[Lindoln]
Hindi ko inaasahan na makikita ko si Lliane sa ganoong sitwasyon...
"Lliane?..."
Malungkot siya at tumutulo ang mga luha habang nakatingin siya sa may cellphone niya...
Ano bang nabasa niya doon sa text ni Emia at bigla na lang siyang nagkaganun?...
Kinuha ko ang cellphone sa kamay niya at tinignan ang text ni Emia at saka ko siya niyakap...
The first betrayal of a friend...
Ano bang ginagawa mo Emia?...
----------
[Emia]
Night falls...
Walking in circles...
Thoughts flying...
Umupo ako sa isang fountain place sa gitna ng daanan...
Hindi ko inaasahan na makakakita ako ng ganoon sa ganitong lugar...
Ang totoo eh hindi ko rin alam kung nasaang lugar na ba ako ngayon dahil basta na lang ako bumaba ng sinakyan kong bus kanina at naglakad lakad na hindi alintana kung anong oras na...
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko matapos kong umupo at tinignan ang text ko kanina kay Lliane...
" TO: Bestfriend Lliane
Sent: 5:15pm
Nakauwi na ako sa bahay... "
Sorry Lliane... (sad)
Dahil sa sobrang pagka emotional ko sa nangyari kanina eh nagawa kong magsinungaling kay Lliane...
Ang sama(bad) ko...
----------
[Sylvan] 6:30pm
Matapos kong makauwi sa bahay at magpalit ng damit ay nagsuot ako ng black hooded na jacket para lumabas at dumiretso sa isang malapit na convenient store para sana bumili ng mga grocery items na kailangan ko sanang bilhin ng—
"Emia?..."
Napansin ko ang isang babae na nakasuot ng school uniform ng eskwelahan na pinapasukan ko na nakaupo sa may gilid ng fountain sa gitna ng lugar...
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis... bakit kaya parang siguradong sigurado ako na si Emia ang babaeng iyon na nakayuko?...
[Emia]
Napatingin ako sa may ari ng mga paang biglang huminto sa may harapan ko habang nakayuko ako at bumungad sa akin si...
Heartbeat!...
"Kumusta? Anong ginagawa mo dito Emia?..."
"Ikaw!???..." sagot ko kay Sylvan.
"May bibilhin lang ako dun sa convenient store..." turo ni Sylvan sa isang convenient store.
"Dito ka malapit na nakatira????"
Nakakapagtaka naman?.... Meron kayang malapit na mansion dito?...
[Sylvan]
Pagabi na, ano kayang ginagawa dito ni Emia sa lugar na ito?... At mukhang hindi pa ata siya umuuwi sa kanila... Nilalamig na rin ata siya...
"Tara..."
[Emia]
Nagulat ako sa sinabi ni Sylvan na parang sinasabi sa akin na sumama ako sa kanya...
Sa totoo lang eh hindi ako komportable ngayon dahil sa nangyari kanina,... ni hindi ko nga rin alam kung ano bang iniisip ni Sylvan ngayon sa akin....
Isa pa eh hindi ko nga rin alam if nga ba tumatayo ang damdamin—?
Damdamin????... Ano nga ba itong nararamdaman ko para sa kanya?...
Hindi ko namalayan ang ginagawa ko dahil sa mga tumatakbo sa isip ko at natanto ko na lang ng maramdaman kong hawakan ni Sylvan ang wrist ko (Loud Heartbeat!)...
Kanina pa pala ako nakatitig lang sa kanya...
Oo tama! Alam ko yun pero hindi ko na napansin na ganun na pala yun katagal...
Tama! Ganun katagal pero hindi ko inaasahan ang makikita kong reaksiyon niya...
Hindi ang paghawak niya sa kamay ko...
Kundi ang napansin kong medyo pamumula ng kanyang mukha...
(Warm feeling....)
[Sylvan]
Ilang segundo na nga ba ang lumipas matapos ko siyang yayain na sumama sa akin?...
Hindi ko akalain na pupunuin ng katahimikan ang mga segundong iyon at ang tanging naririnig ko lang ay ang pagtibok ng puso ko habang magkatama ang aming mga mata at may sinasabi sa akin...
DUG!...
DUG! DUG! DUG! DUG!...
DUG! DUG! DUG!...
Hindi ko pinag aralan kung paano magbasa ng kahit na anong klase ng mga "codes"... pero meron bang paraan kung paano basahin ang pinapahayag ng puso?...
But then I finally came to reality with the realization of something and suddenly had the urge to hold her hand with a half lie reason that I thought and look away to hide my embarassment...
"Delikado para sa iyo na manatili dito, pagabi na rin..."
[Emia]
Namumula siya...
Pansin ko yun kahit pa na nauuna siyang maglakad sa akin habang hila-hila ako... at ramdam ko rin iyon kahit pa nga pilit niyang itinatago sa akin ang mukha niya...
Siguro yun ang dahilan kung bakit ako masayang nakangiti ngayon...
Happiness, Gladness, Contentment, Satisfaction, Joyousness, Joyfulness, Merry, Pleased...
This words no matter how synonymous it may seem...
Even if I think of it a million times I know I can't compare it to what I feel...
Where am I standing and what holds me?...
This question to myself before...
I finally accept my secret answer to that...
I finally now understands why I did all those mistakes... and now I can finally read those words that my heart is telling me before...
DUG!...
DUG! DUG! DUG! DUG!...
DUG! DUG! DUG!...
"Sylvan?..."
Pareho kaming tumigil ng mga sandaling iyon at ngumiti ako sa kanya ng tumingin siya sa akin...
"Hindi ba sabi mo may bibilhin ka sa convenient store,... ano kaya kung samahan na muna kitang bumili?..."
[Sylvan]
Smile...
So in the end,...I was the one who falls for her TOTALLY... how could it end up like this...
"Sige,... palagay ko maganda nga yun (smile)..."
BLOOM!...
FLOWERS... FLOWERS.... FLOWERS FALLING...
----------
Thirty minutes later
[Emia]
"Asan na tayo?..."
Tanong ko kay Sylvan matapos naming huminto sa isang simpleng bahay na may dalawang palapag...
Dito kami dumiretso matapos naming mamili sa convenient store...
"Dito ako nakatira..." sagot ni Sylvan.
? ? ? ?
Huh???... Nalilito na ako... ang akala ko ba eh...
"Ano pang ginagawa mo diyan?..." tawag ni Sylvan habang binubuksan ang gate ng bahay.
"Ah... oo..."
Teka!...
Alarm!
Panic!...
Parang may mali dito... Bakit parang natural lang sa akin na pumayag na sumama sa bahay niya!?...
Wala na akong maisip at dahan dahan na pumasok sa gate ng binuksan ni Sylvan kanina at dumiretso sa may pintuan ng bahay kung saan ay kakapasok lang ni Sylvan...
Nakakapagtaka?... Kahit saan ako tumingin eh wala akong makitang senyales na meron pang ibang nakatira sa bahay na ito bukod kay Sylvan...
"Maupo ka muna sa sofa,... magluluto lang ako sandali..."
Matapos iyong sabihin ni Sylvan ay naupo na muna ako sa may sofa sa sala pero saglit lang din ako naupo doon dahil naboring na ako kaagad.
Wala naman kasi ako magawa kaya naman naisipan kong silipin muna ang ginagawa ni Sylvan sa mag kusina...
Teka lang!?... Alam kong kanina eh nag aalangan ako pag naiisip ko kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya pero ewan ko ba?... Sa tuwing may issue ako sa kanya eh bigla na lang iyong nawawala kapag ka kaharap ko na siya...
Hindi ko na talaga alam... mukha atang nakalimutan ko na ang nangyari kanina sa library... parang na te-tempt ako na pagmasdan pa lalo ang mukha niya habang palihim akong nandito ngayon sa may pintuan ng kusina—
"May kailangan ka ba?..."
Tanong ni Sylvan matapos niyang humarap sa kinaroroonan ko at makita ako...
"Ah... eh... wala naman... medyo na bo-bord lang kasi ako..." sagot ko.
"Sigh... kung gusto mo, umupo ka na lang muna diyan..."
Umupo ako sa may upuan sa may kusina at habang pinapanood ko siyang magluto...
Gusto ko sana siyang tanungin kaya lang bigla siyang nagsalita bago pa man ako makapagtanong...
"Ilang taon na rin ako ditong nakatira ng mag isa..."
Mag isa?...Kung ganun kaming dalawa nga lang talaga ang nadito!?...