DENISE stared at her appearance in front of the mirror, by looking at her reflection, she was satisfied with the result. Bukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok ang Mommy niya.
"Princess, you look beautiful today," Shantal praised her daughter.
"Of course, Mom. I got Dad's beautiful face," She winked at her mother.
Shantal pouted her lips, "I disagree, you inherited my beauty,"
"Hahaha! Biro lang, tampo agad eh," niyakap niya ang ina upang tanggalin ang tampo nito.
"Naalala ko noon ang engagement party namin ng Daddy mo, iyon ang pinaka masayang araw ko," anito.
She rolled her eyes and said, "Nope, I knew you hated Dad at that time. Kinuwento na ni Dad kung paano mo siya inaway-away noon. Ayaw mo nga sa kanya noon eh,"
"Defense mechanism ko lang 'yun kasi galit pa ako sa kanya noong mga panahon na 'yun. But actually, I began to notice that Brent was in love with me during those times. Mahiyain lang sadya ang Daddy ninyo. Ilang beses ko ring nahuhuli siya noon na panakaw akong tinitingnan sa tuwing hinahatid kami sa school," Shantal giggled.
"Ay iba din. Kaya pala habol ng habol si Daddy sayo noon kasi nagpapahabol ka rin talaga," nakangiting tugon.
"Of course, I knew he loved me. He confessed several times, yet I was so selfish and arrogant at that time to accept his love. Well, fate played with us, and there it comes we've had you and Brielle. Kaya ngayon, natutuwa ako na ikaw naman ang mag-aasawa pero syempre may halong lungkot pa rin dahil kami nalang ulit ng Daddy mo ang magkasama ulit," anito.
"Aiya, nagdrama na naman si Mommy, huwag kang mag-alala bibigyan ka namin ng maraming apo," aniya.
"Humm, sounds good. Tiyak kong matutuwa ang Daddy mo kapag magkakaroon na kayo ng anak ni Carl,"
"Yeah. Speaking of Carl, where is he?" She asked.
"Nauna na sila doon sa venue kasama ang family niya. Tumawag kasi si Harold kanina at sinabi nga marami ng bisita na nandoon. At dahil inayusan ka pa kanina, nauna na silang umalis at di na dumaan dito. Nandyan naman ang Daddy mo na siyang magdadala sa atin doon sa venue, kausap lang niya sa skype si Ryan. Alam mo naman ang Dad mo laging busy sa trabaho at sobrang sipag," nakangiting tugon nito.
"Don't worry, Mom, I promise to focus my responsibility after my engagement party seriously. Carl had promised to help me to carry out all my tasks,"
"You're so lucky having Carl as your fiance. He has a lot of courage to understand your tantrums,"
She pursed her lips and said, "I know it, that's the reason too why I love him,"
"Since you've already dressed up, let's go downstairs. Doon na natin hihintayin sa living room ang Daddy mo,"
"Tara!" She held her Mom's hand, and they went down.
Ilang saglit lang bumaba na rin si Brent mula sa study room. He praised his daughter when he saw her. They left home immediately and went straight to the venue. Nang dumating sila puno na ng bisita ang buong venue at naroon na ang magulang ni Carl na siyang nakisalamuha muna sa mga bisita nila. Nakisali na rin sina Brent at Shantal at iniwan siya nito sa mismong table na nakalaan sa kanila.
When Carl saw her, he quickly strode over. Nakangiti itong lumapit sa kanya at puno ng paghanga ang mga mata nito.
"Honey, you look so gorgeous today,"
She gave him a pleasant smile and hugged him, "Muah! I know you love me, that's the reason behind all your praises," She whispered near his ear.
"Oh, my future wife seems so flattered with my sweet words. Lahat ng sinabi ko ay pawang galing sa puso ko," He held her hand and guided her to sit down again.
"Save all your praises hon. We just started our marriage journey. Bakit wala pa ang pamilya ng Kuya ko?" aniya habang nilibot ng tingin ang magarang bulwagan.
"Ah, tumawag kanina si Brielle, malalate daw sila ng dating dahil may online meeting pa si Ivana. Alam mo naman na seryoso lagi ang best friend mo sa pag-aasikaso ng HOUSE OF FONTANER kahit nandito siya sa Beijing," anito.
"Oh, I see. It's okay, seven o'clock pa naman ang umpisa ng party, pasado alas-singko pa lang naman," aniya.
***
Samantha hurriedly fixed herself. Kanina pa naghihintay sa kanya ang anak. Bihis na ito at nasa living room na. They are invited to Denise's engagement party. Dumaan pa siya ng bahay para magpalit ng damit at pick-up-in si Nate. She glanced herself in the mirror before heading downstairs.
"Mommy ang bagal mo. Kanina pa ako naghihintay sayo," angil ng anak niya.
"I'm sorry anak, naghanap pa kasi ako ng matinong damit para sa event,"
"Bakit kasi late ka umuwi today? Nagmamadali tuloy tayo. Kausap ko nga si Kuya Brendon kanina sa messenger, tumawag siya. Papunta na rin sila doon sa party," anito.
"Ganon ba, sige halika na!" She held Nate's hand, and they stormed out.
Sa bilis ng takbo ng kotse niya, halos kalahating oras lamang ang biyahe nila at marating ang venue ng engagement party ni Denise at Carl. She parked her car properly.
"Mommy, sila Uncle Brielle yun oh," turo ni Nate sa kaliwang bahagi ng makitang kadarating lang din ng pamilya ni Brielle.
Di na hinintay ni Nate ang sagot niya, agad itong bumaba ng kotse. Napapailing na sumunod na lamang siya rito.
"Kuya Brendon, Ate Brianna!" tawag nito sa mga pinsan.
Napalingon ang kambal at saglit na huminto sa paglalakad. Maging si Brielle at Ivana at napalingon rin sa gawi nilang mag-ina. Brielle had Kyree in his arms, and he nodded when he saw them approaching their direction.
"Halos magkapanabay lang ang dating natin," bulalas ni Ivana.
"Nate! Tara sabay ka sa akin," Brendon dragged his cousin.
"Naku, nag-uumpisa na naman siya," parinig ni Brianna.
Brendon ignored his twin. Hinila na niya si Nate papasok sa loob ng venue. Naiiling na lamang ang mag-asawa ng makita ang reaksyon ng kambal.
"Dad, Mom, tingnan niyo iyan si Kuya Brendon, parang sira, hinila agad si Nate," reklamo nito habang nakahalukipkip.
"Princess, huwag mo ng pansinin ang kuya mo, alam mo naman iyon," tugon ni Brielle.
"Nakakainis na Dad," muling reklamo nito.
"Sumunod ka nalang sa kanila anak. I'm sure nandoon na si Caroline sa loob, tiyak hinahanap kana nun," Ivana said.
Nakasimangot na tumalima si Brianna sa ina.
"Hi, Brielle and Ivana!" bati ni Samantha sa kanila ng makalapit na ito.
"Hi, cousin! Buti dumating kayo ni Nate.
"Oo nga. Akala ko nga late na kami," She said.
"Tara na, pasok na tayo sa loob," aya ni Brielle sa kanila.
"Let's go!"
They settled at the table exclusively assigned for them. Agad na nagpaalam si Brielle sa kanilang dalawa at ibinigay nito kay Ivana si Kyree. Nang mapansin sila ni Denise lumapit ito sa table nila.
"Ladies, I'm glad you're here!" Denise exclaimed.
"Oo naman, kami pa ba! Muah!" mabilis na tumayo si Ivana at humalik sa pisngi ng hipag niya.
Maging si Samantha at ganon din ang ginawa, "You look so gorgeous!"
"Oh, thank you, Samantha! It's been a long time since we haven't seen each other. How are you?" Denise asked.
"I'm doing great! Busy lang din nitong mga nagdaan. Maraming trabaho sa HUO GROUP," aniya.
"That's awesome. You've changed a lot!" Denise replied.
"Oo nga eh, kailangan dahil binigyan ako ng pagkakataon nina Brielle at Ivana na itama ang mga pagkakamali ko," She shyly said.
"Naku, kalimutan na natin ang mga nakaraan," sansala ni Ivana.
"Yeah, I agree with Ivana. Nakaraan na iyon saka bumait kana naman," biro nito.
"Hahaha, tama! Nga pala nasaan na ang nobyo mo?" pag-iiba niya ng usapan.
"Andon nakisalamuha sa mga bisita namin,"
Tumayo si Nate mula sa upuan. Lumapit ito sa kanila.
"Mommy, naiihi po ako," anito.
"Oh, tara samahan na kita sa CR," Samantha quickly stood.
"Huwag na po, ako nalang. Kausap mo pa sila Auntie Ivana at Tita Denise,"
"Are you sure? Baka maligaw ka," nag-aalalang tugon niya.
"Hindi po. Kaya ko na,"
Tumalikod na ito matapos magpaalam sa ina. Mabilis nitong tinungo ang CR na itinuro ng hotel staff sa kanya. Lumapit ito sa urinal cubicle at mabilis na umihi. When he turned around, he saw the man who went out from one of the cubicles too.
Kapwa sila nagulat ng mapagsino ang isa't-isa. Naunang nakabawi si Nate.
"Uncle Reymond, you're here too?"
"Na--Nate, why are you here?" mabilis na tanong ni Reymond.
"Mom and I were invited to Tita Denise's engagement party," anito habang nakatingin sa suot niya. "Uncle, did you work here?"
"I---I-- I just have an important meeting here," pagsisinungaling niya.
Hindi kumbinsido si Nate sa sagot niya dahil napansin nitong nakasuot siya ng uniform ng hotel staff.
"But why are you wearing a hotel staff attire?"
"Did I? Di ko kasi napansin ang kapareho pala ng uniform ng staff nila dito ang damit ko," muling tanong niya.
"Yes, it's the same suit designed! Hinahanap ka po ni Mommy. Bigla ka kasing nawala at walang paalam sa amin," anito.
"Ganon ba, sige lang dadalaw din ako sa inyo isang araw,"
"Tara, sumama ka nalang sa akin Uncle, nandon sa loob si Mommy kausap sina Tita Ivana," aniya.
Reymond walks towards Nate, and he squatted down when he came closer to his nephew.
"Nate, promise Uncle you will not tell your Mom that you saw me," He asked.
"Bakit po? Hinahanap ka nga ni Mommy eh," nagtatakang tanong nito.
"Basta, huwag mo nalang sabihin sa kanya na nakita mo ako, okay?"