[Sylvan]
"Sige ire-reject ko siya..."
"Wag naman..."
Ako ang lumalabas na masama dito... sigh... once again I am playing the nice guy without no one knowing...
But then again,... stories told that the ones who play the character of being on the shadows is the hero after all...
Guess I am acting like a hero now...
"Wag mong sisihin ang sarili mo,... may dahilan ako kung bakit hindi ako makikigrupo sa kanya..."
"Thanks..."
This guy... should I feel pity for him?...
Soon he will feel rejected... that's for sure...
Bumalik ako sa upuan ko para kunin ang mga gamit ko habang hinihintay ako nila Lliane at Hamie.
"Ah, Hamie... magkagrupo na kasi kami ni Lliane..."
Tumingin siya kay Lliane pag kasabi ko nun at nakita ko kung gaano katalas ang tingin niya at pagtapos ay ngumiti sa akin...
"Okay..."
Matapos sumagot ni Hamie ay tumayo na siya at lalabas na ng classroom pero nilapitan agad siya ni Terrance.
Sigurado akong niyaya siya nito na maging magkagrupo sila pero mukhang tinanggihan niya ito... sabi na nga ba...
[Lliane]
Matapos umalis ni Hamie ay tumayo na si Sylvan sa upuan niya.
"Ano ka ba Sylvan,... kaya ka nababansagang timer eh,... kung kani-kanino ka kasi nagpapalandi..."
"Sa na aalala ko eh wala naman akong obligasyon sa kahit na sinong babae kaya hindi mo matatawag na nagpapalandi ako..."
"Wala akong narinig...hehe"
"Then I will tell you some facts...
Nakita mo ba si Terrance ng lapitan niya si Hamie? Tinanong niya siya kung pwede silang maging kagrupo pero tinanggihan siya nito...
May gusto siya dito kaya lang wala namang gusto sa kanya si Hamie... in my opinion, hindi ang tipo ni Terrance na papansin ang type ni Hamie..."
"Ah, yan ba nag sinabi sayo kanina ni Terrance?..."
"Hindi wala siyang sinabi, dineduce ko lang yun... isa pa tumingin ka sa dalawang iyon..."
Turo ni Sylvan dun sa isang lalaki at babae na nag uusap sa may tapat ng blackboard.
"Niyaya nung lalaki yung babae tapos sa gunawang kilos nung babae eh malamang na ang sinabi niya ay ganito...
'Hehe,... palagay ko may mas iba pa diyan na pwede mong maging kagrupo'..."
"Talaga?..."
"Sa bandang kaliwa naman,... yung lalaki naman na yun ang nagyaya tapos sinabi nung babae na pag iisipan niya..."
Oo nga, narinig ko nga ng sabihin ng babae na pag iisipan niya pero bakit sinabi pa sa akin ni Sylvan yun?...
"Tapos tumalikod yung babae at medyo lumayo sa lalaki pero ang mga mata niya ay nakasulyap sa lalaki..."
"So?... Pero parang hindi naman siya nakatingin..."
"Ibig sabihin eh hinihintay nung babae na lapitan siya ulit nung lalaki... masasabi kong may crush din siya sa kanya yung babae..."
Grabe ngayon ko lang na pansin na nakakatakot pala ang pagiging tahimik ni Sylvan...
"O!? bakit natahimik ka Lliane?..."
"Wala naisip ko lang pala na nakakatakot kang kalaban..."
[Sylvan]
Nakakatakot?... Hmp!... Masyado pang mababaw yun...
The ability of being aware of yourself and fully understand your own thoughts and feelings and knowing the potential of your own acts is just like a curse to oneself...
Fear is just a simple explanation of what you feel,... the true meaning is anger...
Anger to your own self awareness... hating your own self...
[End of final classes] Lliane
"Tara na Lliane..."
"Nakakatuwa bang maglinis ng library at ang excited mo ata?..."
"Hindi naman..."
Ano kayang nakakatuwa ngayon?...
Yun ang tanong ko na hindi ko akalaing pwede palang masagot sa paglabas namin ng pintuan...
"Hi!?..."
Napahinto kami ni Emia sa paglakad at napatingin sa lalaking nag "Hi" sa amin... hindi pala ako kasama kundi si Emia lang...
Tumingin ako kay Emia matapos ko yung marealize at kitang kita ko kung gaano siya natuwa ng makita ang gwapong lalaki na nakasandal kanina sa railings.
Agad na lumapit si Emia sa lalaki at nag "Hi" din...
Grabe ah,... iniwan na lang ako basta!... Pero?... Hindi kaya siya yung lalaki na tinutukoy ni Emia ng kinulit ko siya nung nakaraan ng masabi niya bigla yung...
"Isa pa,... hindi naman siya nagtapat nun..." (see chapter 19)
Kung ganun ito pala yung lalaki na iyon...
Lagot!?... Paano na si Sylvan?... Akala ko pa naman eh may gusto si Emia sa kanya pero... ngayong habang nakikita ko ngayon si Emia sa harap ng lalaki na ito ng masaya... at parang may kung anong sparkle sa background nila...
O HINDI!!!!
Nakikita ko na ang future nila pag kinasal!...
[Emia]
"Kumusta kana Elliot?... Bakit nandito ka?... Hindi mo man lang ako sinabihan na pupunta ka pala..."
"Dito na rin ako nag aaral..."
"Huh!?... Kelan pa..."
"Nag transfer ako last month... gusto sana kitang sorpresahin..." (smile)
"Ah,... Emia may kailangang pa tayong gawin..."
Napaharap ako kay Lliane ng magsalita siya...
"Oo nga pala,... bukas na lang tayo magkwentuhan Elliot... maglilinis pa kasi kami ng library eh..."
"Tulungan ko na kayo,... isa pa wala rin naman akong masyadong gagawin ngayon..."
"Okay lang ba Lliane?..."
"Okay lang..."
----------
[Library] Lliane
Makalipas ang ilang minutong nakakabagot sa paglilinis kong mag isa at pagmamasid sa dalawa sa malayo habang---- nagkukunwari kunwariang naglilinis!... Eh out of place na out of place ako...
Sabi ko na nga ba at ako lang ang magiging third party dito eh!...
Ilista ko na lang kaya yung mga napapansin kong kakaiba kay Emia kapag kasama niya ang Elliot na ito...
Sigh... Kung may magandang mangyayari lang sana----
(Library door open)
Napatingin kaming tatlo ng bumukas bigla yung pintuan ng library at makita naming pumasok sa loob sina Sylvan at Lindoln na may dalang mga libro...
"Hello..."
Bungad na bati agad ni Lindoln sa aming tatlo...
Sigh... okay na sana kung natupad ang hiling wish ko dumating si Sylvan kaso may sumabit pa...
Yun nga lang parang nag iba bigla ang aura sa library...
"Lliane,... saan ba namin ito pwedeng ilagay..."
Tanong ni Lindoln sa akin habang karga karga ang bundle bundle ng libro sa dibdib niya.
"Ilapag niyo na lang muna jan sa lamesa... naglilinis pa kasi kami..." sagot ko
"Okay..."
Ngumiti si Lindoln at mukhang napansin din niya ang napansin ko...
Itatabi ko muna ang isyu sa aming dalawa... ang gusto kong malaman ay ang mga mangyayari mula ngayon...
Nakita na magmula ng dumating sila Sylvan at ilapag ang mga libro sa may lamesa eh nakatingin na sa kanila si Emia... to be specific eh kay Sylvan kahit pa nga kinukwentuhan siya ni Elliot eh mukhang dito siya nakafocus kahit pa nga pasulyap sulyap lang ang ginagawa niya... nang mapansin ni Elliot ang biglang pagbabago ni Emia ay tumahimik din siya...
WOW!... I'm getting excited...
"Bakit Emia?..." Usisa ni Elliot...
"Ah!.. wala... wala... tara maglinis na tayo..."
Matapos iyong sabihin ni Emia at tumalikod ay tumingin si Elliot kay Sylvan...
OOH!?... Rivalry!... That is the look of the one who sees you as his potential rival...
"Hindi pa ba kayo aalis?..."
Tanong ko ng makalapit ako kila Lindoln at Sylvan.
"Masama bang magpahinga muna kami?... Ang bigat kaya ng mga libro na dala namin..."
Sabi sa akin ni Lindol na nakangiti lang kanina pa.
"Kung manonood lang kayo dito eh bakit hindi niyo na lang kami tulungan!..."
(few minutes later)
[Lliane]
Lima na kaming naglilinis ngayon pero hindi ko na gaanong nakikitang nagtatawanan sina Emia at Elliot magmula ng dumating sila Sylvan at Lindoln...
Kaya lang parang hindi umaayon ang lahat sa inaasahan ko dahil parang wala lang kay Sylvan ang mga nangyayari kina Emia at Elliot na madalas na nagkakahawak ng kamay pag inaabot ni Emia kay Elliot ang mga libro na ilalagay sa taas ng bookshelf.
"Lliane?... Marami ng mga basura akong naplastik dito na kailangan ng----"
"Ako na ang magtatapon niyan..."
Naputol sa pagsasalita si Lindoln ng biglang magsalita si Emia.
"Sigurado ka Emia?... Sa baba pa ng building ang tapunan ng basura..." tanong ko.
"Okay lang,... wag kang mag alala Lliane... tutulungan ko naman siya..." sagot ni Elliot.
"Kaya lang limang plastic ito ng basura... mabuti pa Sylvan----"
"Wag na kami na lang!..."
Naputol ulit ang sasabihin ni Lindoln ng magsalita ulit si Emia na hinawakan na ang dalawang malaking plastic ng basura.
Natawa ako ng konti ng subukang buhatin ni Emia yung dalawang plastic ng basura,... ang totoo eh mabigat ang mga iyon para sa babae...
Lumapit si Elliot sa kanya at kinuha ang dalawang plastic ng basura...
"Ako na lang ang magtatapon..."
"Hindi,... tutulong ako..."
Binuhat na ni Elliot ang dalawang plastic ng basura at saka umalis at hindi na nilingon pa si Emia.
"Elliot?..."
Nahalata kong nagtaka si Emia sa inasal ni Elliot at hindi namalayan ang paglapit ni Sylvan at ng marealize niya na hawak na ni Sylvan ang dalawa pang supot ng basura ay agad na hinawakan ni Emia ang malaking plastic ng basura sa kaliwang kamay ni Sylvan gamit ang dalawa niyang kamay.
"Anong ginagawa mo?..." tanong ni Sylvan.
"Ako ang magbubuhat nito..."
"Kung gusto mong tumulong, yung maliit na lang na plastik ng basura yung buhatin mo..."
"Ayoko!... Bakit hindi ikaw ang magbuhat nun..."
Matapos na sabihin ni Emia iyon ay agad niyang binuhat yung plastik ng basura gamit ang dalawa niyang kamay at saka lumabas.
Wala ng nagawa si Sylvan kaya binuhat na rin niya yung isa pang malaki at yung natitirang maliit na plastik ng basura bago lumabas ng library.
Napatingin naman ako kay Lindoln ng magsalita ito matapos ay ngumiti...
"Pinapahirapan niya si Sylvan..."
"Ano yun?..." sino kaya ang tinutukoy niya?...
"Wala..."