webnovel

Chapter 4

Chapter 4

"Hindi ka na daw nadalaw sa bahay sabi ni mama."biglang sabi ni Cliff habang nakatayo ako sa gilid ng basketball court at pinapanood sya sa kanyang drills.

Humalukipkip ako habang seryoso syang pinapanood.

Kaming dalawa lang ang nandito sa gym at talagang sinadya ko sya dito para makahingi ng tulong tungkol sa trabaho ni Titus.

"Madaming ginagawa,Cliff."I sighed.Tumango sya saka nagpatuloy sa pag jojog."Uhh...Cliff?"tawag pansin ko sakanya kaya tumigil sya para bigyan ako ng atensyon.

"Hmm?"

"Uhh...diba may resto bar kayo sa kabilang street?"tanong ko.Kumunot ang noo nya bago dahan-dahang tumango at lumapit sa akin.

"Do you need one?"concern nyang tanong at gumaan ang pakiramdam ko dahil parang bumalik na ang dati kong matalik na kaibigan."Kung kaylangan mo ng pera ay pwede ka namang magsabi—"

"Huh?No, it's not like that."umiling ako saka bumuntong hininga."Yung isa kong kasamahan sa journ ay nangangailan ng pansamantalang mapapasukan."

Pinagmasdan pa ako ni Cliff nang mabuti bago ito dahan dahang tumango na para bang ayaw maniwala sakin kaya natatawa ko syang tinulak.

Si Cliff ay malaking tao.Ang buhok nya ay may pagka blond na medyo mahaba at kulot.Napakaputi nya.Tamang kapal ng kilay,matang nakakatakot dahil sa kulay nitong may pagka dilaw.Pointed ang ilong nya at may kanipisan ang kanyang labi.Hindi na nakakapagtaka kung bakit sikat sya dito.

"Okay,then.Itatawag ko doon."sagot nya matapos ako pakatitigan."Hindi kita masasamahan mamaya at may practice ako eh."

Mabilis ko syang tinanguhan dahil sa tuwa saka humawak sa kamay nya saglit.

"Maraming salamat talaga!"

"Maliit na bagay."ngumiti sya at tumitig uli sa akin kaya natigil ako."About doon sa galit ni Lau sayo,I am really sorry.And...we broke up kasi hindi talaga kami nag wowork."

Nangunot ang aking noo sa narinig at ako naman ang tumitig sakanya.

"I'm hoping that it's not because of me."

"H-hindi!Sadyang mali ang ginawa namin!"napakamot sya sa ulo at parang ilang na ilang na kaya tumango nalang ako.

"Ayos lang sa akin."ngumiti ako."Pero salamat talaga sa tulong mo."

Matapos namin mag usap ay pumasok na ako sa aking klase para sa umagang ito.Wala na akong klase mamayang after lunch dahil may gawain naman kami sa journ room.

Pababa na ako mula sa third floor ng pinasukan kong klase nang makasalubong ko si Titus na naka jersery uniform pa.

"I'm hungry—"

"Oo na!Bilis tara na doon sa canteen at may gagawin pa tayo sa journ room!"nagmamadali kong sabi sakanya dahil fifteen minutes nalang ay magsisimula na iyon at bago palang kami kakain!

"So,mamaya ay sa akin ka tumabi pag may pinagawa na article para ma assist kita."instruct ko sakanya habang sunod sunod ang subo ko ng pagkain.Sya naman ay mabagal na nakain habang kunot noong pinapanood ang mabilisan kong lamon.

"I wasn't informed that humans are easy to get attached, though."bulong nya sakanyang sarili pero rinig ko iyon at natigil.

"Hoy!Wala akong gusto sayo at hindi yon mangyayare ano! I'm just doing you a favor!"bwelta ko at tumango lang sya saka ngumisi at nagpatuloy sa pagkain."Bilisan mo at ang layo pa ng building na yon!"

"I can go there in a blink.Ikaw,baka ma-late ka."

"Ayos ka ah! Walang powers powers!"tumayo ako at namewang pero inirapan lang nya ako at akala mo ay boss na kumain.

"By the way,may pupuntahan tayo mamaya."ngumiti ako sakanya habang nilalakad namin ang hallway na tahimik na dahil may mga klase na uli.Ang ilan na nakakasalubong namin ay tahimik na napapatingin sa amin.

"Saan?"

"Magtatrabaho kana!"excited kong sabi saka humarap sakanya at tumigil pa talaga.Tumigil din sya at kunot noo akong tinignan.

"Saan naman?"maarteng sabi nito na tinawanan ko nalang.

"Basta!"masaya ko paring sabi saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nagtaka ako nang hindi sya gumalaw sakanya kinatatayuan kaya binalikan ko sya.

"Hoy,ano bang tinignan mo..."dahan dahan kong nilingon ang tinititigan nya at natigil ako nang makita na papalapit na sa aming gawi si Lauren at Cliff.

Hindi nila kami napapansin dahil abala ang dalawa sa hawak na libro ni Cliff.

Nagulat ako nang hawakan ako sa kamay ni Titus at parang bigla nalang nagdilim ang paningin.

Napapikit ako sa pagkabigla at sa takot.Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga dahil sa sobrang takot na nararamdaman.

Dahan dahan akong nagmulat nang maramdaman kong parang kumalma na ang paligid.

"I...we...diba nasa hallway tayo kanina?"taka kong tanong nang pagmulat ko ay nasa hagdan na kami malapit sa journ room!

Ang mukha naman nya ay parang galit na kinakabahan.

"Have you seen her?"bigla nyang tanong saka ako hinawakan sa magkabilang braso.

"H-huh?"kinakabahan kong tanong habang nakatingin sa kamay nyang nagkakaroon ng mga itim na ugat habang mahigpit na nakakapit sa akin.

"Si Florence!Yung babae kanina!"mas kinabahan ako nang mas dumidiin ang hawak nya sa aking braso at mas dumadami ang itim na ugat sa kanyang kamay.

Tinignan ko si Titus sa mukha at mukha na syang excited na masaya ngayon.

"T-Titus,yung...kamay m-mo..."naluluha ko nang sabi dahil bumabaon na talaga ang kuko nya sa aking braso at pulang pula na ito.

Sobrang sakit!Parang pinapaso!

"Huh?"

Para namang natauhan sya saka mabilis na bumitaw sa aking braso at umatras.Gulat na gulat nyang tinignan ang kanyang kamay na nababalutan na ng kulay itim bago nya tinignan ang braso ko na parang napaso ng apoy.

"A-ang...sakit!"daing ko at pakiramdam ko ay pati buong kalamnan ko ay napaka init at sinisilaban!Hindi ako makapagsalita!

Nang maalala ko ang sinabi ni Titus na pwede kaming mag usap gamit ang isip ay tinignan ko sya sa mata dahil hindi ko maibuka ang aking bibig.Sya naman ay natulala nalang at parang gulat na gulat.

Titus,nasusunog yata ang laman ko!

I shouted in my mind at doon na ako unti unting nilamon ng sakit at ramdam kong bumagsak na ako sa sahig.

"Kung bakit mo ba naman kasi hinawakan!Alam mong delikado ka pag active ang puso mo!"

"Just shut up and mend her already!We are late!"

"Pag pahingahin mo muna sya!"

"Kailangan ko na syang maiuwi at hindi pwede na iuwi ko sya ng ganyan!"

Purong liwanag lang ang nakikita ko at hindi ko maigalaw ang buong katawan ko.Kahit ang aking mata ay hindi ko maimulat pero malinaw sa akin ang usapan hanggang sa hinila na uli ako ng antok at muling nakatulog.

"Why is she still unconscious?! It's been two hours already!"

"Will you shut up,Titus?!Nakakarindi kana!"

"Pag yan ay hindi mo nagamot, Ezekiel,I swear ikaw ang susunugin ko!"

"Oh sino bang may kasalanan ha?!"

"Pwede bang tumigil na kayo?Para kayong mga babaeng talak nang talak!"

Dahil sa sigawan na naririnig ko ay muli akong nagising at ramdam ko naman na naiigalaw ko na ang aking kamay kaya sinubukan kong imulat ang aking mata.

Muli lang akong napapikit dahil sa liwanag ng ilaw na nakatapat sa aking mukha.

Oh shit.

"Malachi,your light!"rinig kong sigaw ni Titus at agad namang nawala ang liwanag.Naging dim na rin ang ilaw.

Dahan dahan akong bumangon at inilibot ang aking paningin.Nasa loob ako ng isang kwarto na sobrang lawak.

"Can I have a glass of water?"unang lumabas sa aking bibig dahil uhaw na uhaw na ako!

Naalala kong hindi nga pala ako naka inom kanina dahil sa kamamabilis at idagdag pa ang init ng katawan ko kanina na parang sinipsip lahat ng tubig sa aking katawan.

"Oy,tubig daw!"siniko ng isang lalake si Titus na natulala nanaman.Agad naman itong kumilos at para bang pumitik lang at may isang baso na ng tubig na lumabas sa palad nito.

What the?!

Natatakot man sa tatlo ay tinanggap ko parin ang tubig na galing kay Titus at mabilis itong ininom.

Ibinalik ko sakanya ang tubig saka sila binalingan.

"If you three are drug dealers, I'm sure you'll rot in jail!"malakas kong sabi at halatang nagulat sila at nagkatinginan pa.

"What are you talking about?"kunot noong lumapit sa akin si Titus at hinipo ang aking noo.Sinensyasan nya ang isa na lumapit kaya lumapit ito at nagulat pa ako nang bigla nitong hawakan din ang aking noo at ilang segundo na pumikit.

"She's fine now."sabi nito saka ngumiti sa akin at nag lahad ng kamay."I'm Ezekiel, by the way."

Kunot noo ko lang na tinignan ang kanyang kamay kaya napapahiya nitong binaba iyon.Tumawa naman ang isa saka tumango sa akin.

"I'm Malachi."pilyo itong ngumiti sa akin at agad naman itong napadaing nang para bang may sumuntok sa kanyang sikmura.

"Not her,stupid!"seryosong sabi ni Titus habang masama ang tingin dito.

"Oo na!But you don't have to hurt me!"asik ng isa saka umayos ng tayo.

Umiling lang dito si Titus saka ako binalingan.

"Ezekiel is the god of healing while that flirt is the god of air."he shrugged.Ngumisi si Malachi saka humalukipkip.

"I am stronger than him, though."mayabang na sabi nito.

"Excuse me but I am the strongest."si Ezekiel naman ay tumango tango pa sa akin.

"Oh,so that's why your power is just under mine?"sarkastiko na sabi naman ni Titus kaya walang nagawa ang mga ito kundi ang umirap.

I didn't know that gods are gays though.

"Can I go now,so you can continue your argument?"pagsali ko na, kaya natigil ang tatlo.

Bumaba ako sa malawak na kama at mabilis na sinuot ang doll shoes ko na pink na nasa sahig nila na kulay itim.Mukhang napaka tibay ng pagkakagawa doon.

"We can go to my job tomorrow, right?"

Natigil ako sa pag aayos ng aking gamit at napatampal sa aking noo.

"Oh shit!Oo nga pala!"

"This is the first time that I find it cute when a girl curses."humagikgik si Malachi kaya inirapan ko lang ito.

"Bukas!After lunch ay siguraduhin mong hindi mo na ako papatayin para makapunta na tayo doon!"umirap ako kay Titus at hindi naman sya nakasagot doon.Guilty na guilty.

Lumakad naman na ako sa napakalawak na kwarto at nang halos nalibot ko na ito at hindi ko parin makita ang pinto ay narinig ko na ang mahinang tawa ni Malachi at Ezekiel habang si Titus naman ay bumuntong hininga at lumapit sa akin.

"Kahit magdamag mo hanapin ang pinto ay hindi mo iyon makikita."

"So,wala kayong pinto?"

"Do we still need that?"muli syang bumuntong hininga.

Nagulat ako nang hawakan nya uli ako sa kamay at katulad kanina ay biglang dumilim at para bang hinihigop ako noon kaya napakapit ako sakanya nang mahigpit.

Mabilis lang iyon at nang paulat ko at paglibot ko ng aking paningin ay nasa tapat na kami ng isang malapalasyong bahay!

"That's where you live?"mangha kong tanong habang tinatanaw ang napakalaking bahay.

Parang bahay sya na katulad ng sa Beauty and the Beast!Whoah!

"Let's go."tangi nyang sabi at muli akong hinawakan sa kamay.

Ganoon uli ang nangyare at pagmulat ko ay nasa...

"Seriously,Titus,ang cheap!"umirap ako sakanya at binitawan ang kamay nya.

Takang taka naman sya sa naging reaksyon ko.

"What again?!"naguguluhan nyang tanong.

Inis na inis ako na umirap sakanya at pinagpag ang paa ko sa kalsada.

"Sa tambakan ng basura mo ako dinala!Hindi manlang doon sa mismong gate namin oh!"marahas kong tinuro sakanya ang aming gate na tatlong hakbang nalang ang layo.

Tinignan nya ang gate bago tinignan ang tambakan ng basura na kaninang pinagdalahan nya sa akin kanina.Sunod nyang tinignan ay ang paa kong mamasa masa pa dahil sa katas ng kung anong basura!

"Ang arte mo naman!"he exclaimed.

Inis ko syang pinalonsa balikat bago ako nagmartsa palapit sa aming gate.Muli ko syang hinarap.

"Bukas sa canteen tayo magkita!"sigaw ko at tuluyan na akong pumasok sa aming bahay.

Bwiset!

Oo,Titus,bwiset ka!

"You have a visitor,anak?Bakit hindi mo pinapasok?"biglang tanong ni mommy na nasa salas pala at medyo nakasilip sa kaunting bukas na kurtina ng bintana.

"Nagmamadali daw po.Kasamahan ko iyon sa school paper."paliwanag ko at tinanguhan naman nya saka naman bumaling sa aking paa.

"What happened to your feet?"

"Nabuslot po sa kanal."I lied.

"Go to the bathroom quickly.Make sure to clean it well."utos nya at tahimik na tumango nalang ako at pumunta na sa aking kwarto.

Kinabukasan naman ay maaga akong pumasok kahit ang klase ko ay alas dies pa.Alas syete palang ay nasa libra na ako para makapag review sa long quiz namin mamaya.

Hindi kasi ako nakapag review kahapon dahil pagkauwi ko kagabi ay tulog na din agad ako dahil sa sobrang pagod at lito sa mga nangyayare sa buhay ko.

Chương tiếp theo