webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
131 Chs

BETWEEN IN LIES

"Gawin mo na lang akong kabit!"

Parang paulit-ulit pa rin n'ya itong naririnig at hindi maalis sa kanyang isip. Kung bakit nasabi nito ang mga katagang iyon ay hindi n'ya maintindihan? Kung niloloko ba s'ya nito o sadyang nababaliw na.

Hanggang ngayon na nasa loob na s'ya ng kanyang kwarto at nakahiga na sa kanyang kama. At handa na sanang magpahinga. Kung bakit  hindi pa rin s'ya makatulog. Ang dami kasing nangyari ngayong araw. At ang lahat ay dahil sa lalaking 'yun!

Kanina nagpilit talaga s'yang umuwi. Napapayag naman n'ya ito, subalit hindi ito pumayag na hindi s'ya maihatid sa kanyang tinutuluyan. Matapos nitong bilinan ang mga kasama n'ya sa Apartment saka lang ito nagpasyang umalis.

Hindi talaga s'ya makapaniwala na masasabi nito ang mga katagang iyon. Hindi rin n'ya alam kung seryoso ito sa sinabi. Ayaw rin n'yang paniwalaan na magkakagusto ito sa kanya ng ganu'n kadali. Hindi s'ya nito kilala at hindi rin ito tanga. Para hindi mag-imbestiga, lalo at alam na nito ang sekreto n'ya.

Pero bakit imbes na layuan s'ya nito, mas gusto pa yata nitong mapalapit sa kanya ngayon?

Ano pa ba ang gusto nito sa kanya? Tapos na ang problema nito kay Ms. Martha, may iba pa kayang babae na gusto nitong pagtaguan o hiwalayan?

To think na papayag itong maging kabit n'ya. Dahil sa pagkakaalam nito totoong may asawa na s'ya.

"Ano nga kaya at patulan ko yun?" Birong tanong pa n'ya sa sarili, habang napapangiti. Batid niyang hindi ito maganda. Pero  may bahagi sa isip n'ya na natutuwa. Dahil sa ibinibigay na importansya sa kanya ng lalaki.

Bukod pa sa nadaramang curiosity na papayag nga ito sa ganu'n set up? Dahil aminin man n'ya o hindi may special na pagtingin na rin s'ya para dito.

Hindi n'ya maipaliwanag kung paano nangyari? Basta alam n'ya nag-iiba ang pakiramdam n'ya, kapag nasa malapit lang ito. Bumibilis ang tibok ng puso n'ya, kapag nakikita n'ya ito. Sabihin pang nagugustuhan din n'ya ang mga halik nito. Yung masarap na pakiramdam habang nakasubsob s'ya sa dibdib nito at yun pagngiti nito sa kanya habang nagdidribol naman ang puso n'ya.

Bakit ba s'ya magpapakaipokrita, mahihiya pa ba s'yang aminin ito sa kanyang sarili.

Alam n'ya yung pagkakaiba nito kung ikukumpara kapag si Joseph ang kasama n'ya. Masaya s'ya kapag kasama ito. Alam n'yang secured s'ya kapag si Joseph ang kasama n'ya at malaki rin ang tiwala n'ya dito. Pero bukod du'n wala na s'yang ibang nararamdaman pa para dito.

Ah! Bakit ba ipinagkukumpara n'ya ang dalawa? Isa lang naman ang dapat n'yang piliin. At alam n'ya kung sino ang nararapat.

Isa lang naman ang patutunguan nito. Kung patuloy itong lalapit sa kanya. Dalawang bagay lang it's either masaktan n'ya lang ito sa huli o s'ya ang masasaktan kapag tuluyang nahulog ang loob n'ya dito.

Kaya ngayon pa lang dapat na s'yang dumistansya. Dahil hindi n'ya ito maaaring piliin.

Ah! Bakit ba ginugulo nito ang utak n'ya?

"Bakit ba n'ya iniisip ang kapre? Pwede namang magbilang na lang s'ya ng tupa upang makatulog." Birong bulong pa niya sa sarili at nagsimula ngang magbilang ng tupa.

Tupa 1 tupa 2 tupa 3..

Hanggang unti-unti s'yang nakaramdam ng paghihikab. Hindi na n'ya namalayan ang pagba-vibrated ng cellphone sa side table ng kanyang kama. Na kanina pa pala ito nagriring. Hindi lang n'ya naririnig dahil naka-silent ito. Hindi na rin n'ya ito magagawang sagutin pa. Dahil unti-unti na s'yang inagaw ng antok.

_____///_______

Habang si Joaquin na hindi rin makatulog ng mga oras na iyon. Simula ng makabalik sila ng Hotel. Dumeretso na rin s'ya agad sa kanyang kwarto. At nahiga sa kanyang kama na sadyang hindi pa n'ya pinapalitan ng bedsheet at punda.

Kung minsan hindi na n'ya maintindihan ang sarili. Lately napapansin n'yang kaiba na ang mga kilos n'ya at desisyon. Lalo na ngayong araw, simula kanina nang muling makabangga n'ya si Angela ang dami ng nangyari. Isipin pang sa loob lang ng isang araw.

Ano ba itong ginawa n'ya, ano bang nangyayari sa kanya? Ang totoo hindi naman yun ang gusto n'yang sabihin. Pero yun ang nasabi n'ya, hindi nga n'ya alam kung kaya n'ya itong panindigan. Pero ano pa ba ang eksaktong pwedeng itawag sa kanya? Kung ipipilit pa rin n'ya ang sarili kay Angela.

Hindi ba 'yun ang katawagan sa isang taong nakikiapid sa iba? Kahit madalas na hindi sila nahuhusgahan. Dahil lalaki sila at walang mawawala.

Bakit meron bang exemption sa pangangaliwa o pagiging kabit?

Alam naman n'yang asawa na ito ng kanyang Papa. Alam din n'yang mali ito pero ginawa pa rin n'ya.

Sinusunod lang naman n'ya ang kanyang nararamdaman. Depensa pa ng kanyang utak.

Kahit kailan hindi n'ya ginustong manulot ng iba, like a someone that cause of ruine and changed his life. Lalo na kung sa kanyang Papa. Pero nagawa na n'ya.

Being a impulsive is out of his mind.. Lalo na pagdating sa negosyo at sa kanyang trabaho.

But love is different as what I thought? You might skip hindrances, but it's always complicated.

What if, Liandro was here and knew what I was doing to his wife? Maybe he probably killed me. Because that was I deserved.

Ang gago ko! Ang dami namang babae d'yan, pero bakit ang babaing yun pa ang gusto ko. Gusto ko s'yang makasama at maalagaan. Gusto kong muli s'yang mayakap at mahagkan. Gusto ko s'yang makatabi sa pagtulog at paggising. Kung pwede lang aangkinin ko s'ya ng buong-buo yung walang kahati.

Pero alam n'yang imposible itong mangyari. Hindi ito magiging kanya kahit kailan. Dahil may nagmamay-ari na dito. Kahit nga ang magpakilala ng totoo hindi n'ya magawa. Ano kayang gagawin nito, kung malalaman n'yang ako ang ama ng batang sinasabi n'yang anak sa simula pa lang? Hindi man n'ya ito gustong lokohin subalit nagawa na n'ya. Siguradong lalo itong magagalit sa kanya.

Paano ba n'ya pipigilan ang sariling h'wag magkagusto dito? Kanina kung hindi s'ya nito pinigilan, malamang kung saan na sila nakarating at alam n'yang hindi n'ya 'yun pagsisisihan. Saka na lang siguro n'ya iisipin ang problema. Kapag handa na s'yang harapin ang lahat lalo na ang galit ng kanyang ama.

KINABUKASAN..

Maagang gumising si Angela.. Bigla kasi n'yang naalala, hindi pa nga pala s'ya tumatawag sa pamilya n'ya sa Pilipinas.

Siguradong nag-aalala na ang mga ito. Buong araw kasi s'yang hindi nakatawag kahapon. Bukod sa nasira ang cellphone n'ya ang dami pang nangyari. Nakaligtaan tuloy n'ya ang pagtawag. Ngayon lang din n'ya nalaman na ang dami na pala n'yang missed calls. To think na naka-silent pa ito kaya hindi n'ya naririnig na tumutunog. Kabuset! Sinadya kaya ito ng kapreng yun? Tanong pa ng isip n'ya. Porke sa kanya itong cellphone.

Tatawag na sana s'ya ng muli itong tumunog. Pero bago pa man n'ya ito nasagot.. na-enganyo s'yang pakinggan muna ang ringtone nito. Isa kasi ito sa gusto n'yang kanta kahit medyo malungkot. Kaiba rin pala ang choice of song nito.. Parang ang lungkot naman ng buhay n'ya?

We'll do it all

Everything

On our own

We don't need

Anything

Or anyone

If I lay here

If I just lay here

Would you lie with me and just forget the world?

I don't quite know

How to say

How I feel

Those three words

Are said too much

They're not enough

Pero bago pa matapos ang kanta pinutol na n'ya ito saka na lang n'ya ulit ito pakikinggan. Mas kailangan kasi niyang masagot ang tawag.

"Hello?" Marahan n'yang sagot.

"My goodness! Mabuti naman sumagot ka rin.. Ano bang nangyari sayo bakit ngayon ka lang sumagot ng tawag?" Sunod-sunod ng tanong ni Joseph sa kabilang linya.

"Ok lang naman ako, kumusta na kayo d'yan?" Aniya.

"Ano ba kasing nangyari sayo may problema ba?" Mausisang tanong nito.

"Wa-wala namang nangyari!" Matipid at pigil n'yang sagot.

"Sigurado ka, alam mo bang kung hindi ka pa sumagot ngayon.. Malamang sa puntahan na kita d'yan. Sobrang nag-aalala kami sayo." Mararamdaman sa salita nito ang totoong pag-aalala.

"Para isang araw lang naman akong hindi nakatawag.." pagdepensa n'ya sa sarili.

"Kahit na, hindi mo naman yun dating ginagawa. Hindi kami sanay lalo na at malayo ka at nag-iisa pa. At saka alam naman nating hindi.. ah!" Bigla ito napahinto sa iba pang sasabihin.

"Na hindi ako normal, na may sakit ako? Yun bang gusto mong sabihin?" Dugtong na niya sa sasabihin nito. Totoo naman ang sinabi nito, hindi naman talaga s'ya normal. Normal ba sa isang tao ang makalimutan ang sarili n'ya at ang paminsan-minsang pagkawala sa sarili dahil sa trauma? Ito naman talaga ang nangyari kahapon. Pero wala na s'yang balak ipalaam sa mga ito ang nangyari sa kanya. Dahil siguradong mag-aalala talaga sila. Baka nga puntahan pa s'ya dito at hindi n'ya yun pwedeng payagang mangyari. Hindi pa n'ya pwedeng sabihin sa mga ito ang tungkol sa isa sa Founder ng Hotel. Baka kasi hindi maganda ang mangyari. Lalo kung si Joseph ang pupunta sa kanya.

"Angeline.. I'm sorry!" Bulong nito dahil sa biglang pananahimik n'ya. Pero dinig pa rin n'ya kahit pa ang pagbigat ng hininga nito.

"Oy! Ok lang ako h'wag ka nang mag-alala." Sabi na lang n'ya, alam n'yang hindi naman nito gustong masaktan s'ya.

"Sigurado ka bang ok ka lang, gusto mo ba pumunta ako d'yan?" He said.

"Ha! Hi-hindi o-ok lang ako I mean hindi na kailangan." Aniya, Alam n'yang totohanin nito ang sinabi. Hindi pwede paano na lang kung malaman nito ang nangyayari sa kanya.

"Hey! May hindi ka ba sinasabi sa amin?" Tanong nito na parang nakakahalata.

"Ha! Wala, anong ibig mong sabihin?" Pinangatawanan na lang n'ya ang pagtanggi.

"Nevermind, 'yun nga pa lang anak mo iyak ng iyak hinahanap ka. Bakit daw hindi mo s'ya tinawagan. Ayaw nga sanang  kumain, buti na lang kasama ko si Maru' ayun buti nagkasundo sila." Bigla s'yang nakaramdam ng pagbigat ng pakiramdam. Dahil sa sinabi nito para na rin n'yang nakita ang itsura ni VJ habang nagtatantrum ito.

Hindi tuloy n'ya napigilan ang bahagyang pangingilid ng kanyang luha. Kasunod ng pagbuntong-hininga.

"Nasaan si VJ p-pwede ko ba s'yang makausap ngayon?" Aniya.

"Oo teka titingnan ko kung tapos na s'yang kumain. Tiyak na matutuwa yun! Pero ok ka lang ba?" Sa huli tanong pa nito.

"Ok lang ako na-mimiss ko na s'ya, sige na gusto ko na s'yang makausap.. Sandali ioopen ko ang messeger ko. Para doon kami makapag-usap, gusto ko rin kasi s'yang makita io-off ko muna." Saglit muna n'yang pinatay ang linya, para magbukas ng apps.

Habang si Joseph..

"Hey! Buddy, your mom's in the phone.. she want to talk to you." Masayang balita nito habang papasok pa lang ng dining room.

Biglang namilog ang mga mata ni VJ na kanina lang ay mugto at galing sa matagal na pag-iyak. Pagkarinig pa lang sa sinabi ng tiyuhin. Nakaupo ito sa right side ng dining table sa kanan nito nakaupo si Maru'. Habang sa kaliwa nito nakaupo ang kanyang lolong si Liandro.

Natuwa rin si Liandro sa narinig para ito nabunutan ng tinik. Kahapon pa rin kasi ito sobrang nag-aalala kay Angela hindi kasi ito tumawag buong maghapon.

Habang si Maru' na prenteng nakaupo lang at hindi kakikitaan ng anumang reaksyon. Bahagya pa itong yumuko para hindi mapansin. At nagkunwaring tutok sa pagkain at abala sa pagsubo kay VJ.

"Si Mama, yehey! Tumawag na si Mama, Lolo mamaya na lang ulit ako kakain ha? Tito Maru' stop na kakausapin ko muna si mama ko. Excuse me po!" Paalam nito, matapos tumayo ay tuloy tuloy ng tumakbo na tila alam na kung saan patutungo. Nilagpasan pa nito si Joseph na nakatayo pa rin sa pintuan ng dining room.

"Hey! Young boy, be careful ok?" Paalala na lang nito, nang hindi na napigilan pa ang bata sa pagtakbo na tuloy tuloy na pumasok sa loob ng Library.

Bukod kasi sa loptop na ginagamit nila sa kwarto nila sa itaas. Dito lang sa loob ng Library may desktop computer.

Kabisado na rin nito ang gagawin alam na nito kung paano i-operate ang aparato. Hindi naman ito madalas humawak ng computer kahit cellphone. Maliban lang kung kausap ang ina, nadisiplina na kasi nila ito. Bawal ang computer maliban sa kung gagamitin sa pag-aaral nito.

Hindi naman nagtagal at magkausap na ito at si Angela. Matapos lang nitong iset ang computer naglagay na ng earphone sa tainga. Habang si Angela ay pasalampak na naupo sa sahig patalikod sa pintuan. Ipinatong lang niya sa ibabaw ng kama ang cellphone na gamit matapos kabitan ng earphone.

"Mama! Bakit ngayon ka lang natawag? Nami-miss na kita eh." Sabi nito na parang maiiyak.

"Sorry anak, ako din miss na miss na kita. Nasira kasi ang cellphone ni mama. Nanghiram lang ako ng cellphone kaya ako nakatawag." Hindi n'ya nagawang magsinungaling sa harap nito, mas pinili niyang magsabi ng totoo.

"Bakit hindi ka bumili ng bago? Mama sasabihin ko kay lolo ibili ka ng bagong cellphone. Ha?"

"Teka bakit hindi mo sinabi sa aking sira ang cellphone mo?" Singit ni Joseph na nasa likod na  pala ni VJ sumunod din pala ito agad.

"Balak ko rin naman kasing bumili mamaya, naging busy lang ako kahapon kaya hindi ako nakabili agad." Paliwanag niya.

"Pero hindi mo sinabi sa'kin na yun pala ang dahilan kaya hindi ka nakatawag. Ano bang nangyari sa cellphone mo? Nanghiram ka pa tuloy, kanino ka nanghiram?" Sunod-sunod ng tanong nito.

"Na-nahulog kasi sa hagdan, habang nagmamadali ako. Nahiya lang akong sabihin sayo kasi, di-diba gift mo sa akin yun hindi ko na-ingatan. Sorry!" Pinangatawanan na rin n'ya ang pagsisinungaling. Hindi n'ya alam kung saan s'ya kumuha ng lakas ng loob.

"Mama, buti na lang hindi ikaw ang nahulog sa hagdan?" Napabuntong-hininga ito sa sinabi ni VJ.

"Tama si VJ, mabuti na lang hindi ikaw ang nahulog sa hagdan. Hayaan mo na 'yun ibibili na lang kita ulit sa susunod. Pero kung maaari bumili ka na agad ng cellphone mo d'yan. Para hindi ka na manghiram." Bilin pa nito. Bigla tuloy s'yang nakaramdam ng guilt sa ginawang alibis.

"Mama, sasabihin ko kay lolo Paps ibili ka ng maraming cellphone. Para kahit mahulog meron pang matitira." Nakadama s'ya ng tuwa sa napaka inosenteng suhest'yon nito.

Hindi n'ya tuloy napansin ang marahang pagbukas ng pinto. At ang biglang pagpasok ng isang taong hinding hindi n'ya gugustuhing makita ng mga oras na iyon..

"Good morning, I brought you a breakfast. Can I've eat with you?" Pasopresang salita nito, itinaas pa nito ang dalang pagkain.

Pero nang mapansin nito ang kanyang ginagawa. Kung gaano ang bilis ng pagpasok nito, mas higit pa ang bilis ng pagtalikod nito. Na hindi na napansin ni Angela, dahil na rin bigla rin ang naging reaksyon nito. Naitaob nitong bigla ang cellphone na hawak. Turned to look at back with annoying face..

"Kahit kailan talaga sablay ang lalaking ito!"

* * *

LadyGem25