webnovel

Alice In The Mafia World

Alice Natasha Baltazar, an orphaned girl, seeking for justice for the death of her parents. Was force to join the Douglas Mafia who promise to help her to hunt those people who killed her parents. But then, slowly, a box of secret was revealed. And she never thought that her life since then was a lie. From the people who killed her parents who she thought that her biological, her sister, and her real identity. What will happened if she finally know the truth about all the lies? Will she able to handle it? Or will she runaway and forget everything?

jeclover · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
45 Chs

Chapter 10

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!

••••••

Chapter 10

Agad akong bumalik sa NBS at hinanap sila. Agad kong nakita sa counter si Boss na nagbabayad habang si Yanna naman ay nakaupo sa inupuan namin ni Saber kanina. Mariin akong pumikit at minulat ang mata ko bago nilapitan ang kapatid ko.

"Ate ba't ang tagal mo?" tanong ni Yanna ng makaupo ako sa tabi niya.

Hinaplos ko ang kanynag mahabang buhok at nginitian.

"Mahaba ang pila sa cr eh." pag-sisinungaling ko.

Mmataman kong tinitigan ang kapatid ko. At pinilig ang ulo sa naisip.

"Ate Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

Tumango at ningitian nalang siya. Agad kaming lumabas sa NBS at naglibot-libot muna sa mall hanggang nakaramdam kaming tatlo ng pagkagutom.

"Kain muna tayo?"tanong ni Boss.

"Sige kuya. Nagugutom na din po kasi ako." nakangusong sabi ni Yanna habang hinihimas ang tiyan niya.

Boss laughed a little because ofy sister's cute gesture. Napatingin si Boss sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Saan niyo gustong kumain?" nagkibit-balikat ako sa tanong niya.

I don't know. I'm not craving for something. Busog pa siguro ako dahil kagabi. Damn Alice!

"Gusto kong kumain ng sushi." nakangising sabi ng kapatid ko na kaagad sinang-ayonan ni Boss.

Pumasok kami sa isang Japanese Restaurant kaagad kami iginaya ng waiter sa aming mesa.

Binigyan kami ng menu nung waiter at di nagtagal ay nag-order agad kami. Wala akong naiintindihan sa pinag-uusapan ng dalawa dahil sa nangyari sa CR kanina.

Masyadong lutang ang isip ko hanggang sa makauwi kami. Hindi ko mapigilang isipin yung nakasulat sa maliit na papel. And I'm worried because my sister is involved. I wonder why. Fuck this.

Gabi na ng makauwi kami. Natulog agad si Yanna dahil sa sobrang pagod. Huminga ako ng malalim bago pabagsak na sumandal sa sofa dito sa sala.

Kinapa ko ang maliit na papel sa bulsa ng pantalon ko at kinuha yun.

I know who ordered to kill your parents. Keep eye on your sister. If you want to know meet me at Sta. Cruz Warehouse @9p.m on Friday.

-L

Napatitig ako sa nakalagay na address. Dito nagtatrabaho si tatay noon. At kung alam niya kung sinong nag-utos na patayin ang mga magulang namin. Bakit ngayon lang siya nag pakita? Is this a trap? At bakit iba ang pakiramdam ko ng banggitin niya ang kapatid ko? At bakit nasali ang kapatid ko?

Nilukot ko ang papel at mariing napapikit. Should I go? I really want to know who's behind my parents death. I already hunt the three of them. Apat silang walang awang pinang-babaril ang mga magulang ko at isa nalang yung hinahanap ko ng matahimik na ako.

I want justice for my parents death. This is also the reason why I entered mafia.

Hindi ko mapigilang alalahanin ang nangyari limang taon na ang nakalipas. Ang masayang araw na nauwi sa bangungot.

5 years ago

Pinapanood ko sila nanay at tatay na nag-aasaran sa labas ng bahay. Nakatanaw ako dito sa bintana ng kwarto ko habang nag-aasignment. Bigla akong natawa ng itinulak ni nanay si tatay dahilan upang mahulog ito sa pagkakaupo.

Rinig ko ang tawa ni nanay habang tinuturo si tatay na mukhang nainis. Bumalik sa pag-upo si tatay sa tabi ni nanay at inakbayan. Sinandal nya ang ulo niya sa balikat ni tatay. Nakatalikod sila sa akin pero alam kong pareho silang nakangiti.

Simple lang ang buhay namin. Hindi man kami mayaman sa kagamitan pero mayaman kami sa pagmamahal ng isa't isa. Pagmamahal ng magulang ang kayaman namin ng kapatid kong si Yanna. Kuntento kami kung anong meron kami ngayon. Itong klaseng pamumuhay lang ang gusto ko.

Kung meron man akong hihilingin ay yung matagal pa naming makasama ang nanay at tatay. Pinagbutihan din namin ang pag-aaral namin para masuklian namin ang pag-hihirap nila sa pagtatrabaho.

Niligpit ko na ang mga gamit ko sa mesa para puntahan ang sila nanay.

Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan kong nanonood ng tv si Yanna.

"Yanna tapos ka na ba sa assignment mo?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya.

"Opo ate tapos na." sagot niya habang nakatuon ang mga mata sa pinapanood.

"Mabuti naman. Labas muna ako, pupuntahan ko muna sila tatay at nanay na dinaig pa ang teenager sa ka-sweetan." natatawa kong sabi.

Natawa din si Yanna at pinatay ang tv.

"Samahan na kita." tumayo siya at hinila ako palabas ng bahay.

Nakita namin ang nag-tatawanang mga magulang namin. Si tatay na nakayakap kay nanay na parang naaasar.

Dalawang hakbang nalang ang layo namin sa kanila ngmakarinig kami ng sunod-sunod na putok na baril.

I froze. I can't even move my muscle and my breathe stopped. Para akong naparalisa habang nakatingin sa katawan ng mga magulang ko na nakahandusay sa lupa at naliligo sa sariling dugo.

Tila nabingi ako sa ingay ng putok ng baril at sigaw ng kapatid ko.

"Ate! Sila nanay at tatay!" bumalik ang ulirat ko ng bumagsak ako sa lupa at maramdamanng humapdi ang pisngi ko at ang balikat ko.

Yanna slapped me and I got a shot on my shoulder. Doon na sunod-sunod naghulugan ang mga luha ko nang maproseso sa utak ang lahat. Walang niisang salitang lumabas sa bibig ko habang ang kapatid ko ay maingayng umiiyak habang pinipigilan ng pag-agos ng dugo sa balikat ko.

"Ate sila tatay at nanay. Ate....Ate may tama ka." yan ang paulit-ulit na sinasabi ng kapatid ko habang pabalik-balik ang tingin niya sa akin at ang walang buhay na mga katawan nila nanay at tatay.

Umiling ako at tumayo. Tinakbo ko ang distansya sa pagitan ng mga magulang namin. Inangat ko ang nanginginig kong kamay at niyakap ang walang buhay kong ina.

"Nay," bulong ko habang walang tigil ang paghikbi ko.

Inabot ko ang kamay ng ama ko at mahigpit na niyakap.

Hanggang sa nagsidatingan ang mga pulis at ambulansya.

Hindi ko namalayang nasa ospital na pala kami at ginagamot ang sugat namin. Natamaan sa binti ang kapatid ko habang ako ay sa balikat.

Huminga ako ng malalim pagkatapos gamutin ang sugat ko at bumaba sa higaan para lapitan ang katabing higaan kung nasan ang kapatid kong tulala na nakahiga.

Patuloy parin ang pag-landas ng mga luha niya. And it really break my heart seeing her like this. Ang sakit makita ang kapatid mo na nasasaktan at nahihirapan.

Dapat hindi kami parehong mahina sa sitwasyon namin ngayon dahil walang magandang maidudulot ito. Sapat na ang pag-iyak ko kanina, kailangan kong maging matatag para sa kapatid ko. Dahil kami nalang dalawa.

She need someone to comfort and stay beside her and that's me. She needs me. Mas kailangan niya ako kaysa pangagailangan ko sa sarili ko. Isantabi ko muna ang aking sarili para sa kapatid ko.

Umupo ako sa gilid ng kama niya at pinunsan ang gilid ng kanyang mata na puno ng luha.

"Yanna," hinaplos ko ang kanyang buhok at hinawakan ang kanyang kamay.

Hindi siya sumagot. Para siyang walang naririnig.

"Yanna, nandito lang si ate. Hmm." my voice cracked.

Tumingala ako para pigilan nag-babadyang luha. I should not cry. I need to be strong.

Matagal kong tinitigan ang kapatid ko bago lumabas sa ward namin. Pinabantayan ko muna siya sa isang nurse.

I want to see our parents. Pabigat ng pabigat ang hakbang ko patungo sa morgue ng hospital kung saan nandoon sila. Napatukod ako sa pader nang nasa tapat na ako. Biglang nanlambot ang tuhod ko.

Hindi ko kaya.

Napasandal ako sa pader at dumausdos pababa hanggang sa maupo sa malamih na sahig mg hospital.

"Nay, Tay bakit? Bakit sa dinami-dami bakit kayo pa ang pinagdiskitahan." nanghihina kong bulong.

Napakuyom ang palad ako dahil sa sakit at galit. Ang bait ng mga magulang ko, niminsan hindi ko pa silang narinig mag-away. Niminsan wala akong narinig na may ginawang masama si tatay, lahat ng kaibigan niya sinasabing mabait at masipag si tatay. Pero bakit? Anong kasalan nila? Bakit bigla-bigla nalang silang pinag-babaril? Bakit?!

Wala silang mga puso!

Naubos ang perang naipon nila nanay at tatay dahil sa gastos sa kanilang burol.

May maliit na inambag ang mga mga kaibigan at pinag-tatrabahuan ng mga magulang ko kaya sapat na iyon para makapagtapos kami ng pag-aaral sa taong ito. Si Yanna sa elementarya at ako sa high school.

Ilang buwan nalang ang bibilangin. Excited pa naman si nanay at tatay ng malamang pareho kaming running valedictorian ng kapatid ko.

Pero nauwi sa wala ang pinaghirapan namin ng kapatid ko. Para itong natangay ng hangin at hindi na namin mahabol. Nawala ang dahilan kung bakit kami nag-sisikap mag-aral. Nawala ang dalawang taong naging inspirasyon namin. At nawala bigla ang mga binuo naming mga pangarap.

Pero kahit gaano kahirap at kalupit ang buhay. Kailangan paring lumaban.

Nilapag ko ang isang pung-pung ng puting rosas ganon din ang kapatid ko. Itinabi namin doon ang aming diploma at mga medalya.

It's been four months since they died. At dito kami dumeretso pagkatapos ng graduation namin ng kapatid ko. Ayokong makita ang mga kaklase kong masayang niyayakap ng kanilang mga magulang. Naiinggit at naiiyak ako. Hanggang 'Sana' nalang ako.

And it really hurt watching my sister trying her best to be happy in front of her friends. But, at the emd of the day she's crying again and keep telling me that she misses our parents so much. Her eyes says it all. The pain and longingness on it are visible.

Hinayaan ko lang siyang umiyak sa mga bisig ko hanggang sa makatulog.

Mapait ako napangiti habang nakatingin sa larawan ng magulang namin.

"N-Nay, tay. P-Pareho kaming valedictorian ni Yanna gaya ng ipinangako namin sa inyo. Kung saan man kayo ngayon alam kong masaya kayo para samin ni Yanna." biglang pumiyok ang boses ko kasabay ng pag-landas ng mga luha ko.

Agad akong niyakap ni Yanna.

"Ano na ang gagawin namin nay, tay? Paano kami mag-sisimula muli?" hindi ko mapigilang makaramdam ng galit sa puso ko.

Galit sa mga taong pumatay sa magulang namin. At ipinapangako ko na pagbayarin sila. I'll hunt them one by one. That's a promise that is not meant to be broken.

Parang kahapon lang nangyari.

"Hey, are you okay?" napabalik ako sa realidad ng marinig ang boses ni Boss.

"Ha?" sabi ko.

"You're spacing out. Kanina pa ako nag-sasalita dito." kunot noong tanong niya.

Hindi ko nga siya napansing umupo sa tabi ko. "Oh," yan nalang ang nasabi ko.

Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya ng inakbayan niya ako.

"Tell me. Anong iniisip mo?" nag-aalang boses na tanong niya.

Yumakap ako sa beywang niya kasabay ng malalim na buntong hininga. "Naalala ko lang ako mga magulang ko. Araw na pinatay sila." mapait kong sabi. He knew what happened five years ago dahil ikunwento ko sa kanya.

Naghintay ako ng ilang segundo na mag-salita siya pero wala. Tiningala ko siya. Kumunoot ang noo ko ng mapansing tulala siya.

"Hey, earth to my Boss!" I snapped my fingers kaya medyo nagulat siya.

"Y-Yeah." he seems bother.

"Are you okay?" this time ako naman ang nag-tanong.

Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti nalang din ako pabalik.

"Tulog na tayo?" habang hinahaplos ang buhok ko.

Tumango ako.

"Sige. Mauna ka na sa kwarto iinom lang ako ng tubig." sabi ko at naunang siya tumayo.

"Okay. I'll wait you there."

Napatitig ako sa papalayong bulto niya. May biglaang pumasok sa isip ko na agad kong niwaksi. No. Masama ang mang-bintang.

Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung sino, ano at paano. But as long as Boss didn't know about the note, panatag ang loob ko. He's nosy sometimes.

Dahil sa oras na malaman niya 'to, di siya mag-dadalawang isip na tulungan ako at ayokong mangyari yun. He already helped me hunted the three and I'm gonna hunt the other one by my own.

Ayokong idamay siya pag nag-kataong magkagulo. Problema ko 'to. Labas na siya dito. I can't bare to see him hurt.

"Alice, may hindi ba ako alam? Hmm? Anong meron sa inyo kay Papa Sabyer?" tanong ni Armen.

Mondag ngayon kaya may pasok kami. Hinatid ako kanina ni Boss pero itong si Armen ay umandar na naman ang kanyang tinatawag na 'instinct'. Kanina pa siya tanong ng tanong tungkol kay Boss. Tila nagbago daw ang ihip ng hangin dahil hindi ako nainis o nagalit man lang nang makita niya akong hinalikan ni Boss sa labi at nll kanina bago ito nagpaalam.

Hindi ko magawang makasagot sa mga tanong niya kanina dahil basa kalagitnaan kami ng klase. Kaya ito kami ngayon nasa isang bench sa likod ng cafeteria kung saan may maliit na Study Park.

"Ano naman ang gusto mong malaman?" tanong ko habang pinaglalaruan ang hawak na ballpen sa kamay ko.

Pinanliitan niya ako ng mata. "Kayo na ba ha?" may panunukso niyang tanong.

Tumango ako. "Oo. Tapos?"

"Anong tapos? Ilibre mo ako! Icecelebrate natin yan!" masaya niyang saad na nagpairap sa akin.

"Seriously?" hindi makapaniwala kong sabi.

"Oo naman seryoso ako! Sa dinami dami ng manliligaw mo kaya pala hindi mo sinasagot niisa sa kanila dahil nasa malapit lang pala ang gusto mo! Naku. Bagay kayo. Support ko kayo ni Papa Sabyer! Kaya tara ilibre mo na ako!" mabilis niyang naangkla ang braso ko at hinatak patayo. At hinatak papasok sa cafeteria.

Napailing nalang ako at hinayaan siya. Bakit naging kaibigan ko pa siya? Sobrang hyper niya.