webnovel

Chapter 27

[Sylvan]

Masyado na silang nagtatagala sa baba...

Tumayo ako sa kinauupuan ko at dumiretso sa may pintuan,... wala pang dalawang minuto nun simula ng umalis si Elliot dito sa library pero nagpasya akong sundan na sila Lindoln sa ibabang palapag para mawala na rin ang tension sa katawan ko... kaya lang—

Open door...

Flash...

Unexpected view...

Sad scene...

Realization...

Blood rising...

Heart beating...

Tumingin sa akin si Lliane habang yakap si Emia na nakatalikod sa mula sa akin habang inakbayan naman ni Lindoln si Elliot at saka sila dahan dahan na lumayo kaya lang—

Matapos kong isara ang pintuan ay agad na napalingon sa akin si Emia na halatang nagulat at natakot ng makita ako pero nakikita ko rin ang bakas ng luha sa kanyang mga mata...

"Sylvan?..."

Sabi ni Emia na agad na tumakbo palayo bago pa ako makapagsalita pero sapat na ang pagpatak muli ng kanyang luha para mapatigil ako sa kinatatayuan ko.

"Emia!?..."

Sigaw ni Lliane pero hindi huminto si Emia at mabilis na bumaba ng hagdan...

Tumingin sa akin si Lliane pero wala naman siyang sinabi at saka sumunod kung saan dumaan si Emia...

Pero alam ko na kahit na ganun eh siguradong sinasabihan niya ako ng "duwag".

...silence...

Nakatingin lang ako kila Lindoln at Elliot at ganun din naman sila sa akin...

"O bakit!?... Hindi ko alam na nakikinig sila sa usapan..." sabi agad ni Elliot, akala niya siguro ay pinagbibintangan ko siya.

"Yung mga libro na iniwan nila dito sa labas?..." sabi ko sa kanila at nakita naman nila ang mga librong tinutukoy ko na nasa gilid ng pintuan... kaya lang agad na tumalikod si Elliot at nagpaalam...

"Tumulong lang ako dahil kay Emia yun lang..."

"O! wag kang tumingin sa akin Sylvan,... napilitan lang akong tumulong dahil kay Lliane..." sabi ni Lindoln na agad sumunod kay Elliot.

Tsk!... Akonnga itong napilitan na tumulong lang... sigh... di bale, alam ko naman ang dahilan kung bakit nila ako pinag kakaisahan...

----------

[Lliane]

Tumigil ako sa pagtakbo ng biglang mawala si Emia sa radar ko... ang bilis niya kasing tumakbo...

Hindi ko tuloy alam kung saan ko siya hahanapin...

Naglakad lakad ako sa school pero hindi ko pa rin siya mahanap...

Nasaan ka na ba Emia?...

WORRIED...

----------

[Lindoln]

Magkasabay kami ni Elliot na naglalakad at naroon na kami sa may hall ng school ng mag umpisang magsalita si Elliot...

"Okay na siguro dito... sigurado namang hindi nila tayo sinundan..."

Tuningin sa akin si Elliot kaya naman ngumiti ako sa kanya saka siya inakbayan—

Natawa na lang ako sa reaksiyon ng mukha niya ng agad siyang lumayo sa akin na akala mo eh natakot...

"Pasensya ka na Lindoln pero hindi ako pumapatol sa lalaki..."

"Sira!..."

Pinamulsa ko ang dalawa kong kamay bago kami muling naglakad.

"Ano ng gagawin mo ngayon?..."

Tanong ko at kasabay nun ay tumingin siya sa langit bago nagsalita...

"Kailangan mo pa bang alamin..."

"Hindi naman..."

Pagkasabi ko nun ay bumuntong hininga siya bago ibinaba ang ulo niya ng nakapikit...

Pagkatapos ay dumiretso ng tingin sa may kalsada at sumagot...

"Sumuko na ako matapos kong makuha ang sagot niya kanina..."

"Ayaw mo bang marin—"

"Hindi ko na kailangan pang marinig mula sa bibig niya ang—"

C E L L P H O N E R I N G I N G ! ! ! !

Naputol ang sasabihin ni Elliot ng tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko muna...

"Hello Lliane?... ...ganun ba, o sige tutulong kami,... ...hindi pa naman kami nakakalabas ng school... ...kung yan ang gusto mo eh okay lang, wag ka ng mag alala, kami ng bahala..."

Matapos kong makipag usap kay Lliane at ibaba ang cellphone ay tumingin ako ng diretso kay Elliot...

"Gusto mong subukan?..." tanong ko.

"Hindi na..."sagot ni Elliot.

Alam kong gustong marinig ni Elliot ang sagot ng diretso mula sa bibig ni Emia at meron na siyang pagkakataon ngayon kapag nahanap namin si Emia...

"Sa kaliwa ako,... ikaw na ang bahala sa kanan Elliot..."

----------

[Sylvan]

Natapos na rin ako sa pagpasok ng mga librong naiwan nila Emia sa labas ng pintuan kanina...

Sigh... Buti naman at pwede na akong umuwi ngayon—

Door opened...

Napatingin ako kung sino ang nagbukas ng pintuan at pumasok mula doon si...

"Nina..."

[Nina]

Napahinto ako sa pagpasok sa library ng makita ko si Sylvan at nagulat ako ng makitang nandoon siya pero...

Halata ko ang isang bagay na hindi ko inaasahan kay Sylvan...

Sigurado ako na may ibang tao siya na inaasahang makikita ng buksan ko ang pinto...

Parang may hinihintay siya...

"May iba ka bang ini-expect na makikita?..."

"Wala naman,... hindi ko lang inaasahan na nandito ka pa..."

"May isusoli ako na libro kaya ako nandito..."

"Kanina pa umalis yung librarian..."

"Mukha nga, bukas ko na lang ito isusoli..."

"Sandali Nina,... sabay na tayo..."

"Sigh,... hindi mo ba talaga babaguhin ang ugali mo na yan?..."

Huminto si Sylvan sa pagkuha ng bag niya at tumingin sa akin ng nakangiti kahit pa alam niya na masama ang ibig ko doong sabihin...

Kahit pa nga sumuko na ako ngayon matapos ang rejection niya eh nararamdaman ko pa rin ang unmovable rejection na iyon ng paulit ulit dahil sa ipinapakita niyang normal na pagkausap sa akin na akala mo eh walang nangyari...

Alam kong alam niya na mas lalo lang akong masasaktan kung patuloy siyang magiging mabait sa akin—

"Hindi iyon maiiwasan..."

Napatingin ako kay Sylvan pagkasabi niya nun na parang alam niya kung anong iniisip ko...

"Ayokong aksayahin ang oras ko sa mga walang kwentang bagay..." sabi ni Sylvan ng damputin niya ang bag niya.

Walang kwentang bagay?...

"Hindi ko aaksayahin ang oras ko sa pag iwas sayo dahil lang sa ni-reject kita... tandaan mo,... hindi ko kailanman bibitiwan ang kaibigan ko kahit pa nga bumitaw na siya..."

Dumaan si Sylvan sa gilid ko matapos niyang sabihin iyon pero agad akong humarap sa kanya ng lagpasan niya ako.

"Sylvan!?..."

[Sylvan]

Oo alam ko,... hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin Nina...

Alam kong sinuko mo na ang nararamdaman mo, isa pa...

May ibang tao ng humahawak ng bawat tibok ng puso ko...

[Nina]

Oo alam ko na iyon... kaya naman...

"GOOD LUCK..."

----------

[Lliane]

Matapos naming masiguro na wala na sa loob ng school si Emia at magkita kita na kaming tatlo nila Lindoln at Elliot ay saka naman ako may natanggap na text mula kay Emia...

EMIA?...

TEARS...

SELF PITY...

UNBELIEVING...

Chương tiếp theo