webnovel

CHAPTER 5

MAINE'S POV

Mahigit isang linggo na ang lumipas mula nung nagkaroon kami ng bonding time sa isa't isa ng kapatid kong si Kaykay.

"Good morning little sister!"

Bati ko sa kaniya nung paglabas ko ng kwarto.

April 27, 2018

"Mmm.. Morning din."

Bati naman niya sa akin habang nakaupo sa gilid ng mesa namin. Nakatapak yung isang paa niya sa ibabaw ng upuan.

"Drop off your feet Kyline."

Suway ko sa kaniya at naupo sa upuang nasa kabilang side ng mesa kaya magkaharap kami.

Ngunit hindi na siya nagsalita pa at tiningala lang ako saka siya bumalik sa pagpipipindot ng cell phone niya.

Hindi ko nalang muna siya pinansin at sumandok ng fried rice na niluto niya siguro.

Nakailang subo pa ako at sinusulyapan ko lang siya paminsan-minsan.

"Kaykay.. Your feet.."

Pinanlisikan ko siya ng mata at natinag naman siya.

Ngunit nang maibaba na niya ang paa ay patuloy parin siya sa pagtutok sa phone niya.

"Hey Kyline. Ano ba ang ikinabi-busy mo diyan sa phone mo? Hindi mo na halos nagagalaw ang pagkain diyan sa plato mo oh."

"Ahh.. Wala po ate. May chini-check lang po. Kain ka lang ng kain diyan, pinagluto kita ng fried rice."

Usal pa niya at bumaling ulit sa cellphone niya.

"Oo alam ko dahil nakikita ko ang niluto mong fried rice. Pero kung kakain man lang din ako ng mag-isa na kunwari ay wala akong kasama sa bahay na to.. aba eh, mas mabuti na yung wala nang kainang mangyari dito. Hasssh.. Kainis!"

Inis sa sabi ko saka padabog na ibinagsak ang kutsara at tinidor na bitbit ko. Agad akong tumayo at tumalikod na sa kaniya.

Nakalayo na ako mula sa mesa ngunit walang Kyline ang sumunod sa akin. Akala ko pa naman ay susundan niya ako at magso-sorry siya.

Pero hindi.

Mas importante yung nasa phone niya Maine kaya wag ka nang umasang susundan ka pa ng kapatid mo. Hayy..

Napabuntong-hininga nalang ako at padabog na isinara ang pinto ng kwarto ko.

Pabagsak akong naupo sa kama habang diretsong nakatingala lang sa kisame.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sabado at wala parin akong ibang gagawin kundi ang tumambay lamang dito sa bahay.

Naalala ko yung nangyaring pagtatalo namin ni Kyline.

"Arggg! Ikaw lang naman kasi yung nag galit-galitan Maine... Hindi ka naman inaway ni Kaykay.."

Sabi ko pa sa sarili.

Nandito na ako sa banyo ngayon at naliligo.

Plano kong lambingin siya para mawala na yung tampo niya sa akin. Karaniwan kasi kapag may tampuhan kaming magkapatid ay hindi namin yun pinapabukas dahil nagkakaayos din naman kami agad. Pero iba ang sa amin ngayon.. at hindi ko alam kung bakit.

Natapos na akong maligo ganun din ang pagsusuot ng damit pambahay.

Ilang saglit ko pang inayos ang sarili at napabuntong-hininga muna bago kumatok sa pinto ng kwarto niya.

Tok! Tok! Tok!

Walang sumagot kaya pumasok na rin lang ako dahil sa ganitong oras din naman ay paniguradong hindi pa siya gumigising.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kama niya. Nakataklob ang kumot sa buong katawan niya kaya marahan akong napaupo sa kanang side niya.

"Kaykay.. Gising ka na ba?"

Mahinang tanong ko pero hindi siya umimik.

"Kung gising ka na at hindi mo pa ako handang harapin.. pakinggan mo lang ako ay okey na sa akin."

Hinaplos ko ng bahagya ang kumot niya.

"Pagpasensyahan mo na ang ate Menggay ha? Kung anu-ano man yung nasabi ko sayo kahapon, sorry na. Ayaw ko lang naman kasi talagang nagkakaganito tayo eh. Yung ganitong walang imikan. Yung hindi mo ako pinapansin at parang mas nag-eeffort ka pa kasi sa kung anuman ang pinagkakaabalahan mo sa cell phone mo kesa kausapin ako. Kaya.. pasensya na talaga. Don't worry, hindi ko na yun uulitin."

Diretsong sabi ko at napabuntong-hininga sa huli.

"Sana puntahan mo nalang ako sa kwarto ko kung okey na tayo at handa ka nang patawarin ako Kaykay. Mahal na mahal ka ng ate Menggay okey?"

Pagtatapos ko at bahagya pang inangat ang kumot sa ulo niya ngunit nagulat ako nung wala akong buhok na makita.

Baka naman kasi nakabaligtad siya natulog Maine.. huwag kang praning!

Hinila ko ang buong kumot niya at dun mas nanlaki pa talaga ang mga mata ko saka napatakip pa ng bibig.

Tumambad sa akin ang nakalinyang mga unan niya. Kaya pala akala ko natutulog lang siya.

Ang sama talaga ng ugali nitong batang to! Nagdrama ka na't lahat.. nilayasan ka pa! Diyos ko po!

Hindi ako mapakali sa kakaisip kung saan siya nagpunta. Mabilis akong bumalik sa kwarto at in-unplug ang ichinarge kong phone kanina bago ako pumasok ng banyo.

KayKay.. Dialling…

Naglakad ako pabalik-balik habang tinatapat ang phone sa tenga ko.

"Sagutin mo naman Kyline.. pleaseee."

"The subscriber's cannot be reached. Please try your call later. The subscriber's cannot be re.. Tooot!"

"Please answer the phone little sister..."

Napakagat pa ako sa kuko habang tense na tense na dina-dial ulit ang number niya.

"The subscriber's cannot be reached. Please try your call later. Toot!"

"Ugh! Where are you Kyline?! You're making me nervous! Hassssh!"

Napaupo nalang ako sa kama ko habang paulit-ulit na dina-dial ang number niya habang paulit-ulit din yung sinasagot ng kabilang linya.

"Nasaan ka na ba Kylineeee! Kapag umuwi ka.. lagot ka talaga sa akin! Makikita mo talaga! Makikita mo."

Napasinghap pa ako ng maraming maraming hangin dahil parang nauubusan na ako ng oxygen sa katawan dahil sa pag-aalala.

Nung mag-aalas dose na ay hindi parin ako nakakain ng lunch dahil hindi na rin ako nakakaluto ng pagkain. Pawang text at tawag lang ang ginagawa ko upang kontakin siya pero wala parin siyang reply ni isa man lang at wala pa rin siyang tawag na sinasagot.

"Kyline.. Kyline.. Kyline.. You're really making my knees shake. Nasan ka bang bata ka! Kung saan-saan ka na naman naglalakwatsa."

Hindi talaga ako napapakali at puro tawag at text lang ang nagawa ko buong maghapon.

Alas tres na ngayon ng hapon. Ngunit wala parin akong Kyline na naaaninag dito sa bahay. At dahil nagsawa na ako kapipindot dito sa cell phone ko ay napagpasyahan kong manood nalang muna ng tv habang hinihintay siyang umuwi. In-on ko ang tv at speakers saka naupo sa sofa habang nakaharap sa tv bitbit ang remote.

"Good afternoon Philippines! For today's weather upate.. A new typhoon has now entered the Philippine Area of Responsibility. The typhoon Fredo is tracked 600 kilometers south of Cebu City with a maximum sustained winds of 135 kilometers per hour and 120 kph gusts. Due to this typhoon, to all our fellowmen in Cebu and in the whole Philippines, this has been Kuya King saying, Stay indoors and keep safe everyone."

Mabilis kong napatay ang tv nung marinig ang update na yun. Hindi ko inaasahan ang biglang pagtibok ng puso ko ng sobrang bilis.

May bagyo at nasa labas ngayon ang kapatid ko na hindi ko man lang alam kung nasaan.

"Kaykay... Nasaan ka na ba kasi ngayon?"

Napahampas nalang ako ng cell phone ko sa mga palad habang pabalik-balik na naman sa paglalakad.

Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan na may kasabay pang nakakabinging tunog ng kulog at kidlat.

Naisara ko nalang ang mga bintana at ibinaba ang mga kurtina. Napaupo nalang ako ulit sa sofa habang hindi parin mapakali kaiisip sa kapatid ko.

Dalawang oras na ang lumipas ngunit wala parin siya. Patuloy parin sa pagbuhos ang malakas na ulan na ngayon ay sinasabayan na ng medyo malakas na ihip ng hangin.

Napapunta nalang din muna ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig saka ininom ito upang pakalmahin ang sarili ko. Pagkabalik ko ng sala ay umupo ulit ako saka tinext ko ulit siya at ilang beses pang tinawagan.. pero wala parin talaga.

Ting! Dong! Ting! Dong!

Mabilis akong napatayo at agad naglakad papalapit sa pintuan. Ngunit nang akmang hahawakan ko na sana ang door knob ay bumukas ito bigla kaya halos matumba pa ako sa laki ng inihakbang ko paatras para lang hindi ako mahampas ng pinto.

Tumambad sa harap ko ang basang-basang si Kaykay. Tinignan niya lang ako ngunit nagtuloy-tuloy na siya papasok.

Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at humablot ng tuwalya sa closet ko saka agad namang bumalik sa sala.

Nakita ko naman si Kyline na nakatayo sa basahan namin malapit sa pinto. Yakap-yakap niya ang sarili habang nakayuko lang.

"Oh! Lalamigin ka diyan."

Inilagay ko ang tuwalya palibot sa katawan niya. Napatingala naman siya sa akin at lungkot na lungkot ang mukha.

"Umakyat ka na at maligo. Hindi maganda ang magpaulan, sisipunin ka niyan."

Utos ko sa kaniya habang pilit na pinapakalma ang sarili.

Naupo nalang ulit ako sa sofa habang hinihintay siyang lumabas.

"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi."

Mahinahong usal ko na napatayo at nakakibit-balikat habang pinapanood siyang naglalakad papalapit ng sofa.

Nakayuko lang siya at dire-diretsong naglakad papalapit sa akin.

"Kyline.. Kinakausap kita. Tingnan mo nga ako sa mata."

Maawtoridad ko pang utos sa kaniya kaya napatingala siya sa akin.

"Alam mo bang may tao rito sa bahay na nag-aalala para sayo?"

"Oo alam ko."

Walang emosyong sagot naman niya.

"Alam mo rin bang may tao sa bahay na to ang hindi makakain dahil sa kakakontak sayo?"

"Oo alam ko rin."

"Eh yun naman pala!"

Sigaw ko na sa kaniya. Hindi ko na talaga napipigilan ang galit, inis at pag-aalala na gustong kumawala sa loob ko. Napatungo ulit siya kaya bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita ulit.

"Baka naman may balak kang magpaliwanag sa ate Menggay mo!"

Pagdidiin ko pa ngunit hindi siya natinag at nakatungo parin.

"Kaykay.. Ano ba ang nangyayari sayo? Andami-dami kong tanong sa sarili simula pa kanina nung nagmukha na akong tangang kumakausap dun sa mga unan mo dahil ang buong akala ko ay tulog ka pa. Yung.. yung hindi na ako nakakaramdam ng gutom dahil puro pag-aalala nalang ang nasa isip ko. Yung.."

Napansin ko na ang unti-unting pangingilid ng luha ko dahil sa pagpipigil ko ng galit at nagsisimula nang gumaralgal ang boses ko.

"...yung napakaraming beses kitang tinext at tinawagan pero ni isa ay wala ka man lang sinasagot para naman hindi ako mag-aalala ng sobra-sobra. Nakakapraning ka."

"Edi sana.. Hindi mo na pinag-alala ang sarili mo nang dahil sa akin!"

Madiin namang sagot niya kaya natigilan ako at napatitig ng diretso sa mga mata niya.

"Ha! Huwag nalang kita alalahanin, ganun ba ang gusto mong gawin ko? Sinong matinong kapatid naman ang hindi mag-aalala kung yung nakababatang kapatid niya ay nasa labas habang malakas ang hangin at ulan dahil may bagyo? Sige nga Kyline.. Sino?"

"Ate malaki na ako! Buhay ko to eh! Kaya ko na ang sarili ko. Kaya ko na ang pangalagaan ang katawan ko. Kaya ko na ang gumala mag-isa. Kaya ko na at sana alam mo na yun ate!"

Sigaw niya sakin kaya nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa nagawa niya.

"Kyline.. naririnig mo ba ang sarili mo? Kailan ka pa natutong sigawan ako ha?"

Mahinahong tanong ko sa kaniya.

"Eh kasi ate.. Parang sa akin mo naman sisinisisi lahat-lahat! Yung hindi mo pagkain ng breakfast at lunch. Sa akin mo sinisisi ang buong pag-aalala mo!"

Singhal ulit niya.

"Bakit? Kanino ko ba dapat yun maramdaman Kyline ha? Dadalawa nalang tayo dito sa bahay and for God's sake.. pareho tayong babae. At hindi gawain ng mga babae ang maglakwatsa ng maagang-maaga tapos umuwi ng ganitong oras na may bagyo pa."

"Eh sa gusto kong pumunta sa mall show ni Alden.. may magagawa ka ba ha, ate?"

Nagulat ako dun sa sagot niya at hindi makapaniwalang napahawak ako sa noo at nakapamewang ang kabilang kamay ko.

"My God Kyline! Sana naman nagpaalam ka man lang sa akin na aalis ka lalo na at sa ganoong kaaga nang malaman ko man lang kung saan kita pupuntahan. Paano kung napano ka dun?"

"Buhay nga akong dumating di ba? Buo nga akong nakauwi eh."

Napabuntong-hininga ulit ako dahil hindi ako makapaniwala sa mga naisasagot niya sa akin ngayon.

"Kailan ka pa naging pilosopo sa akin ha? Kahit magpaalam ka lang, okey naman na sa akin yun para hindi mo ako pinag-alala ng ganito."

"Ayan! Kung sinabi ko ba sayo na aalis ako para sa mall show ni Alden papayag ka? Ni sa panaginip ko nga umi-epal ka. Tshh!"

Singhal nanaman niya.

"You're starting to be unbelievable and unreasonable Kyline! Nangako na nga ako sayo di ba? Susuportahan kita. Kapatid kita eh."

"Ha! Really ate? Awww.. Nakaka-touch ka naman. Pero mabuti nalang sana kung ganun talaga ang mangyayari di ba? Alam ko namang hindi ganun eh..."

"Yun ang alam mo.. pero hindi yun ang naiisip ko Kaykay!"

Pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"Kung sinagot mo lang kasi yung mga text at tawag ko okey na sana eh. Pero wala talaga.."

"Hindi ko na-icharge ang phone ko kagabi dahil sa kakokontak ko sa mga kasama ko sa grupo. Hindi ko namalayan na nalolowbat na pala yun nung pag-alis ko kaya cannot be reached ako."

Ngayon ay nakayuko na siya at malumanay na ang pagsagot niya.

"Bakit hindi ka man lang nag-iwan ng sulat para malaman ko kung nasaan ka? O kaya naman ay nakitext o tawag ka man lang sa mga kasama mo?"

Mahinahon ko namang tanong sa kaniya at nagkibit-balikat.

"Nagmamadali na ako kanina dahil hinihintay na ako ng mga kasama ko sa labas at natatakot akong kung malaman mo kung nasaan ako ay pupuntahan mo ako at dun mo ako papagalitan at ipapahiya."

Napabuntong-hininga na naman ako at medyo humakbang pa papalapit sa kaniya.

"Hindi ko magagawa yun sayo Kaykay. Hinding-hindi.."

Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Sorry ate.. Sorry kung pinag-alala kita…"

Malungkot na usal niya kaya kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sa kaniya.

"So kamusta ang mall show? Nakita mo na ba si Alden sa personal? Worth it naman ba yung pag-aalala ko buong araw?"

Pang-iintriga ko pa sa kaniya.

"Hindi eh. Kaya nga ako nagi-guilty..."

Nakapout pang sabi niya na napaupo pa sa sofa kaya tinabihan ko naman siya.

"Bakit? Dahil ba hindi siya ganun ka gwapo sa personal? Expectations versus reality ba, ganurn??"

Ngunit tiningnan niya lang ako ng may lungkot sa mga mata.

"Buti nga sana kung ganun ate eh.. Hindi kasi siya nakatuloy dahil yun nga.. may bagyo kaya na-cancell yung flight niya."

"Awww.. Wag ka nang malungkot little sister. Okey lang yan. Karma mo 'yan siguro."

Sabi ko nalang pero nakapout pa rin siyang nakatingin sa akin.

"Sa susunod isasama mo na ako ah?"

"Oo, isasama na kita ate."

Nakangiti nang sabi niya.

"Sureness ba yan? Baka naman magsisinungaling ka ulit sa akin?"

"Hindi na nga. Eto naman napakasegurista!"

"Aba eh dapat lang! Hahaha!"

At nakitawa naman siya.

"Oh siya! Ipagluluto nalang muna kita ng noodles. Diyan ka lang habang hinihintay ako."

Tumayo na ako at naglakad papuntang kusina.

"Yung mainit na mainit ang sabaw ah!?"

"Oo nga! Kulet neto!"

Sabi ko pa kahit nakatalikod na sa kaniya.

Hindi naman ako nagtagal sa kusina dahil mabilis lang naluto ang noodles.

"Oh.. Tom and Jerry na naman?"

Reklamo ko habang inilalapag sa center table ang dalang tray.

"Huwag ka na kasing umangal diyan ate. Alam mo namang favorite ko si Jerry di ba? Tsaka, balato mo nalang to sakin kasi hindi ko nameet ng personal si Alden, remember?"

Nakapout na namang aniya.

"Sige na, sige na! Heto na ang noodles mo. Mapaso ka sana diyan."

Pabulong kong bigkas sa huling sentence nun saka naglagay na rin ng noodles sa bowl ko.

"Uy ate.. Narinig ko yung sinabi mo. Ang bad-bad mo na talaga sa akin ngayon ah?!"

Pagtatampo kunwari niya.

"Kumain kana nga lang diyan nang matapos na yang Tom and Jerry mo at makapagpahinga na tayo. Andami mong ganap ngayon eh.. Ako ang napapagod para sayo!"

Seryosong sabi ko ngunit tinawanan lang niya ako saka humigop sa sabaw na nasa bowl niya.

Sabay kaming natapos sa hinihigop namin at pinaubos ko na rin sa kaniya yung natitira pang noodles. Nung matapos kaming kumain ay nakinood nalang din ako ng Tom and Jerry...

Wala na din naman akong choice eh, di ba?

"Yeheyy! Sa wakas natapos na rin ang Tom and Jerry! Thank you Lord! Thank you!!"

Masayang usal ko nang makita ang The End sa tv.

"Eh may kasunod na episode pa naman yan ate."

Napatigil ako sa pagsasaya at inis na tumingin sa kaniya.

"Anong…?"

"Hahaha! Okey sige na. I-ooff ko na tong tv nang makatulog na tayo. Ang init ng ulo mo eh. Ang dali mong mairita ngayon ate. Haha!"

Tatawa-tawa pang sabi niya habang minamanipula ang remote na hawak niya.

"Hmp! Bahala ka sa buhay mo."

Napangiwi pa ako at medyo tumagilid patalikod sa kaniya.

"Ate Menggay, meron ka? Ang arte mo kasi eh. Binibiro lang kita. Eto naman oh.."

Rinig ko namang sabi niya.

"Ewan ko sayo. Hindi nakakatawa ang biro mo."

Sabi ko sabay tayo. Nakailang habang pa ako nung naramdaman ko ang biglang pagyakap niya sa akin mula sa likuran.

"Napakamatampuhin naman nitong ate ko. Mmmmm!"

Sabi niya sabay higpit ng yakap niya sa bewang ko. Inalis ko ang kamay niya at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Padabog kong isinara ang pinto at nahiga sa kama. Naipatong ko ang ulo ko sa mga kamay ko habang nakatingala sa kisame.

"Ate? Ate?!"

Tawag ni Kaykay sa akin sa labas ngunit hindi ko siya sinagot.

"Ate? Kung hindi mo ako sasagutin.. papasok na talaga ako diyan!"

Sigaw pa niya kaya napatagilid ako sa kanang side ko at pumikit na kunwari ay natutulog.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang paggalaw ng kama ko which means nakaupo na siya ngayon sa likod ko.

"Ate sorry na nga kasi.. Nagbibiro lang talaga ako.. To be honest talaga ate Menggay.."

Pero hindi ko siya kinibo at nanatiling nagkukunwaring natutulog.

"Hoo! Basta... Alam kong andami ko nang kasalanan sayo sa araw na to, sorry talaga ate. Wag kang mag-alala, babawi ako.. Pramis ko yan."

Naramdaman ko ang paglalakad niya papuntang kwarto.

May narinig pa akong pagbuha niya ng hangin sign na bumuntong-hininga siya.

"Good night ate Menggay."

Yun lang ang huling narinig ko at tuluyan na niyang isinara ang pinto.

Napahiga naman ako ulit ng maayos at napabuntong-hininga.

Nagagalit-galitan ka na naman Menggay kaya panindigan mo na.

Pagpapakalma ko naman sa sarili ko.

Chương tiếp theo