Yesha's P.O.V.
Na sa isang bar ako kasama ang dalawang kaibigang sina Kate at Missiolini. Nagplano kasi kami na after ng graduation namin ay magba-bar kami. Mas close kasi kaming tatlo kay sa sa kakambal ko. Mas madalas kung kasama ang mga ito kay sa sa kapatid ko. Magkaiba kasi ang circle of friends namin at magkaiba rin ang ugali namin kaya hindi kami masyadong magkasundo pero nag-uusap din naman kami pag-family matters na.
Na sa counter lang ako ng bar nakaupo dahil hindi naman talaga ako pumupunta sa lugar na iyon. Habang ang dalawa kong kaibigan ay masayang nagsasayaw sa gitna at todo hataw pa na akala mo nakawala sa hawla. Wala talaga akong hilig sa ganito pero napilit ako ng mga ito dahil kinonsensya ako na first time lang daw nila magyaya tapos tatanggihan ko pa.
Kaya bilang isang supportive na kaibigan sinamahan ko na lang ang mga ito para wala nang marami pang usapan. Kaya ang nangyari enjoy na enjoy ang mga ito samantalang ako ay inip na inip na. Kung pwedi nga lang na hilain ang oras ginawa ko na para makauwi na kami.
Dylan's P.O.V.
Na sa bar na naman ako para maghanap ng bagong mapaglalaruan. Nakipag-break na kasi ako sa babaeng nakilala ko sa mall ng isang linggo. Once kasi na naikama ko na ang babae authomatic ng nawawalan ako ng gana rito. Dahil hindi ako mabubuhay na walang mapaglalaruan, syempre kailangan kung maghanap ng panibago.
Na sa itaas ako ng bar at nakatingin sa ibaba kung saan nagsasayawan ang mga tao. Isa-isa kong tinitingna ang mga naggagandahang babae na makita ko. At binabasa ang mga isip nito. Tama marunong ako mag-psycho ng tao. Iyan din ang dahilan kung bakit hindi pa ako nababasted ng mga babae dahil pinipili ko ang mga babaeng gusto ako at interesadong makipag-flirt. Alam ko iyon dahil nababasa ko sa mga mata ng mga ito.
Money
Sex
Frustration
Foods
Drugs
Sadness
Iyan ang ilan sa mga nababasa ko sa mga ito. Hanggang sa dumako ang mata ko sa isang babaeng nakaupo sa counter. Maganda ito ngunit simple lang ang suot nito. Pants at t-shirt na maluwang at kulay yellow which is I hated the most na suot ng mga kababaihan. Pero hindi iyon ang nakatawag sa aking pansin kung 'di ang mga mata nito.
Kahit madilim at malayo'y naaninag ko naman ang mga mata nito ngunit hindi ko mabasa ang iniisip ng babaeng ito. Ilang beses kong sinubukang basahin ito ngunit bigo pa rin ako halos titigan ko na nga ito.
"Hey dude…" kinalabit ako ni Liam James Gonzaga ang kaibigan kong mahilig makipagbasag-ulo. Kaya nawala ang attention ko sa babae nang ibalik ko ang tingin biglang nawala na ito roon. Hinanap ko ito ngunit hindi ko na ito nakita.
"Sino hinahanap mo? May nakita kana bang bagong target?" tudyo nito.
"Syempre ako pa ba" sagot ko pa habang tumatawa para hindi na ito magtanong.
Yesha's P.O.V.
Parang nahihilo ako sa loob ng bar dahil sa ingay at mga ilaw na patay-sindi kaya naisipan kong magpahangin sa labas. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na lalabas saglit. Nakahinga ako ng maluwag ng tumama sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Sumandal ako sa pader ng bar. Wala pa sigurong limang minutong ako na nandoon nang lapitan ako ng dalawang lalaki.
"Hi miss, nag-iisa ka yata. Baka gusto mong samahan ka namin?" malambing na sabi ng isa. Bigla tuloy akong nahintakutan dahil mukhang manyak ang pagmumuka ng mga ito.
Humakbang ako para iwasan ang mga ito ngunit hindi nila ako hinayaang makaalis sa kinaroroonan ko.
"Ang ayaw ko sa lahat ay ang iniwasan ako." galit na sabi nito habang mahigpit nitong hinawakan ang braso ko. Lumingon ako sa paligid para humingi ng saklolo ngunit wala akong makita na kahit sino. Gusto ko ng mag-hysterical sa takot. Nanginginig na rin ang buo kong katawan.
"Sumama ka na lang sa amin miss kung ayaw mong masaktan dahil paliligayahin ka naming. 'Di ba?" sabi ng isa sa kasama nito sabay tawa ng malakas. Naiiyak na lang ako dahil sa takot. Sinubukan kong magpumiglas ngunit mas malakas ang mga ito.
Liam's P.O.V.
Iniwan ko muna si DJ sa loob dahil busy ito sa pakikipaglaplapan sa bago nitong babae. Nakainom na rin ako kaya medyo tipsy na rin kaya naisip kung magpahangin muna sa labas bago bumalik ulit sa loob. Habang tumatanaw-tanaw sa paligid, may nakita akong isang babaeng hila-hila ng dalawang lalaki.
Napangisi ako dahil may dahilan na naman akong maki-alam at makipagbasag-ulo kaya walang pagdadalawang-isip na nilapitan ko ang mga ito.
"Psst... Iba na pala ang mga pangit sa panahon ngayon dahil namimilit na ng babae kahit ayaw." sigaw ko na umagaw sa pansin ng mga ito.
"'Wag kang makialam dito. At anong sabi mo? Pangit? Kami ba ang tinutukoy mo?" galit na sagot ng isa, 'yong mas pangit.
"Nagpapatawa ba kayo? Tinatanong pa ba iyon? Halata naman sa pagmumukha ninyo na kayo nga ang tinutukoy ko." Pang-iinis ko pa sa mga ito sinabayan ko pa ng pagtawa.
Binitiwan ng mga ito ang babae at galit na hinarap ako. Agad akong sinugod at sinuntok ng isa na agad ko namang naiwasan sabay sipa sa isa pang nagbabalak ding salakayin ako kaya tumilapon iyon sa gilid. Ang isa naman ay sinuntok ko ng malakas sa mukha na ikinatumba rin nito. Nilapitan ko ito at kwenelyohan.
"'Yan lang ba ang kaya n'yo? Sayang hindi man lang ako pinapawisan." nakangisi kong sabi, sabay suntok na naman sa mukha nito.
"Boss tama na, sorry kung pinakialaman namin ang chicks mo." pagmamakaawa nito. Binitiwan ko ito at tumayo.
"Sa susunod. 'Wag kayo magpilit ng babae kung ayaw sumama. Pangit na nga kayo, ang papangit pa ng ugali niyo, alis na habang nagtitimpi pa ako." sabi ko na ikinaripas ng takbo ng mga ito.
Nilapitan ko ang babae. Maganda ito kahit simple lang basi sa suot nito.
"Ikaw naman miss kung ayaw mong maging headline sa newspaper 'wag kang umalis mag-isa," iniwan ko na ito roon ngunit bigla nitong hinila ang suot kong jacket. Kaya napalingon ako ulit dito.
"S-salamat." tipid nitong sabi. Kinuha ko ang kamay nito na nakakapit sa jacket ko at walang sabi-sabing iniwan ito. Hindi ko kailangan ang 'thank you' nito dahil ginawa ko iyon para sa sarili ko. Nare-refresh kasi ako kapag nakikipag-away.