webnovel

A Heart to Keep

Magkaiba ang background nina Candice at Victor kaya hindi maganda ang unang impression nila sa isat isa. Pero habang tumatagal ang kanilang pagkakakila ay unti unti ring lumalalim ang kanilang friendship and eventually ay nagkahulugan na sila ng loob.

amore_05 · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
15 Chs

Chapter 5

Nakailang tingin na si Candice sa kanyang compact mirror ay hindi pa rin siya mapakali. Naiinis na nga siya sa sarili dahil sigurado namang maayos ang itsura niya.

It's not like she's going to meet the Prince of Wales. Si Victor lang naman ang katatagpuin niya. Ang taong walang pake kahit signature lahat ang isuot niya.

Magsusuklay uli sana siya nang makarinig siya ng ungot. Nasa tabi na naman niya ang asong nakita niya sa rally. Hindi niya alam kung paanong nakalusot ito sa mga guwardiya at kung bakit sa kanya lang ito lapit nang lapit.

Pero dahil mas nangingibabaw ang awa kesa pandidiri sa tuwing humihingi ito ng pagkain ay binibigyan naman niya iyon at pagkatapos ay tsaka na lamang niya tinataboy.

"Ito Vicky, ham sandwich tong ibibigay ko sayo ngayon." At inabot na nga niya yon sa aso. Mabilis naman nitong nginasab ang pagkain.

"Vicky talaga ang pinangalan mo sa aso?" nabigla siya nang marinig ang boses ni Victor.

"Ano ka ba magparamdam ka muna bago ka magsalita." Asik niya dito.

"Bakit mo naman sinunod sa pangalan ko ang askal na yan?" tanong nito.

"Wala na kasi akong ibang maisip." Dahilan niya dito.

"Bakit hindi na lang tagpi ang ipangalan mo sa kanya tutal mukhang marami siyang tagpi sa katawan."

"Unang-una babae po siya at tsaka puwede huwag mo siyang laitin. May feelings din yan."

"Nagsalita ang hindi mapanglait. Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga hayop." He looks amused.

"Not really, ni wala nga kaming pet sa bahay. Ayaw ni Lolo."

"Lagi mong nababanggit ang Lolo mo pero hindi ang mga magulang mo. Nasaan na ba sila?" Tanong nito sabay upo sa tabi niya.

"Pareho na silang namayapa. Namatay ang dad ko sa isang car crash and my mom passed away pagkatapos niya akong ipanganak. Three months lang ang pagitan ng pagkamatay nila. Lolo ko lang ang nagpalaki sa akin."

"Parehas na pala tayong ulila. Yung magulang ko naman namatay sa lumubog na barko nung siyam na taong gulang pa lang ako. Inampon ako ng tiyahin ko at siya na ang nagpalaki sa akin." kuwento nito.

"Mahirap ba na mawala sayo yung mga taong mahal mo, knowing that they will be gone forever." biglaang tanong niya dito.

"Bakit mo naitanong eh magkaparehas lang naman tayo?"

Iba ka, kasi naabutan mo pa sila. Naramdaman mo pa rin yung presensya nila sa buhay mo. Ako sa picture ko na lang nakita mga parents ko."

"Ang sabi ni Tita Ellen halos isang buwan daw akong di nagsalita. Hindi ko na matandaan. Siguro defense mechanism ko yun para di ako masyadong masaktan. Yung makalimot."

"Si Vicky kaya?" Turo niya sa aso. "Ulila na rin siya katulad natin tapos wala pang nag-aalaga sa kanya. So ibig sabihin mas kawawa siya sa atin."

"Tama mas kawawa nga siya sa atin." Pagsang ayon nito.

"Baka puwedeng sa inyo na lang siya. Ako ang bahala sa pagkain niya." pakiusap niya dito.

"Kahit gustuhin ko man hindi puwede. May hika ang Tita Ellen ko kaya hindi puwede ang mababalahibo dun."

"Ganoon ba? Paano ba yan eh di mananatili siyang asong kalye."

"At kung patuloy mo siyang pakakainin malamang manaba yan at huntingin ng mga lasenggo sa kanto at gawing pulutan." Pananakot nito.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Oh my God anong gagawin ko? Hindi ko naman siya puwedeng gutumin."

"Ganito na lang meron akong alam na animal shelter puwede natin sya doon ibigay. Doon puwede siyang maampon ng bagong amo." Suhestyon nito.

"Eh di ibig sabihin malalayo na siya sa akin."

"Pero mapapabuti naman ang lagay niya."

Tiningnan niya ng matagal ang aso.

Nakatingin din ito sa kanya habang kumakawag ang buntot. Sayang talaga at hindi niya ito maaampon. Pero tama si Victor puwede itong mapahamak. Kung hindi man sa mga lasenggo sa kanto ay sa mga dumaraan na sasakyan.

"Fine pero puwede ko naman siyang dalawin dun di ba?"

"Oo naman, sasamahan pa kita."

Pagkatapos ng klase niya ay sinamahan na nga siya nito. Hindi sila nahirapang isakay ang aso sa kanyang kotse dahil sumusunod na ito sa utos niya. Buti na lamang at pinagkatiwalaan siya ng kanyang Lolo na idrive ang isang lumang beetle.

Nang makarating na sila sa animal shelter ay sinalubong sila ng isa sa mga tagapag-alaga doon.

"Balak po sana naming ilagak dito yung aso. Naligaw po kasi ito sa campus namin. Eh walang puwedeng mag-alaga." Paliwanag dito ni Victor.

Mukhang naramdaman ni Vicky na siya ang pinag-uusapan kaya nagligalig ito. Tumahol ito at nag-iiyak nang iabot na ito sa tagapag-alaga. Parang gusto tuloy magbago ng isip niya.

Napansin naman ni Victor ang tila pag-aalinlangan niya. "Magiging mas maayos ang lagay niya dito." Paniniguro nito.

"Huwag kayong mag-alala inaalagaan namin ng mabuti ang mga hayop dito. At hinahanapan ng mabait na amo." Sagot naman ng tagapag-alaga.

"Alam ko naman yon kaya lang…" tiningnan niyang muli ang asong tila nagmamakaawa ang mga mata sa kanya. Gusto niya talaga itong ampunin pero alam niyang ipapatapon lang din ito ng Lolo niya.

"You're right. Mas mapapabuti siya dito. Let's go." Aya na niya kay Victor.

Narinig niya uli ang pag iyak ni Vicky pero di na siya lumingon pa. Binilisan na lamang niya ang paglalakad. Nang makasakay na sila sa kotse ay hindi niya agad iyon pinaandar. Pinakikiramdaman lamang siya ni Victor.

"Nakakainis talaga. Aso lang naging emotional na ako. N-ni hindi nga siya maganda." Sambit niya habang pinipilit na huwag maluha.

"I' m sorry."

"Bakit ka nagsosorry?" takang tanong niya dito.

"Mali kasi ako ng pagkakakilala sayo. Akala ko selfish ka at mababaw. Na sarili mo lang ang iniisp mo."

"Ganun naman talaga ako."

"Hindi mo lang talaga alam na mabait ka."

"Hindi ako mabait. This is a one time thing. Sooner or later may magagawa na naman akong bagay na ikakainis mo sa akin. You might even end up hating me. "

"Kapag nangyari yon babalikan ko ang pagkakataong ito."

His candid words warmed her heart. Marami na siyang natanggap na compliment. But it's always about her looks. Unang beses may nagsabing mabait siya in the real sense of the word. Lagi nitong napapagaan ang loob niya. Simpleng ngiti lang tuloy ang naging tugon niya dito.

"Alam ko may klase ka pa di ba? Ihahatid na lang kita para di naman sobrang abala sayo. Pag-iiba na niya ng usapan habang iniistart ang kotse.

Overwhelming na para sa kanya ng araw na ito. And being so near to him is creating this strange feeling. And she hasn't decided yet kung gusto ba niya o ayaw ang nararamdaman.