JASON POV
Tatlong taon na ang nakakalipas matapos kaming ikasal. Hindi ko maipaliwanag ang saya namin sa isa't isa sa araw na yun. At nagpapasalamat kami dahil hindi dumating sina Lennard para sirain ang araw namin. Pero nagmamatyag pa rin kami ngayong may magbabalik. Tahimik na ang buhay namin ng pamilya ko.
"Baby, nakita mo ba yung maleta natin?" Tanong ng asawa ko.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya pati hinalikan sa labi. Ganun pa rin. Nakakaadik pa rin siyang halikan.
"Hindi eh. Aanhin mo ba?" Tanong ko nang maghiwalay kami.
"Magbakasyon tayo." sabi niya.
"Saan naman?"
"Kahit saan. Tatlong taon na tayo nakakulong dito sa bahay."
Oo nga naman. Simula nung kinasal kami hindi kami nakalabas ng bahay. Mahirap na baka bumalik pa sila Lennard at ilayo ako sa kanya.
"Baka nandun lang sa bodega." Sabi ko at hinalikan ulit siya. Nakakabaliw o ako lang ang nababaliw sa kanya?
"Ma! Pa!" Sigaw ng anak namin mula sa pinto. Lumapit ako sa kanya at binuhat siya. Kahit dalawang taon pa lang 'tong anak namin masasabi kong ang bilis niyang lumaki at nagsasalita na rin ng medyo hindi bulol. Para siyang four years old.
"Musta ang araw ng Jana baby ko?" Hinalikan ko sa pisngi ang anak ko. Hinalikan din niya ako pabalik. Ngumiti naman ako.
"Sama ka ba samin ng Mama mo, anak?" Tanong ko, tumango naman siya.
"Saan po ba kayo pupunta?"
"Magbabakasyon tayo anak." Sagot ng asawa ko.
"Saan po?"
Napatawa kami ni Marge. Ang daldal kasi ni Jana. Sa ganitong stage ng mga bampira masasabi kong ambilis nila lumaki. Pero ang kinakatakot lang namin ay ang mapahamak siya.
"Saan mo gusto anak?"
"Sa beach po."
-
At gaya nga ng gusto ni Jana pumunta kami sa beach. Pagkababa niya pa lang ng kotse tumakbo agad siya kaya nataranta kaming dalawa ni Marge na sundan siya. Nagtatampisaw siya ngayon sa alon. Napangiti na lang kami siyang pinagmasdan. Yumakap sakin ang asawa ko kaya niyakap ko rin siya.
"Ang saya no, Jason? Kahit tao ako tinanggap mo pa rin ako. Kahit hindi tayo pwede dahil iba ka pinaglaban naman kita. At kahit anong nangyaring mga nagpahiwalay sa atin, tayo pa rin."
"Yeah, baby. mahal na mahal natin ang isa't isa kaya destiny natin 'tong mga nangyayaring kasiyahan." Sagot ko at niyakap siya. Hinalikan ko siya sa noo.
"I love you, Jason." Sabi nia, napangiti ako.
"I love you more Marge." Sagot ko.
"Yiieee magkikiss na yan!" Sigaw naman ni Jana na nasa harapan na pala namin.
Napatawa naman kaming dalawa at binuhat ko si Jana. Wala nang mas makakapasaya sa akin dahil alam ko namang may forever. Kahit ilang taon ang agwat niyo, as long as you love each other, magkakaintindihan ang puso't isip niyo.
WAKAS.
—-
Huhuhu! Sorry po sa matagal na paghihintay sa update! Thank you na din kahit ilang buwan ako mag update ready pa rin kayong basahin 'to. Sobrang busy po eh.
Thank you ulit!
May story po si Jana. :) Hindi ko pa alam kung ano ang ilalagay kong title. Feel free to suggest :)
Baka po may special chapter 'to.
See you po sa next story ko. :)