webnovel

1

"Cia! Ready kana? Tabi tayo sa bus ha!" nakangiting sabi ni Lou habang inaayos ang gamit niyang nakakalat pa sa table namin.

"Saan na nga ulit tayo pupunta?"

"Sa Chen corporation, hindi ka ba nakikinig?"

"Hindi. Ba't ba tayo pupunta doon? Hindi pa tayo tapos sa expirement sa chemistry, wala pang explanation at report, andami pa nating dapat gawin. Tapos lulustayin natin tong oras para lang magpareserve ng tour sa isang kumpanya?"

Nakangiwi itong humarap sakin tsaka ako binatukan

"aray naman!" nakangusong singhal ko sabay kamot ng batok

"Ayos ka lang? Chen corporation 'yon! Hindi ka ba nanonood ng balita? Andaming school ang nakapila para lang sa tour na'to, tapos parang ayaw mo pa?"

"Alam ko namang sobrang kinikilala ang Chen corporate, 'di ko lang alam kung ba't andaming gustong magpunta doon"

"Dahil sa greenfield top 3?" sarakastikong tanong niya sa akin at inirapan pa ako.

"Greenfield? Hindi ba't ang kasapi ng grupong 'yon ay mga tinalagang pinakamayaman sa buong bansa?"

"Oo! At ang nangunguna doon ay ang may-ari ng Chen corporate, ang pangalawa at pangatlo ay laging nakasunod sa pinakauna"

"Kaya pala andaming may gustong magpunta doon"

"Oo! Kaya tara na, malay mo swertehen tayo tas makita natin sila sa loob ng kumpanya" kinikilig pang sabi nito

Ano bang meron sa tatlong 'yon at pinapangarap ng napakaraming babae?

"Tara Cia baka mawalan tayo ng upuan sa bus"

Tumango nalang ako at sumunod sa kanya, napakasaya niyang nakuha ng school namin ang opportunity na 'to. Ayoko din sanang pumunta pero since pangarap din 'to ni Lou, hindi ako makakapalag sa kanya.

"Cia, sa ganda mong 'yan sigurado akong mahuhulog ang loob sayo ng CEO" biro ng isang kaklase ko pagkapasok namin sa bus

"Yiiieee" sundot pa ni lou sa tagiliran ko "Uso pa naman ngayon 'yang mga love at first sight na 'yan"

"Kaya nga! Malay natin kung makatyamba 'tong mga girls ng section natin" banat na naman ng isa naming kaklase na naging dahilan upang magsitilian ang mga kaklase kong babae. Hulaan niyo sino pinakamalakas tili?

SI LOU.

Ngumiti nalang ako at naghanap ng uupuan, as if naman malolove at first sight 'yon sakin.

"Hah! As if. She's no match for Enlil" biglang sabat ni Aria. Sabi na nga ba't hindi matatapos ang araw na walang eepal na Aria Glaudini eh.

"True, she can't even afford a designer clothes. How can she afford Enlil's heart" dagdag naman ni Vera, ang alalay slash bestie ng epal na Aria.

"Sa pagkakatanda ko doctor lang ang bumibili ng puso" biglang sabat ni Lou

Siniko ko nalang siya ng mahina para sabihing huwag ng palakihin pa ang nagsisimulang away

Tumahimik ang buong bus hanggang sa makarating kami sa Chen corporate. Dapat pala hindi nalang ako nagpunta.

Napakaelegante ng kumpanya, sa itsura ng mga gamit parang 1 million lahat ang halaga

"Hi! This must be Skyland senior high students?" lapit ng isang babae

"Yes, ma'am" sagot ni sir Macas

"It is very pleasant to meet all of you. I am Sierra, I will be your tour guide for today" nakangiting sabi nito

"We are so honored to be here, please lead the way" -sir macas

"Before we proceed, I would like to tell you that this place is prohibited for taking pictures. You only must listen and do what I say. It will be very unpleasant for the CEO to disobey me"

Lahat kami ay tumango, ba't parang nakakatakot naman 'yong boss.

Nagsimula kami sa first floor syempre, second floor, third floor, fourth floor and so on. Sa bawat floor ay may cafeteria.

Isa lang naman ang masasabi naming lahat, WOW.

Nagpatuloy ang tour hanggang sa makapunta kami sa tinatawag nilang CEO floor, 7th floor. Ang CEO lang daw ang may-ari ng floor na'to, pero dahil may tour pinayagan daw niyang maaari kaming sumilip kahit konti, pero bawal humawak ng kahit na ano.

"Cia..." napatingin ako kay lou ng kalabitin niya ako

"Bakit?"

"N-naiihi ako" sabi niya habang hirap na hirap ng pinipigalan ang ihi

"A-ano gagawin ko, inumin 'yang ihi mo? Dali magpaalam ka, sasamahan kita"

Nagtaas siya ng kamay para kunin ang atensyon ng tour guide

"Yes miss...?"

"Lou po. Naiihi na po kasi ako" nakangiwing sabi niya

"Oh. You can go straight this hall way then turn left" nakangiti paring sabi nito

"Thank you po" sabi niya at nagmamadaling hinila ako

"Kailan ka pa naiihi? Ba't di mo agad sinabi?" tanong ko habang sinasabayan siya sa pagtakbo

"Kanina pa sa fifth floor. Nahihiya ako eh"

"Ewan ko sayo, dalian na natin baka iwan nila tayo"

Pagkarating niya sa CR ay naghintay lang ako sa labas. Pang isahan lang kasi, pero para lang sa babae. May CR din kasi panlalaki dito sa right side.

"Hays thank god! Tara na!" maluwag na sabi niya pagkalabas ng CR

"Sige, maghuhugas lang ako" sabi ko at pumasok sa CR

Grabe mas malaki pa'to sa kwarto ko.

Pagkatapos maghugas ay lumabas na ako, kaso paglabas ko wala na si lou. Nauna na ata.

"Iniwan talaga ako" nakangusong bulong ko sa hangin at naglakad na pabalik

Kaso pagbalik ko ay wala na sila. Saan sila nagpunta?

"Iniwan din nila ako?"

Grabe ka Lou, hindi mo na nga ako hinintay. Napailing iling nalang ako at nagtungo sa elevator

Hanapin ko nalang sila, siguro naman nasa 8th floor lang sila. Magmamadali nalang ako.

Pagbukas ng elevator ay papasok na sana ako ngunit napansin kong may ilang pares ng sapatapos ang nasa harap ko. Unti-unti akong nag-angat ng tingin at nagtama ang paningin namin ng isang gwapong lalaki ngunit malamig ang mga mata. tatlong lalaki ang nasa harap ko ngayon at lahat sila ay nakatingin sa akin

Lahat sila ay matangkad, may isang nakangiti sakin, tas 'tong dalawa tinitignan akong parang bata.

"A-ah-" ano sasabihin ko?

"Miss-"

"Sabi ko nga sa hagdan na ako dadaan eh!" tarantang sabi ko at tumakbo papuntang fire exit.

Bakit ba kabadong kabado ako? Ay ewan! kailangan ko pang hanapin kaklase ko.

Umakyat na ako papuntang 8th floor at hinanap sila, buti nalang glass wall ang ininstall dito sa loob. Kitang kita ko silang kumakain sa cafeteria.

Nagtungo agad ako kay lou

"Saan ka galing? Kanina ka pa wala"

Napatampal nalang ako sa noo ko at naupo sa harap niya "Pagkatapos mo ba naman akong iwan sa CR" sabi ko sabay hablot sa burger niya

"Naiwan ba kita? Sabi mo kasi sige. Akala ko sumunod ka sakin"

"Kako, sige maghuhugas lang ako. Hindi mo man lang ako chineck?"

"Akala ko kasi napahalo kana sa iba eh. Pagkarating ko kasi paalis na sila"

"Hayaan na nga lang"

Patuloy lang kaming kumain. Hindi na maalis sa isip ko 'yong tatlong lalaki. May gusto pa atang sabihin sakin 'yong nakangiti sa likuran ng isang lalaki.

Sila kaya ang sinasabi nilang greenfield top 3? Hindi naman ako ganon katanga, CEO's floor 'yon. Bawal lahat ng employees, nakapunta lang kami doon dahil sa tour. It means isa sa kanila ang CEO

Siya kaya yung nangunguna? Yung tingin niya sakin kakaiba, parang sinusuri niya ang pagkatao ko. Parang may gusto siyang malaman pero ayaw din niyang alamin

Ay ewan ko ba.

"Cia! Tara na. Tunganga ka pa diyan?" taas kilay na sabi ni lou

Hindi na ako umimik at sumunod nalang.