TUMAYO na si Samantha at lumapit sa mag-ama. She knew Simon still hold a grudge against the Santillian's, and it will never be easy to ease the pain on both sides.
"Simon, uuwi na kami ni Nate, marami pa akong gagawin,"
Simon turned to his wife and gently said, "Are you mad at me?"
"Should I be happy upon hearing your sentiments? Simon, lumalaki ang anak natin at nakikita niyang nandito ka, gugustuhin mo bang tumanda rito? Paano ka bibigyan ng maagang pardon kung ikaw mismo ayaw magbago. Utang na loob magpatawad kana kahit alang-alang nalang kay Nate. Kailangan ka namin dahil napapagod na rin akong mag-isang magpalaki sa kanya. I don't want too see you grow old inside the jail," tears stream down from her eyes.
Using his other hand Simon pulled her closer to them, "Honey, I know it is hard for you to come here every week. I myself wanted to be free, but the wound inside my heart couldn't be easily altered,"
"Mahal mo ba kami ng anak mo? Dahil kung mahal mo kami makikinig ka sa sasabihin ko. I want you to let go all the pain and accept your mistakes. Hindi kana bumabata, at katulad ng sinabi ko, walang kasalanan kung tutuusin ang pamilya ng mga Santillian sa pamilya mo. Binulag ka lang sa mga pakiusap ng nanay mo. Simon, damhin mo sa puso mo yung totoong nararamdaman mo at tanungin mo ang sarili mo kung masaya ka ba na mag-isa ka rito sa kulungan. Masaya ka ba na kung anuman ang sinapit mo, siyang sasapitin ng kapatid mo. Your brother is a good man and he still have long journey to settle his own family,"
"Mommy why are you crying?" biglang singit ni Nate at umangat ang munting kamay nito para punasan ang masaganang luha na naglandas sa pisngi niya.
"Honey, Mommy was just too emotional. I only tell your Dad what he should do to be with us," tugon ni Samantha.
Nagpalipat-lipat ang tingin Nate sa magulang niya. Ilang saglit na katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo saka nagsalita si Simon.
"Let's not spoil the day. Tumigil kana sa kakaiyak, nakakahiya naman sa anak natin. Bakit ba masyado kang emosyonal ngayon, daig mo pa inaway ah. Tahan na at huminto kana sa kakasermon sa akin, sisikapin kong magpatawad pero sa totoo lang ang hirap at saka hindi napapagawi rito si Reymond, wala akong alam sa kung anuman ang plano niya. Rest assured I will not do bad things against the Santillian's and look, I can't even have any gadget nor communication means to the outside world,"
Tuloy pa rin ang hikbi niya habang nakatingin dito. Namumula na rin ang mga mata ni Nate habang nakatingin sa ina.
"Honey, ano ba tumigil kana sa pag-iyak. Hindi naman kita inaaway dyan, ikaw nga itong nang-aaway sa akin, minsanan na nga lang kayong dumalaw sa akin, ganito pa tayo,"
"Daddy, why are you bullying Mommy?" Nate's voice rang.
"I'm not bullying your Mom; she's ugh...so emotional little prince. Honey, tigil na kasi, akala tuloy ni Nate binu-bully kita,"
Simon kisses her cheek and gently touch the trace of her lips. "Stop crying, please, this wasn't looking good. Nakakahiya naman sa anak natin, promise I will try to forgive for the sake of Nate and you. Sige na, umuwi na kayo ni Nate para makapagpahinga ka, alam kong pagod ka lagi dahil pumapasok ka sa opisina,"
She nodded and kissed Simon back. "Dadalaw nalang kami ulit next week. And please be true to your promise, we badly need you at home,"
"Okay, I will. I love you! Nate, take care of your Mom, okay? Dad will come home once I'm free. Be a good boy, okay?"
"Umm...I love you, Dad!"
"I love you too, son! Sige na umuwi na kayo,"
Kinuha na ni Samantha si Nate mula kay Simon. Sabay na silang lumabas sa kwarto at naghiwalay ng landas pagkatapos. Samantha drives her car heading to Ivana's house.
"Kuya Brendon!" Nate yelled after he jumped out of the car.
"Eh, Nate is here!" bulalas ni Brendon nang makitang palapit sa kanila ang pinsan.
Huminto sa paglalaro si Brianna at Caroline at sabay na kumaway kay Nate.
"Nate, dahan-dahan anak, huwag ng tumakbo baka madapa ka," pahabol ni Samantha sa anak na sumugod sa mga pinsan nito na nasa garden area.
"Eh, Kuya Brendon may bago kayong magandang kaibigan?" puna nito paglapit sa mga pinsan niya.
Kiming ngumiti si Caroline at agad itong hinila ni Brianna palapit kina Brendon at Nate.
"Nate, she's my best friend. Her name is Caroline," boses ni Brianna.
"Hello, Caroline!" hinawakan ni Nate ang kamay ni Caroline.
Brendon's gaze became gloomy, looking at Nate's and Caroline's hands that touch each other. Bakas sa mukha nito ang inis sa inasal ni Caroline.
"Nate, she's not our friend. Let's go to my room!"
Hinila na nito ang kamay ng pinsan niya.
Bahagyang tumutol si Nate, "Ate Brianna said that Caroline is her best friend, so she's our friend too,"
"Hindi, sila lang dalawa, halika na! Tayo nalang dalawa maglalaro marami akong bagong laruan sa kwarto,"
"Bakit may taong bitter ngayong araw?" parinig ni Brianna sa Kuya niya.
Brendon glared his little sister, "Ako ba tinutukoy mo, Brianna?"
"Bakit ikaw ba ang tinamaan? Di mo naman narinig ang pangalan mo ah, nag-react ka lang kaya ka affected," nakangising tugon nito.
"Magsama kayong dalawang maarte. Nakaka--"
"Nakakainis, ganon ba iyun, Kuya?" pang-aasar nito lalo sa kuya niya.
Caroline pulled Brianna's hand, signaling to stop arguing with her twin.
"Humph! Caroline, why are you forcing me to stop arguing with him? Lagi nalang siyang ganyan eh," masungit na tugon ni Brianna.
"You always provoke me too? I'm your elder brother, yet you didn't respect me," angil ni Brendon.
"Kuya Brendon at Ate Brianna, bad ang nag-away!" Nate said.
"Hindi kami nag-aaway, naiinis lang ako sa kanya!" sabay na tugon ng kambal.
"Eh, bakit nagbabangayan kayong dalawa?" Nate again.
"Siya ang nauna, lagi nalang nagsusuplado, hindi naman siya inaano?" muling pangangatwiran ni Brianna.
"Halika na, Nate. Iwanan na natin silang dalawa," hinila na nito ang kamay ng pinsan.
"Naiinggit ka kasi dahil di ka pinapansin ni Caroline!" Brianna yelled.
"Imagination mo lang iyan," ganti ni Brendon ngunit di na lumingon sa kapatid.
Samantha and Ivana were busy chatting with each other when they saw Brendon dragging his cousin.
"Anak, huwag mo naman hilahin ng husto ang pinsan. Hayaan mo lang siyang sumunod sayo," puna ni Ivana.
Saglit na huminto sa gitna ng sala sina Brendon at Nate. "Mommy naiinis ako kay Brianna, nang-aasar na naman,"
"Nagtatalo na naman kayong dalawa? Huwag nga kayong maglapit sa isa't-isa dahil pikon ka eh," tugon ni Ivana.
"Si Brianna nakakainis, lagi akong inaasar," nakasimangot nitong tugon.
"Ikaw ang kuya dapat pagpasensyahan mo nalang si Brianna, alam mo namang pilya iyon,"
"No, Tita Ivana, it's Kuya Brendon, who acted weird. I think he doesn't like Ate Brianna's friend," biglang singit ni Nate.
"Hahaha! What? Si Caroline na naman ang dahilan? Brendon, anak naman 'wag ka ngang ganyan mabait naman si Caroline, pwede ka namang makisali sa paglalaro nila kung maayos lang ang pakikitungo mo sa kanila," Ivana said.
"I don't like childish games!" Brendon rolled his eyes.
"Eh, simple lang huwag kanang lumapit sa kanila,"
"Hump! Tara na nga Nate may ipapakita ako sayong bagong game apps na gawa ko,"
Hinila na nito ang kamay ng pinsan niya paakyat sa kwarto niya. Naiiling na sinundan ng tingin ni Ivana ang panganay niya.
"Manang-mana siya kay Brielle. Asar-talo at suplado!" Samantha said.
"Exactly! Matigas ang ulo, gusto niya lagi siyang tama!"
"At maldita naman si Brianna, nagmana sa Mommy ni Brielle!"
"Agree! Haist, kids nowadays, ang hirap sakyan ang mga tantrums nila,"
"Hayaan mo na iyon, magbabago rin ang kambal paglaki nila. Nga pala galing kami doon sa bahay ni Reymond, wala talagang tao. Malinis naman ang bahay pero ni anino at gamit ng bayaw ko walang naiwan," Samantha inform her.
"Ganon ba? Hayaan mo nalang tahimik na rin naman ang buhay namin mula noong lumipat kami dito sa bagong bahay. Baka nga napaparanoid lang kaming mag-asawa kaya kung anu-ano na naisip namin," aniya.
"Oo nga eh, pero alam mo si Brielle hindi kumbinsido na walang kinalaman ang kapatid ni Simon dahil last week pinuntahan niya ako sa opisina ko at tinanong nga ako tungkol kay Reymond,"
"Ignore him. I will be the one to talk to Brielle to stop his investigation since the person who secretly followed us was gone I think it's about time to live in peace,"
"Tama, saka kanina dumalaw kami kay Simon, kinausap ko na siya na maglet-go na rin sa kung anumang galit na kimkim niya sa puso niya dahil wala ring maidudulot na mabuti para sa amin. Pinagdadasal ko na sana makalaya na si Simon, alang-alang nalang kay Nate. Lumalaki kasi ang anak namin na namulatan niyang tuwing weekend dumadalaw kami sa kulungan," bakas sa boses ni Samantha ang lungkot.
Hinawakan ni Ivana ang kamay niya at bahagyang pinisil. "Hayaan mo darating din ang time makakalaya si Simon. Huwag ka lang mawalan ng pag-asa. Sa totoo lang handa namang magpatawad si Brielle. Matagal na dahil pinagsilbihan na naman ni Simon sa kulungan ang hatol sa kanya. Saka tulad ng sinabi mo lumilipas ang maraming taon na nasasayang ang buhay niya doon sa kulungan,"
"Thank you, Ivana!" She cried and hugged her.
"Hey, huwag kanang umiyak, pasaan ba't makakalaya rin si Simon at makakasama niyo rin siya sa mga susunod na mga araw!"
She gives Ivana a pleasant smile. "Pwede bang dito na kami mag-dinner ni Nate. Ang lungkot kasi sa bahay eh,"
"Sure! Saka may ibibigay ako sayong invitation letter galing kay Denise. Next week will be her engagement party. Dapat nandoon tayong lahat!"
"Wow! I am happy to hear that your sister-in-law will be getting married,"