Tahimik na nakamasid lamang si ginoong Fausto sa binatang nakaupo sa mahabang silya sa labas ng tahanang kaniyang tinutuluyan. Ilang araw ng narito si Ginoong Lucas at ilang araw na din itong tahimik at hindi makausap.
Bumuntong hininga si Fausto. Naawa siya sa binata at alam niyang nalulungkot ito sapagkat hanggang ngayon ay galit pa din dito si binibining Kallyra.
Naalala niya ang usapan nila ng dalaga noong tumatakas sila sa tahanan ni kabesang Manuel.
"Dadalhin ba natin si ginoong Lucas sa pagamutan?" tanong niya sa tahimik na dalaga.
"Ikaw ang bahala." tipid nitong sagot.
"Malayo ang pagamutan. Ihahatid ko na lamang si ginoong Lucas sa inyong kubo at tatawag na lamang ako ng manggagamot."
"Huwag niyo siyang dalhin sa kubo kung ayaw niyong putulin ko ang lawit niya sa baba." malamig na turan nito.
Natahimik siya at napangiwi. "K-kung ganoon ay saan ko dadalhin si ginoong Lucas?"
"Ikaw ang bahala."
Muntik ng matalisod sa batong naapakan si Fausto ng marinig ang walang kwentang sagot ng dalaga.
"Sabihin mong maglalayas ako kapag bumalik siya sa kubo. Sabihin mo yun sa kaniya pag nagising na siya. Ayaw ko siyang makita."
Muling humugot ng malalim na buntong-hininga si ginoong Fausto. Sa loob ng mga nakalipas na araw ay hindi pumapalya sa pagluluto si ginoong Lucas ng pagkaing pang- umagahan, tanghalian at hapunan para kay binibining Kallyra at siya naman ang tagapaghatid noon sa kubong tinutulayan ng dalaga.
Nakikita niyang labis ang pagmamahal ni ginoong Lucas kay binibining Kallyra subalit alam niyang ang nangyari sa pagitan ng ginoo at ni binibining Luisa ay lumikha ng lamat sa kanilang pagmamahalan. Panahon lamang ang makapagsasabi kung kailan iyon maghihilom.
Umalis na siya sa dinudungawang bintana at lumakad palabas ng kaniyang munting tahanan at lumapit sa nanlulumong binata. Hindi siya pinansin nito at nanatiling nasa malayo ang tingin. Nakatiim ang mga labi at madilim ang blangkong mata.
Matagal na siyang naninilbihan sa makapangyarihang pamilya De la Torre at bawat isa sa kanilang pamilya ay may mabubuting puso. Namumukod tangi sa lahat ng mga dayuhang kastilang mananakop. Kaya naman ay tagos sa kaniyang puso ang kaniyang katapatan sa mga ito.
"Bakit hindi mo haranahin ginoong Lucas." suhesyon niya makalipas ang ilang sandaling pagmamasid sa tahimik na binata. Napalingon ito sa kaniya sa pagkabigla. Muka ngang hindi siya nito napansin kahit na kanina pa siya naroon sa tabi nito.
"Noong isang araw ay hinarana ni Sotero ang sinisinta niyang si Anita kasama ang kaibigang si Tonyo at si Lito. Ngayon, sila ay magkasintahan na." patuloy niya ng makuha ang atensyon ng ginoo. "Nakakalambot ng matigas na puso ng isang mailap na dilag ang magandang awitin ginoong Lucas." matalinhaga niyang pahayag.
Kumunot ang noo ng binata at matagal bago nagsalita.
"Mayroon ho ba kayong gitara?"
Malawak na ngumiti si Fausto. "Wala akong gitara ngunit si Tonyo ay mayroon. Ihihiram kita ng gitara ginoo." masayang bulalas niya. "Maiwan ko na muna ikaw sandali ginoong Lucas." paalam niya.
Kaagad siyang nagtungo sa tahanan ni Sotero na kaibigan ni Tonyo, mga magsasakang indio. Alam niyang naroon ang binata at nakikipaglaro na naman ng sipa.
Nitong mga nakaraang araw ay tila ginawa ng isang paligsahan sa kanilang nayon ang larong iyon mula ng mapanood nila si binibining Kallyra. Lahat ay nangangarap na mahigitan ang mahusay na dalaga. Napailing na lamang si Fausto, kung alam lamang ng mga itong hindi karaniwang dalaga ang binibini. Ang hinala niya ay anak ito ng maligno na nagkatawang tao lamang.
"Tunay ba ang iyong sinabi ginoong Fausto?" and hindi makapaniwalang tanong ni Sotero.
"Totoo. Magbabayad ng dalawang piso ang ginoo sa kung sino ang mga sasama." nakangiting balita ni Fausto. Alam niyang gagawin iyon ni ginoong Lucas dahil mabuti ito sa mga indio. Ang isang piso ay kita na ng isang indio sa loob ng isang buwan sa pagsasaka kaya naman ay labis ang katuwaan ng mga kabinataang naroon.
"Sasama ako, mahusay akong tumugtog ng tambol!" masiglang rekomenda ni Lito sa kaniyang sarili.
"Ako naman ay mahusay sa mga instrumentong may kwerdas." si Tonyo.
"Maari ba akong sumama? Marunong akong umihip ng plauta." si Anita na ayaw magpaiwan.
"Aba'y oo naman, maganda ang tunog na likha ng isang plauta. Sumama ka rin Sotero, hindi ba ay magaling ka din sa gitara? Sumunod kayo sa akin at hinihintay tayo ni ginoong Lucas sa aking tahanan."
Masiglang nagsisunuran ang mga indio. Kaagad silang nag-ensayo sa pag-aaral sa musikang ginawa mismo ni ginoong Lucas. Isang awiting hindi pa kailanman nila naririnig subalit nakakaantig damdamin kaya naman ay buong husay silang nag-ensayo. Mas lalo pa silang ginanahan ng malamang ang kanilang idolo sa larong sipa ang haharanahin ng mabuting ginoo.
********
Sunod-sunod na katok sa pintuan ng kubo ang gumising kay Kallyra. Hirap na iminulat niya ang namamagang mata. Unti-unting luminaw ang kaniyang paningin at bahagyang nasilaw sa sinag ng araw na pumapasok mula sa bintanang nakaharap sa likod ng kanilang bahay.
Napaiwas siya ng may maramdamang dumila sa kaniyang pisngi. It was her little dog barking and wagging his small tail. Saka lamang rumihestro sa utak niya kung nasaan siya at kung bakit naroon siya sa sahig. Nawalan nga pala siya ng malay-tao kanina.
"Binibining Kallyra?" narinig niyang muling tawag ng taong nasa labas.
Muntik na siyang matumba sa biglaang pagbangon at kumirot ang kaniyang ulo. Daig pa niya ang naglasing ng walang humpay at ngayon ay tinatamaan ng matinding hangover. Nang makatayo ay marahan niyang hinilot ang sentido at binuka ang labi upang magsalita subalit nahirapan siyang palabasin ang tinig sa kaniyang bibig.
"S-san.. s-sandali." paos ang kaniyang tinig at namamalat ang kaniyang lalamunan.
"Ayos ka lamang ba binibining Kallyra?" narinig niyang nag-aalalang tinig ni ginoong Fausto.
"A-ayos lang, sandali lang." aniya sa hirap na tinig. Nagpalit siya ng damit sa kaniyang silid bago binuksan ang pintuan.
"Diyos ko akala ko ay napapano na kayo binibining Kallyra, mahigit quince minutos na akong nagtatawag at kumakatok sa pintuan. Ah! anong nangyari at namumula ang iyong ilong at namamaga ang iyong mata binibining Kallyra?" nag-aalalang tanong nito ng mapansin ang hitsura niya.
"May sakit ho ako." aniya. Kanina lamang iyong umaga nagsimula. Wala siyang ganang kumain at madalas siyang nagsusuka.
"Siyanga? hala... ay magpahinga ka, pero kainin mo na muna itong dala kong pagkain----"
"Si Lucas ho ba ang nagluto?" kahit alam na niya ang sagot ay tinanong pa din niya.
Mabilis itong umiling. "Hindi! H-hindi! Maniwala kang hindi si ginoong Lucas! A-ako ang nagluto niyan." nakaiwas ang matang sagot nito.
She raise her one brow. "Pakisabing itigil na niya ang pagpapadala ng pagkain."
Nanlaki ang mata nito na tila batang nahuling nagsinungaling. "Bakit naman binibining Kallyra? Kailangan mo ng may magluluto para sa iyo lalo na sa kalagayan mo ngayon. Siguradong labis na mag-aalala si ginoong Lucas kapag nalaman niyang may sakit ka." nanlulumong wika nito.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "Huwag mo din sasabihing may sakit ako." sa halip ay sabi niya.
"Subalit ang bilin sa akin ng ginoo ay sabihin sa kaniya kung nasa maayos kang kalagayan at----"
"---Kaunting pahinga na lamang ang kailangan ko. Mamaya lamang ay ayos na ulit ako. Wag niyo na lamang banggitin sa kaniya pakiusap." napabuntong hininga na lamang ang lalaki.
Nagpasalamat siya dito bago ito umalis at dinala niya sa kusina ang pagkaing dinala nito subalit hindi niya ginalaw iyon. Isinama niya iyon sa pagkaing inihatid din ni ginoong Fausto kagabi na hindi din niya nakain.
Nagtungo siya sa kaniyang silid at nahiga sa malambot na higaan. Ang sabi ni Lucas ay bumili ito ng maraming bulak at ipinagawa ito sa patahian para hindi siya mahirapan sa pagtulog kaya hindi na matigas ang kaniyang higaan. Pagal ang pakiramdam na ipinagpatuloy niya ang naudlot na pagtulog.
Something soft, warm and wet touch Kallyra's lips and it stay there for a few seconds. Pumihit siya patihaya upang hindi na muling madilaan ang muka. Its probably her little dog again, he likes licking her face and its becoming a habbit. She groaned ng maramdaman ang pagkalam ng kaniyang sikmura.
Tinatamad na minulat niya ang mahapding mata at matagal na tumitig sa bubong na yari sa sawali. Wala siyang ganang kumain kahit nagugutom pa siya. Ayaw din niyang bumangon sa hinihigaan. And everything arounds here looks pale, gray, and dull.
"You're awake." the familiar deep and hoarse voice filled the small room, inalis noon ang natitirang antok sa kaniyang sistema at parang may kung anong humalukay sa kaniyang sikmura at sumikip ang kaniyang paghinga.
Its been a while since she last heard his voice. And damn it! she really missed him so much and so bad it hurts.
"A-anong ginagawa mo dito?" her tone was flat, cold and lazy. She move her eyes and stares outside through the open window of her room.
"Masama pa din ba ang pakiramdam mo? I saw the untouched food in the kitchen. Ayaw mo ba noon? May iba ka bang gustong kainin?" Akmang hahaplusin nito ang kaniyang pisngi subalit mabilis siyang umiwas.
"I'm not hungry." she said coldly and closed her eyes to avoid him.
"You have to eat first before you could go back to sleep." Hindi niya ito pinansin at nanatiling nakapikit ang mata. "I won't leave until you eat this food and drink the medicine Lyra."
"Go away Lucas." she knows how ugly, how awful and how pitiful she looks right now. She don't want him to see her like this. She don't want him to witness her most vulnerable and her most fragile state.
"That's not gonna happen." his deep and throaty voice is filled with so much arrogance. "Are you still mad at me?"
Mabilis niyang tinapunan ito ng masamang tingin. But she was taken aback by the raw sadness she saw in his dark and somber eyes. It was forlorn, miserable and sorry. And it makes her heart quiver in solace.
"Come on. Kailangan mong kumain, I'll help you." kinuha nito ang mga dalang pagkain na nakapatong sa upuan at dinampot ang mangkok ng lugaw. Sumadok ito at marahang hinipan bago inilapit sa kaniyang bibig ang kutsara.
Muli niyang iniwas ang muka ng hindi nagustuhan ang amoy ng luya sa pagkaing inaalok nito. Kaagad nagreklamo ang kaniyang sikmura at parang masusuka na naman siya.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito. Hindi niya pinansin ang tanong nito at hinintay na mawala ang nasusukang pakiramdam. She sighed in relief ng umayos na ulit ang kaniyang pakiramdam.
"I'm fine." she answered dismissively. Muli nitong sinubukang subuan siya subalit muli niyang iniwas ang kaniyang muka at sinamaan ito ng tingin.
"Don't be a baby Lyra. You have to eat." his voice was a little annoyed.
She was about to snarled at him but she was stopped by the sudden assault of his lips.
He grip her jaw, forcing her to open her mouth and pass the food from his mouth pushing it with his tongue leaving her no choice but to accept it.
He did not move away until she swallowed all the food he forcefully feed her using his warm mouth. His tongue roamed inside her mouth, tasting her.
After making sure there's no food left, he withdraw his tongue and lick her lips, then he press his wet and sensual lips softly against her quivering lips and it lingered there for a little while before he reluctantly move away.
Kallyra tried to catch her breath and stared at him in shocked. "W-what the hell Lucas!"
"I have to do that, ayaw mong kumain." balewalang turan nito. Muli itong sumubo ng pagkain. Pero hindi na niya hinintay na ipasa nitong muli iyon sa kaniyang bibig kaya mabilis niyang inagaw ang hawak nitong mangkok. Inipit niya ng kaniyang daliri ang kaniyang ilong at hinigop niya ang natitirang lugaw sa mangkok ng mabilis hanggang sa maubos ang laman noon.
Sunod-sunod ang kaniyang pag-ubo at mahapdi ang kaniyang dila dahil sa pagkapaso ng inilayo niya ang mangkok sa kaniyang bibig. Her swollen eyes teared again.
"It's hot, that's not how you supposed to eat that!" bulalas ng binata. She ignored him at pabagsak na ibinaba sa bilaong nakapatong sa hita nito ang pinaglagyan ng hinigop na lugaw at malakas na dumighay.
She struggled to stand up and avoided his hands when he tried to help. Nakaramdam siya ng hilo ng makatayo na at muntikan pa siyang matumba. Masama niya itong tinapunan ng tingin ng muli nitong sinubukang tulungan siya.
"Anong gagawin mo? Do you need anything? I'll get it for you." he asked softly. Parang asong sumunod ito sa kaniya hanggang sa makalabas siya ng kubo.
"Lyra." he called and grab her arm to stop her. "Saan ka pupunta, You want to run away again?" Napaigtad siya at hindi niya nagawang ihakbang ang paa dahil sa gulat sa biglang pagtaas ng boses nito. Kunot-noong hinarap niya ito.
Matigas ang muka nito at nakatiim bagang. The warmth in his dark eyes were completely gone and it was replaced with chilling coldness and indifference. It was dark, dangerous and arrogant.
She sighed. She noticed, he always thought she would leave him. He was probably traumatized, tired and scared of people leaving him. Tila may bakal na kamay ang pumiga sa kaniyang puso at lumamlam ang mapungay niyang mata. "I'm not running away."
"Then where the hell are you going?"
"I'm going for a walk, kailangan ko lang mag-isip." she said calmly. She can't think when he is around.
"Then I'll come with you." mabilis na sambit nito. He looks frustrated and upset. "Anong kailangan mong pag-isipan? Maybe I can help."
Bumuga siya ng hangin sa bibig and she look at him in incredulous way. Tila naintindihan naman nito ang nais niyang ipahiwatig kaya natahimik ito napatitig sa kaniya.
She crossed her arms and stared at him seriously. "Fine. Hindi ang tungkol sa nangyari sa inyo ni Luisa---'"
"I did not touch her!" he growled.
"Alright. I know that." She stared at him blankly. "Ang hindi ko alam ay kung ikaw ba talaga si Lucas."