webnovel

Chapter 22

Parang may bumara sa lalamunan ko at hirap magsalita. Nararamdaman ko din ang bilis ng tibok ng puso ko ng dahil sa kanyang tanong.

"Napano kana? Ang dali nang tanong ko, Chloe." Pagsasalita nya ulit habang nag fo-floating kami ng mabagal.

Para sa kanya, madali lang. Pero para sa akin ay hindi. Minsan nga naiinis na lang ako sa sarili ko at sa kanya dahil alam naman namin pareho kung ano ang nararamdaman ko sa kanya.

"A-ano ba, sinasadya mo ba to?" Hindi ko naiwasan ang pagiging sarkastiko nang magsalita na ako.

"Ang alin?" Inosenteng tanong nya sa akin.

Napa alis ako sa pag fo-floating at hinampas ang tubig sa kanya dahil sa inis. Hindi ba nya talaga alam o nagpapanggap siyang manhid dito?!

"Ikaw." Pag-amin ko kahit inis na inis na ako sa loob loob ko at gusto na namang maiyak dahil sa sakit na ipinaparamdam nya.

Napakunot pa ang noo nya bago nagulat sa sinabi ko. Gustong gusto nyang magsalita pero walang lumabas doon sa bibig nya. Umalis na din sya sa pag fo-floating ng hinampas ko ang tubig dahil sa kanya.

"Chloe, ang tinatanong ko ay yung bago. Hindi ako." Mahinahon na sabi nya at dahan dahan na lumapit sa akin.

Sinubukan ko syang layuan at nagpakawala ng hangin bago pumikit. Pinapakalma ko ang sarili ko dahil ayoko din matapos ang oras na ito na magkasama kami ng dahil sa akin.

"Wala." Ikaw pa din.

Katahimikan ang sumunod na nangyari. Nakita kong napatungo sya kaya gusto kong matawa. Ako ang nag suggest, pero ako pa din ang kailangan mag adjust para maipagpatuloy itong tanong na to.

Gustong gusto ko na syang tanungin kaya tumikhim ako upang makuha ang atensyon nya at tumingin naman sya sa akin.

"Ikaw ba, kailan pa kayo nagkakilala nung.. E-Elisha?" Nanginginig na sabi ko at pinipigilan ang emosyon ko.

"Since 1 year. We're both a teammates in missions. By the way, pwede ko ba i-kwento?" Nag aalinlangan na tanong nya sa akin.

Missions... So marami at matagal na din pala silang magkasama? At hindi ko alam? Napakahirap naman tanggapin na kailangan nyang itago sa akin ang pangyayari na iyon sa buhay nya. Pero sino nga ba ako at kailangan pang alamin kung sino ang bago niyang makikilala? Kaibigan lang naman ako.

Umiling ako sa kanya at pinatunayan na isang tanong at isang sagot lang kami dito. Hindi ko kaya marinig ang kwento nilang dalawa, masyadong masakit para sa akin.

"Do you have a plan to move on from me?" Deretsahang sagot nya kaya napatingin ako sa kanya.

I saw his eyes are full of hope.

"Bakit? Nasasaktan kana ba para sakin?" Seryosong tanong ko at tinignan sya sa mga mata nya. "Hayaan mo, kahit hindi ko kaya, pipilitin ko. Para hindi mo na maramdaman yung guilt dyan sa puso mo."

"Chloe, hindi sa ganoon-"

"Pero iyon ang gusto mong makuha mo na sagot ko diba?!" Sigaw ko sa kanya. "Dahil alam mo na may gusto ako sa'yo! Sobrang tagal na! Hindi lang ikaw ang nahihirapan dito, France. Ako din." Pinunasan ko ang tumulung luha ko.

"I'm so sorry, for being insensitive-"

"Mabuti at alam mo!" Pagputol ko sa sinabi nya. "Hayaan mo, hintayin mo na lang yung araw na move on na ako sa'yo. Hindi ko rin naman ginusto to e. Pareho lang tayo ang nahihirapan dito kaya sana naiintindihan mo kung ano ang ibig kong sabihin. And know how to use the word 'limit'. It's not just for me. It's for yourself too."

Nagulat ako nang lumapit sya sa akin ng mabilis at niyakap ako. Ramdam ko ang panginginig nang katawan nya. Napasinghap ako ng marinig ko ang mahinang iyak nya habang mahigpit na nakayakap sa akin.

"I'm so- sorry." He sobbed shakingly. "I didn't mean to hurt you, C-Chloe. Please forgive me, You really don't deserve a boy like me. And I'm so-sorry that I like you.. but for being a sister and friend to me."

Halos manghina ako sa narinig ko. Napatango na lang ako sa sarili at tinutulak sya palayo sa akin. Alam ko na marami pa syang gustong sabihin sa akin pero ayoko nang marinig pa ang sasabihin nya. Iniwan ko sya doon at umahon ako pero naramdaman ko na lang na naka sunod lang sya sa akin.

"Chloe-"

"Dahil ba kay Elisha?" Humarap ako sa kanya at nakita ko na napatigil sya kaya napangiti ako sa sarili ko.

Kailangan ko naba maging proud sa sarili ko at nahulaan ko? Ano paba ang paraan para tanggihan nya ako?

"Ayos lang france." Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

"A-ano?" Naguguluhang sambit nya habang nakatingin sa akin.

"I'm so-sorry too." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya. "Please stopped the plan you're talking about, I'm not going with you."

Nakita ko ang pagtanggi sa mata nya pero hindi ko na talaga kaya ang mga ibinibigay nyang sakit sa akin. Tumalikod na ako sa kanya at kinuha ang mga gamit ko bago dali daling umalis doon. Umiyak ako ng umiyak habang naglalakad pabalik ng kwarto, nagpapasalamat at nagdilim na kaya hindi ako makikita nang ibang tao.

Akala ko, kapag nagkasama kami ulit ay walang mangyayaring ganito. Akala ko, kapag sumama ako sa kanya ay magiging masaya ako. Ngunit nagkamali ako sa isip ko na iyon dahil ngayon, parang ang hirap na nyang tingnan ulit sa mga mata nang hindi ako nasasaktan.

Dahil sa sitwasyon ko ngayon ay parang mas natakot na akong magmahal ng iba. Hindi ko na alam kung saan pa patutunguhan ang pagiging tanga ko sa kanya. Kahit sabihin pa ng iba na hindi kami pwede ay gusto ko pa rin na ipagpilitan iyon dahil gusto ko sya.

Ngayon na nasasaktan ako, doon ko lang naramdaman ang pagod ng maka upo ako sa sahig ng kwarto ako at doon umiyak. Mas gugustuhin ko na lang sana na naging manhid ako kaysa masaktan sa mismong kaibigan ko.

I wanted to give up but my heart keeps saying 'don't give up.' I really don't know what to do. I am not being myself when I am with him. All he wanted to do is to hurt me and destroy me. It sucks when you fall in love with your best friend.