webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
70 Chs

Capítulo Doce

Samantala ay nakalayo na sa lugar na iyon si Kallyra. She initiate the first move at ngayon ay hihintayin na lamang niyang kumilos ang Gobernadorcillo upang mahulog ito sa kanyang bitag sa tulong ng kaniyang mga tauhan, ang problema sa mga kalakal naman ang kaniyang aayusin.

Sakay ng kalesa ay nagtungo siya sa lugar ng kalakalan sa Laguna. Agad siyang sinalubong ni Ginoong Fausto ang tinalagang lider ni Ginang Juliana sa kalakalan ng papel dito sa Laguna.

"Hindi namin malaman kung sino at anong mga kalakal ang uunahin namin binibining Kallyra, bukas na ang nakatakdang araw ng pagdadala ng kalakal sa pagawaan ni Donya Zamora. Nakapagpadala na kami ng liham sa kaniya na hindi natin maipapadala ang lahat ng mga kinakailangan nilang papel sa nakatakdang araw, naipadala na rin namin ang liham sa kanila ni Ginoong Lucas na ang mga inangkat sa ibang bansa na lamang ang bilhin sapagkat nasunog ang mga gawang lokal na papel subalit ayaw nilang pumayag sapagkat naiipit din sila sa sitwasyon, kailangan na ng mga bagong kopya ng bibliya sa mga kapilya ng Masbate at Romblon."

"Ipadala mo ang lahat ng papel na inangkat natin sa Europa at ibenta mo sa halagang dalawang piso ang bawat rolyo ng papel." Aniya sa natatarantang matanda.

"Hindi sila papayag sa halagang iyon binibining Kallyra kahit pa nga ba piso natin binili sa Europa ang bawat rolyo. Ang inaasahan nila ay dies lamang ang bentahan, subalit naubos na ang mga lokal na papel na tig-dies sa sunog." Ang nanlulumong dagdag pa nito.

"Gawin mo ang inutos ko Ginoong Fausto, wala silang magagagawa kung hindi ang bilihin ang mga papel at kung hindi sila pumayag sa halaga ay patungan mo ng isa pang piso ang presyo, sa bawat pagtanggi nila ay patungan mo ng patungan ng piso, sinasabi ko sa inyo Ginoong Fausto mabibili ng dalawang piso ang mga papel bawat rolyo."

"Naguguluhan ako Binibining Kallyra, mapipilitan silang mag-angkat sa iba kung ganoon, ang mabuti ay humingi na lamang tayo ng palugit ng isa pang linggo upang makagawa ng papel."

"Nakakalimutan mong si Ginang Juliana ang may hawak ng lahat ng kalakalan ng papel sa Laguna, wala silang mapagkukunang iba dahil sa monopolyo, makakakuha sila ng kailangan nilang mga papel kung mag-aangkat din sila sa Europa, piso bawat rolyo subalit ang pag-angkat sa ibang bansa ay aabutin ng isang buwang mahigit." Nakangiti niyang paliwanag sa matanda. Siniguro niyang gigipitin ng Prayle ang mga ito na makapaggawa ng mga polyeto at Bibliya sa loob lamang ng isang linggong palugit. "Nalaman kong kailangang-kailangan nila ng papel ngayong linggo Ginoong Fausto." Makahulugang sabi niya sa matanda.

Para naman itong nakahinga ng maluwag. "Kung ganoon ay hindi na nga sila makakapaghintay pa ng isang linggo upang makagawa tayo ng mga bagong papel o kaya naman ay makapag-angkat sa Europa." Ang nasisisyahang wika ng matanda.

Ganoon na nga, kaya't dalhin mo ang mga papel na inangkat natin sa Europa at ibenta mo sa halagang dalawang piso bawat rolyo. Gawin mo ang sinabi kong dagdagan ng piso ang halaga sa bawat reklamo nila sa halagang una nating sinabi."

Masaya itong sumang-ayon at inutusan ang kanilang mga tauhang ihanda ang mga papel maging ang mga kalesang maghahatid sa mga ito sa pagawaan ng mga Zamora.

Hindi mapakali si Lucas, sa kabila ng problemang kinahaharap ng kanilang pamilya ay nangingibabaw ang matinding pag-aalala para sa babaeng dalawang araw na niyang hindi nakikita.

Ilang beses na niyang tinanong ang kaniyang ina kung may alam ito kung nasaan si Lyra subalit ang tanging sagot lamang nito ay may mahalagang inaayos ang dalaga at wag siyang mag-alala.

Subalit iba ang kaniyang nararamdaman, natatakot siyang baka hindi na muling bumalik ang dalaga, wala siyang maisip na maaring maging dahilan ng kagustuhan nitong bumalik sa kanila, dahil kaya naman nitong mabuhay ng wala sila at galit na galit ito sa kaniya sa nangyari ng huli silang mag-usap, ilang beses na niyang inaway ang sarili dahil doon at pinagsisihan ang mga sinabi.

Hinanap na niya ito sa bayan, sa plaza at nagpadala na siya ng tao sa batanggas. Hindi kaya ay sumama na ito kay Diego? Napatiim bagang siya at mahigpit na kinuyom ang kamao, hahanapin niya saan man sulok ng pilipinas pumunta ang mga ito.

Napasabunot siya ng kaniyang buhok at kinutusan ang kaniyang sarili. Bakit ba siya nagkakaganito, bahala na ang babaeng yun kung hindi na siya bumalik, mabuti yun at wala ng nakakainis at masungit na babae.

Tama yun, wag na lang siyang bumalik! Ginugulo lamang nito ang kaniyang isip. Hindi na niya ito hihintayin. Pumasok siya sa loob ng bahay, hindi niya pinansin ang kaniyang ama at ina na tila may pinaguusapang mahalaga, inis na nagtungo siya sa kaniyang silid matapos sipain ang pintuan ng silid ng dalaga.

"İEsas son buenas noticias! Si entonces deberíamos recogeria Serio."Magandang balita iyan, kung ganoon ay ipasundo na natin siya Serio. Ang masayang tinig ng ginang. "O iho bakit humahangos ka, ang akala ko ay patugo ka sa iyong silid, bakit ka biglang bumalik may pupuntahan ka ba?"

Hindi niya pinansin ang tanong ng ina. "Sino ang ipapasundo ninyo papa?"

"Ah.. si binibining Kallyra, ang sabi ng ina mo ay nagtungo pala ito ng Laguna at ngayon ay nakabalik na. Naroon siya sa pamilihang ba---hijo, ¿a dόnde vas?" ---anak saan ka pupunta Hindi niya pinansin ang pagtawag ng ama sa kaniya at agad siyang nagpahinto ng kalesang dumaraan ng makalabas ng bahay.

Kagat ang labing hindi siya mapakali, bakit ba napakabagal ng kutserong ito. Ilang beses na niya itong pinakiusapang bilisan ng pagpapatakbo.

Nanahimik lamang siya sa pangungulit sa kutsero ng nahalata niyang natataranta at parang natatakot ito sa kaniya, kaya pinagkasiya na lamang niya ang sarili sa pagkuyakoy ng kanyang paa. Hindi na siya makapaghintay na makaharap ang babaeng iyon, pagagalitan niya ito dahil hindi man lamang nagpaalam na hindi makakauwi, masyado nitong pinag-alala ang kaniyang ina at ama.

Hindi niya talaga gusto ang ugali ng masungit na dalagang yun, sa tingin niya ay ito ang pinaka-nakakainis sa lahat, masungit, mayabang, malaki ang tiwala sa sarili, walang pakialam sa nararamdaman niya at umaalis ng walang paalam. Kahit galit ito ay dapat nagpaalam pa rin sa kaniya!

Kahit wala naman siyang pakialam kung saan ito pumunta o kahit hindi na ito bumalik pa!

"N-narito na tayo gi----"

"---ito ang inyong upa, hintayin ninyo ako tatang, magpapahatid din ako pabalik." Nagmamadali niyang inabot dito ang bayad at kaagad na pumasok sa pamilihang bayan at tumuloy sa kanilang bahay kalakalan.

Biglang bumagal ang kaniyang lakad ng makita ang babaeng papalabas ng bahay kalakalan at papasalubong sa kaniya. Tuluyan na siyang huminto at hinintay itong makalapit, nanlalambot ang kaniyang tuhod at nabibingi siya sa lakas ng tibok nga kaniyang puso at nag-iinit ang kaniyang mga mata, kinagat niya ang labi ng maramdaman niya ang panginginig niyon, bakit parang ang bagal maglakad nito, bakit ang bagal makalapit sa kaniya.

Nagulat si Kallyra ng makita si Lucas na humahangos sa pagtakbo papasok sa bahay kalakalan. Kagagaling lamang niyang Laguna at dito siya tumuloy upang asikasuhin ang mga talaan ng lahat ng kita ng negosyo ni Ginang Juliana kailangan niyang pag-aralang lahat iyon para maplantsa na niya ang lahat.

Biglang huminto ang binata, tumataas-baba ang balikat nito, she was almost taken aback at the emotion she saw in his eyes. Was it happiness, agony, longing or what?

Matiim ang mga titig nito sa kaniya, gusto na niyang umiwas dahil naiilang siya. She can feel her heart beating so fast, she bit her lips and continued walking tumigil lamang siya ilang hakbang ang layo sa harap nito. " Magandang hapon ginoo." Bati niya dito, she felt the slight coldness in her voice, ngayon na lang ulit niya ito nakausap after she left the small clinic that day.

"Saan ka galing!" nagulat na napatitig siya dito sa mataas na boses nito.

"Sa Laguna. May inayos ako sa kalakalan ng papel doon." Agad niyang sagot ng may pagtataka sa inaasal ng binata. "May problema ba?"

Sandali itong natahimik. "W-wala, kailan ka umalis?"

"Noong isang araw."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin!" napaigtad siya sa pagtaas muli ng tinig nito.

"Galit ka ba?" kumunot ang kaniyang noo.

Bumukas ang bibig nito subalit muling itinikom. "Hindi ako galit naiinis lamang ako. Dapat sinabi mo na pupunta ka ng Laguna, nag-alala si mama sayo!" naroon pa rin ang tigas sa tinig nito.

Lalong kumunot ang kaniyang noo. "Alam ni senyora kung nasaan ako. Siya ang nag-utos na pangunahan ko ang kalakalan ng papel." Nagtatakang turan niya.

"Si papa pala ang nag-aalala, at si manang Pasing, at si tatang Pitong hindi mo sinabi sa kanila!"

Matagal siyang napatitig dito hanggang sa napaiwas ito ng tingin. Humalukipkip siya at tinaasan ito ng isang kilay. "Hindi ko alam na kailangan ko palang magpaalam sa tatay mo at sa mga tagasilbi nyo kapag may lalakarin ako." Natatawang turan niya.

Sandali itong natahimik, he look tense and agitated. "T-tungkol sa nangyari noong isang araw... l-losiento. Hindi ko gustong magalit sa iyo dahil wala kang ginawang masama, labis-labis lang talaga ang pag-aalala ko kay Mariya, Mayroon siyang sakit sa puso."

She nodded her head.

"Naiintindihan ko, tama ka naman dapat talagang hindi ako nakialam." Tingin niya ay lalong na-tensyon ng kaharap. "Wala lang iyon sa akin ginoo, kung wala ka nang sasabihin, mauuna na ako."

"Sandali lamang L-lyra..." pigil nito, hinintay niya ang sasabihin nito, she can read the uneasiness in his eyes. Then it suddenly turned sad.

"May sasabihin ka Ginoo?"

"Hindi ko na muling narinig na tinawag mo ako sa aking pangalan, hindi ko gustong tinatawag mo akong Ginoo. Quiero que me llames por mi nombre." Gusto kong tawagain mo ako sa pangalan ko. Malamig at matigas na wika nito.

Sumimangot siya, gusto niyang kontrahin ang sinabi nito pero sa hitsura nito mukhang hindi ito tatanggap ng hindi, napabuga siya ng hangin, mukang inatake na naman ng kawirduhan ang lalaki. "Kung iyan ang gusto mo, Lucas." Nagliwanag ang mukha nito at ayon na naman ang ngiti nitong pigil na pigil kinagat pa nito ang labi subalit hindi pa rin nito napigil.

"Puedes venir conmigo si quieres ir a casa ya." Kung uuwi ka na ay sumabay ka na sa akin. Ang tinig nito ay hindi humihingi ng pagsang-ayon mula sa kaniya, ito'y nag-uutos. She rolled her eyes, but followed him anyway.

She tried hard not to let her skin touch him ng makasakay sila sa naghihintay na kalesa. But she can feel na ganoon din ang ginagawa ng katabi, ni minsan ay hindi siya nito tiningnan at nanatiling nasa paligid ang paningin sa durasyon ng kanilang biyahe.

Kung hindi niya nakikita ang pamumula ng tenga nito ay iisipin niyang hindi siya nito talaga gustong katabi.

Natawa siya sa inaakto nito pero hindi ipinahalata dito. "Baka sumakit ang leeg mo kanina ka pa nakapaling sa kaliwa, alam kong nakakasilaw ang ganda ko at nakakapanlaway pero nakakainsulto ang ginagawa mo." Kunwa'y asar niyang sita dito.

Awang ang bibig na nilingon siya nito. Kinindatan pa niya ito, napatikom ang bibig nito at muling bumaling sa harapan ng walang masabi. "Sa may daan papuntang burol ako bababa." Aniya sa kutsero at muli siyang nilingon ng katabi.

"Bakit doon ka bababa?" Nagtatakang tanong nito.

"I missed the place."

"Kung ganon ay doon na din ako bababa." Anito. Kumunot ang kaniyang noo. "Nais kung bisitahin ang burol ilang araw na din akong hindi nakapasyal doon." Paliwanag nito ng makita ang pagtatanong sa kaniyang mga mata.

"Kung ganon ay sa bahay na lang ako bababa, maari mong solohin ang burol, bukas na lamang ako papasyal doon." Ito naman ang nangunot ang noo.

"Hindi ko gustong mag-isa." Inis na wika nito.

"Isama mo si Mariya."

"May bali sa braso si Mariya."

"Sabihin mong kailangan niya ng gamitin ang kaniyang paa sa paglalakad kahit ngayon lang kung hindi niya magagamit ang kaniyang kamay sa paglakad ngayon para may kasama ka." Pilosopong tugon niya.

"Naiinis ako." Ang tanging nasabi nito, kinagat niya ang ibabang labi upang pigilang matawa. Ang cute ng hinayupak. "Sasama ako sayo sa burol." Matigas nitong sabi, at iyon na naman ang hitsura nitong hindi tatanggap ng sagot na hindi. Hindi na niya ito kinontra, sabay silang bumaba, hindi na nya ito hinintay na alalayan siya, hindi rin niya pinansin ang pagsimangot nito dahil doon.