webnovel

Chapter Two

Nandito kami sa isang office kung saan nandito ang headmistress ng 'Academia' na kaibigan daw ng mga magulang ko noon.

Bigla kong naalala ang papa ko. Naiisip nya din kaya ako kahit minsan? Napabuntong hininga ako sa sarili kong naisip.

Napagpasyahan ko munang lumabas para magpahangin. Wala pa naman don ang Head. Paglabas ko ng silid na yon ay bumaba ako. Nasa ikalawang palapag kasi ang office. Pagbaba ko ay may mga studyante ang naroon.

Ang iba ay naglalakad. Ang iba naman ay pumapasok sa ibang silid na naroon. Madalas ay may mga kasamang guro ang mga studyante dito. Wala ring mga estudyanteng mga nakatambay, marahil ay nandito ang office ng headmistress.

Lumabas ako sa building na yon. Napaka ganda dito sa labas, puro halaman at puno. Napaka presko pa ng hangin.

"Mukhang magugustuhan ko dito." Bulong ko sa sarili ko.

Naglakad lakad ako. Minsan ay napapatingin ang ibang estudyante sa akin. Siguro ay ngayon lang nila ako nakita. Di ko alam kung saan ako napunta.

Nandito ako ngayon sa isang lugar na mas maraming halaman at puno. Walang estudyante dito. Natatanaw din dito ang mahabang gusali na may dalawang palapag. Ayon siguro ang mga Classrooms.

Naglakad-lakad lang ako at medyo malapit na ako sa building ng classrooms. Napatingala ako ng umihip ang hangin. Napaka ganda ng ulap.

"Tabi!" Napalingon ako sa sumigaw non.

May mga lalaking tumatakbo papunta sa direksyon ko. Sa bilang ko ay nasa pito silang lahat.

"Aray!" Sigaw ko ng mapaupo ako sa damuhan dahil nabunggo ako ng lalaking may Asul na buhok. Nakita kong napatigil silang lahat.

"Sinabi na kasing tumabi.." bulong pa ng lalaking may Asul na buhok.

"Pwede naman kasing ikaw nalang mag-adjust diba? Ikaw na nga nakabunggo, ikaw pa galit." Sabi ko at sinamaan sya ng tingin.

Napatingin naman sya sakin at tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nagalit ba sya? Kasalanan naman kasi nya.

"A-Anong sabi mo?" May diing tanong nya.

"Kilala mo ba kung sino ako ha? Kilala mo ba kung sino ang pinagsasalitaan mo ha?!" Nagulat ako sa pag sigaw nya.

Napatingin ako sa kamay nya at natakot ako ng may nakita akong apoy ron. Palapit sya ng palapit sakin. Paatras lang ako ng paatras habang nakatingin lang sa kamay nya.

"YEOL!" Inawat sya ng lalaking medyo madilaw ang buhok. Pwede magkulay ng buhok dito? Tanong ko sa sarili.

Nakita ko namang kinausap ng ibang lalaki si Yeol daw na bumunggo sakin. Nilapitan naman ako ng lalaking umawat kanina sa kanya. Thanks to him. Akala ko mamamatay nako. Nilapitan nya ako at tinulungan akong tumayo.

"Miss, pagpasensyahan mo na yung kasama namin. Kanina pa mainit ang ulo nyan e." Sinabi nya yon habang tinutulungan ako.

"Ayos ka lang ba? Bago ka lang siguro dito ano?" Chineck nya din kung may mga sugat ako.

Nginitian ko sya at tumango.

"Maraming salamat." Pagpapasalamat ko sa kanya matapos nya akong tulungan.

Ngumiti sya at tumango "Always welcome, miss?"

"Alethea."

"Mr. Park! Boys! Bumalik kayo sa klase nyo!" Narinig naming sigaw ng isang matandang lalaki. Naka puting polo ito. Sa tingin ko ay isa siya sa mga nagtuturo dito.

"Oh Shit! Tara na!" Nauna ang tumakbo ang lalaking may asul na buhok sumunod na din ang iba niyang kasama.

"JD! Tara na!" Sigaw ng lalaking may Asul na mga mata.

"Sge. Mauna na kami." Tumakbo na sya ng akala ko ay tuluyan na syang lalayo bigla ulit syang humarap sakin

"I'm JD!" Sigaw nya pa at saka kumaway.

Nginitian ko sya at kumaway din. Tiningnan ko ang tuhod ko. Buti nalang di ako nagkasugat.

"Excuse me miss?" Napalingon ako sa matandang lalaking kadarating lang.

"M-May nasabi ba ang mga batang iyon kung saan sila pupunta?" Hinihingal na tanong nya sakin.

"Pasensya na po. Wala po e."

Napatingin naman ako sa likuran ng matanda. Shit! Nakita ko sa di kalayuan ang tita ko. Patay.. lagot ako nito.

"A-Ah sige po. Mauna na po ako." Paalam ko sa matanda

"Sige iha.. Salamat."

Nakayuko akong lumapit sa tita ko.

"Alethea! Nako ikaw bata ka! Saan ka ba nagsususuot! Kanina pa kita hinahanap!" Bungad nya agad sakin.

"Nag ikot l-lang po.."

"Napaka gala mong bata ka! Tara na't hinahanap ka na ng headmistress."

***

Nakarating na kami sa office na pinuntahan namin kanina. Naabutan naming nag uusap ang headmistress at isang binatang lalaki.

"Magandang hapon." Bati ng tita ko

"Oh, nandito na pala sya." Ani ng headmistress

Napaka ganda ng Headmistress ng academy na to. Kahit medyo kulubot na ang balat nya dahil sa katandaan ay napaka ganda pa rin nito.

"Mr. Kyungsoo, ikaw na ang bahala kay Ms. Torres. You'll be with her for about 4-5 days. I heard from her auntie that she's a fast learner." Huminto sya saglit sa pagsasalita at tumingin sa tita ko.

Fast learner? Kelan pa? Bat di ko alam yon?

"Nasabi ko na kanina ang mga dapat mong gawin, Mr. Kyungsoo. Bahala ka na." Pagkasabi nya non ay humarap sya sakin.

"Okay lang ba sayo yon Ms. Torres?" Tanong nya sakin.

"Y-yes po." As if naman may magagawa ako diba?

"Good! So okay na ang lahat. I got to go." Nagbow sa kanya si tita at ang lalaki. Wala akong nagawa at nag bow na din ako.

Pag ka alis ng Headmistress ay humarap ako sa tita ko.

"Mag iingat ka dito ah? Wag matigas ang ulo mo. Behave ka lang. Alam mo na ang mga dapat mong gawin. Kaya mo na ang sarili mo. Malaki ka na." Bilin nya sakin.

Niyakap nya ako at lumabas na sya ng office.

"Ihahatid na kita sa kwarto mo para makapagpahinga ka. Narinig ko ring mahaba-haba ang binyahe nyo. May mga pagkain na din don at nandoon na din ang mga gamit mo."

Gusto ko na ring magpahinga kaya tumango nalang ako sa kanya.

"Just follow me Ms. Torres." Pagkasabi nya non ay lumabas na kami ng office at sinundan si Mr. Kyungsoo gaya ng sabi nya.

Sana lang ay maging maayos na ang lahat.

***

hey, Academians! welcome to Academia. napag isip-isip kong i-publish dito sa webnovel ang academia (which is also available in wattpad!) sana ay mai-enjoy nyo ang story!

-aftermidnight__ ♡