webnovel

A Magical Virus: Zombie outbreak

Sa isang lugar sa Maynila ay nakatira si Diane. Masaya ang pamumuhay nila ng pamilya niya. Hanggang isang araw ay napanaginipan niya ang bahay nila sa Probinsya. Akala niya ay normal na panaginip lang ito pero naging sunod-sunod ito. Napagpasiyahan niya na pumunta sa Sanctuary. Ang probinsya nila. ~~~~ Paano kung isang araw ay nagkaroon ng zombie apocalypes? At ikaw ang nakatakdang magligtas sa mundo? Ano ang iyong gagawin?

GinoongDice · Khoa huyễn
Không đủ số lượng người đọc
15 Chs

Chapter 9

Ang nakaraan:

Binigyan ni Diane si Trinity ng pana at tinuruan kung paano gamitin. Ipinaliwanag rin ni Diane kung ano ang heat at heat warning para hindi na maguluhan si Trinity sa nangyayari sa katawan niya kung sakaling biglang sumakit ang katawan ni Diane. Maagang natulog si Diane at Trinity dulot ng pagod.

Samamtala pagkadigat ng mata ni Diane ay nasa panaginip siya at nasa loob sila ng van. Huminto ang van sa tapat ng bahay ng Lola ni Diane at lumabas ang mga lalaking nasa loob ng van. Nagnakaw ang mga lalaki at nang magising si Lolo at Lola ay pinatay sila ng isang lalaki. Sinubukan ni Diane na labanan pero tumatagos lang siya kaya napaluhod at napaiyak nalang siya. Habang umiiyak ay may tumawag sa kanyang pangalan.

ℭ𝔥𝔞𝔭𝔱𝔢𝔯 9

"Nagkita ulit po tayo" nakangiti kong sabi habang nakatingin sa kanila.

"Kamusta ang katawan mo?" Nakangiting sabi ng misteryosong matanda.

Oo, siya ang nandito. Kasama niya din ang misteryosong lola.

"Ano po ba ang nangyayari sa katawan ko? Bakit may mga pagbabago?" Nagtataka kong tanong sa kanila. Halos mabaliw na ako kakaisip kung anong nangyayari sakin

"Patawad Diane pero hindi pa ito ang tamang oras" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Napatingin ako sa Lolang misteryosa ng magsalita siya.

"Nandito kami para sabihin sayong nanganganib ang buhay ng Lola at Lolo mo. Yang nangyari sa panaginip ay mangyayari. Ikaw lang ang makakapagligtas sa kanila." Sabi ni Misteryosang Lola.

"Wait lang po. Ano po bang pangalan niyo? Hindi pa po kayo nagpakilala sakin" singit ko kahit kinakabahan na ako dahil sa sinabi ni misteryosang Lola.

"Ako si Ding. Siya si Dong" sabi ni misteryosang Lola na si Lola Ding.

Napaningkit ang mata ko. Ding at Dong?

"Dingdong Dantes, is that you?" Pabiro kong tanong kahit kabado trenta na ako.

(A/N: Si Dingdong Dantes po ay sikat na artista sa GMA)

Natawa sila sa biro ko pero nagseryoso ulit ang mukha nila.

Bipolar (-_-)

"Kailangan mo ng magising Diane" sabi niya. Napatingin muna ako kay Lolo at Lola na nakahiga sa kama bago muling dumilim.

~~~~

April 2,2015

Napamulat ako ng mata at nilibot ang paningin ko. Nasa duyan ako at katabi ko si Trinity na kakamulat lang ang mata at nakatingin sakin.

"Bakit po" antok niyang sagot.

"Anong oras na Trinity" sabi ko sa kanya

"3:00 am po" inaantok niyang sabi.

Inayos ko ang pagkakahiga niya sakin

"Sige matulog ka muna. Maaga tayo aalis" sabi ko sa kanya habang hinihimas ang ulo niya.

Narinig ko na ang malalim niyang paghinga kaya siguradong natutulog na siya.

Buntong hininga ako

Sigurado akong may masama talagang mangyayari kala Lola dahil alam kong nagsasabi ng totoo sila Lola Ding at Lolo Dong.

Sabi ni Trinity kanina ay dalawang araw pa daw bago kami makapunta sa Sanctuary. Eh ang nakita ko sa digital clock sa panaginip ay April 3,2015. Kaso ang araw ngayon ay April 2 ng madaling araw. Paano na yan? Bukas na ng madaling araw magaganap ang pagnanakaw.

Hindi ko namalayan na isang oras na pala akong nag-iisip. Habang nag-iisip ay gumalaw si Trinity habang yakap ako. Iminulat niya ang mata kaya ngumiti ako kahit kinakabahan ako ngayon.

"Good morning may baby" sabi ko sabay halik sa noo niya.

"Good morning ate Diane" hinalikan rin niya ako sa pisnge.

"Hindi ka pa nagmumumog ehh" biro ko sa kanya

"Ikaw rin nan eh" she said while giggling.

Mabagal akong bumangon at bumaba sa puno. Ganun rin ang ginawa niya habang ako ay nakatingin sa kanya at handang saluhin kung mahulog siya.

Nang makababa na siya ay ako naman ang umakyat ulit ng puno at tinanggal ang hammock.

Inaayos na namin ang mga gamit namin bago kami magtungo sa ilog at ginawa ang morning ritual.

Kumain na kami ng tira namin kagabi. Tinira ko toh kagabi para may makain kami kinabukasan.

Tumayo at isinukbit na namain ang bag namin ng matapos na kaming kumain.

Nagsimula nang maglakad sibTrinity pero kinapitan ko na siya sa magkabilang braso at binuhat.

Napatili siya dahil bigla ko siyang binuhat at nilagay sa balikat ko. Napatawa naman ako dahil sa tili niya.

"Bakit niyo naman po kasi ako binuhat ng hindi nagsasabi *pout*" sabi niya habang nakanguso.

"HAHAHAHA, naglalakad ka na kasi kaagad eh. Kumapit ka ng mabuti diyan. Kailangan nating dumating sa Sanctuary bago mag madaling araw." Bigla akong nagseryoso

"Bakit naman po?" Taka niyang tanong habang nagsisimula na kaming tumakbo.

"Uhhmm, si Lola at Lolo ko kasi sa Sanctuary, mamamatay mamayang madaling araw" malungkot na tinig ko

"Hala! Eh pano niyo naman po nalaman?" Medyo kinakabahan na yung boses niya

"Sa susunod ko nalang ipapaliwanag. Okay ba yun Trinity?" Hiling ko sa kanya

"Sige po." Sabi niya na parang nadismaya

Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin na nakilala ko si Lola Ding at Lola Dong sa panaginip at sinabi saking mapapahamak si Lola.

Siguro sasabihin ko nalang sa kanya kapag ligtas na si Lola at Lolo.

Humijto muna ako saglit ng maramdaman kong inaantok na si Trinity.

"Trinity baba ka muna" sabi ko sa kanya habang nakayuko.

Dahan-dahan siyang bumaba habang nagkukusot ng mga mata. Cute! (*_*)

Humarap ako kay Trinity para buhatin.

"Ate Trinity, baka po mahirapan kayo pag ganto ang buhat niyo sakin" inaantok na sabi niya.

"It's okay. Huwag mo na akong pansinin. Matulog ka nalang muna diyan dahil mukhang antok na antok ka" nakangiti kong sabi.

Inayos ko muna ang pagkakasabit ni Trinity sakin bago ako magsimulang tumakbo.

Takbo lang ako ng takbo ng may pumasok na ideya sa utak ko.

'Paano kaya kung gumamit ako ng heat pero yung mababang heat lang.' Sabi ko sa sarili ko

Ginawa ko ang nasa isip ko at namangha dahil hindi sumakit ang mga binti ko pero bumilis ako. Ramdam ko rin ang mahinang init sa binti ko.

Kung ganto kami kabilis. Hindi malabong makarating kami sa Sanctuary bago mag gabi.

April 3, 2015

Nandito kami ngayon ni Trinity malapit sa bahay nila Lola.

"Anong oras na Trinity?" Mahinang sabi ko sa kanya.

Mahaba-haba rin ang tinakbo namin, halos buong araw ay tumakbo akl buhat-buhat si Trinity. Humihinto lang kami ni Trinity sa dalawang dahilan. Una ay para magpahinga at ang pangalawa ay para kumain.

Kakarating lang namin kanina dito, napagpasyahan kong hindi magpakita muna kala lola at lolo. Gusto ko kasi silang i-surprise. Pati narin ang mga demnyong papasok sa bahay namin.

Alam kong malapit nang mag alastres dahil bandang 2 o'clock kami nakaratong dito. Nasa tapat lang kami ng bahay nila Lola pero hindi kami kita dito dahil patay na rin ang mga ilaw. Sira rin ang ilaw ng poste kaya may kadiliman rin. Hindi masyado madilim dahil merong buwan.

Base sa oras na nakita ko sa panaginip ay 2:47 am ang dating nang mga denyong papasok sa bahay namin.

Ramdam ko rin ang mahinang init sa buong katawan ko dulot siguro ng kaba at galit. Kaba na baka hindi ko sila mapigilan at galit dahil nanakawan at papatayin nila si Lolo at Lola.

Tumingin sa relos niya si Trinity bago magsalita.

"Saktong 2:30 am na po"

"Thanks Trinity"

Nag-antay pa kami ng ilang minuto bago ako may narinig ng tunog ng sasakyan.

"Malapit na sila" bulong ko

"Sino po?" Takang tanong niya habang nakahawak sa puno dahil baka mahulog siya

"Yung papasok sa bahay namin" sagot ko

Malayo-layo ang kalapit naming bahay maya siguro malakas ang loob nila na pasukin ang bahay, merong namang katabing bahay sila Lola pero mukhang walang tao dahil patay lahat ng ilaw.

Tumingin si Trinity sa paligid pero wal siyanh nakita kaya nagsalita siya.

"Wala naman po akong nakikita" sabi niya

"Madilim kasi. Tingnan mo mamaya, parating na sila" sabi ko dahil lumalakas na ang tunog ng sasakyan.

Sinimulan ko ng ayusin ang mga gamit ko. Tumayo ako, nagbalanse dahil nasa sanga nga kami ng puno. Inayos ko na ang katana ko, quiver, si switch at ang T.B knife ko

Hinubad ko narin ang bag ko, tinanggal ko sa pagkakatali sa bag ko ang katana, nilabas ang quiver, ilang pirasong palaso at si Coolet.

~Flashback~

"Anong gusto mong ipangalan dito sa panang binigay ko sayo?" Tanong ko sa kanya

Nag-isip siya saglit pero maya-maya ay umiling siya.

"Wala po akong maisip eh, kayo nalang po mag pangalan." Trinity

"Hmmm, coolet nalang kaya?" Ako

"Kulet?" Patanong niya

"Hindi. C-O-O-L-E-T" pag spelling ko sa kanya.

"Sige po, gusto ko po yun!" Tila kumikinang ang mata niya

Natawa nalang ako dahil hindi ko akalain na sasang-ayunan niya ang sinabi ko.

~End Of Flashback~

"Trinity" umupo ulit ako sa tabi niya sabay abot sa kanya ni Coolet, quiver na may palaso at katana.

"Para saan po ito?" Taka niyang tanong.

"Pwede bang panain mo mamaya ang gulong ng van mamaya?" Hiling ko sa kanya

"Bakit po? Saan po kayo pupunta?" Hindi man halata sa tono niya ay bakas sa mata niyang natatakot siya.

"Naaalala mo ba yung sinabi ko sayong papatayin at nanakawan ang lola ko?" Tumango siya "Susubukan kong pigilan sila sa pagpatay sa Lola ko"

"Pero delikado po. Baka mapahamak kayo" sabi no Trinity

Ngumiti ako sa kanya para hindi na siya mag-alala.

"Nandiyan na sila" bulong ko nang tumigil sa tapat ng bahay nila Lola ang van.

Gaya nga ng inaasahan ko ay bumaba sila sa van at umakyat sila sa bakod. Tumingin akk kay Trinity at ngumiti.

"Sundin mo ang sinabi ko sayo kanina. Pagpana mo ng puno ay magtago kang maigi. Umakyat ka sa taas ng puno. Basta hindi ka makikita" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya

Hindi na niya mapigilang umiyak

"A-ate Diane" garalgal na tawag niya sakin

Nangilid ang luha ko dahil ayaw ko siyang nakikitang umiyak

"A-ate Diane, ipinapangako m-mo ba na b-babalik ka?" Pumipiyok na sabi niya.

"Yes, I promise" sabi ko at hinalikan siya sa noo.

Yumakap siya ng mahigpit sakin at umiyak.

"I l-love y-you" mahina niyang sabi pero sakto lang para marinig ko.

Tumulo ang isang luha sa mga mata ko

"I love you too" sabi ko sabay halik ulit sa ulo niya, sinuot ko ang hoodie ko bago ako umalis.

Umakyat ako sa bakod at tahimik na tumalon.

Rinig ko ang isang pana na tumama sa gulong. Napangiti ako dahil mukhang magaling si Trinity sa pagpana. Madilim ngayon kaya mahirap matamaan ang target niya pero mukhang tinamaan niya.

Iniwan nilang bukas ang pinto kaya hinugot ko muna ang katana ko bago ako maingat na pumasok.

Maingat kong sinarado at ni-lock ang pinto para wala silang matatakbuhan.

"Dun ka sa kuwarto ng matanda. Maghanap ka ng pwedeng makuwa" rinig kong bulong ng isang lalaki.

Kinuwa ko ang lalagyan ng katana ko at hinawakan sa kaliwang kamay. Bale nasa kaliwa ang lalagyanan ng katana at nasa kanan ko ang katana.

Nagtago ako sa likod ng cabinet ng may nakita akong papunta sa gawi ko. Maingat lahat ng hakbang ko kaya sigurado akong hindi nila ako maririnig.

Nang makalagpas na ang lalaki ay malakas kong hinampas ng lalagyanan ng katana sa batok ang lalaki. Patumba na ito ng mabilis kong hawakan ang likod ng damit niya at nilapag ko siya ng dahan dahan bago ko hilahin sa hindi masyado makikita agad.

Bagsak na ang isa, apat nalang ang natitira

Marahan akong pumunta sa kuwarto nila Lola at nakita kong naghahalungkat yung isang lalaki. Nilapitan ko ito at tinapik sa balikat.

Humarap siya sakin at sinalubong ang lalagyanan ng katana ko. Natumba siya pero isang putok ang narinig ko.

Dala na siguro ng adrenaline rush ay mabilis akong kumilos at nagtago.

Sumilip ako at nakita kong nakatutok sakin ang baril kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. Ramdam ko ang init na tumatas dahil sa bilis kong kumilos.

Umikot ako at sinipa ang baril . Pagkabagsak ng baril ay mabilis kong hiniwa ang kanyang dibdib gamit ng katana.

Napaluhod siyabago bumagsak habang nakahaw sa dibdib niyang dumudugo.

"S-sino kayo?!" Natatakot na tanong ni Lolo habang magkayakap sila ni Lola.

"Shhhhh" sabi ko kay Lolo

Rinig ko ang dalawang mabibilis na yabag kaya lumabas na ako ng kuwarto.

Malaki ang advantage ko dahil nakakakita ako sa dilim. Habang papalapit ang yabag nila ay may naririnig akong mahinang sirena ng mga pulis.

~Flashback~

Pagabi na ngayon.

"Bakit po tayo nandito?" Takang tanong ni Trinity.

"Kailangan malaman nila Mama at Papa ang mangyayari kala Lola" sabi ko kay Trinity

Matagal na tumahimik si Trinity kaya napatingin ako sa kanya

"Bakit?" Taka kong tanong

"Paano po pag pinaglayo nila tayo?" Parang naiiyak na sabi niya

"Huwag kang mag-alala. Hindi ko hahayaan mangyari yun" sabi ko. Ngumiti siya sakin bago kami sabay pumunta sa isang tindahan.

"Ale, pwede pong maki text? Babayaran ko po" sabi ko sa kanya.

Inabot man niya sakin ang cellphone.

'Mama, Papa. Pumunta kayo dito sa Sanctuary sa bahay nila Lola. May masamang mangyayari dito po mamayang madaling araw.' - Diane

Binasa mo muna ulit nago ko isend, nagbayad na ako kay ale at magpasalamat bago ko buhatin ulit si Trinity.

Maiksi lang ang text ko sa kanila dahil baka magkulang ang barya ko.

Napabuntong hininga nalang ako

Sinubukan narin namin sa pulis pero hindi sila naniwala. Baliw daw ako *pout*

~End Of Flashback~

Nasa harapan ko na ang dalawa at may hawak silang kutsilyo. Sumugod sila sakin kaya tumakbo na ako papunta sa kanila.

Umikot ako at tinamaan sa batok ang isa, pagtama ay binaliktad ko ang talim ng katana at hinampas sa likod ng lalaki.

Napahawak sila agad sa parteng tinaman ko pero mabilis rin silang makabawi dahil sumugod agad sila.

Yung isang matangkad agad ang sumugod sakin winasiwas niya ang kutsilyo niya kaya ilag ako ng ilag. Ayaw kong matamaan ako dahil hindi pa masyado magaling ang sugat ko dahil sa daplis ng bala.

Nang makakuwa na ako ng tiyempo ay winasiwas ko ang katana ko at natamaan siya sa tiyan at napaluhod. Hindi naman siya nasugatan dahil baliktad ang talim ng katana ko pero siguradong masakit yun.

Inangat ko ang paa ko at sinipa ang ulo niya. Ayun, nakakita ng tatlong bituin na umiikot.

Napatingin ako sa isang lalaki na tumakbo palabas kaya hinabol ko siya. Nilagay ko ang katana ko sa lalagyan at nilagay sa belt ko. Kinuwa ko si switch at tumakbo papunta sa pinto. Papanain ko na sana siya pero hindi ko na ginawa dahil nakatutok naman na sa lalaki ang mga pulis.

Pinosasan na nila ang apat lalaki na nagnakaw kala Lola at lahat sila ay nakatingin sakin.

Samantala sinugod sa Ospital ang isang lalaki na hiniwa ko sa dibdib. Sinadya ko siyang hiwaan dahil siya ang lalaking babaril kila Lolo at Lola sa panaginip.

Kinakausap ako ng pulis ng may marinig akong maliit na yabag.

Ngumiti ako bago siya nilingon. Tumatakbo siya papunta sa gawi ko at niyakap niya ako. Agad ko naman skya binuhat at hinalikan sa pisngi.

"Ayos ka lang po ba?" Nag-aalala niyang sabi

"Oo" sabi ko habang nakangiti.

Kinausap ulit ako ng pulis ng may tumatakbong isang lalaki papalapit sa gawi ko. Si SPO3 Fernando.

"Yow, anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya ng makita niya kami

"Kami kasi ang ninakawan" nakangiwi kong sabi

"May nasaktan ba sa inyo?" Tiningnan niya kami mula ulo hanggang paa pero napatigil siya ng makita niyang may dugo ang katana ko. "Bakit may dugo yan?"

"Self defense" simpleng sagot ko

"Mukhang walang nasaktan sa inyo" sagot niya

"Bakit ka naparito SPO 3 Fernando?" Tanong ng nagtatanong sakin kanina.

'Si Boy tanong ata toh eh' bulong ko

Biglang bumakas ang takot sa mukha ni SPO3.

"Kumalat na daw ang virus sa Canada sir. At hindi lang po sa Canada, pati narin po sa buong mundo. Hindi ko lang po alam kung kasama ang Pilipinas."

"Anong virus ba yan?" Takang tanong ni Boy tanong.

"Hindi niyo pa po alam?!" Gulat na tanong ni SPO 3. Pati rin kami ay nagulat.

"Ano ba yun?"

"N-nakakatakot na virus. Akala ko s-sa movie ko l-lang makikita pero totoo s-sila..."

"Totoo ang mga z-zombie" natatakot niyang sabi.

★★★★

Abangan sa susunod na kabanata:

-Ano ang mangyayari sa kanila kung kumakalat na ang virus?

★★★★

Hanggang sa muli, paalam! :)

Please comment and vote! Thank you! :)