webnovel

Chapter 7: Love is Profound

Sa Triangular Theory of Love ni Robert Sternberg, mayroong commitment, intimacy, at passion. Commitment ay ang pangakong ibinibigay upang palaguin ang relasyon. Pangakong maging asawa o kasintahan. Intimacy ang pagiging konektado sa isa't isa sa pamamagitan ng pagbibigayan at komunikasyon. Ang passion ay ang pagiging attracted sa panlabas na kaanyuan ng tao at ang pagkakaroon ng mainit na damdamin.

Sa teorya na ito, may apat na klase ng love.

Hollywood love. May passion at commitment pero walang intimacy. Nag-commit sa isa't isa dahil may passion pero in the end maghihiwalay din dahil walang pagkakaintindihan.

Companionate love. May intimacy at commitment pero walang passion. Ito yung love without sex at madalas nakikita sa mga old married couples.

Romantic love. May intimacy at passion pero walang commitment. Hindi rin nagtatagal kasi paano magtatagal kung wala namang pananagutan?

At ang pinakahuli ay ang infatuated love. Ito, sadyang passion lang. Overwhelming passion without intimacy and commitment. Instant ang reaksyon ng utak natin dito. Kahit di mo pa masyadong kilala yung tao, parang mahal mo na agad.

Yun nga ang naramdaman ko nung nakita ko si Taym.

Muli, nakahiga ako sa kama at patulog na. Problema ay hindi ako makatulog matapos akong maliwanagan.

Naalala ko yung usapan namin sa seaside ng MOA.

"Love at first sight doesn't really last. But I read in Psychology Today that it is an intense form of romantic love". Tumawa siya. Ako rin natawa. Nag-citation ba naman ang kausap ko.

Pero habang nagsasalita siya, unti unting nawawala ang ngiti ko.

"Intense but not really profound. Hindi siya malalim na emosyon but at the same time hindi rin naman siya shallow"

"It can be profound kapag nakamit ng partner mo yung expectation mo sa kanya. It can turn into something more if you found the person's characteristics as likable enough to form a long-lasting relationship"

"I think what you saw in me and what I was really like did not really meet the illusion you have of me"

"Sometimes… I also feel like you're not looking at me but at somebody else"

Hinila ko yung kumot ko at tinago ang mukha ko. I shuddered. Nahirapan akong lumunok kaya huminga ako ng malalim. Nararamdaman ko rin na umiinit ang mata ko. Naiiyak ako.

"It's as if you're looking for someone in me"

Tinignan ko siya nun sa mga mata.

And I think I saw what I have always been looking for all this time.

Someone I had hidden in the depths of my heart.

It's Chaz.

"I'm so sorry Taym"

Tumulo ang mga luha ko.

It has always been Chaz.