webnovel

All The Love in the World (TAGLISH)

Ano nga ba ang Love? May pagmamahal sa magulang, pagmamahal sa kaibigan, pagmamahal sa alagang hayop at maski sa mga personal na bagay ay nagagawa nating mahalin. Pero para kay Laurah, isang babaeng naibibigay ang lahat ng luho ay wala ni isang pagmamahal na nakuha. Mukhang impossible pero possible. Lumaki siyang walang ina at malayo naman ang loob sakanyang ama. Uhaw man sa pagmamahal ay nagawa niyang mabuhay mag isa. Hanggang sa makilala niya ang mga taong nagpabago ng kanyang buhay pero lahat ng magagandang bagay ay mayroon ring katapusan, nagkaroon ng hindi inaasahang trahedya at naiwan na naman siyang mag isa. Ang akala niyang mga kaibigang pang habang buhay ay pansamantala lang pala. Dahil sa utos ng kanyang ama ay napilitan siyang mag-aral sa isang sikat na paaralan sa loob at labas ng bansa. Labag man sa loob pero tinanggap niya ito.Pero lingid sa kanyang kaalaman ay doon muli magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Lahat ng mga akala niyang tama ay mali pala. Ang akala niyang pamilyang tapat sakanya ay may nililihim pala sakanya? Ang mga hindi niya inakalang magiging kaibigan ay pamilya pa ang turing sakanya. But how will love reach her cold heart when she is trying hard to avoid it. Kahit man lamang ang maging masaya ay ipinagkakait niya sa kanyang sarili? NOTE: Original story of ko po ito. (MAESTRAC). Hope you enjoy. Cherish those who around you no matter they are families or your friends. Don’t leave any regrets behind.

THEODDGIRL · Tổng hợp
Không đủ số lượng người đọc
8 Chs

KABANATA 2

Rica //

Woah! Ang ganda ng umaga! Thursday na! Malapit na!

Isang araw nalang Friday na tapos Sabado na! Naks! Makakapahinga na naman ang President/alalay ng VM academy! Akala ko kapag naging President ka ng Council hayahay ang buhay pero sa totoo para akong alalay. Oo pero sige na nga, masaya naman.

Nag unat unat ako ng braso tapos nag jumping jack ng limang beses.

Hindi ko kaya ang madami. Nakakapagod.

Sumipa rin ako sa ere at sumigaw sa veranda. Kitang kita ko tuloy ang magandang view ng garden.

"Wow! ganda ata ng gising ng President ah? Masyadong energetic eh" Lumapit si Claire sa tabi ko at nakistretch na rin.

" Kasi may mga darating na transferees ngayon. Tingin ko dalawa sila sabi ni Chairman" sagot ko ng magliwanag ang mata niya.

"Really? So ibig sabihin magkakaroon na tayo ng room mate?! as in?" Natawa ako sa tinuran niya kaya ginulo ko ang buhok niya.

Matagal tagal na rin kasi simula ng magkaroon kami ng roommate's. Kaya naman maintindihan ko kung gaano kaexited itong si Claire pero hindi ko rin naman alam kung sa amin mapupunta ang mga bagong dating.

"Claire hindi natin alam kung dito ba sila sa atin mapupunta. Bukod pa doon VIP sila Claire! VIP! Akalain mo yun! kyaaahhh! Diyan ka lang at maliligo na ako. Darating daw yung isa mamayang 6:30 kaya maghahanda na ako!" Nag apir kaming dalawa saka ako nagmamadaling bumalik sa kwarto at pumasok sa banyo saka nag shower.

5:30 pa lamang ng umaga at dahil mabilis naman akong maligo walang problema yon.

Pagkatapos maligo ay sinuot ko ang uniform ng academy dahil may pasok pa rin naman kami ngayon. Actually kakasimula lang ng klase last monday kaya hindi naman malalate sa activities at studies ang mga transferees namin.

Nilagay ko rin ang pin sa right vest ko na nagsasabing ako ang President ng Student Council ng paaralang ito.

Nang maayos na ang lahat ay taas noo akong lumabas ng aming dorm at dumiretso ng admin kung saan doon ko susunduin ang unang transferee kasama ang Chairman.

"Goodmorning Chairman" Bati ko sakanya sabay ngiti.

"Ms. Valdez, good thing your not late." Nag bow ako saka muling ngumiti sa Chairman. Agad k rin siyang tinabihan kasama ang mga stock holders?!

Wait hold on. Bakit andito rin sila? Akala ko kami lang ni Chairman ang susundo? Well dapat nga kami ng Dean ang susundo pero dahil sa isang importanteng meeting napilitan na si Chairman ang sumundo.

"Uhm Chairman bakit pati mga stockholders nandito? Hindi naman po sa nang aano hehe"

Hindi ko sila naiwasang maituro. Shit!Minsan lang kasi magpakita ang mga yan.

"We have a special guest right now so treat her right ok? Our school's legacy depend on how you treat this girl" Aniya saka niya ako kinindatan.

Bigla akong na curious.

"Sir may I ask kung sino po ba yung transferee? I heard from you she's a VIP?" Nagtataka kong tanong sakanya pero hindi na niya ako nasagot dahil dumating na ang hinihintay namin. Hmmm they're punctual.

Isang Black Ferrari ang nagpakaba sa aking dibdib at pumarada sa mismong harap namin.

Nag kanda ugaga naman ang mga stockholders at nagsipag unanan pa nilang buksan ang pinto ng sasakyan pero naunahan sila ng lalaking driver ng sasakyan. Hmmm may nasesense ako sa driver na ito. May something sakanya.

Shit! Kinakabahan ako. Ano kayang itsura niya?

Gumilid ang mga stockholders at sakto namang nabuksan ang pinto ng sasakyan at iniluwa nito ang isang babaeng.

Eh? Siya na to?!

"Goodmorning Miss Morris and welcome to the academy" Nakangiting pagsalubong sakanya ni Chairman saka inabot ang kamay nito pero hindi niya kinuha. Tinitigan lang niya ito at maya maya ay inilibot niya ang paningin sa paligid.

Bored ang itsura niya at parang gusto ng matulog. Puyat ba siya o ganito talaga siya?

Wala siyang emosyon na nagmamasamid sa paligid ng magtama ang paningin namin. Nginitian ko siya na may kasamang kaway ng irapan niya ako.

The eff?! Anong ginawa ko sakanya?! Ang taray ah!

Oo maganda siya. In fact sobrang ganda niya. Ang tangos ng ilong niya at ang pula ng manipis niyang labi. Ang kinis rin ng balat niya na parang kagagaling lang sa tan. Nag pa spa pa ata to bago pumunta. Shocks! Girl crush! Pwedeng pwede siyang isali sa Drama Club namin kung sakali. Baka hilain rin siya ng Modelling Club. Shemz bakit ang ganda niya? Ang kanyang mga mata na bored tignan pero teka? Ako lang bs to o parang ang daming emosyong makikita sa mata niya?

Umiling iling ako at muli siyang pinagmasdan.

Ang kintab ng kulay itim niyang buhok na abot hanggang balikat kaso yung pananamit niya hindi pang mayaman. Yung hindi ka mapapawoah! Who's that girl?

Mapapa ahh shit ang ganda niya pero bakit ganyan ang pormahan niya.

Nakasuot lang kasi siya ng sweatshirt na medyo kumukupas na ang kulay tapos three fourths na pantalon tapos air max. Ang korni ng pormahan niya. Nahila bigla yung ganda niya.

"Kamusta naman ang naging byahe mo iha?" Tanong ni Sir Luigi. Isa sa mga stockholders.

Kinamayan naman silang lahat ng driver nung babae at pati narin ang Chairman. Mukhang close sila ah?

"Ayos naman po ang aming biyahe Chairman, nakatulog nga po sa biyahe si CL haha" natatawang sagot ng driver.

"Hey I did not" Wala sa mood namang sagot ng babae na CL pala ang pangalan ng magtawanan silang lahat maski si Chairman.

Close talaga sila?

"Si Sebastian? Kamusta na?"

"Ayos naman po si Sir Sebastian Chairmsn. Kaso hindi siya makapunta dito dahil sa business, alam niyo naman po siya"

Nakita kong napairap ng mata si CL at parang nawawalan na siya ng pasensya. Nakakrus ang mga braso niya maski ang kanyang mga paa.

"Aw that's fine. As long as andito na ang kanyang prinsesa. Namiss ka namin iha at ang tagal ka naming hinintay dito" lumapit ang Chairman sakanya at hinawakan sa balikat pero nginiwian lang siya nito.

"Tss hindi ko kayo namiss as if" Napaikot na naman siya ng mata. Again nagtawanan na naman silang lahat.

Natigilan rin ako ng niyakap siya ng mga stockholders at lalo na si Chairman na akala mo anak niya si CL.

"You grew up beautifully"

"Kamukha mo ang mommy mo CL, I bet she's proud of you now even though she's gone"

"If you need any help don't hesitate to call me okay?"

"That car is sick! Is that yours?"

"Kaya mo pa bang makipaglaban sa akin? Baka naman sa next sparring natin matalo ka na? Haha"

"Tch asa ka naman! Keep Dreaming"

"Aahahahahahahaha"

"We missed you little girl"

"Urgh! I'm not little anymore at hindi ko kayo namiss"

"Haha little ka pa para sa paningin namin!"

"Tch"

"Pwede pa tigil tigilan mo ang pag irap? Hala ka kapag hindi na bumalik sa dati yang mata mo hindi kita tutulungan haha"

"Ahahahahahahaha"

"Ugh! Marcus ilayo mo nga sa akin ang mga yan!"

Mukha ngang malapit siya sa mga stockholders ng academy. Lihim akong napangiti. Hindi siya totally naiwan, kasi ako si tita lang ang kasama ko dito. Ang pamilya ko halos ilang buwan ko nang hindi nakakasama. Bigla ko tuloy silang namiss.

Maya maya hinila ako ni Chairman saka ipinakilala kay CL.

"Boys stop teasing her. Let me borrow our little girl for a moment okay?" Nang aasar na tugon ni Chairman. Lalong sumama ang tingin ni CL.

"Awwww so sad!"

Nang makalapit ako sakanya. Bigla akong nalula sa tangkad niya. Oo matangkad rin naman ako pero mas siya. Nasa balikat niya lang ako.

Nakita ko pang tinignan niya ako mula ulo hanggang paa ng mata lang ang gumagalaw. Wew!

"CL ito nga pala si Rica. The Student Council President and your new roommate. Be good to her ok? And enough with the rough attitude. Mabait yang si Rica kahit mukhang masungit haha" nakapatong ang kamay ni Chairman sa balikat ko pati kay CL na bored parin ang itsura.

Wala sa mood si ate girl. Ni hindi na nga ako tinapunan pa ng tingin pagkatapos akong maipakilala sakanya eh.

Nag usap usap pa sila kaunti kaya naman bigla akong na out of place. Hindi ko naman alam na ganito pala ka special si ate girl.

"Later pumunta ka sa dining hall at tumabi ka sa amin" Ani Chairman na ang tingin at nakay CL na walang pakialam.

"There's no need for that, I can handle myself" sagot naman ni CL sabay humikab. Ngumiti sakanya ang Chairman at ginulo ang kanyang buhok ng galit na umungol si CL sabay sinamaan ng tingin ang Chairman.

Wow!

"Hahaha you haven't changed. Sige We'll go ahead okay? Rica hmm si CL ah? Marcus mauna na kami"

Nagpaalam na ang mga stockholders kasama si Chairman. Mahigpit pa nilang niyakap si CL na wala namang ginawa kundi itulak sila.

Maya maya lang ay kaming tatlo na ang naiwan.

"Miss Rica saan pala ang dorm niyo?" Tanong sa akin ng driver kaya naman itinuro ko ang building na kulay peach.

"Doon po manong. Ihatid ko na po kayo doon. Magpapatawag ako ng g----

"You can call me Marcus Miss and no need to do that Miss. May sasakyan tayo"

aheheehh oo nga noh.

"Tch"

"Ahhh oo nga po no? Ehehe"

Sumakay ako sa sasakyan nila saka hinatid sila sa dorm. Alas syete na ng umaga kaya naman may mga umaaligid ng mga estudyante.

Pagkaparada ng sasakyan ay hindi naiwasan ang mga titig ng mga kapwa mo estudyante. Anong bago doon? Uso yan dito. Nang makarating kami sa labas ng dorm ay tumawag ako ng room service para dalhin ang mga maleta ni CL na pagkarami rami. Jusku Lord! Hinakot na ata niya ang buong bahay niya.

Nang dito ako nag aral dalawa lang maleta ko pero siya Lima!

"Paano ba yan young lady sayonara haha,maghihiwalay na naman tayo" kinukuha ko ang maleta sa trunk ng sasakyan na hindi ko alam kung paano nagkasya ang limang maleta ng marinig ko ang farewell message nila. Hays brings back memories. Dumaan din ako sa ganyan CL wag kang mag alala.

"Tch umalis ka na. Bantayan mo si Daddy. Wag mong hayaang magkaanak sila ng bruhang yun"

Okay. Magkaiba nga kami ng farewell message. Ako halos umiyak pero siya pinapalayas na ang naghatid sakanya.

"Haha oo naman po. Lagi ko silang iistorbohin tuwing gabi para hindi sila makagawa ng anak ahaha"

"Very good. May bonus ka sa kambal dahil diyan. Aalis na ako at mag ingat ka sa byahe"

"Lalo na po kayo. Hindi niyo kilala ang mga ta---

"Oo na oo na. Alis ka na,matrapick ka pa sa daan" Gusto kong matawa kasi tinataboy na niya talaga si Marcus gamit ang senyas sa kamay niya.

"Haha young lady?"

"Oh?" Nakakunot na ang noo niya.

"Mamimiss ko na naman kayo. Lagi nalang kayong umaalis"

"Tch ang drama mo naman Marcus. Tigil tigilan mo na ang panunuod ng nga drama kasi nahihila ka na. Hindi mo bagay! Alis na!" Tinapik ni CL ang balikat ni Marcus at kumaway ng nakasimangot. Hindi ba uso ang ngumiti sakanya.

Pero yiiieeehh. Ang sweet.

Nang makuha lahat ng mga maleta ay pinabuhat ko ang mga maleta sa mga room service para dalhin sa kwarto namin.

Nauna ring pumasok si CL ng hindi man lang ako hinintay.

"Miss Rica!"

"Mmm?"

"Kayo na po bahala kay CL ah? hindi yan mataray. Nireregla lang po kasi yan haha" Aniya sabay tawa. Pati ako natawa na rin.

"Haha oo ako po bahala sakanya. Sige po, ingat po kayo sa biyahe"

Kinawayan ko siya hanggang sa makaalis ang sasakyan. Pero may napansin ako kay Marcus, parang ang lambot niya. Hindi kaya?

Hmm bayaan na natin. Mahirap mag judge. Huminga ako ng malalim at patakbo akong pumunta papasok ng dorm. Naabutan ko naman siyang nakatayo sa gitna ng daan.

Pinagmamasdan niya ang paligid.

Agad ko siyang nilapitan.

"Ang ganda no? Per---

Iniwan niya ako at naglakad palayo.

Teng ene?

Hinabol ko na naman siya hanggang sa makarating siya ng escalator. Jusku po! Mukhang maglalaho na ang pagiging mabait ko ah? Itong good mood ako eh.

"CL! Hintay naman"

Ng makahabol ako sakanya ay may narinig akong mga nagbubulungan.

"Siya ba yung transferee? Infairness ang ganda niya peri parang hindi naman VIP. Baka kaya siya VIP kasi scholar"

"Ahahah! I know right!"

"Look at her clothes. Parang ewan. Hindi ba niya alam pumorma? Pormahan ng taong gubat"

"Dont mind her girls. Ang mga mahihirap ganyan talaga"

Biglang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Ano raw?! Mahirap?! Kahit hindi ako ang pinagsabihan parang bigla akong nasaktan.

Tsaka pakiramdam ko kaya niyang bilhin ang academy eh!

Humble lang talaga siya kaya ganyan siya pumorma.

Hindi ko na muna sesermonan ang mga yan. Busy ako. At mukhang hindi naman yun narinig ni CL. At lalong ayokong sirain ng tuluyan ang mood ko.

Pangalawang escalator na to at nauuna parin siyang maglakad hanggang sa nakarating na nga siya sa kwarto namin.

Wait? Paano niya alam?

"Girl! Paano mo nalaman na dito ang room natin?"

Tinignan niya ako na parang seryoso ka look?

"Sinundan ko sila duh? Nag iisip ka ba?"

Tinuro niya yung mga room service na kakalabas lang ng room namin saka ko narealize. Oo nga no?

"Tch" pinihit niya ang doorknob saka pumasok sa loob.

hays. ang taray naman niya. Bakit? bakit ang taray mo!

Pumasok na rin ako sa loob at naabutan ko siyang nakahiga na sa bilog na sofa.

Hinanap ko sa paligid si Claire pero wala akong nagpakita. Baka umalis na yun, athlete kasi.

Nilapitan ko si CL saka inabot ang card ng kwarto niya. Magsisilbi itong susi ng room dahil swipe swipe lang sa amin ang lock. Condo style kasi itong room namin.

Sa first floor ay yung salas, entertainment room, kusina at private room para sa mga meetings or simply study area. Nasa unang palapag rin ang veranda.

Sa second floor naman ang apat na kwarto.

Ganito kasi yan nababase ang uri ng mga rooms sa status sa school. Since VIP kami kaya condo style ang room namin. Which is nasa Third floor.

Hotel style naman sa mga sumusunod sa amin. Yung katulad ng mga sosyaling suite's at nakakaangat rin sila. Karamihan sakanila ay mga anak ng mga politiko o yung mga nagmamay ari ng mga bigating business sa loob man o labas ng bansa. Nasa second floor naman sila. Kumpleto rin ang kanila, ang pinagkaiba lang ay wala silang ikalawang palapag. Walang tatalo sa yaman namin. Kaya kung nasa third floor itong si CL hindi ko alam kung gaano ba kayaman to?

Simple room naman sa mga scholars. At sila ang nasa first floor. Actually magaganda naman lahat ng rooms dito mas nakakaangat nga lang ung amin.

"So room number 3 ka CL. Swip---

"Alam ko" Tumayo siya tapos umakyat sa ikalawang palapag.

Napailing iling ako saka napahilot sa noo ko. May nakapa akong pimple.

"Kahit wag ka munang pumasok kasi ipapadeliver ko pa ang uniform mo. Bukas ka pa papasok ok?" Sigaw ko hoping marinig niya pero wala akong narinig na sagot.

Napatingin ako sa maleta niyang nakaparada sa salas.

"Haish! Sana naman normal ang pangalawang transferee kundi ewan ko nalang, baka maulit lang ang pagpapalayas ko ng mga roommate na masakit sa ulo. Makasundo ko kaya yun?" Napahilamos ako sa mukha saka dumiretso na lang sa kusina.

Kumuha ako ng yakult sa ref saka ininom iyon.

Grabe! Naistress ako sakanya.

Ang taray na nga tipid pang magsalita.

Haish paano to. Sumandal ako sa counter at inubos ang laman ng yakult.

Maya maya bumukas ang pinto at iniluwa nito ang humahangos na si Claire.

Pawis na pawis siya at mukhang kagagaling sa takbo. Nag training ba sila?

"Oh anyare sayo?" tanong ko saka ako umupo sa high stool. Bakit parang napagod na ako agad?

Nakahawak siya sa dibdib niya at hinahabol ang hininga.

"Yung isang transferee andito na!"

o.o

Napatayo ako sa aking pagkakaupo saka hinawakan sa balikat si Claire.

"Tell me it isnt true! hindi pa ako nakakaget over sa isa!"

"Well its true teh! Nasa lobby siya naghihintay. At eto pa! Ang daming bodyguard na nakapaligid sakanya!"

Bumagsak ang balikat ko. Kakaiba ata ang mga roommate namin? Masyado ba silang VIP?

"Ok ok. Tara sunduin na natin"

Life of a President lalo na kapag may bagong roommate.

Syempre bumaba na naman kaming dalawa. Hindi pa ako gaanong nakakapahinga pero may sumunod na agad.

Ngayon andito na kami sa escalator pababang ground floor.

Malayo pa lang pero kita ko na ang sinasabi ni Claire.

Ang dami ngang guards na nakapaligid sakanya.

"She's Senator De Fuent's daughter kaya ganyan" ika ni Claire kaya tumango tango ako.

No wonder.

Ng makalapit na kami ay hinarang pa kami ng isa sa mga guards.

Na occupy nila ang buong lobby samantalang mag isa lang naman siyang nakaupo sa single sofa. Ang oa!

"Name please?" Yung guard.

"Rica Valdez, Student Council President and official roommate of her" Tinuro ko si ate girl na ngumunguya ng bubble gum habang nagseselfie.

Wew! Total opposite of CL.

Maganda rin siya at chicks na chicks. I mean make up all over at nakasuot ng white sleeveless shirt at pink mini skirt. Nakabun rin ang buhok niya at nakashades ng kulay light pink. Wears dangling earrings and that oh so killer heels. Are you sure estudyante yan? Kumikintab siya sa kagandahan na pinatungan pa ng make up at magagandang damit kaya lalong gumanda.

"And her?" tinuro niya si Claire.

"She's with me"

"Okay but wait. Let me inspect you first"

Grabe ang Oa. Hindi naman to mall para kapkapin pa kami.

Bago man kami makalapit sa babaeng yun eh kinapkapan pa ang buong katawan namin. The eff?!

"Okay you may pass"

"Hayy salamat naman! Thank God" sarkastiko kong tugon saka pinuntahan si ate girl.

"Hi I'm Ri---

"Omo!! Hi guys! I'm Fluer Echo Del Fuent. Nice to meet you" Maarteng pagpapakilala niya at inabot ang kanyang kamay saka pinaputok ang ngininguya niyang bubble gum.

Masaya ko naman itong tinanggap dahil sa wakas mabait itong isa to. Pero natigilan ako ng lumapit siya sa amin at idinikit ang pisngi niya sa pisngi ko. Maski kay Claire ay ginawa niya iyon. Naamoy ko tuloy ang sobrang tamis niyang pabango. Amoy strawberry.

"And you are?" May pagkalambot ang boses niya. Hindi katulad kay CL na parang may galit.

"I'm Rica Valdez and this is Claire Lee. Were you're room mates"

"Yey! Roommate's bongga! Your both pretty, just like me hihi. " Maarte niyang sabi sabay flip ng hair.

Then doon ako napangiwi pero agad rin akong napangiti. May kasama akong tahimik at isa ring madaldal.

"Cmon guys lets take a selfie"

"Uh s-sure!" kailangan ko ba sakanyang sabihin na bawal ang gadgets dito sa academy?

Nilabas niya ang kanyang cellphone na nakakonek sa monopod saka iniharap sa mga mukha namin.

Inakbayan niya rin ako kaya hinila ko si Claire.

"From now on your my besties! Say fuck you all bitches!"

Nag pout siya ng lips tapos kumindat samantalang kaming dalawa ni Claire ay pilit na ngumiti. Awkward ba?

*click!

Oh no!

Tahimik at mataray yung isa.

Tapos itong isa naman madaldal at mukhang make up maniac. This is gonna be a rollecoaster semester.

Ang nobelang ito ay nasa first person point of view kasi dito ako mas komportable. Anyway I'm open to any criticism so feel free hehe. Hope you enjoy and don't hesitate to comment something. I'm an open minded human being. ?

THEODDGIRLcreators' thoughts