webnovel

Chapter 14

"I really can't believe after a year, they're finally together. Hope they're happy and contented now." Ngiti ni Tita Alyanzra sa lahat ng bisita na nasa harap niya.

Binigay na ni Tita sa emcee ang mic at nagpalakpakan naman ang lahat. Hanggang sa tinawag na rin sina France at Elisha na parehong nakangiti.

Halos wala na akong narinig simula umpisa hanggang sa matapos ang speech ay nakatulala lang ako sa dalawa. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko kaya ininom ko ang tubig na nasa lamesa at inubos iyon ng deretso.

Nararamdaman ko na gustong humingi ng tawad no Krisha sa sinabi nya pero nginitian ko na lamang sya.

"Restroom lang." Dali dali akong tumayo para wala na silang masabi pa. Tuloy tuloy akong naglakad ng may bigat sa dibdib hanggang sa makarating ako ng cr ay pumasok ako doon at ini-lock ang pinto.

Tinignan ko ang itsura sa salamin at kitang kita ang pamumula ng mata ko dahil sa pagpipigil emosyon ko. Hinihingal akong pinunasan ang tumulong luha sa dalawang mata ko.

"I shouldn't be like this." Bulong ko sa sarili ko. "I'm no interested with love, this is impossible."

Namumuo ang inggit, selos at sakit na nararamdaman ko. Napatakip ako sa bibig ko nang marinig ang sarili kong hikbi at napa upo sa sahig ng malawak na cr.

"Chloe, you're here!" Tumakbo si France sa akin at agad ako sinalubong ng kanyang matamis na ngiti at yakap.

"Yes, I'm here na. You're not alone now." Yakap ko sa kanya pabalik.

"I hope, I'll forget her now. Because you're here, you will never leave me again right?" Seryosong sambit nya at nakita ko sa mata nyang umaasa sa isasagot ko.

"Of course not." Ngiting sambit ko at napatalon naman sya sa tuwa.

"Thank you Chloe, kaya sa'yo ako e." Nag fist bump pa kami at tumatawa dahil sa ginawa.

"Suss, sana nga sa akin kana lang nahulog." Pagbibiro ko sa kanya at inirapan naman ako.

"Wag ka ngang magbiro, hindi bagay!" Napipikon na sabi nya at tinawanan ko na lamang sya sa epic nyang itsura.

May sasabihin pa sana ako ng bigla siyang sumeryoso kaya kinabahan naman ako.

"M-may sasabihin kaba?" Utal kong tanong at pilit na itinatago ang kaba.

"Can you help me to fix myself?"

Yes. I agreed to him cause I like him 3 yrs ago. Napaiyak muli nang maalala iyon, naging malambing sya sa akin at palagi din akong sinusundan kung saan ako mag punta.

Hanggang sa nakasanayan ko na at nag bago din sya bigla. Naging clingy at mas naging jolly, 'yun lang ay masikreto na tao. Magaling magpanggap na hindi nasasaktan. Sa tatlong taon na pagsasama namin, ni isa ay hindi man lang sya nagsabi na may natitipuhan na siya.

Nasasaktan ako para doon. Alam ko na hindi dapat lahat ay alam ko. Pero kaibigan pa din naman nya ako kahit na anong mangyari.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Handang tanggapin ang kapalaran ko. Inayos ko ulit ang sarili ko bago lumabas nang walang nangyari.

"Tagal mo naman sa cr, ihing ihi na ako." Simangot ni Xian.

"Pasensya na." Tinapik ko sya sa balikat at nilagpasan sya.

Nakita kong nagtatawanan na sila doon at binatukan ni France si Lexord.

"Bobo mo! Bakit ka kasi nag order pa ng pagkain galing jollibee kung may handaan na dito?!" Tawang tawa si Krisha at tinuturo pa si Lexord na namumula sa kahihiyan.

"H-hindi naman dapat dito yung a-address" Utal na sabi niya.

"Ano 'yon nagkamali ka lang?" Sarkastikong sambit ng kaibigan ko at tinusok ang manok bago kainin.

Tumigil sila nang dumating ako. Biglaang tumahimik kaya tinignan ko sila ng pagtataka.

"Ok kana ba?" Seryosong sambit ni Krisha, tumango naman ako.

"Anong ok? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni France at lumapit pa sakin para kapain ang noo ko.

"Hindi ka naman mainit. Anong nararamdaman mo?" Para siyang doktor kung mag tanong. Pero alam ko na hindi iyon ang kinuhang kurso nya noon dahil gusto na lang niya maging chef.

"Wala, ok lang ako. Congratulations nga pala." Hindi ko alam kung sarkastiko ba ang naging dating o hindi.

"Salamat. And sorry for not telling you. I just want to surprise you. Enjoy kayo ha." Pagmamadali nya ng tawagin na sya nung babae.

Kumain na lang ako nang magsimula ng mag party ang mga teen age girls at ang ibang mga 20's sa dance floor. Pinapanood ko sila habang kumakain kahit na wala akong gana.

Matapos ay itinuon ko nalang ang atensyon ko sa kanilang dalawa. Nakita ko pa na nagtatawanan sila habang magkayakapan. Napangiti ako ng makita na nagiging childish na din sya kay Elisha.

Sumakit lang ang puso ko nang patuloy ko pa din sila pinapanood. Hindi ko malaman ang gagawin ko dahil hindi ko man lang mapagtuonan ng pansin ang kasama ko.

Biglang may tumakip sa mata ko kasabay nang pagtulo ng luha ko. I can smell his manly scent and it was familiar to me. Kaya alam na alam ko kung sino siya.

Hinigit nya ako patayo at hinayaan ko na lang sya na gawin niya iyon hanggang sa makarating kami sa garden at pinaupo ako sa swing.

"Are you okay?" Kinuha nya ang panyo niya at dahan dahan na pinunasan ang luha ko.

Hindi ko alam kung bakit nandito siya, invited din siguro pero hindi ko nalang din naitanong dahil sa nararamdaman ko.

"I'm hurt." Pag-amin ko. Bakit ba ang malas ko? Akala ko hindi na ako iiyak.

"Please don't cry, I hate seeing women crying in front of me." Kitang kita ko ang pag-aalala sa mata niya at parang gusto nang patigilin sa pag tulo ang luha ko pero hindi ko ginawa.

Mas lumakas ang iyak ko nang yakapin nya ako at pilit pinapatahan. "It hurts. I don't like this feeling."

"It's okay, I know you like him. It's normal to cry, but please not in this cheap place." Inis na sambit nya habang inaayos ang nagulo kong buhok.

"I don't know what to do." Sabi ko at tinignan sya.

Nakita ko ang sakit na dumaan sa mata nya kaya napakurap ako. Inalis ko agad iyon sa isip ko at tumingala sa kalangitan.

"Move on to him. You're a woman, you should know what your limitation is. And your place in his life also."

"I think.. I can't-"

"Oh stop that word can't," He cut me off. "I know you can, you're just hurt Chloe. That dude show motivations on you that's why your hope are high now."

"Should I stop?" Bulong ko sa sarili ko nang magsalita siya ulit.

"Now stop crying like a baby, that man doesn't deserve your tears. I know you're more better person, I knew."

。・:*:・゚★,。・:*:・゚☆。・:*:・゚★,。・:*:・゚☆