webnovel

Addicted (BoyxBoy)

DISCLAIMER: MATURE CONTENT R-18 This story may contain content of an adult nature. Reader discretion is advised. - Meet Ace Ezekiel Montemayor, a man with a painful past. And this is his story.

heyitskristoff · LGBT+
Không đủ số lượng người đọc
31 Chs

Act 1

ACE

"Ace! Ace! Ace!"

Dinig ko pa ang malakas na sigaw ni Tita Wendy habang patakbo siyang lumapit sa akin.

Nanghihina ang katawan ko. Ang paningin ko ay nababahiran ng kulay pula dulot ng dugong dahan-dahang umaagas mula sa ulo ko.

Niyakap ako ni Tita Wendy. Umiiyak siya. Nakita ko pa ang pagtakbo ng mga pulis papasok ng aming bahay paakyat sa itaas.

"Ace!" sigaw pa ni Tita Wendy.

Walang ekpresyon ang mukhang tiningnan ko siya. Kitang-kita ko kung paano umagos ang luha mula sa kanyang mga mata.

Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng aking katawan. Hindi ko man lang maigalaw ang kahit anong parte ng katawan ko. Ni hindi ako makapagsalita Lihim akong napabuntong-hininga sa aking isipan.

Ahh... ito na siguro ang oras ko. Sana mas na-enjoy ko pa ang buhay ko. Sana nakinig ako sa nanay ko na i-enjoy ang buhay sa labas sa halip na magkulong sa kwarto ko magdamag at malaro ng online games.

Sana mas ipinaramdam ko pa sa kanya at sa mga kapatid ko kung gaano ko sila kamahal. Kung gaano sila kahalaga para sa akin.

Totoo nga naman ang kasabihan na 'Nasa huli ang pagsisisi'. Maiisip mo lang ang kahalagahan ng mga bagay at tao sa paligid mo kapag wala na sila... o kapag mawawala ka na.

Naramdaman ko pa ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Tita Wendy. Mainit. Sana nayakap ko rin ang aking ina... ang aking mga kapatid.

Maya-maya ay nagdilim na ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

"ACE!"

Nabalik ako sa realidad sa malakas na pagtawag ni Tita Wendy. Wala na ako sa dati naming bahay. Wala na ang mga pulis. Wala na ang ingay ng mga sasakyan nila. Wala na ang malakas na pag-iyak ng aking tiyahin. Wala na ako sa kanyang mga bisig.

Nandito na ako sa bahay niya ngayon. Nasa hapagkainan. Hawak ko pa ang kutsara't tinidor sa aking magkabilang kamay.

"Ayos ka lang ba?" bakas sa mukha ang pag-aalalang tanong ng aking tiyahin na mabilis na tumayo sa kanyang upuan at lumapit sa akin.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang isasagot ko. Pero alam kong alam niya kung ano ang nararamdaman at iniisip ko ngayon.

Oo, bumalik sa aking alaala ang nangyari isang anim na dalawang taon na ang nakalilipas. Dalawang taon pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Napatingin ako sa aking tiyahin nang maramdaman ko ang malamig na bimpo na ipinamunas niya sa aking pawisang mukha.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Wala pa rin akong imik.

"Nandito lang ako, Ace. Hindi kita iiwan. Hindi kita sasaktan," mahinahong sabi ng aking tiyahin. Bakas sa boses niya na pinipigilan niya ang mapaiyak. Hinaplos-haplos niya ang buhok ko.

Napapikit ako. Nakaramdam ako ng pansamantalang kapayapaan.

"Bangungot ulit?"

Napadilat ako nang marinig ko ang boses ng pinsan kong lalaki. Si Benjamin, ang nag-iisang anak ng aking tita Wendy.

Kumalas sa pagkakayakap sa akin ang aking tiyahin. Umupo sa tabi ko si Ben at hinawakan ang kamay ko at pinisil iyon. Napatitig ako sa mga mukha niya at nginitian niya ako.

"Wala nang mananakit sa'yo rito," sabi niya.

Ginantihan ko siya ng isang tipid na ngiti.

"Kumain ka na, anak," sabi ni Tita Wendy at inilapag sa harap ni Ben ang inihanda niyang pagkain para sa anak.

Tinanguan ko ni Ben. "Kain na tayo, Ace." Ngumiti siya ulit at bumalik kami sa pagkain.

====

"Dito lang ako. Hindi kita iiwan," sabi ni Ben habang hawak ang dalawang kamay ko.

Nakatingin lang ako sa kanya. Parang nagmamakaawa na huwag na akong papasukin sa loob ng silid na iyon. Pero hindi ko magawang magsalita.

Maya-maya ay niyakap niya ako. Parang alam niya ang gusto kong sabihin. Hinaplos-haplos niya ang likod ko. "Hindi ako aalis dito. Hihintayin kita," bulong niya.

Kumalas siya sa pagkakayakap at binuksan ang pinto sa likuran ko kung saan may nakasulat na "Dr. George Tyler, Psychiatrist".

Pumasok ako sa loob nang may pag-aalinlangan. Tinapunan ko pa ng huling tingin si Ben na nginitian naman ako bago niya isinara ang pinto. Dahan-dahan akong naupo sa sofa.

"Good morning, Ace," nakangiting pagbati ni Dr. Tyler.

Tatlong buwan na akong nagpupunta rito sa opisina niya para gamutin ang mental disorder ko ayon sa diagnosis. Apparently, I developed a post-traumatic stress disorder dahil sa nangyari two years ago.

Tatlong buwan pa lang ako nabisita sa opisina niya dahil sabi ng aking tiyahin, na-comatose ako. Nakatulog ako ng mahigit isang taon. Akala nga nila ay matatagalan pa ang aking paggising. Isang himala nga raw sabi ng doctor.

Pagkaggising ko ay dalawang buwan pa akong namalagi sa ospital para ipagpatuloy ang recovery ko hanggang sa makiusap ako sa tiyahin ko na iuwi na ako dulot ng pagkabagot. Sa bahay na lang ako inaalagaan at ibinibigay ang medical needs ko tulad ng therapy. Hanggang sa isang gabi ay bangungutin ako. Na nasundan ng ilan pang gabi. Na nasundan pa ng ilang pag-atake. Na kahit umaga ay binabangungot ako, na bigla ko na lang naaalala ang nangyari.

Umabot ako sa tipong ilang beses kong tinangka magpakamatay. Hanggang sa nagpasya si Tita Wendy na dalhin ako sa isang psychiatrist. At ngayon nga ay pangatlong buwan ko na rito.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Dr. Tyler matapos umupo sa couch sa tapat ko. Hawak niya ang isang notebook at isang ballpen.

"Okay naman po," tipid kong sagot. Naiilang ako sa tingin niya. Iyong tipo na parang binabasa niya ang nasa isipan mo. Pinagmamasdan ang lahat ng kilos mo, gaano man ito kaliit.

He sighed. "Nabalitaan ko sa tiyahin mo na inatake ka na naman kanina. Pang-ilan na ito simula nang huli tayong nagkita?"

"Hindi ko na po mabilang. Siguro mga tatlo po," sagot ko. Isang beses naman sa isang linggo kung magpunta kami rito. Tuwing Sabado para walang pasok si Ben sa school at para masamahan niya ako. Abala rin kasi kahit papaano ang aking tiyahin sa pagpapatakbo ng business niya. Tuwing weekdays naman ay pumupunta ang private nurse at therapist sa bahay para siyang mag-asikaso sa akin.

Nagsulat siya sa notebook niya. "Good. Hindi na katulad noon na araw-araw ang atake mo. Iniinom mo ba ang mga gamot mo?"

Tumango ako. "Araw-araw at sa tamang oras."

Tumango-tango siya. "Good. Sinusunod mo rin ba ang mga advice ko sayo?"

Advice. Isa sa advice niya ay humanap ako ng pagkakalibangan para maaliw ako at ma-stimulate ang isipan ko para sakaling hindi ko maalala ang nangyari.

Sinusunod ko naman. Ang kaso lang ay iba ang pinagkakalibangan ko ngayon. Bagay na hindi ko pwedeng sabihin sa harap niya ngayon. Isang araw kasi na nabagot ako ay nagkalkal ako ng mga kung anu-ano sa internet hanggang sa mapunta ako sa isang porn site. Gay porn site, to be exact.

Hindi ko alam kung bakit pero nag-eenjoy akong panoorin ang mga videos doon. Iyong tipo na nai-imagine ko ang sarili kong nakikipagtalik sa kapwa ko lalaki. Minsan nga ay na-imagine ko kami ni Ben. Sinusubo ko ang burat niya habang sabunot niya ang buhok ko at kinakantot ako sa bibig.