Haven POV
Madaling araw na ng magising ako. Nagising ako dahil sa lakas ng hilik ni Mona. Nag ayos ang ng sarili ko at naligo. Matapos noon ay bumaba naman ako. Katulad ng inaasahan ay ako palang ang gising. Kaagad akong kumuha ng dalawang kutsara at inilagay iyon sa dalawang mata ko.
Agang aga ay si Uno na naman ang naiisip ko. Sa tingin ko ay nawala kaagad sa isip ko ang lahat ng nireview ko para sa board exam. Masakit isipin na hindi kami nakapag diwang ng kaarawan niya. Hindi gumana ang plano ko. Mukhang malabo na rin ang makabati ito.
Hindi ko alam kung sino ang dapat sisihin sa aming dalawa pero alam kong may mali rin ako. Dapat noong una palang ay hindi ko na idinawit si Jino dito.
Matapos ang kinse minutos ay nag handa na ako ng almusal. Nakakatawa dahil hindi ako nag hapunan pero hindi ako nagugutom.
Habang nag aayos ng pagkain sa mesa ay may umakap sa likod ko. Nalaman kong si Mona iyon dahil sa pabango nitong sobrang tamis.
"Hi sis. Ang ganda ganda mo, mas maganda pa sa umaga." Saad nito
Napangiti ako dahil dito. Kagabi pa ako nito kinukulit kaya nag papasalamat ako dito. Hindi talaga ako sanay ng may kaibigan na ganito dahil lumaki ako ng walang kaibigan.
"Baliw. Umupo ka na dyan. Bababa na rin silang lahat." Saad ko at bahagyang tumawa
Gaya ng sinabi ko ay umupo na nga siya. Nang makuha ang mga kape na tinimpla ko ay naupo na rin ako. Sakto naman at bumaba na rin silang lahat. Hindi ko matapunan ng tingin si Uno kaya naman kay Jino ako tumingin. Nakangiti ito agad sa akin kaya naman ginantihan ko rin ito ng bahagyang ngiti.
Nag umpisa na ang umagahan at nag umpisa na rin ang pagiging maingay ni Siete at Mona. Pinagkwekwentuhan nila ang simpleng salo salo kagabi. Hindi naman ako makarelate dahil natulog lang ako buong gabi.
Nanood sila ng movie sa rooftop at nag kainan. Medyo natuwa rin ako dahil nga nag enjoy ang tatlo kong sinama. Mas okay na sa akin iyon.
"Can I borrow a car? I want to take Haven to Rakuh a Payaman." Jino politely asked
Kaagad akong napalingon dito dahil hindi niya ako sinabihan sa plano na iyon. Ngumiti lang siya sa akin.
"You can asked Mr. Francis to take you there. He's a guard too, we don't want anything bad to happen to Haven… and to you of course." Saad ni Sir Tres
"He's right. Haven is not new to us. She's part of the family kaya naman ganoon nalang ang pag protekta namin. I hope you understand." Saad rin ni Dos
Tumango tango si Jino at ngumiti sa kanila.
"Don't worry. I can protect her. Uno knows me better." Saad ni Jino
Nilingon nila Sir Tres at Dos si Uno pero hindi ko sinundan ang tingin nila. Bagkus ay tinapos ko nalang ang umagahan ko.
"Sama kami! Pwede ba?" Pag papaalam ni Siete
Tumango tango ako dito at ngumiti. Iniisip kong kaya niya gustong sumama ay dahil kasama na naman niya si Mandy. Nakakatuwa talaga kumilos si Siete. Hindi katulad ng kuya niyang sobrang sungit.
Napailing ako dahil sa pag hahambing na naisip ko.
"Ay buti nakita ko sa closet 'yung white off shoulder dress na binigay ko sa'yo! Suot mo 'yun ha? Ang ganda sa picture n'on! Para kayong mag we-wedding prenup picture ni Jino!" Excited na sabi ni Mona
Nilingon ko naman ito at sinamaan ng tingin. Paano ay nasa tapat parin kami ng hapagkainan at ang ingay ingay niya. Daig niya pa ang megaphone sa lakas ng boses.
"Oo na. Ang ingay mo masyado." Bulong ko
"Sama ako ha? Ako taga-picture niyo ni Jino!" Excited na sabi parin niya
"Ako nalang po." Prisinta naman ni Mandy
Tumango tango ako bilang pag sang-ayon dito. Iniwas ko ang tingin ko kay Mona at itinuon ang tingin kay Mandy.
"Kukuhanan rin kita ng picture kasama si Siete." Saad ko at ngumiti
Bago pa ulit ako asarin ay tumayo na ako sa hapagkainan. Binitbit ko iyong plato at inilagay iyon sa kitchen sink. Isa isa na rin naman silang nag lapagan ng pinagkainan nila kaya naman nag umpisa na rin akong hugasan ang mga iyon.
Hindi ko alam kung sinadya ni Uno na mag pahuli. Patapos na akong mag hugas ng ilapag niya iyong pinggan niya sa kitchen sink. Hindi ko na ito kinibo dahil hindi parin nawawala ang inis ko. Sa tingin ko ay kailangan ko ngang lumabas muna ng hindi siya nakikita. Kailangan kong mag isip kung anong dapat gawin.
Kung kailan handa na akong sumugal ay siya naman itong umuurong. Napakagulo.
Nag tataka ako kung bakit nanatili sa likod ko si Uno habang hinuhugasan ko ang pinggan niya. Natatakot naman akong lumingon dahil ayaw ko siyang makausap muna. Mamaya ay makapag desisyon ako ng galit.
Umikot ako sa kabilang labasan ng kusina para makaiwas dito. Sakto namang pag labas ko ng kusina ay nakasalubong ko si Cinco. Nakangiti ito at mukhang may sasabihin.
"Pahiram ulit ako ng friend mo ha? Sobrang dami naming kailangang pag usapan." Saad ni Cinco
Ganoon kaagad sila ka-close?! Hanep!
"Sige lang. Pero kapag may nabalitaan ako kay Mona, ako na mismo sasakal sa'yo, Cinco." Pag babanta ko dito
Tumawa ito at sumaludo pa.
"Baka siya pa ang sasakal sa'kin, Haven. She's the magazine girl. How come you did not noticed that?" Iiling iling na sabi ni Cinco at nilapsan ako
Kahapon pa nito sinasabi ang salitang "magazine." Ni-hindi ko pa nga nakikita sa magazine si Mona! Ang alam ko ay may gustong kumuha dito na maging modelo noong break namin sa OJT pero inayawan niya iyon. Hindi ko talaga maintindihan ang ikot ng ulo ni Cinco.
Dumiretso ako sa kwarto at naabutan si Mona na busy sa ipad niya. Nang makita ako ay agad niya iyong hinagis at ngumiti sakin.
"Whoy, hinihiram ka ni Cinco sa akin. Pumayag na ako. Dahil sa'yo ay nabawasan ng isa ang problema ko. Si Jino at Uno nalang." Saad ko at bumuntong hininga
Tumawa si Mona at iiling iling akong tinignan, "Ang sabi ko tatlo. Kahit tanggalin mo si Cinco sa problema mo, tatlo parin ang poproblemahin mo. Kasi at the first place, hindi siya kasama sa tatlong sinasabi ko." Paliwanag ni Mona
Kumunot ang noo ko dahil doon. Tama pala talaga ako. Hindi nga kasama si Cinco sa tinutukoy niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi sa nalaman. Hindi ko mahanap kung sino pa sa mag kakapatid ang may gusto sa akin.
Napahawak ako sa sintido ko at hinilot iyon. Sumasakit na talaga ang ulo ko kakaisip.
"Okay lang 'yan. Wala eh, ang ganda mo kasi eh." Saad ni Mona
Napahiga ako sa kama ko dahil sa pagod. Kailangan kong mag ipon ng lakas para mamaya. Isama na rin ang lakas ng loob dahil hindi ko naman maisasama si Mona.
"Haven," tawag ni Mona sa akin.
Bagamat busy sa pag scroll sa aking cellphone ay nilingon ko ito. Napakaseryoso ng mukha nito kaya naman kumunot agad ang noo ko.
"Ano? Napakaseryoso mo naman. Nakakatakot ka." Saad ko at bahagya pang tumawa
"Palagi mong tatandaan na mag kaibigan tayo ha?" Biglang saad nito
Naweweirdohan ako sa sinasabi niya. Para naman kasing kakalimutan ko siya.
"Sira ka talaga. Bakit kita makakalimutan? Well maliban nalang kung mag kaka-amnesia man ako, given na makakalimutan kita." Saad ko
Bumuntong hininga ito at humiga rin sa kama niya. Tumingin ito sa kisame kaya ganoon rin ang ginawa ko.
"Natatakot lang ako na baka mawala ka. Alam mo namang hindi ako normal eh." Saad ni Mona
Iyong pagiging maingay ba ang tinutukoy niya?
"Ano ba? Para ka namang mamamatay nyan. Sinabi ko nga sa'yo 'di ba? Ikaw ang pinakaunang naging kaibigan ko sa loob ng twenty five years. Maski kalaro sa eskinita ay wala ako dahil ayaw ni Aling Minda. Sakitin ako dati eh." Pag kwento ko dito
Napapabalik tanaw tuloy ako dahil sa mga pinag sasasabi ni Mona.
"Ako rin. Ayaw rin ng Mommy na makipaglaro ako noong bata ako." Saad niya, "Pero hindi iyon ang punto ko. Bestfriends tayo 'di ba? Bestfriends only want the good for their bestfriends. Sana sa dulo ay maintindihan mo ako."
Tinignan ko siya at nakita ko ring nakatingin siya sa akin. Kaunti nalang ay maluluha na ito kaya bigla akong napatayo. Halos malukot tuloy ang mukha ko. Hindi ako sanay sa ganito.
"Ikaw hindi ko alam ang topak mo ha! Baka mamaya binibiro mo lang ako at may mga camera dito." Saad ko at ngumuso pa
Paano ay palagi nalang akong pinag titripan nito. Isang beses ay niloko ako nito na kukuhain ako ng naka itim na van. May trauma pa naman ako pag dating sa mga kuhaan na 'yan dahil nawala nga si Cuatro dahil doon.
"Seryoso kasi ako! Ngayon hindi na! Hmp!" Saad nito at tumutok ulit sa ipad niya
Iiling iling akong bumalik sa pagkakahiga at muling nag scroll sa cellphone ko. Nakatanggap ako ng message galing kay Dos kaya kaagad kong binuksan iyon. Tumambad sa akin ang mga litrato na kinuha niya pati na rin ako.
Dos
I hope you like it.
Haven
Oo. Salamat. May mailalagay rin ako sa social media.
Matapos noon ay hindi na ito nag reply pa.
Nang sumapit ang 10 am ay tumayo si Mona. Dumiretso ito sa closet na pinag lalagyan ng gamit ko at inilabas doon 'yung sinasabi niyang dress. Pagkatapos doon ay kinuha niya iyong sandals niya na pang bohemian. Inihagis niya sa akin 'yung dress kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang mag bihis sa banyo. Pag labas ko ay ipinasuot niya rin iyong sandals.
"Fairy godmother ka ba?" Tanong ko dito
Paano ay tinitignan ako nito mula ulo hanggang paa. Hinalungkat nito ang maleta ko at nang makita niya ang ibinigay sa akin na kwintas ni Jino ay isinuot niya iyon sa akin. Iyon 'yung may stethoscope na pendant.
"Ayan perfect na. Tara na. Sobrang tagal mo nang pinag aantay si Jino." Saad ni Mona at bahagya pang tumawa
Alam ko namang may ibang pahiwatig iyong sinasabi niya. Napapaisip na talaga ako. Mukhang ito na 'yung panahon para sabihin iyon.
Nang makababa kami ay naabutan kong nanonood ang mag kakapatid. Action movie yata iyon. Kaagad rin naman lumingon ang mga ito dahil sa ingay ng yabag ni Mona. Lahat nalang talaga sa katauhan niya ay maingay.
"Jino suot niya 'yung bigay mong kwintas oh. Bagay sa suot niya diba? Diretso na kaya kayo sa Tukon Chapel? Pakasal na agad kayo." Natatawang sabi ni Mona
Nakatanggap naman ito ng bato ng unan galing kay Cinco. Masama ang tingin nito kay Mona kaya natawa ako ng bahagya.
"Buti nga sa'yo." Pang aasar ko kay Mona
Sinamaan lang ako ng tingin nito at muling tumingin kay Jino. Pumamewang pa, akala mo ay nanay ko siya.
"Before mag gabi dapat nakauwi na kayo. 'Wag mo na kami alalahanin dito ni Waquine." Bilin ni Mona
Nang makababa si Mandy at Siete ay kinawanan ko na ang mag kakapatid bilang pag papaalam.
"Hindi talaga kayo sasama?" Tanong ko
Umiling si Sir Tres at bahagyang ngumiti, "We have plans. Mangingisda kami nila Cuatro. Balak kasi namin mag ihaw ng isda mamaya. Don't worry about us, we're surrounded by guards." Saad ni Sir Tres
Tumango tango ako dito at kumaway na ulit. Ramdam ko ang tingin ni Uno pero hindi ko ulit iyon tinagpo. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami mag papataasan ng pride.
Sumakay kaming apat sa isang van na pag mamay-ari ng mga Syn. Nasa unahan namin sina Mandy at Siete. Kami ni Jino ay nasa huling row.
"Promise me that you'll enjoy this." Saad ni Jino
Tumango tango ako at ngumiti, "Kailan mo ba ako pinalungkot? Sa tingin ko naman ay magiging maganda itong one day gala natin. Hiniram kasi si Mona kaya hindi sila pwedeng sumama." Saad ko
"That's okay. At least pwede kitang masolo. Kahit ngayon lang." Saad ni Jino
Umandar na ang van at hindi na ako nag karoon ng tyansa na mag salita. Tinitignan ko lang ang tanawin sa labas kahit hindi ako pamilyar sa mga iyon. Matapos ang higit fourty minutes ay nakarating na nga kami sa Rakuh a Payaman.
Hindi masyadong mataas ang araw ngayon kahit mag tatanghalian na. Sobrang namangha ako sa tanawin at masasabi kong dito palang ay gumaan na nga ang pakiramdam ko. Nawala lahat ng pagod ko nitong mga nakaraang araw.
"Whoa. I visited Batanes before but I've never been here. It's my first time here." Saad ni Siete
Daladala ang camera niya ay nauna itong nag lakad sa amin.
"Teka lang! Baka gusto mo munang mananghalian?" Pag aalok ko
Muli ay bumalik ito sa kinaroroonan namin at tumango tango. Basta talaga pagkain ay hindi ito aayaw.
Dahil tanghalian na nga ay kumain kami sa isang restaurant. Natagalan kami doon at inabot ng 2 pm dahil sa dami ng kinain namin. Nag pahinga pa ulit kami saglit bago mag lakad lakad sa green fields.
Mabuti at dala ko ang cellphone ko kaya nakunan ko ng litrato ang mga kabayo na malayang nag lalakad sa lupain. Sobrang pang probinsya na type.
"I'm happy to see you smiling." Biglang sabi ni Jino
Nilingon ko ito at ngumiti dito, "Pasensya na kahapon. May nangyari lang." Saad ko
"I know. I understand." Saad ni Jino
Palagi nitong sinasabi na naiintindihan niya ako. Tuwing sasabihin niya iyon sakin ay may kung anong kirot ang nararadaman ko. Gusto kong masaktan dahil hindi ako naiintindihan ni Uno ngayon.
"Your eyes shifted from happy to being sad. What makes you sad, Haven?" Saad ni Jino
Hindi ako nakapaniwala sa sinabi niyang iyon. Ganoon ako kakilala nito. Sa mahigit anim na taon ko siyang kasama ay alam niya lung kailan masaya at malungkot ang mata ko.
Tinanaw ko ang dagat at bumuntong hininga. Doon ko napiling kumuha ng lakas ng loob para mag salita.
"Itong buhay ko. Masyadong nakakalungkot. Napakadami kong limitasyon. Para akong nakakulong na hindi. Kahit nandito ako sa napakalawak na lugar na kinatatayuan ko ay para akong pinipigilan palagi." Pag sasalaysay ko
"Dati na namang ganoon ang buhay natin. Pero bakit ngayon ko lang nakita 'yung ganiyang mata mo? Pagod na pagod ka na." Saad ni Jino, bakas pa doon ang pag aalala
Tama siya. Pagod na nga ako. Sa buhay ko at sa kalagayan ko kay Uno. Hindi ko lang masabi na kasama si Uno sa problema ko. Nakakahiya.
"Gusto ko nalang matapos ang lahat, Jino. Okay na ako doon sa nag tatrabaho ako sa convenience store habang nag aantay ng board exam. Iyong gising ako sa gabi at tulog sa umaga. Iyong normal na buhay." Saad ko
"Ayaw mo na sa pinagtatrabahuhan mo?"
"Hindi sa ganoon."
"Ayaw mo na sa mga kasama mo? Lalong lalo na ang taong 'yun. Takot ka ring masaktan at makasakit."
Doon ay nilingon ko si Jino. Nakatitig ito sa akin ng seryoso. Mukhang inaalam nito ang magiging sagot ko. Palibhasa ay alam niya kung kailan ako mag sisinungaling.
"Ayaw ko lang na masira ang buhay niya dahil sa akin." Sagot ko
Naibaba ko ang tingin ko dahil alam kong mapapahiya si Jino sa sinabi ko. Nag punta kami dito para masolo niya ako, pero ang dulo pala ay si Uno parin ang pag uusapan namin.
"Don't hesitate to say it, my ears are yours." Saad ni Jino
Humugot ako ng malalim na hininga at tumingin sa malayo. Ramdam ko na kaagad na maiiyak ako. Ito na ang oras na kinatatakutan ko. Masasaktan ko na ng todo si Jino.
"Si Uno ang gusto ko, Jino. Sorry." Halos pumiyok ako dahil sa kaba, tumulo na rin iyong luha ko at halos manuyo ang lalamunan ko, "S-sorry." Pag uulit ko
Iniangat ni Jino ang mukha ko at pinunasan ang luha ko. Pero para iyong mga talon na tuloy tuloy ang pag agos.
"Bakit ka ba umiiyak? Wala ka namang kasalanan." Saad ni Jino
Doon mas kumirot ang puso ko. Nang makita kong pilit iyong ngiti niya.
"J-jino itigil mo na ito, please. Ayaw na kitang saktan. Hindi na mababago itong nararamdaman ko para kay Uno." Pag mamakaawa ko dito
Muli ay pinunasan nito ang luha ko at inilagay sa likod ng tenga ko ang buhok na humaharang sa mukha ko.
"Alam kong hindi na mababago. Pero ako ang mag dedesisyon kung kailan titigil. Ganoon naman talaga sa pag ibig, hindi lahat ng binigay mo ay babalik sayo. Alam ko na agad na iyon ang patutunguhan ng sa atin. Una palang naman ay alam kong wala akong pag asa." Saad niya at ngumiti, "I'm willing to be use as you will. I want to protect at all cost."
Umiling ako agad bilang pag tutol sa sinabi nito sa dulo.
"Hindi kita gagamitin, Jino. Ayaw ko." Kaagad na pag tanggi ko
Hinaplos nito ang buhok ko at nilibot ang tingin niya sa buong mukha ko ng nakangiti.
"Alam mo ba kung bakit ako sigurado na pipiliin mo ako sa huli?" Tanong niya, "Dahil alam ko, balang araw ay magagamit mo rin ako. Malapit na 'yun, Haven. 'Wag kang mag aatubiling lumapit sa akin."
Hindi ko alam kung anong araw ang sinasabi nito. Nagugulo parin ang isip ko dahil hindi ko ito mapatigil.
"You're free to love him but if he hurt you, don't expect me to just seat and relax." Saad ni Jino
Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niya iyon. Ibig sabihin ay walang kaso sa kaniya iyong nay gusto ako kay Uno.
"I'm responsible to my pain, Haven. You don't need to blame yourself." Saad ni Jino, "Wala kang kasalanan. Ako pa nga ang dapat na maguilty dahil napakadami kong kasalanan sa'yo. H'wag ka nang magulat kung isang araw ay isa isa nalang silang mag pakita sa harapan mo."
Mag tatanong pa sana ako ngunit pumunta si Siete at Mandy sa gawi namin. Nag tataka pa akong tinignan ni Siete marahil dahil sa basang pisngi ko dahil sa pag iyak.
"What did you do?" Kagaad na tanong ni Siete kay Jino
"Nothing." Sagot ni Jino
Lalapit sana ito kay Jino pero pinigilan siya ni Mandy. Nakakunot pa ang noo ni Mandy at halatang galit kay Siete.
"Problema ng matatanda 'yan tapos nakikisali ka?" Inis na tanong ni Mandy, "Napakaisip bata mo."
At doon pinanood ko kung paanong lumipat ang tingin ni Siete kay Mandy. Ang pinakamagandang parte ay kung saan mag babangayan na naman sila.
"Hindi isip bata 'yun! May pake ako kasi 'Ate' ko siya!" Sigaw ni Siete kay Mandy
Humalukipkip si Mandy at umikot pa ang mata dahil sa sinabi ni Siete.
"'Ate' ko rin naman siya pero hindi ko pinakielamanan ang buhay niya katulad ng sinasabi mo ngayon. O.A ka lang at inaakala mong may ginawang masama si Sir. Jino. Halata namang nag uusap lang sila." Saad ni Mandy
Sinamaan nalang ni Siete ng tingin si Mandy dahil sa kawalan ng masabi. Inilipat ni Siete ang tingin sa akin.
"I think we need to go back. Mukhang hindi maganda ang panahon." Suhestiyon ni Siete
Inilibot ko ang tingin sa paligid at totoo nga iyon. Matapos ang ilang pag picture ay napag desisyunan nga naming bumalik na sa beach house. Mga alas kwatro lang ay nakarating na rin kami agad. Papasok na sana ako pero pinigilan ako ni Jino. Kaagad ko siyang nilingon dahil baka may kailangan ito.
"Things will not be normal pag uwi natin. Promise me that you will call me if something happened." Seryosong sabi ni Jino
Hindi ko man alam ang sinasabi niya ay tumango tango ako. Bigla tuloy akong napaisip kung bakit hindi na magiging normal ang lahat pag balik namin. Hindi pa nga tapos itong isang bagyo sa buhay ko, mukhang may kasunod pa.