webnovel

After You Fall Asleep

Vampire

xiarls · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
22 Chs

Chapter 20

MARGE POV

"Anak, ready ka na?" Tanong ni Mama sa akin.

Halos dalawang buwan ng matapos mag-propose si Jason, hinanda na agad ng mga magulang namin ang mangyayari ngayon. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya talaga 'yon para mapa sakanya na ako. Pero nababahala ako kung sakali mang darating si Lennard at sisirain ang araw na dapat masaya kami.

"Opo, Ma." Malumanay na sagot ko. Naramdaman niya atang kinakabahan ako kaya lumapit siya sa akin.

"What's the problem?" Tanong ni Mama.

Tumingin ako sa kanya at marahang ngumiti pero parang tutulo na ang luha ko kaya napayuko ulit ako.

"Kinakabahan ako sa mga mangyayari. Paano kung hindi matuloy?" Sabi ko sakanya. Hinawakan niya ako sa kamay at marahang pinisil iyon.

"Huwag kang kabahan anak. Natural lang 'yan."

"Paano kung may mangyaring hindi natin inaasahan? Pa'no kung dumating sila para sirain ang araw na 'to?" sunod-sunod na tanong ko.

"Huwag mong isipin 'yan. Think positive. Kasal mo 'to kaya huwag kang umisip ng ganyan."

Hindi na ako na ako nakasagot pa. Ayoko namang hindi matuloy ang kasal namin kasi pinaghirapan nila itong gawin para sa amin.

Maya-maya na lang ay tinawag na kami para bumaba at tumuloy sa wedding hall ng hotel. Maraming bisita at alam kong ang iba ay mga bampira para magbantay. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag natapos ang sitwasyong 'to. Gusto ko lang naman maging masaya kamipara sa pamilya at kaibigan namin. Pero nababahala ako kapag dumating sina Lennard at sirain ang araw na 'to.

Nagsimula na ang kasal namin. At halos lahat ng bisita nakangiti sa amin ngayong papunta na ako sa harap niya. Ito na ang pinakamasayang pangyayari sa buong buhay ko. Ang makasal sa lalaking mahal na mahal ko. At mahal na mahal din ako.

Sino mag-aakalang bampira ang mapapangasawa ko? Totoo nung una hindi ako naniniwala sa mga bampira kasi ilusyon lang iyon. Pero ng makita ko siya at sinabi niya sa akin ang totoo tinanggap ko siya kahit nagsinungaling siya sa una.

Ano pa nga ba ang magagawa ng salitang pag-ibig kung isa naman sa inyo hindi naniniwala sa isa't isa? Kahit may magawang kasalanan ang isa hindi mo kayang tiisin ang sakit kahit gusto mo na siyang patawarin.

Pero ngayong ikakasal kami, kakalimutan ko na ang lahat na mga masasamang nangyari kasama siya. Dahil gusto ko puro kasiyahan lang ang mga ikukwento ko sa magiging anak namin.

Natapos at nagsimula ang kasal namin na puro halik siya sa pisngi ko. Ang saya lang kahit hindi ito ang tunay na pagkatao ko, ang pagiging bampira, masasabi kong lahat sila masaya para sa amin.

—-