webnovel

A Night with Stranger(Tagalog)

May isang babaeng nagngangalang Cristana ang nabuntis nang hindi man lang nalalaman kung sino ang ama ng pinagbubuntis niyang bata. Noong una’y ayaw niya nang ipagtanong pa kung sino ang lalaki ngunit pinilit siya ng kaniyang mga magulang. Wala naman siyang nakalap na impormasyon tungkol sa ama ng bata kaya napagdesisyunan niyang umalis ng bansa. Tumira sila ng kaniyang anak sa America at pagkaraan ng anim na taon ay napagdesisyunan niyang umuwi ng Pinas. Hindi niya lubos akalain na sa pag-uwi niya’y makikita’t makakausap niya ang ama ng bata. “ Gusto ko lang malaman kung buhay pa ba ang anak ko,” turan ng lalaki na nasa harap niya. Iginiit niyang buhay pa ang bata upang hindi na mapalapit ang loob ng anak niya sa ama nito. Nangangamba rin siya na baka mawalan na sa kaniya ng oras ang anak niya. Sa pagpupumilit niyang makalayo sa lalaki ay ang siya namang pangungulit nito sa kaniya.

addie_almeda · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
13 Chs

A Night with Stranger—Part 9

Part 9

Halos tatlong oras na kaming nasa byahe at tanghali na. Mainit sa loob ng bus kaya naman pinapaypayan ko sila. May hangin naman pero hindi ko binubuksan ang bintana namin lalo na't malapit doon si Jace.

Nakita ko naman na tumulo ang pawis ni Jace kaya pinunasan ko na ang mukha nito.

"Mom," saad nito. Agad ko naman iniangat ang ulo niya baka nangangalay na ito. Nanatiling mahimbing ang tulog ni Tristan sa balikat ko at kita ko na pinag papawisan na rin siya. Gusto ko nalang sana hayaan na pagpawisan siya pero tila ba hindi ko matiis na makita siyang ganun. Pinunasan ko ang mukha niya saka naman siya gumalaw.

Mas isiniksik pa nito sa may leeg ko ang ulo niya. Kanina pa siyang tulog at halatang pagod na pagod. Tumigil muna ang bus para pakainin ang mga pasahero. Nagdala kami ni Jace ng pagkain kaya hindi na kami lalabas para bumili.

"Nak, gising na.Kakain na tayo," sambit ko.

Minulat naman nito ang kaniyang mga mata saka umayos ng pagkakaupo.

"Mom, gutom na po ako. Asan po yung foods natin?" tanong nito.

Nasa taas ito nakalagay kaya naman tatayo pa ako para kunin 'yon. Tulog pa si Tristan kaya dinahan-dahan kong isinandal ang ulo niya sa upuan.

"Saan ka pupunta?" Agad niyang hinawakan ang kamay ko.

Nagising na siya dahil sa ginawa ko. Napansin din nito na tumigil ang bus.

"Kukunin ko lang yung pagkain namin," sagot ko.

"Ah."

Tumango nalang si Tristan saka nagpaalam na bababa muna.

Pagkakuha ko ay agad ko nang pinakain si Jace.

"Kain kalang d'yan, baby" saad ko kaya naman tuloy-tuloy lang ito sa pagkain.

After 7 minutes ay bumalik na si Tristan.

"Mahal, ito na yung pagkain natin," sambit nito.

Nanlaki naman ang mata ko saka tinaasan siya ng kilay. Akala ko ay ako lang ang nakapansin pero maging si Jace ay napansin din iyon.

Agad namang sumabat si Tristan para ibahin ang usapan.

"Mahal?"

"Mahal?"

" iyon ba itatawag niya sa akin?" sa isip-isip ko.

"Mahal ko kaya, 'di ba Jace? Ang kaibigan dapat minamahal. Hindi ba?" sambit nito kay Jace.

Tumango naman si Jace sa kaniya. Iniaabot ni Tristan ang hawak niyang pagkain saka sinabing bigyan ko ang anak ko. Agad ko naman iyong ginawa at nakita ko naman na nasarapan ang anak ko sa binili niya.

Habang kumakain ang anak ko ay tinitigan ko si Tristan.

"Kain kana," sambit ko saka iginawad ang pagkain sa kaniya.

"Sabay tayo," saad nito.

"Busog pa kasi ako," sagot ko naman bago umupo.

Binuksan niya ang pagkain at kinalabit ako.

"Cris, nganga" utos nito.

Hindi ko naman ito sinunod dahil baka subuan niya ako dahil sa pagtanggi kong pagsabay sa kaniya.

"Bakit?" tanong ko.

Hindi niya nalang pinansin ang tanong ko saka kinalabit ang anak ko.

"Jace, nganga dali! susubuan ka ni Tito," utos nito sa anak ko.

Tama pala ang nasa isip ko.

Agad namang ngumanga ang anak ko bago isinubo ni Tristan sa kaniya ang pagkain.

" Your turn, Mom" sambit ni Jace. Itinuro pa ako nito kay Tito niya.

Mula nung magkita sila ni Tristan ay napalapit na agad ang loob ng anak ko sa kaniya.

Umuling-iling ako sa sinabi ni Jace pero wala na akong magawa. Nakahanda na kasi ang kutsara na may pagkain sa harap ko.

Sa pangalawang pagkakataon ay hindi na ako tumanggi. Baka kasi sabihan pa akong 'choosy' ng mga nakakita sa amin.

" Nice," rinig kong sabi ni Tristan.

Sumabay na ako sa kanila kumain at masasabing kong masaya 'yon.

" Mom, sasama ba sa atin si Tito?" tanong ni Jace.

"Hin—"

Agad naputol ang sasabihin ko dahil sumabat si Tristan.

"Opo, sasama ako sa inyo. Nagready na talaga ako para sa araw na 'to, haha" sambit nit Tristan.

Nagtataka pa rin ako kung pa'no niya nalaman na aalis kami.

Siguro ay may kinuntyaba siya about dito.

After namin kumain ay umandar na ulit ang bus.

"Mom, can we take a picture?" tanong ni Jace.

Agad ko naman siyang pinagbigyan at nag selfi kaming dalawa.

Nakita ko naman si Tristan na in-open ang cam niya.

"you two—smile!" sambit nito.

Ngumiti naman kaming dalawa ni Jace. Sa katunayan, na-enjoy ko ang byahe na 'to. Lalo na kasama ang anak ko at ang ama niya.

Ewan ko ba pero randam ko na talaga ang galak kapag buo ang pamilya.

After naming mag selfi-selfi ay tumalikod na muna si Jace at tumingin s bintana. Gusto niya raw kasi makita ang dinadaanan.

Nag-open naman ako ng Facebook ko saka ko nakita na may naka-tag sa akin.

• Tristan Monterion tagged in you in a post.*

Agad ko naman itong binuksan dahil na- curious na rin ako. Muli ko munang sinulyapan si Tristan kung nag Ce-cellphone pa siya at Positive—nagce-cellphone pa nga siya.

"One Happy Family." 'Yon ang caption ni Tristan.

"Luh!"

Agad ko naman tinapik si Tristan sa braso at pinakita sa kaniya ang post niya na may kasamang mga pic namin kanina.

"Ano ibig sabihin niyan?" bulong ko.

Hindi ko na nilakasan ang boses ko para naman hindi mapalingon sa amin ang anak ko.

" Shh! I'm just happy today," sagot nito.

"Happy? pa'nong happy? Burahin mo na bago pa 'yan makita nila Mama at ng iba ko pang kamag-anak," saad ko.

Pumikit naman muna ito bago magsalita.

"Isipin na nila gusto nilang isipin, pananagutan naman kita," sagot nito.

Nabigla naman ako sa tinuran niya.

"Pananagutan? hoy! 'di ako buntis!" saad ko.

Medyo napalakas na ang boses ko pero hindi naman iyon pinansin ng anak ko.

"Edi buntisin na kita pagkauwi natin ng probinsya. Problema ba 'yon?"

Nahampas ko pa siya ng kamay ko dahil sa tinuran niya.

Narinig ko rin na may tumawa sa likuran naming pasahero.

"g*go ka! " Iyon nalang ang nasabi ko.

Inilagay niya naman ang kamay niya sa upuan ko.

"Rest. Pagod ka lang," sambit nito. Gusto niya siguro na gawin kong unan ang braso niya.

Hinawakan ko naman ang kamay niya. Akmang aalisin ko ng hawakan niya rin ito pabalik.

"Rest," pag-uulit nito.

Wala na akong nagawa kaya umupo na ako't ginawang unan ang braso niya.

Ilang minuto pa ay gumalaw ang kamay niya. Siguro ay nangalay kaya inalis ko muna ang ulo ko.

Agad naman niyang inihilig ang ulo ko sa balikat niya ang kamay niya naman ay naka akap sa akin

"Comfort zone," sa isip-isip ko.

Pinikit ko naman ang mga mata ko saka nagpahinga.

Parang gusto ko nalang na nasa tabi niya lagi.

"Sh*t! I want him for the rest of my life," sa loob-loob ko.

Agad naman akong dinalaw ng antok at tuluyang nakatulog na akap-akap niya.

Naramdaman ko naman na umakap sa akin si Jace. Siguro'y nagsawa na siya sa kakatingin sa paligid at inaantok na din.

"I love you both," rinig kong bulong sa akin ni Tristan bago ako tuluyang makatulog.

To be continued..