webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
131 Chs

C-33: "Ayokong mag-isa!"

ADRIATICA HOTEL AND RESORT

Kasalukuyang binabaybay ni Angela, ang daan patungo sa opisina sa loob ng resort. Naglakad na lamang s'ya at nagpababa sa entrada nito.

Nais n'yang maglakad-lakad at muling libutin ang kabuuan ng resort. Maaga pa pero marami nang mga guests na marahil na kagabi pa narito. Mamaya bago s'ya umuwi nais n'yang maglakad sa tabing dagat.

Ito ang lagi n'yang ginagawa dati pa, masaya rin n'yang pinonood ang mga nag-iiscuba diving at snorkeling, mga bagay na gusto n'yang gawin sana pero hindi n'ya magawa.

Palagi kasing naroon ang takot n'ya kapag nakalubog na s'ya sa tubig. Masaya na lang s'ya na panoorin ang iba na tila nag-eenjoy talaga. Nagagawa kasi nilang makita ang tunay na kagandahan ng dagat.

Pero at least naman kahit paano aware s'ya kung paano ito gawin. Para mai-share din n'ya sa iba. Ito kasi ang magandang gawin at talagang dinadayo dito sa San Luis Batangas, lalo na nang mga foreigners.

Tatlong buwan na rin mula ng huli s'yang tumuntong sa lugar na ito. Malalago na naman ang mga halaman sa paligid ng resort at mukhang nagsisimula na ring mamulaklak.

Nakaka-relax ang paligid, buti na lang dumeretso s'ya agad dito. Dahil ito ang kailangan n'ya ngayon ang ma-relax.

Pagkatapos ng stressful moment na nangyari kanina, bago s'ya umalis ng bahay. Dahil sa muntikang pagtatalo ng magkapatid. Minabuti ni Liandro na paalisin na sila agad ng bahay.

Agad s'yang inutusan nitong samahan na si VJ sa school.

Kung kaya hindi na n'ya namalayan kung ano pa ang sumunod na nangyari?

Gusto man n'yang manatili pa upang maging aware sa mangyayari. Subalit mas mahalaga ang katahimikan para sa kanyang anak. Bukod pa sa hindi rin n'ya gustong makita pa nito na nag-tatalo ang ama at tiyuhin.

Nakakaramdam rin s'ya ng guilt at pagkalito.

Dahil pagbali-baligtarin man ang sitwasyon, s'ya pa rin ang may kasalanan ng lahat.

Alam naman n'ya kung bakit ganu'n na lang ang ikinikilos ni Joaquin. Dahil gusto kasi nito na magsabi na sila. Pagkatapos babalik na sila sa Venice o maninirahan sila sa Australia kasama si VJ. Subalit hindi naman 'yun ganu'n kadali. Hindi madaling magdesisyon, para sa kanya at lalo na sa bata. Hindi pa ito tumira sa ibang lugar maliban sa Batangas.

Sigurado s'yang maninibago ito ng husto kapag nangyari 'yun. Hahanapin nito ang mga bagay na nakasanayan na, kasama na ang mga taong naging bahagi na rin ng araw-araw na buhay nito at higit sa lahat ang presensya ng kanyang Lolo at Tito Joseph.

Alam rin n'yang maaaring naghihinala na rin si Joseph kanina. Hindi ito bayolenteng tao at kahit kailan palagi itong kalmado at marunong mag-isip. Pero kanina naging marahas ang kilos nito kaya sigurado s'yang may iniisip itong hindi maganda.

Hanggang maaari hindi n'ya gustong maging dahilan ng pag-aaway ng magkapatid. Subalit ito na yata ang ang nakatakdang mangyari.

Paano kung magsumbong pa si Maru' kay Joseph? May hinala na s'ya na nakita sila nito kagabi, base sa mga titig nito na tila nang-uusig. Sigurado rin s'yang na kay Joseph ang loyalty nito.

Tulad rin ito ni Russel kay Joaquin pero malaki ang pagkakaiba nila, lalo na nang pakikitungo nito sa kanya. Si Russel kahit alam n'yang hindi n'ya kayang kunin ng buo ang loob nito ramdam naman n'ya na naroon pa rin ang paggalang at respeto sa kanya. Subalit si Maru' sa simula pa lang tila naglagay na ito ng pader sa pagitan nila, kaya nahihirapan s'yang mapalapit dito.

Napapansin n'yang kakaiba ang ikinikilos nito kahit sandali pa lang silang nagkakasama. Alam rin naman n'yang maaga pa upang husgahan n'ya ito agad. Subalit ramdam n'ya ang pagkadisgusto nito sa kanya. Hindi rin n'ya sana gustong pagdudahan ang sexuality nito, pero nararamdaman n'ya na tila nagseselos ito sa tuwing malapit s'ya kay Joseph. Kaya sigurado s'yang mas pipiliin nitong maging tapat sa huli.

Anong gagawin ko? Ayokong maging padalos-dalos ng pagpapasya. Pero wala yatang pinaka magandang solusyon kun'di ang lisanin n'ya ang lugar na ito, nang mag-isa. Dahil ito lang yata ang solusyon para wala ng maging problema.

Bigla tuloy nag-ulap ang kanyang mga mata at hindi na n'ya nagawang pigilan pa ang pagtulo ng kanyang mga luha sa isiping, posibleng lisanin n'ya ulit ang lugar na ito nang hindi na s'ya babalik pa. Pero saan naman s'ya pupunta, meron ba s'yang mapupuntahan?

Wala naman..

At kakayanin ba n'ya ang mag-isa?

Makakaya ko rin bang iwanan ang mga taong mahal ko? Lalo na si VJ ang mahal kong anak.

Paano ko ba s'ya iiwan?

Naisip n'ya tuloy, ano kaya kung itakas na lang n'ya ito? Pero bigla rin n'yang naisip, isang maling pagpapasya kung gagawin n'ya iyon. Dahil paano na lang kung may masamang mangyari sa kanya?

Gayung kahit s'ya hindi n'ya kayang alagaan ang sarili n'ya, paano pa n'ya ito aalagaan at poprotektahan.

Bakit ba kasi nagkasakit pa s'ya, sana alam n'ya kung saan s'ya uuwi ngayon? Sana madali para sa kanya na lisanin ang lugar na ito. Noong una pa lang sana ay nakabalik na s'ya sa tunay n'yang pamilya.

Kahit hindi pa s'ya napunta sa lugar na ito, at hindi man n'ya nakilala ang mga tao sa paligid n'ya ngayon? At least hindi s'ya masasaktan at lalong hindi n'ya masasaktan ang iba.

Nasaan na ba kasi ang pamilya n'ya? Bakit hindi man lang nila ako hinanap, napakasama ko bang tao dati? Kaya wala man lang naghanap sa akin? Wala ba akong mga magulang o mga kapatid?

Limang taon akong nawala, subalit wala man lang nagparamdam na may naghanap sa akin.

Bakit ganu'n, wala ba akong halaga sa kanila?

"Nay.."

"Tay!"

"Nasaan na ba kayo, hindi n'yo na ba ako naaalala? Ang alam ko ako ang may sakit, ako may amnesia. Pero bakit maging kayo nakalimot na rin?"

Sigaw ito ng puso at isip n'ya ng mga sandaling iyon. Bigla tuloy s'yang nakaramdam ng panlalambot. Awtomatikong umikot ang tingin n'ya sa paligid. Hanggang sa may mamataan s'yang isang bench na tila nililok na kahoy.

Lumakad s'ya patungo dito at agad naupo, nanlalambot na rin kasi ang kanyang tuhod parang bigla s'yang nawalan ng lakas. Hindi n'ya alam kung dahil sa pagka-exposed n'ya sa araw o dahil sa pagkaalala n'ya sa mga kaganapan sa buhay n'ya at sa mga posibleng mangyari pa?

Mataas na rin kasi ang sikat ng araw sa mga oras na iyon. Mabuti na lang may nakatapat na puno sa kanyang kinauupuan, kaya malilim sa bahaging ito. Hindi rin ito madalas daanan ng tao kaya wala sa kanyang nakakapansin.

Hindi na naman n'ya kasi namalayan na napalayo na pala s'ya ng lakad lumagpas na rin s'ya sa opisina nila.

Kanina may mga bumabati sa kanya pero hindi n'ya ito pansin. Lumilipad na naman kasi ang isip n'ya at malayo na ang narating nito kasing layo ng narating ng kanyang paa.

Malayo na s'ya sa Hotel at kung hindi s'ya nagkakamali? Malapit ito sa lugar kung saan s'ya natagpuan noon. Bigla na lang n'yang naalala.

"Tama ito 'yung daan!"

Bigla s'yang napatayo, bigla na lang n'yang naisip..

Bakit nga ba hindi n'ya balikan ang lugar na iyon? Baka sakaling may maalala na s'ya dito? Hindi na s'ya nag-atubili pa, lakad-takbo na ang kanyang ginawa upang makarating na agad sa lugar na iyon. Minsan na s'yang nakarating sa lugar na ito, noong unang magising s'ya sa pagka-coma.

Mula noon hindi na s'ya pumunta pa sa lugar na ito, ngayon na lang ulit.

Talagang iniwasan n'ya kasi ang pumunta pa ulit dito. Bukod pa sa ipinagbawal din ni Liandro na pumunta pa s'ya ulit sa lugar na ito. The last time kasi na nagpunta s'ya rito, hinimatay s'ya sa takot. Pero matagal na iyon, halos limang taon na rin.

Baka naman iba na ngayon?

Gusto n'yang subukan ulit, Baka hindi na katulad ng dati ang kanyang mararamdaman? Kung dati mahina s'ya at duwag, iba naman ngayon.

Malaking bagay na naging exposed s'ya sa maraming tao mas naging matatag na s'ya at matapang ngayon.

Nang makarating s'ya sa mismong lugar, unti-unting naging mabagal ang kanyang mga hakbang hanggang sa tuluyan na s'yang huminto.

Nakakaramdam s'ya ng bahagyang kaba, subalit kontrolado pa rin n'ya ang kanyang sarili. Maliban doon wala naman na s'yang iba pang maramdaman. Hindi tulad ng una s'yang pumunta rito.

Napaka-tahimik ng lugar lalo na sa ganitong oras, nasa dulong bahagi na kasi ito ng resort. Kung nakaharap ka sa dagat walang katapusang dagat ang iyong makikita at sa iyong likuran isang mataas na burol na nagmistulang maliit na gubat.

Dati hindi pa ito fully developed pero ngayon ginawa na itong camping at trekking site sa mga gusto ng adventure. Kaya hindi na ito nakakatakot tingnan at puntahan na katulad noong una. Kaya siguro nabawasan rin ang kanyang kaba? Dahil tila mas naging maaliwalas na itong tingnan.

Nilagyan na ito ng fences na nagsisilbing bakod at hagdang bato mula sa ibaba patungo sa itaas.

Alam n'ya noong ipabago ito ni Liandro pero ngayon lang n'ya ito nakita. Masasabi n'yang malaki ang ipinagbago nito mas gumanda itong lugar kaysa sa dati. Parang gusto tuloy n'yang subukang pasukin ang gubat.

Lumakad s'ya patungo sa entrada ng hagdanan at binagtas n'ya ang hagdan patungo sana sa itaas. Subalit nakakaisang baitang pa lamang s'ya, bigla na ang bugso ng kaba sa kanyang dibdib. Lalo na nang tingnan n'ya ito paitaas at ang daan papasok sa loob ng gubat.

Nagsimula na naman s'yang makaramdam ng panginginig at pinanghihinaan na naman s'ya ng loob. Bigla na namang sumalit sa isip n'ya ang pangyayaring iyon. Bigla tuloy s'yang napaurong.. Muli na namang nag-flashback sa isip n'ya ang insidenteng iyon.

Kaya ito na naman ang pakiramdam na tila may humahabol sa kanya at walang katapusang pagtakbo ang kanyang ginawa at pagkatapos bigla na lang s'yang mahuhulog sa kawalan. Kaya muli napuno na naman ng kaba ang kanyang dibdib at napaupo na lang s'ya sa sahig. Pilit n'yang binalikan sa isip ang mga nangyari.

Pero ano mang isip ang gawin n'ya upang dugtungan pa ang alaalang iyon sa isip n'ya, hindi n'ya magawa. Nanatiling itong malabo sa isip n'ya, hindi rin n'ya maisip kung sino ba ang humahabol sa kanya lalo na ang dahilan kung bakit s'ya hinahabol ng mga ito?

Ang nabigyang linaw lang sa kanyang isip ay yun posibleng nahulog s'ya sa mataas na lugar at pagkatapos nu'n hindi na n'ya alam ang nangyari.

Bakit ganu'n wala pa rin akong maalala? Ano bang kailangan kong gawin? Kailangan bang iuntog ko pa ang ulo ko para lang may maalala ako? Tulad ng napapanood ko sa pelikula at television O mas tamang paniwalaan ko na kahit kailan hindi na muling babalik pa ang alaala ko.

Dahil sa aksidenteng nangyari noon at pagkabagok ng kanyang ulo. Imposible nang bumalik pa ang alaala n'ya. Baka may nasira ng parte sa utak n'ya na mahirap ng ibalik pa sa dati. Tulad rin ng isang babasaging bagay na kapag bumagsak at nabasag na, hindi na muling mabubuo pa. Kagaya rin ito ng mga alaala sa isip n'ya na napakahirap ibalik.

Pero mas madali siguro sa kanyang balikan ang mga nakaraan sa buhay n'ya kung may nagpapaalala nito sa kanya?

Pero wala..

Wala s'yang pamilya, walang kamag-anak. Walang kahit sinong naghahanap sa kanya.

Naisip n'yang tumayo at muling maglakad.

But this time she walked towards on the seashore. While the tears continues to drop in her eyes.

She just kept walking closer to the sea, even though her eyes began to blurred with tears while her mind has remained blank in the memories of the past years.

Niyakap n'ya ang kanyang sarili, pakiramdam n'ya nilalamig s'ya kahit tirik ang sikat ng araw at hindi n'ya iniinda ang mainit na dapyo nito sa kanyang balat. Naisip n'yang ang dagat ang naglagay sa kanya sa lugar na ito. Ano kaya kung ito rin ang bumawi sa kanya ngayon?

Nagulat pa s'ya sa biglang pag-alon ng dagat, nabasa ang kanyang paa at bahagyang naging mabuway ang kanyang tindig ngunit agad rin naman s'yang nakabawi.

Naisip din n'ya ano kaya ang iisipin sa kanya ni Liandro? Kapag nalaman nito ang ginawa n'ya sa dalawa nitong anak. Gugustuhin pa rin kaya nito na manatili s'ya dito? Kung alam lang nito na s'ya ang dahilan kung bakit nagaaway ngayon ang mga anak nito.

At si Joseph, paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi ko s'ya mahal at si Joaquin ang mahal ko. Ang sama sama ko nu'n hindi ba?

Pagkatapos ng lahat ng ginawa n'ya sa akin, ito ba igaganti ko sa kanya?

Paano ko sila haharapin ngayon, ano na lang ang iisipin nila sa akin? Ano kaya kung unahan ko na lang pang-uusig nila sa akin. Para hindi ko na makita pa ang sakit na idudulot ko sa kanila at hindi na ako makagagawa ng gulo pa sa buhay nila.

Muli n'yang pinagmasdan ang dagat sa kanyang harapan. Tila payapa ito ngayon, kahit may maliliit at papalaking alon na humahampas sa kanyang mga paa. Parang idinuduyan s'ya nito at tila bumubulong na pumunta s'ya sa mas malalim na bahagi nito. Nababasa na rin ang laylayan ng bestida n'yang suot pero hindi n'ya ito pansin.

Sobrang okupado ang isip n'ya kung paano s'ya magpapatuloy ng ganito? Hindi kilala ang sarili, walang mapupuntahan, walang kaanak at maaaring wala ring halaga.

Si Papa Liandro, si Joseph, si VJ at si Joaquin. Sila ang mga taong mahal ko. Ang pinaka mahalaga sa akin ngayon, sila ang buhay ko. Kung mawawala sila sa akin, wala na ring halaga ang buhay ko. Hindi ko kayang mag-isa, ayokong mag-isa.

"Ayokong mag-isa..!" Bigla n'yang sigaw na tila kinakausap n'ya ang dagat.

"Naririnig mo ba ako.. bakit mo ba ako dinala dito?! Sana hindi mo na lang ako binuhay, sana pinabayaan mo na lang ako."

Malakas n'yang sigaw sa kabila nang tirik na araw.

"Paano ba ako magiging masaya kung alam kong may masasaktan akong iba? Sana hindi mo na lang hinayaan na makilala ko pa sila! Sana ibinalik mo na lang ako kung saan ako nagmula. Para hindi ko sila mabigyan ng problema."

Patuloy lang s'ya sa pag-iyak kahit nakakaramdam na s'ya ng pagkaliyo. Dahil sa matinding sikat ng araw at pagbigat ng emosyon. Nasa isip n'ya kung ipagpapatuloy ba n'ya ang paglusong sa dagat at tuluyan s'yang lamunin nito? Babalik din kaya sa dati ang lahat, sa simula noong hindi pa n'ya nalilimutan ang lahat, kung ano s'ya noon?

Kung sino ako noon..

Kung ano ba ang pangalan ko?

Ang mga naiwang tanong sa isip n'ya bago s'ya unti-unting nanghina at tuluyang nawalan ng malay.

* * *

By: LadyGem25