webnovel

Chapter 8

Celes

Chzarina, Caleb and Charles. Iyan ang pangalan ng triplets.

"Nanay, I want to play po." Dala ni Chzarina ang barbie doll niya at ngumiti sa akin.

"Anak, may ginagawa pa ako," nakangitting sabi ko na busy sa pagtitipa sa laptop ko.

Bigla namang pumasok sa kuwarto ang Yaya ni Caleb dahil bukas naman ang pinto.

"Ma'am, pasensiya na po sa istorbo, si Caleb po kasi nagta-tantrums na naman po."

Here we go again. Bumaba na kami at kinarga ko si Chzarina. Kumapit naman ito sa akin.

"Caleb, what's wrong?" I asked seriously.

Nakatunghay lang si Caleb sa pagkain niya dito sa dining area. Pinapakain siya ng Yaya niya pero ayaw daw kumain.

"Nanay, I want to have tatay," nakanguso pa niyang sabi.

Hindi kaagad ako nakakibo, talaga bang darating sa ganitong punto na maghahanap sila ng ama? Bigla akong nakaramdam nang lungkot.

"Yaya, iwan mo muna kami." Tumango naman ito at kinuha si Chzarina.

Sa tatlong anak ko ito ang pinakamatigas ang ulo.

"How many times I told you, huwag mong hanapin ang wala rito. Hindi pa ba kami sapat para sa 'yo at sa mga kapatid mo? Si Lola at Lolo saka si Ninang Ising. Ayaw mo na ba sa kanila? Ayaw mo na ba iyong pag-aalaga ko, namin?" Pilit kong ipinapaintindi sa mga anak ko, lalo na rito kay Caleb na kami lang sapat na. Na huwag nang maghanap pa ng ama. Alam kong bata pa sila, pero gusto kong maramdaman nila na sobra-sobra ang pagmamahal na kayang ibigay namin sa kanilang tatlo, kahit wala silang amang nakasubaybay sa kanila.

"No, Nanay. I am just envy with my playmates and to other kids around. Because they have a complete family. They are having a tatay, like you having Lolo." Para siyang matanda kung magsalita.

"It doesn't mean that you don't have a father by your side it will makes you feel incomplete. Kapag malaki na kayong tatlong magkakapatid, maiintindihan ninyo rin kung bakit ganito sitwasyon natin. Now, eat your food." Ngumiti siya sa akin at yumakap, gumanti naman din ako sabay gulo sa buhok niya.

"I love you, Nanay," hinalikan niya pa ako sa pisngi.

"I love you too, Anak."

---

Kasalukuyan akong umiinom ng kape rito sa may veranda. Maganda ang view kahit binalot na ng dilim ang buong paligid. Alam kong panandalian lang ang naiibibigay kong kaligayahan sa mga anak ko. Kahit punan pa namin ng labis-labis na pagmamahal, ibinibigay ang mga materyal na bagay. Kulang pa rin talaga, naghahanap pa rin sila ng pagmamahal, pagmamahal ng isang ama. Bagay na ipinagkait ko sa kanila. Nabuhay kami ng wala siya, kaya ayaw ko na rin pumasok pa siya sa buhay naming mag-iina.

"Anak," bungad sa akin ni Inay.

"Inay, bakit hindi pa kayo matulog?" tanong ko.

"Nag-aalala kasi ako sa mga apo ko, lumalaki na silang patuloy na hinahanap ang kanilang ama."

"Inay, kung ipipilit niyo na naman po ang gusto niyong mangyari, hindi po ako papayag."

Ginagap ni Inay ang mga palad ko.

"Anak, alam kong mahal mo pa rin siya hanggang ngayon, sana mapatawad mo na siya. Anim na taon na ang nakalipas. Sana naman buksan mo ulit iyang puso mo. Anak kita, kaya alam ko kung ano iyang nararamdaman mo. Matanda na kami ng Itay mo, gusto ko bago kami mawala sa mundo ay magkaroon ka na ng katuwang sa buhay mo." Niyakap ako ni Inay. Hindi ko alam ang isasagot ko, natatakot na kasi akong masaktan, kaya ayaw ko nang sumugal pa.

---

Thunder

Napatingala ako nang biglang bumukas ang pinto sa opisina at iniluwa niyon ang aking ina.

"Hijo, kumusta?" nakangiting bati ni Mama sa akin.

Tumayo ako upang magbigay galang sa kaniya.

"Ano na namang kailangan mo, Ma?" tanong ko na hindi maipinta ang mukha ko. Bumalik ako sa upuan ko at binuklat ko uli ang mga dokumentong kanina ko pa pinag-aaralan.

"Anak, I want you to marry Sandra," sagot niya. Lalo lang lumukot ang mukha ko.

"Kung iyan lang ang ipinunta niyo dito, makakaalis ka na, Ma," balewalang sabi ko.

"Pero anak, you're not getting any younger," pilit pa niya.

"I don't care, Ma!" tumaas ang boses ko at tumayo. Lumapit ako sa may glass window. I sighed deeply. Nakatitig sa akin si Mama na para bang walang pakialam sa asal ko.

"Anak, it's for your own good. Sandra came to a very good and wealthy family."

Ang kulit talaga ni Mama akala mo nagbebenta lang ng suman kung ialok niya ang babeng iyon.

"I really don't care!. Hindi ko siya magugustuhan Ma! Alam mong si Celes lang ang mahal ko, only her. So please, don't make it hard for me. I love her very much," mariin kong sabi.

"Son..." tawag niya. May lungkot sa mga mata at tinig niya. Hindi ko naman gustong magalit kay Mama. Kaso sobra na talaga siya sa pamimilit niya sa Sandra na iyon.

"Ma, till now, I'm longing for her." Nangungulila naman talaga ako. Sobra.

"I'll be back, kapag maayos na ang isip mo," sabi ni Mama na may halong tampo ang tinig niya. Umalis na rin siya. Kailan ba siya susuko sa pagrereto niya sa akin sa babaeng iyon?

--

The tangang Secretary

Nakokonsensiya na ako kay Sir Thunder, dapat ko na bang ibigay iyong envelope? Sa totoo lang hindi ko naman itinapon iyon, tinabi ko lang at pinatuyo. Baka kasi importante iyon. Kaso kapag sinabi ko baka mapagalitan ako no'n, sigurado. Okay lalakasan ko lang ang loob ko.

Kumatok ako sa opisina ni Sir Thunder.

"Come in!" sabi ni Sir Thunder sa loob.

"Sir, may sasabihin po sana ako..." napakamot ako sa batok.

Hindi siya tumitingin sa akin hawak ko ang envelope. Busy yata si Sir Thunder sa pagpi-facebook? Hawak kasi niya ang cellphone niya. Nate-tense ako. Hayan nag-angat na ng tingin, nilapag niya iyong cellphone niya sa mesa.

"What's that? Iyang hawak mo? May ipapapirma ka ba?" sunod-sunod ang tanong niya.

Lumapit ako at nilapag iyong envelope sa mesa, kumunot ang noo niya.

"Sir, before you open it! Please don't fire me! Nagmamakaawa po ako." Mukha akong isang alien sa paningin niya.

"Are you joking? Natulog ka ba? Para kang adik?!" Napapailing-iling niyang binuksan ang envelope. Hindi makapaniwala sa inasal ko.

Nagulat siya! Oh No! Tumingin sa akin. Galit siya! Nako po!

"Saan mo ito nakuha? Now I know, pinalitan mo ang laman ng envelope?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Sir, sorry po talaga..." Bahala na kung anong parusa niya sa akin.

Buti na lang may kumatok. Pumasok si Sir Alex sa opisina.

"Hindi pa tayo tapos! Now leave!" sigaw niya sa akin. Napayuko ako ng ulo. Jusko hiyang-hiya ako sa katangahan ko.

---

Thunder

Umupo si Alex sa tapat ko. Pinakita ko ang picture sa kaniya. Larawan ito ng isang babae at tatlong batang magkakamukha. Isang batang babae at dalawang batang lalaki.

"So Celes having a triplets?" namamanghang tanong ni Alex sa akin.

"Kamukha ko ba sila, Bro?" balik tanong ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwala.

"No doubt, pare. Kahawig mo nga sila. Dapat din na makaramdam ka ng lukso ng dugo. Iyon kasi lagi ang sabi ng iba," sabi pa niya nakangiti. Tinapik pa niya ang balikat ko. "Akala ko pa naman nagkamali ako sa pagrekomenda ng private investigator." Alex sighed. Nagreklamo kasi ako sa kaniya.

"It's just a mistake. Ang tanga kong sekretarya kasi ang may kasalanan. Well, anyway, I'm happy," I said. Indeed happy for this information.

"And what is your plan now?" tanong niya pa.

"I'm going to find and get them," I said and smiled at him. "By the way, ano pa lang ginagawa mo rito?"

"Wala naman, pare, napadaan lang." He smirked and then gives me a piece of paper na may nakalagay na address. Saka kami tumayo at ginawa namin ang brotherhood sign.

"Thanks, Bro! I owe you one!"

---

Nandito ako ngayon sa harapan ng gate kung saan ipinarada ang sasakyan ko. Natanaw ko si Celes sa may hardin. Dahil tinted ang gamit kong sasakyan, malaya ko siyang nasisilayan dito sa loob ng kotse. Mas lalo siyang gumanda ngayon. Lalo yatang tumangos ang ilong niya na bagay sa manipis niyang labi. Nagpakulay din ng buhok na kulay brown. Bagay sa kaniya, lalo akong nananabik sa kaniya.

Araw-arawin ko ang pagpunta rito makita ko lang siya. Pero hindi muna ito ang panahon, may mga plano pa ako para sa mga anak namin. Assuming ako dahil ako lang naman ang lalaking nakauna sa kaniya.

---

Madam Crystal

Hindi ako papayag na magkakatagpo ng landas si Celes at Thunder. Ayoko sa hampas lupang babaeng iyon! Gagawin ko ang lahat. Ayaw kong may hahadlang sa mga plano ko! Tanga ang anak ko, kahit kailan laging puso ang pinaiiral. Hindi ko gustong ang babaeng iyon ang makinabang sa pera ng anak ko! Mabuti na lang din at patay na si Cristina, kundi wala ako sa kalagayan ko ngayon.

Sa totoo lang hindi naman talaga ako anak ni Don Faustino. Ang lolo ni Thunder. Mabait naman siya lalo na sa mga trabahador nito. Dating katiwala ni Don Faustino ang mga magulang ko. Bago malagutan ng hininga ang mga magulang ko ay ibinilin ako kay Don Faustino.

Bata pa lang ako, inggit na inggit na ako kay Señorita Cristina, kumbaga nasa kaniya na ang lahat. Ako, kahit masasabi kong magiliw sa akin ang matanda. Iba pa rin ang pagtrato niya sa akin.

Pati sa pag-big kalaban ko si Cristina, iisa lang ang taong minamahal namin, sadyang napakalupit ng tadhana para sa amin, laging magkakompitensiya ang turingan namin sa isa't isa. Ang iisang taong minahal namin ay walang iba kundi ang tatay ni Thunder. Nang ikasal sila gumuho ang aking mundo. Lalo lang akong nagalit nang isilang ni Cristina si Thunder.

Puno nang pagmamahal sa kaniyang mag-ina ang lalaking kinababaliwan ko. Ako nasa isang tabi nagmamasid sa kanila ng may lungkot sa mga mata, puno ng pait ang aking kalooban. Tanaw ko sila sa malayo na maligayang-maligaya. Mahal ko si Delfin, mahal na mahal. Handa akong sumugal at magparaya para lang sa kaniya. Pero habang tumatagal bumibigat ang aking kalooban.

Nang may makita akong pagkakataon, doon ko na ginawa ang plano ko, ang patayin si Cristina. Nag-utos ako ng bayarang tao upang imaniobra ang sasakyan gagamitin niya papunta sa siyudad at doon na nagsimula ang lahat.

Nawalan ng preno ang sasakyan niya at bumagsak ito sa bangin. Natagpuan itong duguan na halos hindi na makilala dahil burado at wasak-wasak na ang mukha ni Cristina. At iyong pagkakataong iyon ang ginamit ko upang makuha ang lahat ng gusto ko. May ama ako, asawa at anak. Kaya rin mahigpit ako sa anak ko dahil sa pera. Siya lang naman ang

tagapagmana ni Don Faustino. Bakit hindi? Nabasa ko lang naman naman ang last will and testament niya. Hinayupak na matanda! Hindi man lang ako inanbunan! Kaya nga ayaw ko kay Celes dahil darating ang araw ibibigay lahat ni Thunder ang kayamanan niya sa babaeng iyon! Lalo na at may anak sila! Alam ko na ang lahat na may mga anak sila.