webnovel

CHAPTER 4

MAINE'S POV

"Good morning Ma'am! Welcome to Ayala Center Cebu."

Bati ng security guard sa amin ni Kaykay nang papasok na kami ng mall.

"Saan mo gusto magbreakfast?"

Baling ko kay Kaykay na nagpalibot-libot ang tingin sa kabuuan ng mall.

"Hmmm... McDo nalang tayo ate Menggay."

"Sige, sige."

Sabay na kaming pumasok sa McDonald at agad na akong pumila habang si Kaykay ay humanap na din ng mapupwestuhan namin.

"Good morning ma'am! Your usual meal order ma'am?"

Tanong ng nasa cashier sakin. Actually, regular customers na nila kami dito kaya alam na alam na nila ang order namin. Ganito nila kamahal ang mga customers nila *choss 😉*

"Yes please."

"A total of 150 pesos for 2 orders of Sweet Soy Chicken Fillet and 2 orders of Mango Shake ma'am."

Kinuha ko ang maliit na wallet ko mula sa shoulder bag ko at inabotan ko siya ng 200 peso-bill.

"I receive 200 pesos. Here's your change ma'am."

Inabot ko naman yung sukli na ibinigay niya.

"Here's your order ma'am. Enjoy your stay."

Nginitian ko lang siya at binitbit na ang tray ng orders namin saka tinahak ang pwesto na kinauupuan ni Kaykay.

"Sweet Soy Chicken Fillet and Mango Shake for Ms. Kyline Alcantara and Ms. Maine Mendoza."

Seryosong sabi ko kay Kaykay na nakatuon lang ang atensyon sa cell phone niya. Nakatalikod lang siya sakin kaya hindi niya napansin ang pagdating ko.

Napalingon siya sakin at napangiti nalang nang makita akong bitbit ang almusal namin.

"Kung ganyan ba naman kaganda ang magsi-serve sakin every time pupunta ako dito, aba eh.. dadalasan ko na talaga. Haha!"

Pagbibiro naman niya nang paupo na ako habang nilalapag ko ang tray sa mesa namin.

"Alam mo gutom lang yan eh. Yan! Inorder na kita ng faves mo."

Inabot ko pa sa kaniya ang utensils niya at kinuha naman niya ang lalagyan niya. At nagsimula na nga kaming kumain habang nagkukwentuhan.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa eskelator.

"Saan na ang next stop natin ate?"

"Wait... I know kung saan ang perfect place para mag-enjoy tayo."

"Saan nga?"

Pagkarating namin sa 2nd floor ay agad ko siyang hinila papunta sa isang women's wear store.

"Bench? Ano naman ang gagawin natin dito ate?"

"Ano ba meron ang Bench?"

"Clothes? Bags? Accessories? Perfumes?"

Takang tanong niya pa sakin.

""Uhuh. Tumpak! Mamimili tayo ng mga bagong damit para mapalitan na natin yung mga nasa closet mo. Yung mas magmukha ka na talagang tao. Haha!

Hindi ko na siya hinintayng magsalita pa at mabilis na hinila papasok sa loob.

Agad ko siyang dinala sa part ng mga casual dresses.

"I think this will fit you Kaykay!"

Excited na lumapit ako sa kaniya na nakatayo lang sa isang gilid habang hawak ko ang nakahanger na casual dress na stripe red and white.

"Sukat mo daliii! Dali na."

Inabot ko sa kaniya yun at nang mapansin kong ayaw niyang kunin ay inilagay ko na yun sa mga kamay niya.

"Sukat na little sister, pleaseeee! Pleaseee?"

Tinitigan ko pa siya at nagpuppy eyes para mapapayag siya.

"Sige na nga! Ito lang ah! Ate Menggay! Eto lang isa.."

"Oo na, sige na po. Sukat lang naman po."

Pinagtapat ko pa ng magkabilang palad ko at nakapout na nakatingin sa kaniya habang papasok sa fitting room.

Ilang sandali pa ay lumabas na siya.

"Waaah! Ang siksik, liglig at umaapaw ka siteret! In all fairness... bagay na bagay sayo!"

Napapalakpak pa ako nang makita siya na suot yung damit. Fit na fit sa katawan niya yung tela at lumabas talaga yung totoong shape ng katawan niya.

"Sinasabi mo bang mataba ako ate, ha?"

"Ahh.. Eh. Hindi naman Kay. Siksik ka kasi hindi ka tulad ng iba na parang tooth pick nalang ang katawan.. Liglig kasi alam kong healthy ka na on the inside tapos healthy ka pa on the outside. Tingnan mo nga yang skin mo oh, napaka-flawless. Then lastly... Umaapaw.. umaapaw ka sa ganda at talino! Oh diba?"

Halos hiningal pa ako sa mahabang linya kong yun. Para lang talaga mapanatag ang loob niya. Haha!

"Bagay ba talaga ate? Ehh... Hubarin ko na kaya to."

Naiilang na sabi niya habang nakakunot ang noong tinitingnan ang sarili sa isang salamin.

"Ano ka ba Kyline?! Ang sexy mo kaya diyan sa suot mo."

"Eeeh... Nakakahiya nga kasi ateee.. Tsaka ang sikip sa katawan eh. Para akong ugly duckling nito 'pag maglalakad sa sikip."

Reklamo pa niya.

"Sige na! Pumasok ka na ulit dun at wag na wag ka na munang lalabas, okey?"

"Bakit ba kasi ate? Ini-eksperimentuhan mo na naman ba ako? Kainis ka naman eh!"

Pagmamaktol parin ulit niya habang papasok ulit ng fitting room.

Lumapit ulit ako sa mga estante at pumili ng iba pang mga designs. Kinuha ko yung floral na flared dress. At may isa pang dress na nakakuha ng atensyon ko. Binitbit ko rin yung nakita kong isang medyo mahabang casual maxi dress na kulay black.

"Here pa sisteret!"

Kumatok ako at nung pagbuksan niya ako ay inabot ko na agad yung dalawang napili ko saka siya hinintayng lumabas.

"Tadaaaaa! I think I like this one ate Menggay."

Masayang pagpre-present pa niya ng sarili habang suot niya yung ibinigay kong floral na dress. Umikot pa siya ng ilang beses kaya na-emphasize nito ang magandang hugis pabilog na skirt na above-the-knee.

"Tsaka like ko din tong top niya kasi hindi masyadong exposed yung skin ko."

Turo niya dun sa ruffles na naka-ekis mula sa magkabilang balikat niya.

"Sige yung isa naman. Yung isa, bilis!"

Pinatalikod ko na siya agad at pinabalik sa fitting room kaya napansin kong nawala yung ngiti niya kanina at nadismaya sa inasal ko.

Napabuntong-hininga nalang din ako at hinintay siyang lumabas.

"Ito, okey na ba?"

Walang ganang tanong niya sakin habang nakayuko lang sa sarili niya.

"Yes, perfect!"

Puri ko nalang sa kaniya habang nakatingin sa suot niyang itim na dress abot hanggang sa binti niya. Kita ang medyo ibabaw ng pusod niya dahil naka-ekis yung tela sa harap mula sa sa mga balikat niya pa-slant hanggang sa bewang niya.

Sinundan ko nalang din siya ng tingin habang papasok muli upang magpalit na ng suot niya kanina.

Pagkalapit namin ng counter ay agad itong ipinurchase at ako narin ang nagbayad ng tatlong dresses na napili namin.

"Uy Kaykay, smile naman diyan oh. Sayang ang beauty natin niyan eh."

Pagchi-cheer up ko sa kaniya dahil kanina pa siya walang imik at hindi man lang ako kinakausap.

Ngunit hindi niya parin ako sinagot kaya napahinto na ako sa paglalakad at hinarap siya habang bitbit ko ang mga paper bags na pinaglagyan ng mga nabili naming damit.

"Teka nga.. May problema ba little sister?"

Nakayuko lang siya at walang imik.

"Hey.. Hey look at me Kay. Pleaseee... Not like this.."

Pagsusumamo ko pa sa kaniya kaya napabuntong-hininga nalang din ako nang tumingala siya sakin na malungkot ang mukha.

"Nagtatampo ka ba sakin ha? Dahil ba dun sa dress kanina? *buntong-hininga* Kyline, my dear sister... napakaganda mo. At kahit ano pa man ang isuot mo ay babagay at babagay talaga sayo. Kaya sorry na okey kung hindi kita nasabayan sa ngiti mo kanina."

Napabuntong-hininga na rin siya at nagliwanag ang aking mukha nang makita ko ang isang ngiting sumilay sa mga labi niya.

"Di ka man lang kasi marunong mag-appreciate ng mga bagay-bagay sa tama at angkop na panahon."

Nakapout pang sabi niya.

"Aissh! Nagda-drama. Hindi kita ma-gets sa sobrang lalim ng mga pinagsasasabi mo diyan. Haha! Tara na nga. Pagpasensyahan mo na si ate Menggay okey?"

Sinide hug ko siya at napatango naman siya sakin.

"Saan naman ang next route natin ate?"

"Ayun! Bumalik narin yung kapatid ko! Haha. Kung anu-ano kasing sumasapi sayo kanina eh.. Natatandaan mo pa ba?"

Napahiwalay siya ng yakap sakin at kunot-noo akong tinitigan.

"Oh ayan! Sumasapi na naman sayo yung kaluluwa ng bad vibes. Hahaha! Tara, Figlia tayo! Di bagay sayo eh. Masyado kang maganda para saniban diyan!"

Nakangiti kong sabi sabay hila sa kaniya papunta sa isang store ng Figlia.

"Good morning ma'am! Welcome to Figlia, you feel me? I Figlia!"

Masiglang bati nung isang staff nilang lalaki sabay lapit sa amin.

"Ano po ba ang size ninyo ma'am?"

Sabi niya pa habang naglalakad.

"Can I get your..number, este... foot size ma'am?"

Pabulong niyang tanong pero rinig na rinig ko parin.

Nagulat nalang din ako nung lumapit siya agad kay Kyline at after nung sinabi niya ay may kindat pang pahabol.

Ahaha! Akala ko pa naman sa aming dalawa siya lalapit. Assumera si ateng mga siss! Kaya wag kayong jumaya sa lola niyong fave ang #Hopia. Choss 😂

"Ahmmm... 6.. Size 6 yung paa ko. Hehe."

Parang naiilang namang sagot ni Kaykay. Nakatayo lang ako sa gilid habang pinapanood ko silang dalawa.

Nakatayo lang din si Kaykay habang lumalapit yung staff sa kaniya at humarap. Kitang-kita ko yung panlalaki ng mga mata niya nung gumalaw yung kamay ng lalaki at dahan-dahang inangat ito papalapit sa gilid ng mukha niya.

Nagpipigil lang talaga ako ng tawa dito sa gilid nang pipikit na sana si Kaykay ngunit may kinuha lang palang box ng sapatos yung staff dahil nasa likod pala niya ang lalagyan nun dahilan para mapa-nganga nalang siya.

WAHAHAHAHAHAHA!!!

"Excuse me nga, noh? Ah... Ehh. Nandito kasi kami para mamili ng sapatos, hindi para lumandi."

Pabiro ko nalang na sabi habang hinahawi ko papalayo sa sisteret ko yung lalaking staff.

"Baka pwede namang magbigay ng personal space sa mga customers niyo, ano po? Galawang hokage kasi kayo masyado eh. Hehe. *fake tawa* Lakas maka-Ninja moves."

Pabulong lang na banggit ko dun sa huling linya.

"So..sorry po ma'am."

Nakita ko naman yung pagkamot ng lalaki sa batok niya at parang nahihiyang napatingin sa akin dahil sa pinanggagagawa niya kanina.

Aba eh dapat lang talaga siyang mahiya kung hindi pa makapal ang mukha niya! Choss ulit Hihi.

"Ok lang yun. Ang akin lang naman kasi ehh.. hindi ka rin naman papasa sa standards nitong sisterhood ko mister.."

Napatingin ako dun sa name plate niya sa may kaliwang side ng dibdib niya.

"Mr. Samson.. Kasi ang tipo nitong kapatid ko ay yung mala-Alden Richards eh. Kilala mo naman siguro yun?"

Tumango naman siya.

"Yun! Kaya kung pwede lang sana eh makapili na kami ng sapatos. Yun ay kung pwede nam…"

Hindi na ako nakatapos sa mga sasabihin ko pa sana dahil bigla nalang akong hinila ni Kaykay papalayo dun sa staff.

"Ate, ang daldal niyo na po. Nagtatanong lang naman yung tao ng size ng paa ko eh.."

"Aba pa-inosente mode ka pa talaga ha? Eh kung binigay ko nalang kaya yung number mo dun para natapos na kayo agad. Ganoin?!"

"Tsssh!"

Singhal pa niya kaya napatalikod nalang din ako sa kaniya sa inis.

"Mamili na nga lang tayo ng pwede mong ipares diyan sa mga damit mo."

Naramdaman ko naman ang paggalaw niya at nakita ko sa gilid ng mata ko na pumunta siya dun sa mga naka-display na sapatos.

"Eto ate! This one's perfect for you. Size 6 ka din diba?"

Inabot niya sakin yung kulay gold na ankle wrap na may mga 3 inches na heel.

"Size 7 kaya ako Kaykay. Nahihiraman mo lang naman yung mga sapatos ko kasi may ibang size 7 na maliliit at malalaki kaya nagkakasya diyan sa paa mo."

"Aww.. Sayang, like ko pa naman to for you."

Nakapout pang sabi niya.

"I know na! Why don't you give it a try! If you think na bagay yan sakin, I'm sure ganun din yan sayo. Try mo na habang mamimili rin ako dito."

Utos ko nalang sa kaniya at naupo na siya sa isang pahabang bench dun sa gilid saka nagsimulang hubarin ang sapatos niya.

"Let me help you ma'am."

Sabi na naman nung staff na lumapit sa amin *I mean, sa kaniya lang pala* na bigla nalang sumulpot at lumuhod gamit ang kanang tuhod niya.

Pinanood ko nalang din muna si Kaykay habang inaalis mula sa mga paa niya ang sapatos at tinutulungan naman siya nung staff na isuot yung sandal at siya pa ang nag-wrap ng strap sa ankle niya paitaas.

Aba.. Aba.. Chansing din pala tong mokong na to eh!

"I told you it's perfect for you my dear KYLINE."

Pagdidiin ko pa dun sa perfect at mas diniinan ko pa ang pangalan niya habang nilingon sila.

Hasssh! Alam ko namang yung cell phone number lang niya at pangalan ang habol nitong isa. Mabuti na nga lang at may ate yang babaeng yan na super bait tulad ko. Hmp!

Ngumiti naman ng kay lapad-lapad yung staff habang ibinabalik ang tingin sa kapatid ko.

Pasalamat ka at medyo cute kang chansing ka. Gigil mo si oka!

Hindi ko nalang din sila nilingon pang muli at nagtingin-tingin nalang din muna ako sa iba pang mga sapatos nila.

Pagkatapos kong makapili ng isang puting sneakers na may burdang red rose sa gilid at isang flat shoes na gold ay lumapit na ako kay Kaykay na nakatingin parin ngayon sa isang bagay na hindi ko alam kung ano. Hindi ko kasi yun nakikita dahil nakatagilid siya sakin at nahaharangan yun ng iba pang mga display.

"Maganda yan kapag i-pair mo dun sa casual maxi na dress mo Kay."

Sabi ko sa kaniya nang makalapit na ako sa kaniya.

Napalingon naman siya sakin habang hawak-hawak parin yung pares ng gladiator flat sandals.

Kulay silver at may mga straps na aabot siguro hanggang sa tuhod.

"Maganda nga sana ate pero maganda rin kasi ang price eh.."

Nalulungkot na tonong sabi niya habang nasa pares ng sandals parin ang tingin.

"How much?"

Tiningnan lang niya ako at hindi na sumagot pa. Kinuha ko nalang yun at tiningnan ang price tag.

Whatt!?? 5,000 pesos? For real?

Bumuntong-hininga muna ako at ibinalik ang paningin sa kaniya ngunit mas lumungkot pa ang mukha niya.

Kung ito man ang tanging dahilan para makabawi ako sa nangyari kanina, handa akong bilhin to Kyline.

"Sige na bitbitin mo na yan."

"Talaga ate Menggay?!"

Halos magtatatalon pa siya sa tuwa at bahagya pang napayakap sakin ngunit agad naman siyang humiwalay at todo ngiting tumingin sakin.

Tinanguan ko lang siya.

"Isama mo na rin tong sneaker. Para sayo rin yan."

"Really? Oh-Em... You're the best ate talaga!! Ever!"

Napayakap pa uli siya sakin.

"Oh!"

Inabot ko sa kaniya ang dala kong dalawang pares ng sapatos.

"Dahil abot hanggang langit ang saya mo diyan, pakicounter narin tong sakin."

"Aye! Aye! Captain Mendoza!"

Napa-salute pa talaga siya sakin kahit pa nahihirapan na siya sa mga bitbit niya.

Natawa nalang ako sa inasal niya at sinundan siyang halos mapatakbo pa sa saya.

Nung papalapit palang ako ay nasa counter na si Kyline. Napahinto ako nung may tumabing staff na babae sakin at biglang nagsalita.

"Parang mas mauunahan pa ang ate sa love life ah?"

Tanong niya kaya napalingon ako sa kaniya. Ngunit nakangiti lang siyang nakatingin sa harapan namin. Napatingin narin ako sa kung ano ang tinititigan niya.

Si Kyline kasama yung... Yung staff na lalaki kanina!??

Kunot ang noo kong ibinalik ang paningin sa katabi ko.

Ako ang nasa counter kanina pero nakiusap sakin si Mike kaya nung makita ko kung gaano siya kasaya nung malapitan niya ang kapatid mo ay pinagbigyan ko na. Hehe. Mga kabataan nga naman talaga ngayon.

Sinusulsulan ba ako nito? O inutusan lang to nung lalaki para magpalakas sa akin?

Hindi ko parin matanggal ang paningin ko sa babaeng nagsasalita na siguro ay mga nasa mid 30s na ang edad.

"Tapos na silang magpurchase. Maaari niyo na po silang lapitan. Thank you for visiting Figlia and we'll be grateful if you come again ma'am."

Nakangiting nilingon ako ng babae. Kaya naman nailipat ko nalang ang aking paningin sa counter at nakita yung staff na tuwang-tuwa na nakipag-selfie sa kapatid ko.

Nginitian ko nalang din siya at tumango saka nilapitan si Kaykay sa counter.

"Let's go Kaykay. Thank you."

Baling ko dun sa Mike daw na tinawag ko kaninang Mr. Samson. Nagpaumuna na akong naglakad palabas ngunit hinila niya ako dahilan para matigil ako sa paglalakad.

"Bakit ba Kyline?"

Inis na tanong ko sa kaniya. Ngunit itinaas lang niya ang limang paper bags na dala niya.

"Pinurchase lang ang mga to ate pero hindi pa natin nababayaran."

Napabuntong-hininga nalang ulit ako sa magkahalong inis at hiya saka ko binuksan ang bag ko.

"Magkano?"

Mababang tonong tanong ko sa kaniya habang nasa bag parin ang tingin.

"6,345 pesos ate."

Inabutan ko siya ng 7,000 at nagkibit-balikat.

"Hihintayin na kita dito. Huwag ka nang magtagal pa sa loob. Marami pa tayong pupuntahang mas ka-enjoy-enjoy."

Pinahalata ko talaga sa kaniya ang pagiging sarkastiko ko sa tono ng aking pananalita.

Tumalikod naman na siya agad at pinanood ko lang siyang bumalik sa counter.

Nagmamadali siyang lumabas ngunit bago paman niya ako malapitan ay tumalikod na ako saka mabilis na naglakad ng walang lingunan.

"Ate! Ate Menggay!"

Tawag niya sakin. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sakin.

"Ate Menggay naman eh.."

Bigla akong napahinto sa paglalakad nang tumakbo siya papalapit sakin at tumayo sa harap ko.

"Ano na naman ba ang sumapi sayo ate? May problema na naman ba tayo?"

Nag-aalalang tanong niya ngunit tinitigan ko lang siya ng diretso.

"Ate naman eh... Kanina ako.. tapos ngayon ikaw naman. Para maging kwits lang, ganun?"

Bumuntong-hininga nalang muna ako.

"Alam mo namang ayaw na ayaw kong lumalapit ka sa mga lalaki di ba?"

"Hindi naman ako ang lumalapit sa kaniya ate eh.."

"Ano yung kanina?"

Mababang tonong usal ko nang wala man lang kung anong reaksyion sa mukha ko.

"Siya naman kasi yung kusang lumalapit sa akin ate. Nakita mo naman lahat di ba?"

"Pero hindi ka man lang umiwas.!"

Bumuntong-hininga na rin siya at bagsak ang mga balikat na napatingin sakin.

"Paano ako iiwas? Eh siya naman tong sunod ng sunod sa akin. Kahit nga hindi ko kailangan ng tulong niya ay kusa siyang tumutulong sakin."

"Hindi mo siya gusto? Hindi kana lalapit sa mga boys ulit."

"Hindi. Hindi. Hindi. At lalong hindi. Hehe. Smile ka na ate."

Nakapout na namang sabi niya pero nanatili paring blangko ang mukha ko.

"Wala talagang chance?"

Tinaasan ko siya ng kilay at bahagya naman siyang napangisi.

"Hindi nga kasi ate... Wala talaga pramis! Maliban nalang kung..."

Tinitigan niya ako ng nanunuksong tingin habang nakangisi parin.

"Ano? Ano ha?!"

Kunwari ay galit-galitan mode ako.

"Smile ka na kasi ate Menggay…"

Bigla niyang pinisil ang magkabilang pisngi ko at hinila ito.

"Ayan! Naka-smile ka na ate. Hihi! Bumalik na ulit ang ganda mo."

"Oo na, sige na!"

"Good. Sino ba naman kasi yung nagbigay ng pangalan ko dun kay Mike? At sino yung super selosang ulirang kapatid sa mundo?"

Biglang akbay niya naman sakin ngunit inalis ko yun mula sa balikat ko dahil sa sinabi niya saka sumimangot.

"Diinan mo pa. Sige…"

Kunwaring nagtatampo pang ani ko.

"Oh.. Oh! Sumasapi na naman! Oh My Godddd!! Please lisanin mo na lang ang katawan ng ate ko, please lang. Kung anong uri ng kaluluwa ka man! Now na!!"

Parang natatarantang sabi niya na para bang may pinapaalis na masamang espiritu sa katawan ko.

Natawa naman ako dahil kahit pa nahihirapan siya sa limang paper bags na bitbit niya ay todo action parin siya sa harap ko.

"Huy! Umayos ka nga. Pinagtitinginan ka na naman ng mga tao oh! Baka mapagkamalan ka pa nilang may sapi diyan o di kaya'y baliw sa halip na ako. Haha!"

"Yownn! Hehehe! Ok na yung mapagkamalan akong may sapi kesa naman magkatotoo yung sumapi sayo yung... Ano nga ba yung sumapi sakin na nag-transfer sayo? Hmm..."

Kunwari pang nag-iisip siya.

"Aha! Bad vibes ba yun?! Yownn! Hahaha!"

"Hassssh! Ang daldal mo din eh no. Tara na nga dun nang makompleto na ang shopping-shopping gala natin dito."

Nagpaumuna na ulit akong maglakad at mabilis naman siyang sumunod sa akin.

"Good morning ma'am! Welcome to Ayala Cosmetics Center."

Bungad ng isang staff na babae sa amin.

Nginitian lang namin siya pareho at dumiretso na sa mga naka-display na pang-make up.

Ilang minuto pa kaming nanatili dun at enjoy na enjoy naman kami sa pamimili ng mga kulay ng make up.

"Moisturizer and Primer?"

Tanong ko kay Kaykay na bitbit ang maliit na tray na lalagyan ng mga napili namin.

"Moisturizer and Primer, check!"

"Concealer and Foundation?"

"Concealer and Foundation, check!"

"Eyebrow Pomade and Spoolie Brush?"

"Eyebrow Pomade and Spoolie Brush, check!"

"Eyeliner and Mascara?"

"Eyeliner and Mascara, check!"

"Lipstick and brushes?"

"Lipstick and brushes,big check!"

"Yan! So nakapili na tayo ng pang-make up kit mo at ang iba naman ay akin, tara pa-counter na tayo sisteret."

Sabay kaming naglakad papunta ng counter at agad namang ibinigay ni Kaykay yung tray sa cashier.

"A total of 1,638 pesos ma'am."

Inabutan ko siya ng 2,000.

"Here's your change ma'am. Thank you for purchasing. Please come again!"

Nginitian nalang din namin yung cashier at naglakad na papalabas ng tindahan.

Ngunit hindi pa man kami nakalalabas ay may lumapit sa aming babae na may hawak ng brush.

"Ma'am before po kayo umalis, maybe you would like to try our products?"

Napakunot ang kilay ko sa sinabi niyang yun.

"What do you mean, miss?"

"Every Wednesday and Saturday ay may libre po kaming pa-make up sa mga lady customers namin. Baka gusto niyo pong i-try ang mga make up looks namin and enjoy the quality of our products."

Nakangiting pag-eexplain pa niya sa amin. Nabigla naman ako nang hilahin ako ni Kaykay.

"Sure. Sure po! Saan po ba?"

"This way ma'am."

Hila-hila parin niya ako hanggang sa maupo nalang ako sa isang swivel chair na nasa tapat ng mahabang salamin. Nasa katabing upuan ko lang din siya at kitang-kita ko ang malalaking ngiti sa mga labi niya habang nakatingin sa aming mga mukha sa salamin.

"This is gonna be exciting ate. Kyiieee!"

Pabulong pang sabi niya habang hawak parin ang kamay ko. Ilang sandali pa ay bumalik na yung dalawang babae at lumapit sa amin dala yung mga gamit nila.

Bahagya pa kaming kinakausap ng mga babaeng nag-aayos sa amin habang mini-make up-an kami.

Halos mga kalahating oras din nila kaming inayusan at sa wakas ay natapos na rin.

"Wow ate Menggay! We look gorgeous together!"

"I know right!"

Pag-aagree ko naman sa sinabi niya habang diretsong nakatingin sa salamin sa harap namin.

In fairness nga naman. Lalo akong gumanda at hindi ko aakalaing may mas igaganda pa pala ako. Waaaah! Choss 😄

"Bagay na bagay po talaga sa inyo ang mga looks niyo ma'am."

Sabi naman nung nag-make up kay Kyline.

"Magkapatid nga talaga kayo ma'am. Pareho kayong magaganda."

Papuri naman nung nag-make up sa akin. Pareho kaming apat na nakatingin sa salamin habang nakangiti.

"Uy, salamat nga pala sa instant pa-make up niyo dito ah! Pero worried lang talaga ako eh.."

Bigla namang napakunot ang noo nilang tatlo na napatingin pa sakin.

"Kasi... baka mas pagtitinginan pa kami diyan sa labas. Dumugin pa kami naku, naku mahirap na! Charot lang Hehe!"

Sabay nalang kaming napatawa.

"Haha! Akala ko pa naman kung ano yun ma'am."

Sabi nung katabi ko.

"Teka, pipiktyuran muna po namin kayo. Kasi isasabit namin tong photos niyo dun."

Turo naman niya dun sa mga picture na naka-clip sa yarn na nasa itaas ng salamin.

"Ahh. Sige, sure!"

Agad kaming nag-pose ni Kaykay. May mga magkaakbay na nakapout pa at meron ding naka-wacky.

Click!

Click!

"Ayan! Thank you po ma'am. Balik po ulit kayo rito!"

Sabi nung kumuha ng picture namin.

"Oo naman. Lalo na kapag may biglaang pa-party kaming pupuntahan. Dito na kami go-gora. Haha! Para libre na!"

Pagbibiro ko naman sa kaniya na bahagya naman niyang ikinangisi.

"Yun ay kung Wednesday at Saturday po yun ma'am. Hehe."

Sagot naman nung kasama niya.

"Yun nga lang. Hehe."

Sagot ko nalang din.

Nakita ko namang lumapit si Kaykay sa staff na may hawak ng camera.

"Waaah! Ate oh! Ang ganda natin dito!"

Napalapit naman ako sa kanila at napangiti nalang ako nung makita ang picture namin na hawak ni Kaykay.

"Yeah. Oo nga! Credits sa mga nag-make up sa atin little sister! Hahaha!"

Napatingin ako sa dalawang staffs na kasama natin at nagngitian kami.

Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na rin kami ni Kaykay at lumabas na ng store.

"Kaykay daan muna tayo dun ah, manggo-grocery lang ako. Medyo paubos na rin kasi ang stocks natin sa bahay eh."

"Sige ate. May bibilhin rin kasi ako para sa kwarto ko."

Sabi pa niya at tinungo na namin ang supermarket ng mall saka ibinilin muna yung mga dala namin sa baggage area.

Mga 10 minutes rin siguro akong paikot-ikot habang bitbit ang tray.

Napalingon nalang ako sa likod nang mapansing wala na dun si Kaykay.

Nilingon-lingon ko pa siya pero hindi ko parin talaga siya mahanap kaya nagtuloy nalang din muna ako sa pamimili.

Papunta na ako ng counter nang lumapit siya sakin.

"Ate! Pakisama narin tong akin oh."

Abot niya sakin nung isang malaking bottle ng spray.

"Gagamitin mo to?"

"Oo. Sa kwarto ko para mabango palagi. Hehe."

Tumango nalang ako at pumunta na sa line.

"Matagal ka yatang nawala kanina Kaykay."

Usisa ko ulit sa kaniya. Nakita ko naman ang bahagyang pagnga-nga niya at animo'y hindi alam kung ano ang isasagot.

"Ah.. Ehh... Hinanap ko pa kasi kung.. kung saan nakalagay ang mga ganyang spray eh."

Sagot naman niya kaya tumango na lang ako at hindi ipinahalata sa kaniya ang pagdududa.

Natapos na naming binayaran ang pinamili at kinuha na namin yung mga paper bags.

"Andami naman pala ng pinamili natin ate Menggay. Sana in-inform mo nalang ako kanina bago pa tayo pumunta dito. Ehh ang layo pa man din nung atin tapos andami pa nitong dala natin."

Halos magkanda-ugaga na kami sa dami ng mga bitbit namin.

Buti nalang at may nakakita sa aming crew ng mall kaya inilagay na namin lahat sa cart na kinuha niya ang dala namin at itinulak ito hanggang sa makalabas kami ng mall.

Tumawag agad ako ng taxi at inilagay lahat yung sa tabi namin.

Masaya kaming nagkukwentuhan ni Kaykay habang nasa biyahe at hindi nalang namin napansing nakarating na pala kami sa tapat ng bahay namin.

"Maraming salamat po manong!"

Sabi ko sabay abot ng pamasahe namin sa kaniya. Naibaba na namin lahat ng dala namin at ilang sandali pa ay umalis na rin siya.

"Kaykay, ilalagay ko na muna to sa loob. Unti-untiin mo na ring dalhin yan para hindi tayo mabigatan."

Utos ko nalang sa kaniya at pumasok na sa loob habang dala-dala ang walong paper bags gamit ang dalawa kong mga kamay. Yung iba ay isinabit ko nalang sa braso ko saka inilapag sa sofa.

Nakailang balik pa kami ni Kaykay a tnang maubos na ay sabay na rin kaming pumasok sa loob.

"Waaah! Nakakapagod!"

Sigaw niya habang pabagsak na naupo sa sofa.

"Haha! Pero aminin mo, nag-enjoy ka, di ba?"

Nilingon niya akong nakatayo lang sa gilid niya habang nakasandal ang braso ko sa dingding.

"Oo naman ate. Lalo na at ang best beshie slash sisteret pa ang kasama kong mag-shopping! Hehe."

"Yownn! Sige humilata ka lang diyan at kukuha muna ako ng maiinom natin."

Sabi ko nalang sa kaniya at naglakad na papuntang kusina.

"Hoy ate, akin yung Yownn ah?! Walang uso credits?"

Binilatan ko lang siya at ngingisi-ngising nagpatuloy sa paglalakad.

Chương tiếp theo