Part 7
Tila ba wala akong lakas para tigilan si Tristan. Pilit na nagkukusa ang kamay ko na ibigay sa kan'ya ang papel na hawak ko.
"Pls, patingin" saad nito.
Tulala ako sa kinalalagyan ko. Hindi ko pa rin alam kung ano na bang gagawin ko. Tuluyan n'ya ngang kinuha sa akin ang papel at tinignan.
Biglang umaliwalas ang mukha niya't tila hindi n'ya alam ang gagawin.
"Bakit? Bakit ka nagsinungaling?" tanong nito.
Naluluha na ito sa harap ko at muling tinitigan ang birth certificate na ngayon ay nasa kamay niya.
"Ayokong malaman mo dahil baka kunin mo sa akin ang anak ko o kung 'di naman ay baka kunin mo lahat ng atensiyon niya. Lagi ka niya sa'king hinahanap pero wala akong alam tungkol sayo, even your name. Hindi kita kilala— at kung pupwede lang, sana lumayo ka sa amin," sambit ko. Nilakasan ko ang loob ko na sabihin 'yon sa kaniya.
Bigla naman siyang nalungkot.
"Nangulila ako, Cris. Sobra yung lungkot na nararamdaman ko noong panahon na hindi na kita mahagilap. Si Jace—siya ang unang anak ko.Yes, that night ginusto ko yung nangyari.Iba yung tama ko sa'yo nung nakita kita. I like you," saad nito.
"At kung bibigyan mo man ako ng pagkakataong makabawi—babawi ako. Hindi ko na sasabihin pa kung ano pa ang gagawin ko basta tandaan mo, I'll do everything just to make you mine again," sambit nito.
Naramdam naman ako ng kilig habang sinasani niya ang mga salitang 'yon.
"Aalis na kami ni Jace next week. 1 week na lang para makasama mo siya,"saad ko.
"Saan naman kayo pupunta?" tanong nito.
Wala na akong balak sagutin pa ang tanong niya. Gusto ko lang talaga malaman kung maghahabol siya sa amin ngayon. Kung totoo ba ang sinasabi niya sa akin. I want to know kung seryoso ba talaga siya.
" Cris, bakit ngayon pa?Ayaw mo ba talagang malaman ni Jace na papa niya ako? Ipagkakait mo ba talaga sa kaniya yung bagay na inaasam niya?" usal nito.
Umiling naman ako.
"Hindi sa gano'n. Gusto ko lang makita kung paano mo kukunin ang loob ng anak natin nang hindi sinasabi na Papa ka niya. Ayokong mapalapit siya agad sa'yo dahil nalaman niyang ikaw ang hinahanap niya. Tristan, gusto kong makita kung paano mo mamahalin, pag-e-effort-an, at bibigyang halaga ang anak natin,"sambit ko.
"Promise, gagawin ko ang lahat," sagot nito. Hinawakan naman nito ang kamay.Medyo nairita lang ako sa ginawa niya kaya agad ko itong inalis.
"Kung gusto mo mapalapit sa anak ko, sa anak ko lang. Hindi na ako kasama pa do'n. Hindi ako ang anak mo,"sambit ko at napatawa naman ito.
"hahaha"
"Ganyan ka pala mag-joke.What if, gusto ko rin mapalapit sa'yo?what if, gusto kong ikaw na makasama ko?" sambit nito.
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Ang usapan—anak natin. Hindi ako!" pag-uulit ko.
Tinitigan naman ako nito. Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin saka nagsalita. "Another what if," sambit nito.
"Ano 'yon?" tanong ko naman.
I'm just being curious sa mga naiisip ni Tristan.
"What if gusto kong sundan si Tristan?" saad nito.
"Sundan? Edi Go! nasa kwarto siya," sambit ko.
" hahaha! sayang 'di na gets," anito.
"So sinasabi mo na lowgets ako? ganun?" tanong ko. Muli ko siyang tinaasan ng kilay. Inilapit niya naman ang mukha niya bago nagsalita.
Amoy ko na ngayon ang fresh nitong hininga.
*haha, halatang kakatoothbrush lang*
"Gusto ko ulit magka-baby," sambit nito kaya nanlaki ang mata ko.
"Gago! edi gawa ka sa iba," saad ko.
Tumawa lang ito sa harap ko.
Mas inilapit pa nito ang mukha niya sa akin saka bumulong.
"Sa'yo ko gusto," sagot nito kaya nahampas ko ng kamay ko.
"aray?" react nito.
"Mom, bakit mo po s'ya—"
Hindi na natuloy ni Jace ang tanong niya dahil agad nang sumabat si Tristan.
"Ouch! Jace, sinasaktan ako ng Mommy mo," reklamo nito.
Agad naman aklng tinitigan ng anak ko.
Umakto naman ako na wala lang ang nangyari pero agad nitong nilapitan si Tristan.
"Sorry, ah. Minsan ganyan si Mommy kapag pasaway. Siguro pasaway ka, no?" tanong ni Jace sabay haplos sa hinampasan ko.
Agad naman nitong kinarga ang anak ko.
"Kiss mo ko sa pisngi at magiging okay na ako," sambit ni Tristan saka umaktong nasasaktan.
"Para kang tanga, Tristan!" saad ko.
Bigla naman kiniss ni Jace si Tristan.
Bigla naman napangiti ang Papa nito at natigilan.
"Isa pa," request naman nito at agad naman ginawa ni Jace.
Hindi gan'to sa ibang tao si Jace. Hindi ko alam kung bakit gan'to siya. Hindi niya pa alam na papa niya si Tristan pero gan'to na agad siya umasta.Siguro ay gan'to talaga ang tinatawag nila na lukso ng dugo.
Nagiging panatag ang loob at tila ba kay tagal mo nang kilala ang tao.
"Ikaw naman, Mommy. Kiss mo ako" sambit ni Tristan.
Tumingin naman sa akin si Jace kaya nagdesisyon na akong umalis.
"Che!" tanging nasabi ko nalang sa kanila.
Rinig ko naman na nagtawanan ang mag-ama.
To be continued...