webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
70 Chs

Capítulo Cuatro

Meron ng ngiti sa kaniyang labi na sumakay sa kalesang inupahan upang agad na makabalik. Sa loob ng umuuga-ugang sasakyan ay hindi mawaglit sa isip ang kagandahan ng dalaga, mali siya ng inakala, may hawig man ito sa kaniyang dating kasintahan ay higit itong maganda.

Kahapon ng makita niya itong tumatakbo at hinahabol ng guwardiya sibil ay para itong isang diwata, nakalugay ang mahaba at alon-along buhok na kulay kayumanggi na nagkukulay ginto sa sinag ng araw, maputing maputi ang balat na parang sa mga babaeng pranses subalit mas pino at makinis tingnan.

Sa tuwing malapit ito sa kaniya ay parang humihinto ang tibok ng kaniyang puso at parang hinihigop nito ang kaniyang hininga sapagkat kinakapos siya, nawawala ang kulay ng paligid at bumabagal ang kilos ng lahat, tanging ito lamang ang matingkad at makulay sa kaniyang nakikita. Sa tingin niya ay may mahika ang dalaga sapagkat hindi pa kailanman niya naramdaman ang mga nakakaliyong pakiramdam na ito.

Subalit tila hindi niya magawang lumayo dito, nais niyang samahan ito sa mga nais nitong puntahan, nais niyang maging ligtas ito sa mga gwardiya sibil, naiintindihan niya ang pagiging rebelde nito subalit hindi niya gusto ang paraan nito ng pagsuway sa batas, isang delikadong daan ang tinatahak nito at sigurado siyang kapahamakan at kamatayan lamang ang maari nitong patunguhan.

Humugot siya ng malalim na hininga, nakapagpasya na siya, kahit pa napakasungit at nakakainis ang dalaga ay sasamahan niya ito at tutulungan. Naramdaman niyang huminto ang kabayo maging ang kanilang sasakyan. Malawak ang ngiting bumaba siya at agad nag-abot ng bayad sa kutsero. Nagmamadaling pumasok sa gubat patungo sa malaking puno ng akasya.

Ngunit wala roon ang masungit na babae, agad ang pagkalat ng lungkot sa kaniyang dibdib. Luminga-linga siya at umasang naroon lamang ito sa paligid, subalit ni anino nito ay hindi niya nakita pawang ang pagsayaw ng mga dahon ang kaniyang nakikita,

Ang matitinis na huni ng mga ibon ang kaniyang naririnig.

Ang mabining simoy ng hangin ang kaniyang naramdaman at kahungkagan. May galit na pumuno sa kaniyang dibdib. Bakit hindi man lang ito nagpaalam.

Kallyra sunddenly awaken by the sounds of footsteps, nagmamadali iyon at huminto sa tapat ng kinahihigaan niyang puno, si Lucas. She felt tired at naisipan niyang maidlip ng kaunti habang hinihintay ang madaldal na lalaki, but she cannot afford to sleep at the ground, maliwanag ang paligid at malapit na malapit siya sa bungad ng gubat, hindi niya isusugal ang sariling mahuli ng mga sundalo, hindi man siya sigurado kung may mga sundalo nga sa paligid ay mas gusto niyang makasiguro.

Pinagmasdan niya ito habang tarantang paikot-ikot sa paligid ng akasya, matapos ang ilang sandali ay bigla itong huminto pahina ng pahina ang kaninang mabilis na paggalaw ng balikat. Pinagmasdan niya ang pagkuyom nito ng palad at ang paninigas ng katawan, he looks angry.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya. Parang mapipigtas ang ulo nito sa marahas na paglingon sa likod, tumingin din siya sa nilingon nito, ng walang makita ay nagpalinga-linga ulit ito. "Nandito ako sa taas." Aniya.

Tumingala ito, now he looks shocked. "Anong gingawa mo diyan Señorita!" malakas at na-eeskandalong tanong nito.

"Shhh.. wag kang maingay!" asik niya at tumalong parang pusa upang makababa.

"İTen cuidado señorita por favor!" Mag-ingat ka senyorita pakiusap! Ang nahintatakutang bulalas nito. She landed with grace, walang tunog at hindi man lang natumba, isang dipa lamang ang layo sa kinatatayuan ng binata.

"Nabili mo ba ang pinabibili ko?" tanong niya sa natitigilang lalaki, parang hindi ito humihinga. Kumunot ang kaniyang noo, nakapaglinis na naman siya ng katawan sa may batis, pumitik siya sa harap ng mukha nito, nagulat ito at inilabas ang hanging pinipigilan.

Humalukipkip siya at tinaasan ito ng kilay, ganoon ba kalansa ang damit niya para pigilan nito ang paghinga.

Marahan at malalalim ang paghinga nito, inis na hinablot niya ang hawak nitong supot na tela, matapos tingnan ng matalim ay iniwan na ito doon. "Sandali saan ka pupunta, sasama ako!" natarantang turan nito.

"Bahala ka." Tipid niyang tugon. Huminto siya ng makarating sa may batis, ibinaba niya ang telang supot at sinimulang hubarin ang damit.

"İU-un momento señorita!" S-sandali senyorita! "Anong ginagawa mo!" gulantang na tanong ng kasama, Natigil siya sa paghubad ng barong suot, nabitin sa ere ang dalawang kamay na nakahawak sa laylayan, naitaas na niya ito hanggang sa may kilikili, nakahandtad ang makinis at flat niyang tiyan maging ang kaniyang malalim na pusod.

"Naghuhubad, magpapalit ako ng damit." Sagot niya. Tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi sa nakikitang pamumula nito.

"B-babalik na lang ako sa may punong akasya, hihintayin kita doon." Umiwas ito ng tingin at nagmamadaling tumalikod at mabilis ang mga hakbang palayo sa kaniya. Naiiling na nagpatuloy siya sa pagpapalit ng damit.

Pinagmasdan niya ang sarili matapos isuot ang panlalaking damit, medyo may kalakihan ito sa kaniya pero ayos lang, ipinuyod niya ang buhok, inipon niya sa tuktok ng kaniyang ulo pagkatapos ay pinatungan ng sombrero. Bumalik siya sa may puno ng akasya.

Napangiti si Lucas, ngayon lamang siya nakakita ng babaeng nakabihis panlalaki, kahit ganoon ang ayos ay babaeng-babae pa rin ito sa paningin niya. Naupo ito di kalayuan sa kaniya, inalok niya ito ng pagkain na agad naman nitong tinanggap.

Nagsimula na rin siyang kumain kasabay nito, hindi niya maiwasang sulyapan ito sa tuwing may pagkakataon na hindi ito nakatingin, kapag naman siya'y nahuhuli ay agad niyang ibinabaling sa kakahuyan ang kaniyang mata.

"Anong nginingiti-ngiti mo para kang timang!" singhal nito. Kinagat niya ang labi at hindi na muling tumingin sa gawi nito, ang sungit talaga! Himutok niya. Tahimik lamang ito, gusto niyang magbukas ng usapan subalit nag-aalala siyang magalit na naman ito.

Ano kayang iniisip nito, hindi niya mapigilang hindi ito muling tingnan, at muntik na siyang mabilaukan ng makitang nakatitig na ito sa kaniya, agad niyang naramdaman ang pagiinit ng kaniyang mukha at tenga.

"Ahh... bakit?" alangan niyang tanong, napakamot siya sa batok, kumakabog ng mabilis ang dibdib niya sa tiim ng pagtitig nito.

"Huwag kang magkakagusto sakin Lucas. Dahil hindi ko masusuklian, at hindi ako mananatili dito para sayo." Seryoso at malamig nitong wika.

Tumikhim siya at ibinaba ang kinakaing suman. Nainis siya, masyado namang mataas ang tingin nito sa sarili, hindi ang katulad nitong babae ang magugustuhan niya, gusto niya ay katulad ni Katrina ang kaniyang dating kasintahan, mahinhin, mabait at masiyahin, palaging may nakahandang ngiti para sa kaniya, kung hindi ito pumanaw ay ito ang pakakasalan niya.

"May mahal na ako Senyorita, sa kaniya lang tumitibok ang puso ko." Matigas niyang sabi. "Hindi ko na magagawa pang bigyan ka ng puwang sa puso ko." Kahit ito pa ang pinakamagandang babaeng nakilala niya ay hindi niya ito magugustuhan dahil magaspang ang ugali at parang lalaki kung kumilos, hindi rin ito marunong mahiya. "Kung iniisip mong nahuhulog ang loob ko sa iyo dahil hindi kita iniiwan, nagkakamali ka, ginagawa ko ito dahil nais lang kitang tulungan."

"Sapat na ang naitulong mo, maraming salamat sa damit at pagkain, kaya ko ang saril ko, pwede mo na akong iwan."

Tiim bagang at marahas siyang tumayo nakakainis talaga ang ugali ng babaeng ito. Kailan man ay hindi pa siya nagalit ng ganito sa isang babae. "Mabuti kung ganoon, maiwan na kita binibini." Malamig niyang tugon at naglakad na siya upang iwan ito.

Tumango lamang ito at patuloy sa pagkain. Nagngingitngit ang loob na nagpatuloy siya sa paglalakad palayo dito. Kung mahuli man ito ng mga gwardiya sibil ay wala na siyang pakialam bahala na ito sa buhay nito.

Malayo na ang nalakad niya ng huminto ang kaniyang mga paa, nilingon niya ang pinag alisan, ang mga dahon na lamang sa tuktok ng punong akasya ang natatanaw niya. May munting kirot sa kaniyang dibdib, sa isip ay nagtatanong kung makikita pa ba niya ang masungit na dalaga.

Malakas na umihip ang hangin at nagugulo niyon ang kaniyang buhok, may mga laglag na dahon na tumatama sa kaniya.

Madilim na ang paligid, gabi na naman, parang may nagbago sa kanya sa loob lamang ng isang gabi at isang araw. Sigurado siyang ang maikling panahong nakasama niya ang estrangherang babaeng iyon ay hindi niya makakalimutan. "Ni hindi ko man lamang nalaman ang iyong pangalan." Mahinang sambit niya.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga at muling humakbang palayo doon, babalik na lamang siya ng Maynila.

Four weeks have pass since Kallyra encountered the soldiers and involved herself into their fight between the rebels. Looking around, she can see soldiers everywhere, it looks like it was the time when the Spaniards invaded the Philippnes, she don't have any idea about the Philippne history dahil hindi naman siya dito lumaki.

Tahimik na nag-abang si Kallyra sa maharlikang negosyanteng ayon sa lider ng mga rebeldeng nakilala niya ay isa sa mga pinakakilalang negosyante sa Pilipinas, asawa daw ito ng alkalde mayor at magtutungo ngayon dito upang mangalakal ng tela.

She asked around to gather more information about her, she heard na humaharap sa isang mabigat na problema ang mga negosyo nito. Pinag-aralan din niya ang takbo ng ekonomiya ng lugar, ang ibat-ibang uri ng kalakal, uri ng mga mangangalakal maging ang pananalapi. For less than four weeks she was able to understand everything.

She already have plan in mind on how to get out of this place, all she have to do now is to properly execute it, and this will be her first step, she was hundred percent sure this will work, she was not called genius for nothing.

She patiently waited while studying the place. Sa gilid niya ay may mga nakahilerang tapayan na sa tingin niya ay may lamang mga alak, humahalimuyak ang matapang na amoy nito sa hangin. Kailan nga pala siya huling uminom ng alak, hindi na niya matandaan.

Agad siyang napatayo sa kinauupuang kahoy na silya ng may papadating na karwahe, may hila-hila itong malaking kahong yari sa malalapad na kahoy at may dalawang malaking gulong. May dalawang nakakabayong kalalakihan na nakabihis ng baro at pangibabang hindi umabot sa bukong-bukong, may mga suot itong sumbrerong yari sa buli.

Sa loob ng kalesa ay nakaupo ang babae na sa tantiya niya ay nasa edad trienta hanggang kuwarenta. Nakabihis ito ng isang magarang barong kulay puti at saya na kulay berde. Nasa unahan nito ang kutserong mayroon ding sumbrerong buli. Base sa hitsura ng mga ito ay sila na nga ang hinihintay niyang mangangalakal na si Donya Juliana.

Sinundan niya ang mga ito at nakarating sila sa bahay kalakalan. Tila ito isang napakalaking kamalig. Ayon sa kaniyang mga napagtanungan ay ito ang pamilihan ng mga tela, at ayon sa mga nalaman niya, monopolyo ang nagpapairal ng kalakalan dito sa Pilipinas sa panahong ito. Ibig sabihin ay isa lamang ang maaring ikalakal sa bawat probinsiya at rehiyon. Nagmamadaling sinalubong niya ang pababang ginang.

Nakasuot na siyang muli ng pambabaeng damit, isang napakabuting matanda ang nagpatuloy sa kaniya sa munti nitong tirahan, mag-isa na lamang ito sa buhay, ayon sa kwento nito ay kamamatay lamang ng anak na dalaga, nagpakamatay daw ito matapos tumira sa kumbento.

Ang damit na suot niya ay pag-aari ng anak nito regalo daw ito ng dating kasintahan ng kaniyang anak para sana sa kanilang kasal subalit kinuha ito ng kura paroko upang magmadre.

Maganda at hindi tulad ng telang isinuot niya sa bundok ang tela na suot niya ngayon, tingin niya ay mamahalin ito sa ganitong panahon, makintab at maputi ang suot niyang baro maging ang saya, meron itong mga bulaklak na burda sa laylayan, iba't ibang kulay na sinulid ang ginamit doon, may pula, dilaw, berde at asul.

"İBuenas dias señora!" Magandang umaga senyora! She greeted. She didn't hear the woman greet her in return.

Malalaki ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. "K-Katrina!" itinago niya ang pagtataka sa isip kung bakit ganito ang reaksyon ng ginang. Pinagmasdan niya ito, magarbo ang kasootan, may mga suot na alahas at medyo may katabaan ng kaunti, bilog ang mukha nito at halos dalawa na ang baba at mapulang-mapula ang magkabilang pisngi.

Maputi at halatang may banyagang-lahi, tingin niya ay kastila din itong dito na lumaki sa pilipinas. She looks kind, bakas ang mga laugh lines sa mukha halatang palagi itong nakangiti at tumatawa.

"Me illama Kallyra Romanov señora, encantado de conocerla." Ang pangalan ko ay Kallyra Romanov senyora, ikinagagalak ko kayong makilala. Magalang niyang bati sa magandang Ginang. Tila nakabawi ito sa pagkagulat at ngumiti na sa kaniya subalit nakikita pa rin niya ang pagkamangha sa mga mata nito.

"Lo siento señorita." Paumanhin senyorita "Kahawig mo ang binibining kilala ko. May kailangan ka ba sa akin?" Magiliw nang tanong nito.

She sneered inside her head, nagsisimula ng mabasag ang gabundok niyang tiwala sa sariling extraordinary ang ganda niya, napakarami naman niyang kamuka sa lugar na ito.

"Sí señora." Yes señora. "Nais ko kayong tulungan kung inyong mamarapatin." Walang paligoy-ligoy niyang sabidito. Kumunot ang noo ng kausap. "Nalaman kong mamimili kayo ng tela sa mangangalakal na tsino na nagmula pa sa tsina, isa rin akong mangangalakal na nagmula sa Pranses, subalit ang pinakatrabaho ko ay tumulong sa pagpapalago ng negosyo ng mga mayayamang negosyante, kung kukunin niyo ako para mag trabaho sa inyo ay sinisiguro kong dodoble ang kita niyo sa loob lamang ng isang buwan."