XAVIER's POV
"Thank you for the moments
Thank you for the memories
The happiest days we spent together
Sad to say it is now over
I will forever treasure those memories
But i need to say a thousand sorry's
You may forget me for now on
But i hope your life must go on
Be happy, be strong
I will always be there, here and everywhere you go.
Once i enter the light
There's only one thing that i want you to know..
I love you, and i will miss you my babe". Yan ang huling message na ibinulong ko sa tenga niya, habang siya mahimbing lang ang tulog. Mamimiss ko ang yakap, halik at ngiti niya. Yung babaeng bubuo ng araw ko hindi ko na makakasama. Mahal na mahal ko siya, pero ito na.. Isa nalang akong normal na kaluluwa.. Ilang minuto nalang papasok na ako sa liwanag. Ang kinahihintay ko.. Andito na
SHEENA's POV:
Naramdaman kong may malamig na hangin na dumampi sa balat ko, at may bumulong na lalaki sa tenga ko
Unti unti akong dumilat para tingnan kung sino yun, pero wala, walang tao dito..
Hospital? Nasa hospital ako? Anong nangyari? Hayss..
" anak gising ka na pala". Nakangiting sabi ni mama
"Ma, bat nasa hospital ako? Anong ginagawa ko dito? Anong nangyari sa'kin?". Sunod sunod kong tanong kay mama
" shh huminahon ka muna, kagabi ka pa isinugod dito sa hospital anak, hindi na tayo maghihirap dahil sa katapangan na ginawa mo bilib na bilib ako sa'yo anak". Sabi ni mama at halatang napakasaya niya
"Ano? Ano bang ginawa ko kagabi ma?". Tanong ko pa
" Ikaw ang dahilan kung bakit naayos na ang imbestigasyon sa pagkamatay nung Xavier Capistrano , 6 years na itong iniimbestigahan ng mga police at akalain mo anak, ikaw ang nakahanap sa nawawala niyang bangkay". Sabi ni mama
Ang weird, ang naalala ko lang na ginawa ko kagabi is .. Nung humiga ako sa kama at lumabas lang ng bahay. Tapos yun na yun
"San ba ako pumunta kagabi ma?". Tanong ko ulit
" Sa isang lumang Mansion ng mga smith". Yan lang ang sagot ni mama at nagpaalam na lalabas muna ng kwarto para bumili ng pagkain.
Wala talaga akong maalalang nangyari, at teka Xavier Capistrano? Who is he? Pfft. Don't care
[AUTHOR's NOTE:]
BOOK 2 na ang susunod guyseu😂😂🎊🎉🎇 magdiwanggg!!!!! Natapos na ang BOOK 1, abangan ang bagong yugto sa Love story nila Sheena at Xavier , magtatagpo ba ulit sila?, o makakahanap na ng ibang mahal si Sheena ?. Abangan niyo ang pagbabago ng buhay ni Sheena sa Chapter 1 ng book 2.] dito ko narin ilalagay yung book 2 at kung nagtataka kayo kong bakit ang bilis kong napublish to dahil natapos ko naho to sa wattpad at pinupublish ko nalang dito😊