webnovel

Chapter 3

Chapter 3

"Oh my, it's Chaos' turn,guys!"umirit si Basha dahil ngumisi na agad si Chaos nang tumapat sakanya ang baso.

"Truth or dare?"tanong ni Chaos kay Lauren na kinakabahan na.

Kinakabahan din ako sa totoo lang.Chaos is Chaos.His name say it all.

Buti nalang talaga at hindi sa akin tumapat ang bote!Nakakatakot kaya si Chaos!

"Easy on her,bro.She's still a girl."ngumisi din si Ethan.Narinig ko naman ang mahinang mura ni Cliff na nasa aking tabi.

"Uhh...truth?"kinakabahang sagot ni Lauren.Mas lumaki ang ngisi ni Chaos saka nilagay ang labi ng bote sakanyang baba at cool na cool na tinutok ito kay Lauren.

"You have a secret bad blood with November,right?"lahat kami ay hindi nakaimik at natigil dahil sa tanong ni Chaos.

Tumawa ito ng malakas.

"Oh,c'mon! Don't get this shit slip,guys!We all know na kaya hindi tayo makabalik balik sa dati ay dahil sa kinikimkim na galit ni Lau kay Nov!"he exclaimed then laugh again like a crazy man.

Umiling ako at pinagmasdan si Chaos.

Kagaya ng pangalan nya,magulo din ang pagkatao nyan.Sa lahat ay iyan ang pinakatahimik at misteryoso.Tulad ngayon,akala mo ay walang pake sa amin pero alam pala nya ang nangyayare sa aming samahan.

He's gwapo and everything.With his grey-white hair in a messy,nad his face to die for.Wala lang nagtatangkang lumapit bukod sa amin dahil takot sakanya ang mga ito.His family's known for their weapon business and assassin.

Lahat ng mga kasama ko ay galing sa kakaibang uri ng business ang pamilya.Bukod lang yata sa akin na ang business ng pamilya ay publishing.Kaya siguro minahal ko na rin ang pagsusulat.

Gusto ko sanang mag Mass communication,ang kaso ay gusto ni mommy na mag Med tech ako kaya iyon ang kinuha kong kurso.Masaya na rin naman dahil sa loob ng dalawang taon ko sa kolehiyo ay marami akong natutuklasan saka nagagawa ko parin namang magsulat kahit hindi ang gusto kong kurso ang pinapasukan ko.

"So,ano nga?"nabalik ako sa kasalukuyan nang muling magsalita si Chaos.

Si Lauren naman ay sinulyapan ako bago si Cliff na nakaakbay sa akin.

"I do."

"And why?Because you like Cliff?"matalim na tanong uli ni Chaos sa parang nagpapalpitate na si Lauren.

"You can only ask me one question—"

"But you can answer that without considering the game.You can consider our friendship."putol uli ni Chaos.

"Chaos,can we stop it?"pigil ko na dito.

"I do like Cliff.I hate the fact that Cliff is so into her!"galit na sigaw na ni Lauren.

I sighed saka inalis ang akbay sa akin ni Cliff.

" I saw you two last Saturday at the grocery.You two are sweet.So what's the point of all these? Can't you be contented that he's all yours because I honestly don't have a plan on him."pagsali ko na talaga sa usapan para matapos na itong feud sa amin.

I'm just so sick of this!

Ano?Buong school year nalang ba kaming magpapakiramdaman at plastikan?!

"Look, Lauren.If that's the reason why you're mad at me then stop it.I want you as my friend and I'm clearing everything right now that I and Cliff are friends only."tumayo ako mula sa pagkakabilog namin sa salas ng kanilang dorm.

"You,guys,know that I'm treating you as my family.Sana kayo rin."huli kong sabi saka sila iniwan doon na mga gulat sa nangyayare.

I just don't get them.As in ayos lang sakanila na masira ang friendship namin dahil sa pagiging makasarili nila?!

"They're not your friends if their mindset's like that."

"Pero gusto ko silang lahat kaibigan!"

"Eh sila ba?"

"Hindi ko alam—"nabitin ang sasabihin ko nang marealize ko na si Titus nanaman pala itong kausap ko!

Nakasandal sya sa isang poste sa labas ng dorm nila Cliff at tatango tango pa.

"K-kanina ka pa dyan?"gulat kong tanong.Ngumuso sya saka tumango at naglakad palapit sa akin.

"I told you, I'm hungry."bumuntong hininga sya saka tumayo sa harapan ko at namewang."Don't you have mercy on me? Please have."paawa effect nyang sabi kaya inirapan ko sya at iniwan doon.

Sumunod naman sya sa akin at magkasabay naming nilakad ang palabas ng campus na madilim na.

"Don't you have a car or something?"tanong ko sakanya nang makarating kami sa abangan ng bus.

He shook his head.

"I can go to the places I want without riding those weird things, though."inosenteng sabi nya kaya napailing na rin ako sa sarili ko."Saka,diba dapat ikaw ang may ganoon dahil apat ang sasakyan mo sa inyong bahay?"he added.

Para nanaman akong nakakita ng multo dahil sa mga sinasabi nya at unti unting lumayo sakanya.Nangunot naman ang kanyang noo sa naging reaksyon ko.

"Stalker ka no?!Pati ba naman kotse namin bilang mo?!"bintang ko sakanya kaya kulang nalang ay lumabas ang mata nya dahil sa pag irap sa akin.

"I don't know that word,but again, I'm no stalker but pure angel."ngumiti sya na para bang napakabait nya at sinuklian ko naman iyon ng tingin na may pandidiri.

"But you were from hades?Nice try,crazy old hag!"

"Ilang beses ko ba papaulit ulitin na I failed my mission that's why I was sent there?! Can't you just feed me now?!"

"Pag napatunayan mo muna na totoo yang mga sinasabi mo!"namewang ako saka sya inirapan.

"Okay,fine."mabilis nyang sabi at bigla ko nalang naramdaman ang paghihirap ko sa paghinga na para bang may sumasakal sa akin."Just tell me when you're dying."

Gulat na gulat ako sa mga nangyayare at halos mapabilis na ang aking kamatayan dahil sa aking pagpapanic.

Nang makita nyang hindi ko na kaya at nakawahak na ako sa aking leeg na tinititigan nya ay dahan dahan iyong lumuwag at nakahinga na uli ako ng maluwag.

Natumba ako sa kalsada at sunod sunod ang pag ubo at paghababol ng hininga.

"I told you,tell me!"sabi nya saka ako tinulungan tumayo.

Masamang tingin ang pinukol ko sakanya habang hawak nya ako sa bewang at braso.

Nang makabawi ng hangin at sinuntok ko sya sakanyang sikmura.

"Damn you!Papatayin mo ba ako ha?At talagang sa akin mo pa tinesting ang pesteng power mo na iyan!"sigaw ko sakanya at napaatras naman sya dahil sa bigla kong bawi sakanya.

"Ikaw nagsabi na i-try ko diba?"nailag nyang sabi kaya tumigil na din ako at binalik ang aking composure."So,you let me eat now?"bigla nanaman syang ngumiti na nagpakalma sa akin.

"So, who's your wife again?"humalukipkip ako sakanyang harap habang kagaya nung una,nakain nanaman sya gamit ang pera ko.

"Florence."tangi nyang sagot saka uminom ng juice."And by the way,I need a device like that too."inginuso nya ang cellphone ko na nasa lamesa habang nagpupunas sya ng kanyang kamay sa tissue.

"And why?Does Florence have a phone?"humagikgik ako dahil tingin ko ay nababaliw na din ako katulad ng isang to.

Until now, hindi ko parin alam kung maniniwala ako.But, there is a possibility na totoo ang sinasabi nya based sa ginawa nya sa aking pagpatay kanina diba?

"Uh-huh.She's in this world for twenty years already,so probably yes."at ngumisi nanaman sya sa akin na para bang ang bobo ko nanaman.

"And how about you?"taas kilay kong tanong.Tinitigan nya ako at para bang pilit nyang pinapakinggan ang isipan ko kung iniisip ko bang baliw sya.

"I've been here since last week."dinilaan nanaman nya ang pang ibaba nyang labi saka nagkibit balikat.

"Ha?Eh bakit sabi ng iba ay mula first day ay nandito kana?"

"November,I am the god of storm.I have a power.I can manage people's memories.I can even freeze yours."tumitig sya saka akin at mataman naman akong napatitig sa napakaganda nyang mata.Para bang hinihigop ako nito.

Nang sumagi sa isip ko ang nagawa nya sa akin ay agad akong bumitaw ng titig sakanya saka umiling.

"Ilang taon kana?"tanong ko nalang.

Ngumiti sya saka itinaas ang isang sleeve ng kanyang jacket at  pinakita ang wrist nya na parang may naka tattoo na mga numbers.

Kunot noo ko syang tinignan.

"You're two thousand years old."naiusal ko nalang.

Tinakpan nya saglit ang kanyang wrist at sa isang iglap ay nawala doon ang tattoo.He smiled.

"Do you believe me now?"tanong nya.Inalis ko ang aking tingin sakanya saka tumingin sa ulap na nagdidilim nanaman.

"Is it because you're here that's why the clouds are dark?"I asked out of nowhere.

"Because you're near me."sagot nya kaya dahan dahan ko syang nilingon.Mataman nyang syang nakatitig sa akin.

"Why though?"

Nagkibit balikat sya saka tumingin din sa labas.

"It's what I've noticed.Sa ilang beses na lumalapit ako sayo ay dumidilim ang kalangitan."humalukipkip pa sya.Dahan-dahan akong tumango habang pinapanood ko ang bawat galaw nya.Walang bahid ng kasinungalingan.

"May I ask why you need my help with your wife?"mahina kong tanong.He sighed and put his attention on me.

"Because I need someone to talk to her.I can't be near her."umiling sya.

Para namang nalungkot ako doon.Asawa nya pero bawal syang lumapit.

"What do you need to do,then?"

"I need you.Ikaw ang maaari kong palapitin sakanya.I don't know what's with you and you're seeing my powers."paliwanag nya.Nangunot ang noo ko at mas naguluhan ako."And the thing that made me curious more is that,we can talk through minds."bigla syang sumeryoso at hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa mga pinagsasabi nya.

"A-anong ibig mong sabihin?"napalunok ako habang sya ay titig na titig sa aking mata na para bang may hinahanap sya doon.

"I...I don't know yet."bigla syang umiwas ng tingin at tumayo."I need a phone, November."bigla nyang kinuha ang cellphone ko kaya mabilis kong binawi sakanya iyon.Nabalik ako sa aking ulirat.

"Earn money to have phone and something to eat!You can't just rely on me!"kinakabahan kong sabi dahil parang nakakatakot na sya ngayon dahil sa ginawa nya sa akin kanina.

"If you help me."he smirks.

"At anong kapalit?"taas kilay kong tanong.

He then licked his lower lip again and leave it half opened.

"You want to talk to your father, right?I can help you with it in return."he shrugged at para naman akong na tempt sakanyang offer.Hindi na nagtaka kung paano nya nalaman iyon.

"What do I have to do?"kain pride kong tanong kaya humalakhak sya.

"Florence is at your school too.Let's meet tomorrow.And...find me a job."sagot nya bago ako iniwan sa loob ng kainan.Saglit syang luminga sa paligid bago nagpatuloy sa paglakad at unti unti na syang naging parang itim na usok bago tuluyang nawala.

Nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago ko binayaran ang pagkain saka ako lumabas.Kapansin-pansin din na umaliwalas na ang paligid.Gabi na pero alam mo naman kung kelan tingin mo ay uulan diba?

Nang gabing iyon ay nadatnan ko si mommy sa sala at abala ito sa laptop habang bukas ang tv.Paniguradong nagsusulat nanaman sya ng article.

Naupo akonsa couch na katabi ng inuupuan nya at nanood ng tv habang kumukuha ng tyempo na makapagtanong.

Ilang minuto na ang lumilipas ay wala parin akong makuhang lakas.I heard her sighs as she removed her eye glasses.

"You have in mind,babe.Ask me now."puna nito sa akin saka bumalik sa ginagawa.

I cleared my throat bago ako umayos ng upo.

"Mom...totoo po ba yung god of storm?Like...yeah."umpisa ko na ikinatigil nya.Tinitigan nya ako saglit bago tumango.

"Base sa kwento ay oo daw."she shrugged.

"But,how does it work?"naiilang kong tanong.Tinitigan na talaga ako ni mommy kaya mas nailang ako."Nacurious lang po ako kasi tungkol doon ang binabasa ko."pagpapalusot ko.She nodded.

"Well, I've read some articles about them and based on it, storm god is a diety in mythology associated with weather phenomena such as thunder, lightning, rain, wind, storms, tornados, and hurricanes."paliwanag nya na agad kong tinanguhan at inabsorb."Well,anak,ang sabi doon,god of storm ang tawag dito pag single weather lang ang kaya nitong manipulahin.Which is probably,the storm."

"Eh mommy,paano po pag kaya din nyang maka manipulate ng tao by just looking at them intently?If they can disappear in a blink?If they can read minds?They can freeze minds?"

"Like,they can do almost everything?"ngumiti si mommy.I nodded politely."Maybe the god you are reading right now is beyond mythology,anak."dagdag nya na ikinatigil ko.

"Mommy,hindi ko po gets."I sighed at natawa naman sya ng mahina.

"Anak,you can't be just contented on what you read.You should always seek for more."sinenyasan nya akong lumapit kaya naupo ako sa tabi nya at inakbayan nya ako."For example,the mythology thing,never settle on what's written on it whether you believe on it or not.Always look on what's behind it.Try to give justice on everything."paliwanag nya at unti unti ko naman nang nauunawaan iyon kaya tumango ako.

"So, possible din po na bukod sa greek gods and sa Bible,may iba pang uri ng gods?"paglilinaw ko na tinanguhan nya.

"Yes,anak.Be aware of your surroundings."bulong nya saka inayos ang aking buhok."Pero...huwag iyan ang pagtuunan mo ng pansin."she added."Focus on your study first before anything else."

Buong gabi akong tumunganga sa aking kisame at paulit ulit na inisip ang mga sinabi na mommy.

Ang god of storm ay isang power lang ang meron.So, possible ba na hindi lang ganon si Titus?

Kumbaga sa pagkain,ang pagiging god of storm nya ang main course at ang ibang natatago nyang kapangyarihan ay ang kanyang side dishes?

Is that it?

Titus ano ka ba talaga?!

Chương tiếp theo