webnovel

A Heart to Keep

Magkaiba ang background nina Candice at Victor kaya hindi maganda ang unang impression nila sa isat isa. Pero habang tumatagal ang kanilang pagkakakila ay unti unti ring lumalalim ang kanilang friendship and eventually ay nagkahulugan na sila ng loob.

amore_05 · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
15 Chs

Chapter 13

Ilang oras nang tapos ang party ay hindi pa rin mapalagay ang loob ni Candice. Nag-aalala siya sa lagay ng kanyang lolo. Pero ang mas nagpapagulo ng isip niya ay si Victor.

Dahil hirap nang matulog ay nagpalit na lamang siya ng damit at lumabas na ng kanyang silid. Pumunta siya sa likuran ng mansion kung saan may isang maliit na kapilya na pinatayo pa ng kanyang lola.

Saglit siyang nagdasal at pagkatapos ay lumapit siya sa isang maliit na puntod na may rebultong anghel sa ibabaw. Hinaplos niya ang rebulto at ang pangalan na nakaukit sa lapida, Gabrielle Louise.

Bago siya umalis papuntang Australia ay pinagawa niya ang lapida at rebulto bilang pag-alala sa kanyang anak.

Ideya ni Victor ang pangalang Gabrielle Louise. He wanted a girl. Sa kanilang dalawa ito ang mahilig magplano sa hinaharap. Mula sa pangalan ng magiging anak nila, sa dami, sa bahay na titirhan.

He would have been a good parent. Kaya nang malaman niyang buntis siya noon eh hindi siya natakot. Kung hindi nangyari ang aksidente things would have been different.

She inhaled deeply to stopped her tears. Seeing Victor again opens up a floodgate of emotions. For years she tried to suppress all her pain. Thinking it's the best way to forget and move on. Pero kanina she realized that her efforts were all in vain. Dahil kahit ano pang gawin niya apektado pa rin siya ng presensya nito.

All these time she walks and exists in this world carrying a heavy burden in her heart. Alam niya na hindi pa siya napapatawad nito. Nakita niya yon sa mga mata nito kanina. Nandun pa rin ang panunumbat at galit. Pareho pa rin silang binabagabag ng nakaraan.

Maliwanag na nang pumasok siya ng mansion at doon ay naabutan niya ang kanyang Lolo Teodoro na nasa sala at mukhang may malalim na iniisip.

"Maayos na ba ang pakiramdam nyo?" Tanong niya dito. Kahit noon ay maaga talaga itong gumising. Part of his being workaholic.

"Nakausap mo ba siya?"Alam niya na ang tinutukoy nito ay si Victor.

"Barely. Wala naman siyang ginawa o sinabi. Its been years. Siguro naman humupa na ang galit niya sa akin." Pagsisinungaling niya. Ayaw niya itong mag-alala.

"Patawarin mo ako apo." It was the first time he apologized to her for what he did.

"Matagal na yon."

Umiling ito. "Marami akong ginawang desisyon noon na maaring magpahamak sayo ngayon."

"Anong ibig nyong sabihin?" Takang tanong niya dito.

"Pagkaalis mo papuntang Australia bumalik uli si Victor at hinahanap ka pa rin niya Kaya sinabi ko na nangibang bansa ka para magpalaglag." Pag-amin nito.

Hindi siya makapaniwala sa narinig.

"P-pinalabas nyo na ginusto kung mawala ang anak ko? Bakit nyo ginawa yon? Sinunod ko na lahat ng utos nyo. Bakit nyo pa sinagad ang pananakit sa kanya.? Bakit nyo pinalabas na napakasama kung tao?"

"He was relentless. Hindi siya tumitigil. Kaya pinatay ko ang natitira nyang pag-asa. I wanted to break his spirit."

"I know that you were cold and distant. But I didnt think that you can be this heartless."

"I'm sorry. I really am."

"Hindi na ako dapat nagbalik. Im going back to Australia."

"Apo please huwag mo akong iwan. You're all i have." Pakiusap nito.

"And yet nagawa nyo sa akin ito. I'm sorry pero hindi ko na kakayaning makasama pa kayo." Sagot niya dito.

Pero bago pa man siya nakahakbang palayo ay siniklop na nito ang dibdib at walang anu-ano ay natumba ito.

"Lolo?" Mabilis nya itong sinaklolohan.

"Tumawag kayo ng ambulansya." Sigaw niya sa katulong.

Heart attack ang diagnosis ng doctor kay Don Teodoro. Buti na lamang at nadala agad ito sa ospital kaya naagapan. Pero dahil may katandaan na ito ay kailangan na ng dobleng pag-iingat.

Bawal na itong mastressed. Kahit malaki ang kasalanan nito sa kanya ay hindi niya ito kayang tikisin. So she decided to stay. Kailangan siya nito at kailangan din siya ng Monarch.

Para mailayo ang lolo niya sa stressed ng trabaho ay pinagbakasyon muna niya ito sa farm nila sa Batangas ng dalawang Linggo. May malayo silang kamag-anak doon na puwedeng mag-asikaso dito.

Ang kailangan nyang pagtuunan ng pansin ay ang Monarch. Transition period is over. She wil have to learn the ins and outs of the company in a short period of time.

Sa ngayon ay pinag-aaralan niya ang financial report ng kumpanya in the last 10 years. Hindi niya gusto ang nababasa. Hindi niya inaasahang malaki ang problema ng kumpanya financially.

She's busy reading some documents when her assistant Paula called in. May bisita daw siya, si Attorney Caballero. Sa mansion muna siya nag-oopisina habang pinag-aaralan pa lang niya ang estado ng kumpanya. Kaagad naman niyang pinapasok ang abogado.

"Atty. Caballero gusto nyo raw ako makausap. Tungkol ba to sa kumpanya?" kumpirmang tanong niya dito.

"Ang totoo lolo mo dapat ang kakausapin ko. Pero i've decided that it's better kung sayo ko na lang sabihin. Baka di kayanin ng puso niya ang ibabalita ko."

"Then it's bad news." Hula niya.

"Don Teodoro was ousted as president ng board."

"What? Papaanong nangyari yon? We own 55 percent of the company shares."

"Over the years binenta ng lolo mo yung ilang shares nya para makakuha ng pondo para makapagexpand ang Monarch. Yun nga lang nagkaroon ng maraming problema sa negosyo and he failed to buy back the shares. Kaya 10 percent na lang talaga ang natitira sa shares nyo sa company."

"Siya ang bumuo ng Monarch. How can they be so ungrateful? At kailan nangyari tong board meeting na ito? How come no one informed us about this?" Sunod-sunod niyang tanong. She got too confident. Pinag-aaralan niya ang lagay ng kumpanya yun pala sila mismo eh nasa alanganing posisyon.

"Some of the shareholders were blind sided too. Kahapon lang ang naganap na board meeting at dun na nga nabago ang pamumuno. They elected Victor Escueta as the new president of the board. I'm not sure if you're familiar with him...

"I know him." Putol niya dito. Parang gustong sumabog ang ugat niya sa ulo nang marinig niya ang pangalan ni Victor. Ito na ba ang sinasabi nitong paniningil?

" I'm sorry kung wala akong nagawa. The man was very cunning. Hindi namin agad natunugan dahil gumamit siya ng ibang tao at kumpanya as dummy. At nung magkaproblema ang Monarch dahil sa isang aksidente sa site which caused our price to drop he offered the shareholders that he would buy the shares sa presyo nito before the accident. Maraming nagbenta kesa malugi. Ilang linggo na namin tong iniimbestigahan pero ngayon lang talaga namin nakumpira. Mabilis silang kumilos kaya huli na kami." Kuwento nito.

"Ilang porsyento na ang pag-aari niya?"

"He now owns fifty-two percent of the Monarch Industry. Next week there will be a quarterly board meeting and this time he asked for all members to be present."

"Pupunta ako. I will go in behalf of lolo." Deklara niya.

"Sigurado ka ba hija? Puwede namang ako muna ang magrepresent sa inyo sa ngayon."

"No, kailangan ko rin namang harapin at kausapin si Victor Escueta. No need to delay the inevitable. By the way Attorney kahit magtanong si Lolo huwag nyo munang sasabihin lahat ng mga nalaman nyo. Lalo na yung tungkol kay Victor."

"Ikaw ang masusunod. I will just send you the minutes of the last board meeting. You need to be ready. Sa ngayon ang pag-asa na lang natin eh ang planong merger sa mga Ricaforte. You need to convince the board na makipagmerge sa kanila."

Tumango siya bilang pagsang-ayon. Nasa alanganin sila ngayong sitwasyon and she needs all the help that she can get. "Salamat for the information attorney."

"Goodluck Hija and give my regards to your Lolo."

Pagkaalis nito ay mabilis niyang tinawag si Paula ang kanyang executive assistant. Matagal nang nagtatrabaho ang magulang nito sa Monarch. Kaya kilala na niya ito nasa kolehiyo pa lang siya. Isa ito sa pinagkakatiwalaan niya.

"Paula I need information sa bagong presidente ng Monarch. Send it to me as soon as possible."

"What kind of info?" makahulugang tanong nito.

"Lahat nang puwede mong makalkal."