil sa problema na dinadala ko.

Palagi akong nahuhuli ni Elisha na umiinom, pero kahit kailan ay hindi sya nagalit o nang kwestyon kung ano bang problema. Ang bait din kasi nito tulad ni Chloe e. Bakit ba kasi pumayag sya na magpakasal sa akin, alam ko na alam na nya ang background ko ay involved si Chloe doon kasama ang dalawang bestfriend ko. Hindi ko alam kung bakit ginagawa pa nya ito.

"Chloe." Untag ko habang nakapikit. Nakikita ko si Chloe na pinupunasan ako, sana ganito na lang palagi.

Bumangon ako sa kama at rinig ko ang pagreklamp nya sa akin. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya bago haplusin iyon. "I missed you so much, Chloe."

"I'm sorry, hindi ako si Chloe. Next time, I let you talk to her para maayos mo na yung ginawa mong kasalanan sa kanya." Tila natauhan ako ng mag seryoso ang boses nya. Napakurap ako ng dalawang beses ng makitang si Elisha pala ang kaharap ko.

Gusto nya pang hingiin ang numero nya pero inilayo ko ang cellphone ko. "Wala kang karapatan mangielam ng gamit ko. We were going to get married. Pero sa papel lang, wag ka nang mangarap na papakasalan kita ng totoo."

Kumunot ang noo nya. "Hindi iyon ang gusto kong marinig. Alam ko na hindi mo ako mahal kaya mo ginagawa ito."

Natawa ako ng sarkastiko, tila kinain ako ng systema dahil sa alak. "Kung ganon bakit nandito kapa din? Nananatili kapa rin sa pamamahay ko kung alam mo na pala ang totoo?"

Galit ako. Nararamdaman ko ang pag init ng katawan ko sa galit. Hindi ko sya dapat sisihin dito pero kung hindi lang naman dahil sa pamilya nya ay masaya ako at walang pinoproblema kundi ang mga tropa ko lang.

Hindi sya sumagot at tumungo lang. Wala akong maramdaman na kahit ano. Ang gusto ko lang ay masaktan sya sa mga salita ko. Baka sakaling matauhan sya kapag iyon ang ginawa ko.

Bakit ba mas gusto nilang masaktan sila bago matauhan? Hindi ba sila nahihiya sa mga sarili nila? Gusto ko na lang matapos to. Ako ang naiipit dahil sa negosyo na yan. Imbis na masaya ako, nahihirapan ako.

"Kahit saktan mo ako ng paulit ulit. Nandito lang ako para buuin at intindihin ka ulit." Tumulo ang luha nya mula sa pisngi bago ako iwan sa kwarto ko.

Hindi ko kailangan nang ibang tao para mabuo ulit ako. Iyon ang gusto mong sabihin sa kanya pero umalis na sya. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa taong nasasaktan ko at nadadamay sa problema ko.

Hindi ko deserve to. Wala dapat may pakielam sa akin. Sino ba naman ako para bigyan ng pagmamahal ng isang tao, na walang ginawa kundi ang intindihin ako? Ang sarap nilang itulak palayo sa akin para hindi na sila nahihirapan pa sa magulo kong mundo.

"I'm finally getting married." Tila natauhan ako nang magsalita si Chloe habang nakatanaw kami sa dagat.

"Congratulations!" Masayang bati ko sa kanya. Mabuti pa sya, totoong ikakasal at sa taong mahal nya pa.

"Thank you. Nga pala, kamusta na kayo ng asawa mo?" Tanong nya bigla na nagpawala nang kaunting ngiti sa akin.

"Ok naman kami, masaya. Kayo ba?" Sambit ko. Mukhang naniwala naman sya sa sinabi ko kahit alam ko sa sarili ko na hindi iyon totoo.

"We are finally free. Having a freedom is the feeling at peace. Magagawa mo na ang gusto mong gawin nang walang iniisip kundi kayo at ang anak niyo lang." Naka ngiting nyang sambit sa akin. "Kaya salamat France, sa lahat ng masasakit noon na ginawa mo, naging worth it. Yung akala ko noong wala na akong pag asa na magmahal ulit dahil masasaktan ko lang, naging ganito ang kapalit. At kung tatanungin ako kung babalikan ko ang nakaraan.. " Pinutol nya ang sinabi nya at binigyan ako ng totoong ngiti. Ang ngiti nyang masaya at natagumpay sa pangarap.

"Oo, titiisin ko ang lahat ng sakit ng 'yon kung sya naman ang mamahalin ko sa huli. Lahat, worth it. Sobrang saya, kakaiba yung saya kapag nakita mo na yung taong mahal mo na makakasama mo habang buhay kasama ang anak namin." Dugtong pa nya.

Marami syang sinabi, na nagpa realize sa akin ng tama at mali. Kung ako ang pababalikin noon, sya ang pipiliin ko. Pero ngayong masaya na sya sa kamay ni Lucas. Ayokong maging selfish, at ipapaubaya ko sa kanya. Lahat nang kasiyahan nya, ay kasiyahan ko na rin. Kahit may pagsisisi ako sa huli, kung makikita ko naman na ang dating nasasaktan para sa akin ay masaya na sa iba.. Wala na akong maihihiling pa.

Kundi ayusin din ang problema namin ng asawa ako, at matutunan syang mahalin ng walang kapalit. Na hindi pa huli ang lahat para magbago. Na imbis na ipagtulakan sya palayo sa akin ay mahalin na lang sya tulad ng ginagawa nya sa akin. Alam ko na mahirap, pero pinasok ko na ito. Hindi ko na maibabalik pa ang dati para baguhin ang mga nakatadhana sa amin. Tinanggap ko na din ang mga payo ni Chloe sa akin tungkol kay Elisha dahil sa pag uusap nila noon bago mami ikasal.

"Salamat sa lahat, sa ilang taong pagka-kaibigan. Hanggang sa muli at maging masaya sana kayo. Stay strong Chloe and Congratulations to your soonest wedding." Tinanggap ko ang invitation nya, nagyakapan lang kami saglit bago magpaalam sa isa't isa.

Hindi ka man naging akin, ay naging masaya ka naman para sa kanya. Kahit hanggang doon na lang, matanaw ka na kasama sya.. Ay masaya na ako. Unti unti na syang lumalayo at nakita kong kumaway na sa kanya ang asawa at anak nya.

"I loved you." Bulong ko sa hangin at ngumiti ng mapait. Bago ako umalis doon.

I'll be starting over again.

◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇

A/N: Thank You Guys! So much for reading these stories of mine. And also for the silent readers! I appreciate your. time and effort just to read this! Mwaa, See you Soon in my last series 6! Mwa (*´▽`)ノノ