webnovel

CHAPTER 2

Doon sa lupain ng Thartherus, sila ay masigabung nagdiriwang ng isang malaking kasiyahan. Maraming tugtugan, sayawan at hindi rin mawawala ang kainan at inuman. Sa kasiyahang iyon, marami ang dumalo, ang mga hari na sina Vhalthimoos, Harios, Pyramia at pati din si Xerxez. Isang kasiyan ang dinidiriwang ni Haring Driother, kaya't inimbitahan niya ang mga kapwa niya hari dahil kaarawan niya. Nagsalo-salo ang lahat sa kainan, ang iba naman ay magiliw na nagmamasid sa mga kababaihang sumasayaw. Maluning-ning ang mga suot nito kapag ginagalaw nila ang katawan nila sa pagsasayaw. Magaganda ang kababaihan sa Thartherus kaya naman, ang mga hari ay nabubusog na sa kagandahan ng mga kababaihan.

Hindi nabibighani si Xerxez o kahit balani ay wala siyang nadarama na umibig muli, wala siyang nagugustuhang babae ngunit ang pinakahuling dalaga na sumayaw ay napatayo ang lahat at nabighani sila dahil nakakasilaw ang kanyang kagandahan at alindog, maging ang mga sayaw nito ay nakakatawag-pansin sa mga mata ng mga lalaki doon sa kasiyahang iyon. Ang kanyang kagandahan ay nakakagising sa pagkalalaki at nakakawalang umay. Natulala si Xerxez ng maalintana niya ang magandang mukha ng dalaga sa intablado. Ayaw na niyang itigil ang kanyang pagtitig at parang unti-unti ng nahuhulog ang kanyang puso sa magiliw na babae.

Siya ay si Maviel, isang magaling na madirigmang babae at panganay na anak ni Haring Driother. Dati na siyang may gusto Kay haring xerxez, kaya nga ng mabalitaan niyang magpapakasal na ang hari noon at lubha siyang nadismaya na para bang natinik siya ng malalim na halos mabaliw siya sa lungkot. Sa isip niya noon, wala na siyang pagkakataong maangkin pa ang puso in xerxez. Subalit ngayon, ang dating matapang ngayon para ng siyang malambot na unan nakay sarap himashimasin. Mahinhin kung ilalarawan sa paghahanap ng pag-ibig ngunit matapang siya sa harap ng pakikidigma. Tunay na magbabago ang ugali ng tao kapag pag-ibig ang kaharap. Kaya't sa ngalan ng pag-ibig hinubad niya ang kanyang sandata at isinuko sa pagmamahal.

Pagkatapos niyang sumayaw ay nagpalakpakan ang lahat ng tao doon, ipinapakilala pa ng ama si Maviel sa harap ng maraming panauhin. Ngunit habang nasa intablado pa siya kasama ang ama ay masuyo niyang minamasdan si Xerxez kung na saan ito, nakita niya itong nakatitig sa kanya at kaya ginantihan din niya ito ng magandang tingin, nagkatitigan nga sila sa isa't-isa na tila wala silang pakialam kung ano ang nasa paligid nila.

Nagagandahan talaga si Xerxez sa mukha ni Maviel kaya't gayun na lamang ng suyuin niya ito. Nagkita sila sa likod ng palasyo, doon sa harap ng harden at palihim silang nagkita. Sa mga oras na yun, pareho ang tibok ng puso nila, kaya't mahal na mahal nila ang isa't-isa.

Di rin nagtagal, ang lihim na'yon ay nakubli at higit na ikinagagalit ng ama nang malaman niyang mag-aasawa na ang kanyang anak na babae sa kasamahan niyang hari. Reklamo pa nga niya, sa dami ng lalaking binata na kanyang pinangarap na mapapangsawa sa kanyang anak ay bakit pa ang biyudang si Xerxez ang naisin nitong mapangasawa? Nung una ay hindi niya matanggap ang kalagayan ng magkasing-irog dahil para sa kanya malas ito.

Walang magawa si Driother kundi ang patnubayan na lamang ang anak niyang si Maviel. Ibinigay na nga niya ang kamay ng anak sa umiibig na si Xerxez dahil alam niyang mamahalin ito ni Xerxez higit pa sa kanyang pagmamahal dito at alam niyang liligaya ito ng lubosan. May tiwala si Driother kay Xerxez, kaya't magiging asawa ito ng kanyang anak, magiging maligaya si Maviel at hindi niya ito pagsisisihan. Pumayag si Driother na pag-isahin ang pagmamahalan ng dalawa. Di nagtagal, ikinasal na sina Xerxez at Maviel; di nga nagsisi si Driother sapagkat nakikita niyang masaya ang kanyang anak sa piling ni Xerxez.

Makalipas ang ilang buwan ay nabuntis si Maviel, napakasaya ni Xerxez ng malaman niyang buntis ito. Tunay na kay ligaya ng ama kapag nagkakaroon ng sariling supling sa asawa na magpupuno sa kanyang pagkalalaki. Subali't salungat sa nadarama ni Xerxez ang nadarama ni Pyramus, madalas lage itong nagtitimpi dahil ang iniisip nya wala na siyang puwang sa buhay ng ama niya lalo pa't sa bagong mundo ni Xerxez 'ang bagong pamilya nito'.

Di niya matanggap na magkaroon ng kapatid sa ibang ina at lalong ayaw niyang may bagong asawa ang ama niya, kaya't naglalayas siya at laging mapag-isa. Lage siyang pumupunta sa isang puno doon, na mayabong at maberde ang mga dahon nito, at bawat simoy ng hangin ay may sariwang hatid. Payapa ang lugar na'yon, mga huning nag-aawitan, at mga damong malumay na sumasayaw kasabay sa ihip ng hangin.

Naiintindihan ni Xerxez ang nadarama ni Pyramus, at maging si Maviel man din ay nalulungkot sa sitwasyon ng mag-ama, ngunit mahirap paintindihin sa bata kaya't hinahayaan muna nila ito sapagkat alam nilang balang araw ay maiintindihan din ito ni Pyramus. Mabait si Maviel kaya't tiwala si Xerxez na makukuha ni Maviel ang loob ni Pyramus at balang araw din, matatanggap din siya bilang ina nito.

Mabait si Maviel, kaya't tiyak nitong mapapagaan ang loob in Pyramus, hindi man ngayon ngunit alam nilang mababago ang kalooban nito. Makalipas ang mga buwan, isinilang ang isang panibagong bughaw sa sinapupunan ni Maviel, malusog na bata at makisig. Masaya ang lahat ng isinilang ang sanggol, ang buong pamilya ni Maviel ay nagsidatingan at may dalang handog...kakaiba ang araw na'yon tila ba umuudyok sa mga labi nila ang ngumiti kapag nasisilayan nila ang sanggol. Kung ikukumpara sa araw ngayon at sa araw noon ni Pyramus ay magkaiba talaga dahil nagkaroon masigabong paghahanda at pagpupugay. Mapayapa ang lahat simula ng isinilang ang sanggol. Habang tinitigan nilang dalawa ang sanggol ay humahagod ang mga ngiti natila hindi nila maipaliwag siguro ay dahil sa biyayang nasa harap nila ngayon. Agad na naisipan ni Maviel ang pangalang 'Maximus' dahil sa sumisimbolo ito sa kagitingan at kapayapaan sa kapwa.

"Maximus, ang aking ipapangalan sa kanya, mahal ko..." Sambit nito kay Xerxez.

Wala namang reklamo si Xerxez sapagkat nagustuhan niya ito at bagay na maging hari paglaki ng bata. Kaya, simula ngayon ay Maximus na ang pangalan ng sanggol. Simbulo ng kapayapaan at kabaitan, at may magandang kalooban. Nang ipinakilala nila ang sanggol sa buong mundo ay malugod itong kinilala bilang anak ng hari ng taga Thallerion.

Mapayapa ang kanilang pamumuhay, sa pamumuno ni Xerxez ay lalong umunlad ang lupain ng Thallerion. Naging malawak ito at makapangyarihan. Higit sa lahat, Simula ng isinilang ang sanggol puro na kasaganahan at kasiyahan ang bumalot sa palasyo.

Isang araw, humiling si Maviel ng isang munting handaan at kasiyahan para sa anak nilang dalawa. Dahil mahal niya ang kanyang asawa at ang anak nila ay hindi siya nagpasubali, sahalip ay itinuloy niya ang kahilingan ng asawa, ngunit sinabi niya, gagawin niyang katangi-tangi at magiging pasadya ang magiging okasyon. Lahat gagawin ng isang ama ang mapaligaya ang anak at ang asawa, ganun paman ay hindi masusuklian ang kagalakan sa puso ni Xerxez kaya't kung ito man ang magiging paraan ay gagawin niya ang lahat. Kinabukasan, nagsihanda ang lahat ng mga tauhan sa palasyo, ginayakan at pinalamutian ng magagandang adorno, dahil hilig ni Maviel ang mapuputing bulaklak ay iyon din ang ipinaris sa kasiyahan, bagay na bagay ang kulay sa malinis at makintab na palasyo. Isa itong ganap na in-grandeng kasiyahan, ito ay pagpapasalamat sa biyaya dahil maswerte silang pinagkalooban ng isang makisig na lalaking sanggol.

Marami ang dumalo, karamihan sa kanila ay mga kaibigan at mga kakilala. Nagsidatingan din ang ibang panauhin upang makipagsaya lamang, malalayo ang pinagmulan ng ilan at ang ilan naman karatig bansa lang. Maliban sa kaaway ay hindi nila aasahang dadalo. Hindi rin dumalo ang reyna ng Peronicas ngunit alam na ni Xerxez ang dahilan kung bakit wala ito. Hindi rin niya masisisi ang sarili sapagkat naging mabuti siyang asawa sa anak nila Pyramia. Kaya't hinayaan na lang niya ito.

Masaya ang lahat sa mga oras na'yon, ang mga hari ay nagkakatuwaan, may mga nagsasayawan at nagtutugtugan habang ang ilan ay walang pigil sa kakakain dahil sa masasarap na putahi at mga ulam. Lahat ng pinakamasarap na lutuin ng mga mahuhusay na kusinero't kusinera ay nagkaisa upang lutuin ang mga iyon.

Sariwang bino ng ubas ang kanilang inilatag upang ipares sa mga pagkaing napakalinamnam. Sinabayan din ng mga maiingay na tugtugan ang araw na'yon nagmukhang enggrande ang lahat. Labas pasok lang ang mga tao sa palasyo kaya't hindi napansin ng mga kawal ang pagpasok ng isang lalaking nakadamit ng mahabang balabal na maitim na nagmumukhang lumana't di rin pang-okasyon ang naturàng damit ng lalaki. Makapal masyado ang suot nitong damit kaya't di rin matukoy kung may dala ba itong patalim o ano paman. Ang kanyang tangkad ay katamtaman lamang, ngunit masyadong alerto kung kumilos animo'y nagmamadali. Sa kanya namang akmang galaw ay parang walang masamang intensyon. Kumain ito na parang ganap na nakikipagsalo sa handaan. Ngunit ang di nila nakikita ay ang mga mata nito'y tila umikot sa bawat sulok, sa bawat palapag ng kastilyo'y naghahanap ng pagkakataon, na nagpapahiwatig lamang umano'y may masama siyang balak.

Ilang saglit lang nga ang nakalipas ay napapansin na ng mga tao ang kakaibang kinikilos ng lalaki para na itong lulusong sa digmaan. Umalis saglit si Maviel at iniwan ang sanggol sa lalagyan na kulay ginto at makinang, ibinilin din niya ito sa kanyang katulong upang bantayan ang sanggol, naisipan niya kasing puntahan si Pyramus upang yayahin at kausapin dahil alam niyang malungkot ito at ayaw makipagkaibigan.

Nakita niya itong nakaupo sa gilid ng hagdaan, naghihintay sa ama, o sa kanyang Lola Pyramia, dahil wala si Reyna Pyramia ,wala din itong kausap o kasama. Kaya't nilapitan niya ito ng may pagbati. "Pyramus, halika sumamaka sa akin, gusto mo bang makita ang kapatid mo? " Maang ni Maviel upang makuha lang ang atensiyon nito. "Ayoko..." Nahihiyang sagot nito. Inaasahan na talaga ni Maviel na ganun talaga ang isasagot ng bata. "Wag kang mahiya sa akin, Pyramus." Sagot ni Maviel. "Natatakot ka ba sa akin?" Tanong niya. Tumango lamang ang ulo nito na ibig lang sabihin ay oo. "Ganun ba? Alam mo Pyramus... Hindi naman ako nangangagat, sige nga hawakan mo ang kamay ko..." Humawak din naman si Pyramus, at natuwa si Maviel, dahil parang nakukuha na nito ang loob ng bata. "Simula ngayon, kaibigan na ba tayo?" Tumango ulit ito. "Pangako?" Ngunit hindi na ito sumagot sa kanyang sinabi, kundi isang katahimikan ang magparamdan; kaya't pinalitan nalang niya ang usapan nilang dalawa upang matakpan ang tumutubong katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "Nagugutom ka ba?" Sa wakas bumalik ang loob nito, akala kasi ni Maviel nagbago agad ang ugali nito, tumango ang bata at iniabot ang kanyang kamay bilang pagsang-ayon na sasama sa kanya.

Lumakad na nga sila papunta sa kinaruruonan ng mga pagkain. Ngunit laking gulat na lang niya ng marinig ang sigawan ng mga tao sa labas. May nakasalubong siyang babae, isa siyang bisita, nakikita sa mukha niya ang takot at kaba. "May pinaslang!" Nangingig nitong sagot, at may hilakbot sa mukha. Kumaripas ito papalayo.

Agad na sumagap sa isipan niya ang sanggol, kaya't nataranta siyang tumakbo pabalik, nang marating niya kinaruruonan ng sanggol ay sumilakbo ang kanyang takot nang makita niya ang kanyang katulong na naliligo na sa dugo dahil, may tama ito ng dalawang palaso sa dibdib at patay na ito. Kaya't tumakbo agad siya hindi upang labanan ang lalaking mysteryoso kundi sagipin si Maximus.

Pakay talaga ng lalaking iyon ang patayin ang sanggol. Bumunot na ito ng isang kapirasong Buso kanyang lalagyan upang ipana ito sa nakangiting sanggol habang nakatitig sa kanya. Tinitigan muna niya ang sanggol bago hinila ng mga daliri ang buntot ng pana. At binitawan, sabay sabing ''paalam'', sa tunong mabagal.

Subalit isang sigaw ang bumulantag, "Waaaaag!" Si Maviel ang natamaan sa dibdib. Matapang parin siya't nakuha pa nitong tumayo't humakbang papalapit sa sanggol at isinanggala ang sariling katawan para sa buhay ng kanyang anak. Bubunot pa sana ng pangalawang palaso ang lalaki ay napahinto siya't napaatras sapagkat nagsidatingan na ang mga kawal upang hulihin at tugisin ang mapangahas na kaaway.

"Hulihin siya!" Hilakbot ng isang kawal. Tumakbo ito ng mabilis ng makita niyang papalapit na ang mga kawal. Biglang napabulalas si Xerxez ng makita niyang nagkagulo ang mga tao. Agad siyang nag-alala sa mag-ina niya, lalo na't kanina pa siya kinakabahan.

Sa mga oras na'yon, marami na siyang masasamang naiisip at sa mga pantaha niya'y may masamang nangyari sa mag-ina niya. Kaya't matulin siyang tumakbo at hinanap ang lugar kung saan niya iniwan ang kangyang asawa. Dahil sa bilis ng kanyang takbo, nabundol siya sa isang lalaking nagmamadali din. Di niya kilala ito pero nakilala niyang kaaway ito dahil hinahabol ito ng mga kawal niya.

"Patayin siya! Wag nyo siyang patatakasin!" Sigaw ng kawal. Nahawakan ni Xerxez ang kamay nito at sabay lingon sa unahan, nakita niya ang kanyang asawa na nakahandusay na sa lupa. Bigla siyang natulala ng makita niya iyon ngunit nagkamalay na lamang siya ng maramdaman niyang umaalog ang kanyang kanang kamay at pilit iwinawakli ang pagkakahawak niya. Naramdaman din niyang nakahawak na ang kanyang kaliwang kamay sa ispada niya.

Alam na ni Xerxez na ito talaga ang kaaway kaya't humogot siya ng lakas upang paslangin ito ngunit nakawala na ito sa kanyang kamay kaya't tanging ang damit lang ang natamaan at naputol ito sa maliit na piraso kaya't hindi rin ito nasaktan. Sa pangalawang hampas ay bumunot na ito ng ispada at isinanggala ang galit ni Xerxez. Medyo lango Kung gumalaw si Xerxez kaya't hindi niya napupuruhan ang kalaban. Pilit na kinikilala ni Xerxez ang taong ito ngunit mailap at masyadong malikot kung umatake. Bigla itong sumipa kay Xerxez kaya't natumba siya sa lupa. Dahil doon nagkaroon ng pagkakataon ang kalaban na makatakas nagpasabog ito at nagpausok ng makapal hanggan sa tuluyan na itong nakatakas ng hindi man lang nila nakilala ang taong ito. Walang nagawa si Xerxez Kundi ang humagulgol sa galit.

"Magbabayad ka! " ilang sandaling nakaupo siya sa lupa. At napatayo ng mabilis ng maalala niya ang asawa. " Ang asawa ko!" Tumakbo agad siya sa abot ng makakaya niyang bilis. Humahalinghing na ang paghinga nito at hirap na hirap ng magsalita, ngunit lumalaban pa ito. May lason ang palaso kaya't hindi masasabing mabubuhay pa si Maviel.

"Hindi!" Iyak niya.

"Mahal Kong Xerxez, ang mga anak, natin, wag, wag mong...pa- pababayaan... Mangako ka...."

"Wag kang magsalita ng ganyan...mabubuhay ka pa...lumaban ka lang!" Sambit ni Xerxez. Habang pinapaunan nito ang kanyang hita sa katawan at hawak ng mahigpit na braso ang ulo nito. Ang palad niya'y nasa pisngi ni Maviel. Luhaan silang dalawa.

"Masaya na ako, Xe- Xerxez. " sabay hawak sa labi niya. " Hindi ko kakalimutan ang iyong pagmamahal." Yon na ang huling salitang binitawan niya ngunit pinilit niyang maging malinaw iyon sa isipan at pandinig ni Xerxez. Pagkatapos ay patay na siya. Wala na si Maviel. Naglaho na ang kanyang asawa ngunit iniwan nito ang ngiti nakahit masakit ay natutunan parin niyang ngumiti, nais lamang niyang ipahiwatig kay Xerxez na kahit wala na siya ay sana matutunan nitong ngumiti kahit sa kabila ng mga pagsubok.

Humiyaw sa lungkot at pighati si Xerxez. " Maviel!" Lalong dumaloy ng malakas ang luha at pilit niya inaalog katawan ni Maviel. "Gumising ka, Maviel! Hindi ka pweding mamatay!" Umiyak ng umiyak si Xerxez at labis ang kanyang pagnanangis sa pagpanaw nito. Halos bumaha ng luha sa mga mata niya dahil hindi niya matanggap ang pangyayari. Dahil sa matinding kirot sa kanyang puso ay halos mabaliw siya sa mga oras na'yon.

Wala siyang magawa, hindi rin mapakali at hindi niya alam kung saan siya kukuha ng lakas. Halos sabunotan niya ang sarili sa galit. Yinapos na lamang niya ang asawa, habang nakaramdam siya ng pagnanasang makapaghigante sa lalaking pumaslang sa asawa niya.

Sa mga sandaling iyon, natagpuan niya muli ang punit na piraso ng damit, ngayon lamang niya naalalang dinampot pala niya iyon ng makatakas ang kaaway nila. Ngayon lamang niya nakita na may imahe sa naturang punit na tila. Isa itong agila kung ilalarawan ng buo, ngunit kalahati lang ng guhit ang nakuha niya. Kaya't isang katanungan ang dumalumat sa kanyang isipan. "Sino ang nasa likod? Sino ba ang misteryosong lalaking iyon? At bakit niya pinatay ang asawa ko?" Dahil sa galit, kinuyom niya ng mahigpit ang punit na tila. At pakatapos, bumalik naman ang atensiyon niya sa asawa. At doon naman nagsimulang bumuhos ang kanyang kalungkutan. Patay na talaga ang kanyang asawa subalit, pilit parin niyang pinaniniwalaan ang sariling mabubuhay pa ang asawa niya, bagama't ano man ang gawin niya hinding-hindi na mabubuhay si Maviel.

Ngayon lamang nagsidatingan ang ilang hari, ngunit ng maalintana ni haring Driother ang kanyang anak sa mga braso ni Xerxez na wala ng buhay ay lubhang napaluha't hindi matanggap ang nakitang patay na katawan ni Maviel. Napagapang siya papunta sa kinaruruunan nila Xerxez.

"A-anak ko, Maviel." Tawag niya. Halos hindi siya makahinga sa sobrang lungkot. "Sino ang pumatay sa kanya, Xerxez?" Hilakbot niyang sigaw. "Bakit nyo hinayaang patayin siya ng mga kalaban?" Dahil sa nangyari parang sinisisi niya si Xerxez dahil sa pagkamatay ng kanyang anak. Ngunit alam naman ng lahat na hindi iyon kagustuhan.

Malaki ang bumalot na katanungan sa buong kaharian, Kung sino ang lalaking iyon? Galit si Haring Driother Kay Xerxez dahil daw sa kapabayaan nito dahil kung ginawa niya ang kanyang tungkulin bilang isang hari ay hindi sana mamamatay ang anak niyang si Maviel. Kung inisip ni Xerxez muna ang kaligtasan wala sanang malungkot na trahedyang ito. Ito ang mga naririnig ni Xerxez sa pagpipintas ng mga kapwa niya hari at sinisisi siya lalo na si Driother.

Napalitan ng mapanglaw na kaarawan ang kaninang puro kagalakan at kasiyahan ang araw na ito. Napalitan din ang tugtog ng malungkot na himig. Dahil sa isang misteryosong lalaki naging masalimuot ang buhay ng mga taga -Thallerion. Sa ikalawang araw ng kapanglawan, nanatili parin si Xerxez sa tabi ng asawa buong gabi o araw ay ayaw niyang mapaglayo ang mga kamay nila.

Kinakausap parin niya si Maviel kahit na patay na ito, iniisip parin niya na buhay ang asawa niya at hindi siya iiwan nito. Ngunit umiiyak siya buong magdamag, hindi rin niya magawang kumain, o Kalimutan nalamang ang lahat, mahal niya ang asawa niya pero ubos na ang hanggan nito at malapit ng maglaho, ilang araw nalang o gabi, magiging abo na ito; at kahit kailan hinding-hindi na niya ito makikita pa. Dahil sa kanyang ginagawa ay iniisip tuloy ng mga tao na nasisiraan na ng bait si Xerxez at maging ang kanyang loob ay naging marupok, mahinang-mahina na.

Nung itinakda na nga ang pagsusunog sa bangkay, halos pigilan niya ang lahat ngunit wala siyang magawa kundi ang mapahikbi at magtampisaw sa luha. Inilagay sa balsa na puno ng mapuputing rosas at isang malambot na unan, sinabayan pa ng mga lumulutang na apoy. Naging maliwanag ang kapaligiran sa gabing iyon, kaya't nakikita nila ng malinaw ang lahat ng nandoon. Saksi din ang lahat sa nadarama ni Xerxez sa pagpanaw ng asawa niya.

Pagdako ng ilang oras , hinayaan na nilang yakapin ng katubigan ang balsa upang dalhin sa malayo kasabay ng mga lumulutang na bagay na may apoy. Malungkot din ang hampas ng alon, maging ang hangin nanlalamig at halos ayaw magparamdan. Ngayon, ang lumiliyab na apoy na kumakapit sa palaso na kanina lamang sinindihan ay nakatutok na at ilang kalabit nang buntot ng kamay, ito'y liliyab subalit may dalang mabigat na bugtong-hininga ng kawal na nagpapahiwatig lamang ng isang paalam.