webnovel

A Heart to Keep

Magkaiba ang background nina Candice at Victor kaya hindi maganda ang unang impression nila sa isat isa. Pero habang tumatagal ang kanilang pagkakakila ay unti unti ring lumalalim ang kanilang friendship and eventually ay nagkahulugan na sila ng loob.

amore_05 · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
15 Chs

Chapter 15

"Ang lakas ng loob ng lalaking yon."

Naggagalaiti pa rin si Candice sa loob ng kanyang opisina.

"Ano ka ba huwag kang masyadong nagpapaapekto sa kanya." Pagpapakalma sa kanya ni Paula.

"Narinig mo naman lahat ng sinabi niya."

"Hindi lang naman yon ang unang pagkakataon na may nagsuggest na magbawas ng empleyado ang Monarch."

"Oo pero wala akong magagawa para pigilin ang planong yon dahil kulang ang kapangyarihan ko sa kumpanya."

"I understand why you're upset pero mas may malaki ka pang problema. Yung merger puwedeng hindi matuloy." Paalala nito.

Napabuntunghininga siya. Tama ito she lost her composure and failed to look at the bigger picture. Hindi lang talaga siya makapaniwala sa mga sinabi ni Victor kanina. Hindi pa rin niya siguro tanggap na talagang nagbago na ito. Pero hindi naman pupuwedeng basta na lang mawala ang concern nito sa mga karaniwang empleyado.

"Sa tingin ko kailangan ko siyang kausapin na kami lang." She decided.

"Tinapos na nila yung meeting nung magwalk out ka. He's in his office now. Sigurado ka bang gusto mo siyang kausapin ngayon?"

"He's probably expecting me anyways." Kaya tumayo na siya at lumabas ng opisina. Determined than ever na harapin si Victor.

"I wanto to talk to Mr. Escueta. Nandito ba siya?" tanong niya sa secretary nito.

"Meron po ba kayong appointment?" Tanong naman nito.

Dahil alam niyang paghihintayin lamang siya nito ay hindi na niya ito sinagot pa. Tuloy-tuloy siyang nagakad at walang seremonyang binuksan ang pinto ng opisina nito. Walang nagawa ang secretary nito para pigilan pa siya.

"Victor kailangan nating mag…" hindi na niya natuloy ang sinasabi dahil ang tumambad sa kanya ay si Victor na may kahalikan na babae.

She didn't know how to react so she just stood there. Yung tipong parang tinurukan siya ng anesthesia at mabilis yung kumalat sa buo niyang katawan maliban sa puso. So while her whole body was numb her heart feels like its been hit by a sledge hammer.

Buti na lamang at nakahawak siya sa handle ng pinto kundi ay baka tumumba na naman siya.

Huli na rin para maitago pa ang kanyang nararamdaman. Ng tingnan siya nito she knew he saw the pain in her eyes.

"I-i'm sorry kung nakaistorbo ako." Hinging paumanhin niya dito. "Ba-balik na lang siguro ako sa susunod na araw." Akmang tatalikod na siya nang magsalita ang babaeng kasama nito.

"Candice I'm surprised to see you here. Hindi mo ba ako nakikilala?" tanong ng babae.

Kumunot ang noo niya at tumingin dito.

"Jessie?" malaki na ang pinagbago ng itsura nito.

"Ako nga. Its been a long time. Kumusta ka na? Nakangiting tanong pa nito.

Pero bago pa man siya makasagot ay sumingit na si Victor. "Jess may kailangan lang kaming pag-usapan."

"Oh well looks like i'm being dismissed. Nice to see you again Candice."

Nang makalabas ang dalawa ay kinuha niya ang pagkakataong yon to compose herself. Ano bang nangyayari sa kanya? Eh ano ngayon kung may kahalikan itong babae? And so what if its Jessie? Expected na yon. Iniisip ba niyang pagkatapos ng maraming taon ay wala itong mamahaling iba bukod sa kanya?

Aalis na lang sana siya pero mabilis na nakabalik si Victor. Pumasok uli ito ng opisina at sinarhan ang pinto. Then he directed her to sit down. Sumunod na lamang siya dahil weird naman kung magpipilit pa rin siyang umalis eh siya naman ang pumasok sa opisina nito nang walang pasabi.

Pagkaupo niya ay umupo na rin ito. "Sa susunod kumatok ka. Ayaw mo naman siguro akong makita in a compromising situation." Balewalang pagpapaalala nito.

"Then next time lock your door." She retorted.

"Lahat ng tao alam na hindi sila dapat pumapasok ng silid ng walang paalam. May bisita man o wala."

"You're right. I'm sorry I should have knocked."

"So what brought you here?" pag-iiba na nito ng usapan.

"Gusto ko lang malaman kung seryoso ka ba talaga dun sa plano mong huwag ituloy ang merger. Alam mong malaki ang maitutulong ng merger na yon sa Monarch. At iyong pagbabawas ng empleyado i dont think that's necessary." Apila niya dito.

"Yung tungkol sa merger hindi yon kailangan ng Monarch. Ikaw ang may kailangan dun. And about sa cost cutting I will not brought it up sa board meeting if it wont help the company.." Sagot nito.

"Fine lets forget about the merger. if thats what you want. Pero yung plano mong pagbabawas ng emepleyado you're not like that. May malasakit ka sa tao. Hindi ba yun ang pinaglalaban mo nun?"

"Marami akong pinaglaban noon na pinagsisihan ko." makahulugang sagot nito. She tried to ignore what he said and sticked to the issue at hand.

"Victor, hindi lang sila mga simpleng empleyado. Marami sa kanila ginugol na ang buhay sa kumpanya. Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari." Matigas niyang sagot dito.

Tumaas sandali ang kilay nito sa deklarasyon niya. "Nalimutan mo yata I own more than half of the company at sigurado akong maraming miyembro ng board ang sang-ayon sa gusto ko. I kinda like your conviction but you're powerless right now."

"Ibebenta ko sayo lahat ng shares ko basta ipapangako mo na wala kang babaguhin sa kumpanya. Hindi ka magtatanggal ng empleyado at hindi ka magbabawas ng mga benipisyo."

Halatang nagulat ito sa sinabi niya. "Sinasabi mo ba na you're just going to give up and walk away?" sa wakas ay tanong nito.

"Yun naman ang gusto mo di ba ang makuha lahat ng pag-aari namin. The company is all I have. That's why I'm offering it to you."

"I have other ways para mapasaakin ng buong-buo ang kumpanya nyo without having to negotiate with you. Wala kang hawak na alas dito Candice. At dahil pinakita mo na sa akin lahat ng baraha I'll raise the stake. You walk out on this company at sisiguraduhin ko na hindi lang dalawampung porsiyento ang maalisan ng trabaho kundi lahat sila. Ano kaya ang mararamdaman ng lolo mo kapag nalaman niyang ako ang dahilan ng pagkawala ng lahat ng pinaghirapan niya?"

Hindi niya alam if he's bluffing pero alam niyang hindi malayong gawin nito ang banta.

"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Gusto mong humingi ako ng tawad? Gusto mong lumuhod ako sa harapan mo?"

"Too late for apologies princess. Pero mali ka ng iniisip na you got nothing else but the company. Hindi lang ang Monarch ang meron ka na puwede kung makuha."

"Anong ibig mong sabihin?Ano ba talaga ang gusto mo sa akin?"

Sandali itong nag-isip habang matamang nakatingin sa kanya. Kahit napapaso na siya sa mga titig nito she didn't look away.

"In a way you're right this is just between us. Sige baka naman isipin mo I'm a monster. Pagbibigyan kita sa gusto mo. Hindi ko na pakikialaman ang kumpanya and I will just send a representative. I will even stepped down us president. Pero merong kundisyon."

"Ano ang kundisyon mo?" kinakabahang tanong niya dito.

"Be my woman." Walang gatol na sagot nito.

Lahat yata ng dugo sa katawan niya ay pumunta sa kanyang ulo pagkarinig sa sinabi nito.

"What made you think that I'll agree with that kind of condition? And I thought you hate me?" galit at nagtatakang tanong niya dito.

"You're right Candice, I hate you to my very core. But despite my hate I still desire you. Call it an anomaly if you must. But I just don't want to possessed everything you have I want to possessed all of you."

His words brought chills to her body. It's the way he said it… cold, business like. Na para bang isa lamang siyang inanimate object na gusto nitong makuha.

"What about Jessie. Hindi ba't may relasyon kayo?"

"Huwag mong problemahin si Jessie. And ofcourse if you take my offer you will need to break-up with your boyfriend. You don't need him in your life. He can't protect you anyway. Well not from me."

Nung una ay nagtaka siya sa sinabi ni Victor. Then she thought of Matthew. Iniisip pala nito na may relasyon sila. "He's more of a man than you." Matigas niyang sagot dito.

Wala siyang balak itama ang mali nitong akala.

Sandaling tumalim ang mga mata nito sa sinabi niya but in the end he mockingly smirk at her. "Petty insult will not get you anywhere Candice. Gawin mo na ang kailangan mong gawin. Then maybe I'll let you know how much of a man I am."

"What if I say no?" She asked defiantly.

"You make it sound like like i'm a repugnant human being. Nakalimutan mo na yata we used to be a couple. Nagtanan pa nga tayo and lived in a same house."

"Alam mong malaking pagkakamali ang nangyaring yon." Sagot niya dito.

Lalong tumalim ang pagkakatingin nito sa kanya. And for a moment she felt real fear dahil kitang-kita ang galit nito. But he also calmed down real quick. "You got till twelve midnight to decide. Kung wala ka nang ibang sasabihin makakaalis ka na."

Wala siyang salitang lumabas sa opisina nito. Kahit parang gusto nang bumigay ng mga tuhod niya dahil sa naging tema ng pag-uusap nila she kept her head high. She can't show to him that she's affected by his words. Hindi niya hahayaang makita nito kung gaano siya nasasaktan sa masamang pagtrato nito sa kanya.

Pagkadating niya sa opisina ay si Paula agad ang sumalubong sa kanya. "Nakausap mo na ba siya?" Tanong nito.

Tumango lamang siya. "Nasa opisina mo si Matthew kanina pa siya naghihintay sayo." Inform nito sa kanya. She wasn't ready to face him yet pero wala na siyang magagawa kaya pinuntahan na niya ito.

Sinalubong naman siya agad nito nang makapasok siya sa kanyang opisina. "I'm glad you're here. Saan ka ba nanggaling? Kahit si Paula ayaw akong sagutin kung saan ka nagpunta."

"Matt we need to talk." Mahinahon niyang sagot dito.

"You're too serious. You're scaring me. Bad news ba?"

"Nakausap ko si Victor Escueta kanina."

"Siya yung bumili ng majority ng mga shares ng kumpanya nyo at siya rin yung humaharang sa merger." Pagkumpira nito.

"Siya nga pero meron ka pang di alam tungkol sa kanya, sa aming dalawa. Ang totoo nagkaroon kami ng relasyon noon." Pag-amin niya dito.

Sandali itong natahimik pero mukhang hindi naman na ito nagulat sa sinabi niya. "So everything that he's doing now is to get you back? Yun ba ang agenda niya?" tanong nito.

"No, ginagawa niya ito because he hates me. And I can't blame him. Iniwan ko siya sa panahong kailangan niya ako."

"You don't have to feel responsible for his actions. Siguro nga may kasalanan ka sa kanya. But its been years. He should have moved on by now. And I have an idea para tuluyan ka na niyang lubayan. Magpakasal tayo. That way malalaman niya na wala na talaga siyang habol sa'yo."

"I'm sorry Matt pero ayokong madamay ka pa dito."

"Alam mo naman na mahal na mahal kita Candice. And yes I know na hindi mo pa rin ako magawang mahalin pero pasasaan ba't matututunan mo ring buksan ang puso mo para sa akin."

"Matt sa totoo lang kung hindi ka dumating sa buhay ko I don't think I can even survived. Hindi lang iisang beses na hiniling ko sa langit na sana ikaw na lang. Pero hanggang dito lang talaga ang kaya kung ibigay."

Bumuntunghininga ito ng malalim.

"Si Victor yung kasayaw mo dun sa party hindi ba?" tanong nito. Tumango lamang siya. So you still love him?"

"I'm sorry." Yun na nga lang yata ang kaya niyang masabi dito.

"Well I tried my best. But I guess it is time to let go. Hindi ko naman puwedeng ipagpilitan ang sarili ko sa taong may ibang mahal. Basta kapag hindi mo na kaya. Nandito lang ako. I will always be your friend."

Pagkatapos nun ay niyakap siya nito ng mahigpit. He kissed her forehead and silently leave her office.