webnovel

Addicted (BoyxBoy)

DISCLAIMER: MATURE CONTENT R-18 This story may contain content of an adult nature. Reader discretion is advised. - Meet Ace Ezekiel Montemayor, a man with a painful past. And this is his story.

heyitskristoff · LGBT+
Không đủ số lượng người đọc
31 Chs

Act 4

ACE

Tangina! Tangina!

Sunud-sunod ang pagmumura ko sa aking isipan habang nagtataas-baba ang aking kanang kamay sa aking titi.

Pawisan ang buo kong katawan kahit na nakabukas ang air conditioner. Nakapatay ang ilaw sa aking kwarto at pigil na pigil ko ang pag-ungol dahil baka marinig ako ng pinsan at ng aking tiyahin.

Well, siguro ay okay lang kung si Ben ang makakarinig sa akin. Naisubo ko na nga siya eh. Mahihiya pa ba ako? Kung hindi ko lang talaga pinsan ang napakasarap na lalaking iyon, baka pinasok ko na siya sa kwarto niya at ginapang siya sa kama niya.

Tangina. Kapag naiisip ko si Ben, mas lalo akong nilalamon ng kalibugan. Kung pwede lang talaga, gusto ko siyang matikman ulit.

Gusto kong maisubo ulit ang kahabaan niya. Gusto kong kainin ang tamod niya. Gusto ko siyang paungulin.

Napaunat ang binti ko tanda na malapit na akong labasan. Kaunting taas-baba pa at impit na pag-ungol, tumalsik na ang tamod sa hubad kong katawan. Malalakas ang talsik. Umabot hanggang sa aking dibdib.

Nagpahinga lamang ako saglit bago nagpasiyang linisin ang aking sarili at tuluyan nang natulog.

===

"Mukhang maganda ang gising mo ngayon, ah?"

Nginitian ko ang aking tiyahin na naabutan kong naghahanda ng pagkain namin.

Natural. Pero syempre hindi ko pwedeng sabihin na dahil pinagjakulan ko ang anak niya kagabi at ini-imagine na sinusubo ko ang burat nito.

Umupo na ako sa pwesto ko. Ang bango. Pritong tuyo at itlog.

Maya-maya rin ay bumaba na si Ben. Nakasuot ito ng basketball jersey. Lantad na lantad tuloy ang namumutok nitong biceps, ang malapad na balikat. Kahit ang dibdib nito ay bahagyang sumisilip.

Naramdaman ko tuloy na bigla akong tinigasan. Tangina naman. Ang aga-aga ng tukso.

"May laro kayo ngayon?" tanong ng tita Wendy.

"Oo, ma. Diyan lang naman sa court. Kasama ko sila Clark," sagot ni Ben. Ang tinutukoy nito ay ang matalik nitong kaibigan na ilang bahay lamang ang layo mula sa amin.

"Umuwi ka ng maaga, ah? Walang makakasama itong si Ace. Kailangan kong pumunta ng shop ngayon. May aasikasuhin akong deliveries."

"Opo, ma," sagot ni Ben.

Sunday kasi ngayon kaya walang naka-schedule na private nurse para mag-alaga at magbantay sa akin.

"Isama ko na lang kaya si Ace? Baka malibang siya habang nanonood sa amin," sabi ni Ben. Tumingin siya sa akin. "Okay lang ba?"

"Okay lang," tipid kong sagot. Wala rin naman akong gagawin. Saka pagkakataon ko na ito para makalabas ulit.

"Kung ganoon, eh pupunta na ako sa shop ngayon para maaga rin ako makauwi," sabi ni Tita Wendy. Tumingin siya sa akin. "Mag-iingat ka, Ace, ha? Huwag ka aalis sa paningin ni Ben."

"Hindi ko naman pababayaan si Ace," sabi ni Ben at binigyan ako ng isang makahulugang ngiti. "Ako ang bahala sa kanya."

===

"Yes!"

Kitang-kita ko kung paano sumigaw si Ben. Naitiklop niya pa ang kanyang kamao, tanda ng tagumpay. Panalo sila.

Wala namang premyo ang laro nila. Laro lang nilang magkakaibigan.

Maya-maya ay lumapit sa pwesto ko si Ben kasama ang tatlong lalaki. Isa na roon si Clark, ang best friend niya. Mahilig man itong mag-basketball sa ilalim ng sikat ng araw, hindi ito nangingitim. Puting-puti ang balat nito na namana sa inang taga-ibang bansa. Itim na itim ang buhok. Matangos ang ilong at pinkish ang labi. Your typical heartthrob.

"Ang galing ko no?" proud na proud na sabi ni Ben. Malapas ang kanyang pagkakangiti. Nag-flex pa siya ng kanyang biceps. Palihim akong napalunok.

"Ang yabang talaga," sabi ni Clark.

"Siyanga pala, guys, si Ace, pinsan ko," pagpapakilala ni Ben. "Ben, for sure kilala mo na si Clark."

Tinanguan ko si Clark. Ito lang ang kilala ko sa mga kasama ni Ben. Minsan kasi ay nagpupunta at tumatambay ito sa bahay.

"Si Enrique," turo ni Ben sa lalaking may pagka-mestiso. Medyo malaman ito. Semi-kalbo. Matangos ang ilong. Mapula ang labi. Ang mga mata ay itim na itim na akala mo sinusuri hanggang kaloob-looban mo.

"Ric na lang, pare," sabi ni Enrique na nakipagkamay pa sa akin. Malaki ang kamay niya. Ramdam na ramdam ko ang init niyon.

"Si Flaviano," pakilala ni Ben sa isa pa. Nang lingunin ko siya, napansin kong titig na titig lang siya sa akin. Nakaramdam ako ng kakaiba. A sense of uneasiness.

Tinanguan lamang ako ni Faviano na ginantihan ko lang din ng marahang tango bago tumingin muli sa pinsan ko. Hindi ko gusto ako titig ni Flaviano. Ayokong pag-isipan siya ng masama dahil kaibigan siya ng pinsan ko pero hindi ko talaga gusto ang titig niya sa akin.

Napansin kong nawala na ang ibang tao sa basketball court.

"Gusto niyo ng inumin?" tanong ni Ben at tumingin siya sa akin. Nagsagutan naman ang mga kasama niya.

"Ako rin, Ben," sabi ko.

"Sama na ako sayo, pre," sabi ni Enrique.

"Iwan muna kita kay Clark," sabi ni Ben. Tumango lang ako at tinanaw na lang ang pag-alis niya. Tumabi sa akin ang dalawang naiwan. Napapagitnaan nila ako.

Kahit papaano ay kampante ako dahil nandito si Clark. Hindi ko na lang papansinin si Flaviano.

"Musta ka na, Ace?" tanong ni Clark. Napakaganda talaga ng aura ng taong ito. Cheery. Mapagkakamalan mo nga na happy-go-lucky ang taong ito pero ang katunayan ay seryoso ito sa pag-aaral.

"Tulad pa rin ng dati," sabi ko. "Hindi ka na nabibisita sa amin?" tanong ko. Pinipilit kong pahabain ang usapan namin para mas hindi ko mapansin ang isa namang kasama na pakiramdam ko ay nakatitig sa akin.

"Oo, eh. Busy kasi sa school," sagot niya. "Alam mo naman, graduating na. Bakit? Miss mo na ako?"

"Sira. Napansin ko lang."

Tumayo siya. "Ihi lang ako saglit. Avi, ikaw muna ang bahala kay Ace."

Tumango lang ang isa. Shit. Maiiwan ako sa kanya.

Mabilis na umalis si Clark kaya hindi na ako nakapagsalita. Nanginig ang mga kalamnan ko na para bang may malamig na hangin na umihip.

"Okay ka lang ba?" narinig kong tanong ni Avi na sinagot ko lamang ng alanganing tango. "Hey, natatakot ka ba sa akin?"

Hinawakan niya ang braso ko. Nanginig ako nang magdikit ang aming mga balat. Napatingin ako sa kanya. Seryoso pa ron ang tingin niya.

"Ace?" boses ni Avi ang naririnig ko pero mukha ng aking ama ang nakikita ko.

Seryoso ang mukha niya. Nakakatakot. Nakakapanindig-balahibo.

Bumalik sa aking gunita kung paano ako sumigaw. Kung paano ako magmakaawa na pakawalan ako ng aking ama. Kung paano ako magmakaawa na itigil na niya ang ginagawang panghahalay sa akin.

"Huwag mo kong sasaktan," pagmamakaawa ko. Pilit akong lumalayo sa kanya pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Bakit naman kita sasaktan?" tanong niya. "May problema ka ba sa akin?" Hinawakan na rin niya ang isa ko pang braso.

"P-Please. Maawa ka sa akin," sabi ko. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol. Bumalik sa alaala ko ang ginawang pambababoy sa akin ng aking sariling ama.

Kung paano niya ako walanghiyain kapag naiiwan kaming dalawa sa bahay. Ang dahilan kung bakit lumaki akong nakakulong lamang sa kwarto.

Ang dahilan kung bakit nandiri ako sa ibang tao. Ang dahilan kung bakit mas ginusto ko na ubusin ang oras ko sa online gaming kapag wala ako sa school.

"Hey, pare! Anong ginawa mo sa pinsan ko?" narinig kong tanong ni Ben. Mabilis akong tumayo at yumakap sa kanya.

"B-Ben." Nang maramdaman ko ang init ng kanyang katawan, I felt comfort. I felt peace.

"Pare, wala akong ginawang masama sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang siyang umiyak," depensa ni Avi. "Sorry."

"Anong nangyari?" tanong ng kababalik lamang na si Clark. "Inatake na naman si Ace?"

Tumango lang si Ben. "Tara, uwi na tayo," hinawakan ni Ben ang braso ko. Ngunit hindi katulad ng kay Avi, wala akong naramdamang takot. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa kanya.

Si Clark naman ay tahimik lamang na nakasunod sa aming likuran.

"Sana hindi pa nakakauwi si mama," bulong ni Ben.

Sana nga. Tiyak, pagagalitan at masesermunan ni tita si Ben. At baka mas lalo na hindi ako mapayagang lumabas.

Nang makarating sa bahay, nakahinga kami ng maluwag nang malaman naming wala pa si tita.

Pinaupo ako ni Ben sa sofa at dumiretso siya sa kusina para ikuha ako ng tubig. Naiwan kasi kay Ric ang pinamili nila.

Naiwan sa tabi ko si Clark. Pilit kong pinayapa ang aking paghinga. Pilit inaalis sa isipan ang alaala ng nakaraan.

Maya-maya ay naupo sa tabi ko si Ben. Iniabot sa akin ang baso ng tubig at marahan na hinaplos-halos ang likod ko.

Matapos inumin ang tubig, seryoso kong tiningnan ang pinsan ko.

"Ano pang gusto mo?" tanong niya.

"Ben..."

"Hmmm?"

"Fuck me."