webnovel

Chapter 24

[Emia] Stairs

Magkasabay na kami ni Elliot sa pagbaba sa hagdan at medyo malayo kami kay Sylvan na nahuhuli at pababa pa lang ng fourth floor.

Nagprisinta lang naman akong magtapon ng basura para naman makahinga ako ng maluwang kasi kanina pa ako hindi mapalagay sa library tapos hindi ko akalain na mabigat pala itong dala ko na plastic... dapat pala yung maliit na lang yung binuhat ko eh... kung bakit naman kasi tumulong pa si Sylvan eh?... Hindi tuloy ako makaatras...

"Sylvan,... sandali lang?..."

Nasa may third floor na kami ng hagdan ng may marinig akong tumawag kay Sylvan— boses ng isang guro iyon at mukhang mag ipapasabay siguro na basura...

Dumating kami ni Elliot sa may second floor na hagdan at tumigil ako sandali para magpahinga...

"Ayos ka lang Emia?..." tanong ni Elliot.

"Mauna kana Elliot... magpapahinga lang ako sandali..." sagot ko.

"Hintayin mo na lang ako dito... itatapon ko lang ito tapos—"

"Hindi na, kaya ko na ito..."

----------

[Elliot] Garbage

Kailangan ko ng bilisan para matulungan ko na si Emia... mamaya si Sylvan pa ang makakita sa kanya...

Tatakbo na sana ako paalis ng makita ko si Sylvan na lumabas mula sa kabilang direksiyon kung saan ako nanggaling at hindi niya ata ako napansin...

Mukhang hindi sila nagkita ni Emia...

Ayos!... Kailangan ko ng bilisan...

----------

[Sylvan]

Sigh,... Natagalan pa tuloy ako sa pagtatapon,... Buti na lang dito ako sa kabila dumaan at napabilis pa ako ng konti... makabalik na nga sa library...

----------

[Elliot] Second floor stairs

Hmm... wala na si Emia dito,... nasaan na kaya siya?... Di bale, babalik na lang ako sa tapunan ng basura at baka malapit na siya dun...

Tumakbo ako pabalik pero wala siya doon sa tapunan ng basura pagdating ko...

"Nasaan na kaya siya?... Dapat pala hinintay ko na lang siya kanina... baka nagkasalisi kami at nakabalik na siya sa may library...

----------

[Sylvan] 2nd floor

Sa may left wing ako ng school building dumaan pabalik kung saan ako nanggaling kanina at ng paakyat na ako sa hagdan patungo sa third floor ay napansin ko ang pamilyar na plastic ng basura sa may labas ng isang classroom. Pitong classroom ang pagitan noon mula sa akin kaya pinagmasdan ko muna ng mabuti,... maya maya ay lumabas mula sa pintuan ng classroom si Emia at bumuntong hininga...

"Salamat ah..."

Sabi ng teacher na iniabot kay Emia ang isang supot ng basura na kalahati ng dala niya.

[Emia]

"Sige po..."

Okay!... Kaya ko ito... sabay kong binuhat yung dalawang supot ng basura at mabagal na naglakad kaya lang hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman ko na lang na biglang may humawak sa malaking plastik ng basura na bitbit ng kanang kong kamay.

"Sylvan!?..."

[Sylvan]

Matapos kong hawakan ang malaking supot ng basura eh agad akong pumunta sa harapan ni Emia para kunin ang isa pang supot na nasa kaliwa niyang kamay kaso nilayo niya iyon.

"Ano ba yang ginagawa mo?..." tanong ko.

"Magtatapon..." sagit niya.

"Wag mong piliting buhatin kung hindi mo naman kaya..."

"Ginagawa mo na yan dahil—"

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Emia at agad ko ng inagaw mula sa kaliwang kamay niya ang supot ng basura at saka naglakad paalis kung saan ako nanggaling.

[Emia]

Agad kong sinundan si Sylvan at hinawakan ang malaking supot ng basura para mapigilan siya.

"Pwede ba Sylvan,... ako ang nag decide na magtapon ng basura..."

Tumingin ako kay Sylvan pero mahinahon lang ang pagkakasabi ko at nahalata kong naging mahinahon din si Sylvan at ibinigay sa akin ang mas maliit na supot ng basura.

"Ito na lang ang dalhin mo..."

"Salamat..." sagot ko kay Sylvan.

"Wag ka ng magdagdag ng mabigat kung nahihirapan kana,... bakit hindi ka humingi ng tulong kanina?..."

"Huh???..."

Nagtaka ako sa huling sinabi ni Sylvan... nakita niya kaya ako kanina habang kausap ko si Maam kanina?...

Hindi na niya hinintay ang sagot ko at nagsimula ng maglakad kaya sumunod na rin ako sa kanya...

----------

[Lliane]

Nasa may hagdan(ladder) ako nakatayo at inaayos ang taas ng bookshelf habang inaayos naman ni Lindoln ang pagkakasalansan ng libro sa baba at pinapasa sa akin kung minsan ang para sa taas na mga libro.

"Ang tagal naman nilang tatlo?..."

Ano na kayang nangyari sa kanila?... Baka may love triangle na na nangyayari...

"Alisin mo na yang masamang balak mo sa kanila..." sabi ni Lindoln.

"Wala naman akong balak ah... ikaw nga itong biglang tinawag si Sylvan para tumulong magtapon—"

"Wala pa naman akong sinasabi tungkol kay Sylvan ah... halata ka masyado..."

Pang aasar sa akin ni Lindoln kaya tumingin ako sa kanya ng naiinis...

"Wag mo nga akong kausapin!... Hindi tayo close!..."

Matapos kong sabihin iyon ay huminto si Lindoln sa pagsasalansan ng mga libro sa baba ng shelf at tumingin sa akin ng nakangiti pero seryoso ang tono ng boses niya ng magsalita.

"Oo nga."

Hindi ko alam kung bakit nasaktan ako ng sabihin niya iyon,...

Hmp!... Bahala ka sa buhay mo!...

Naiinis kong binalik ang paningin ko sa librong ilalagay ko sa taas ng bookshelf kaya lang hindi ko inaasahan na may maliit na daga pala doon sa may shelf at lumapit sa may kamay ko...

"Aaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!!!!..…"

[Lindoln]

Napalingon ako kay Lliane ng bigla siyang napatili ng malakas...

"Uy!... mag ingat ka!..."

STARTLED...

OUTBALANCED...

FALLING...

Agad akong tumayo ng makitang malalaglag si Lliane mula sa pagkakaupo ko sa hagdan na tinatayuan niya.

CONCERNED...

REACHING...

CATCHING...

Nagawa kong masalo ng maayos si Lliane ang kaso lang eh dahil sa nangyari ay natamaan ng nalaglag din na hagdan yung ibang mga libro kaya nagbagsakan din sa amin ang mga iyon...

BED OF BOOKS...

Pagbukas ko ng aking mga mata eh nakita ko si Lliane na nasa ibabaw ko at nakahawak sa polo ko.

Nagtama ang paningin namin ng dumilat siya at tumingin sa akin.

[Lliane]

Nasa may bandang dibdib ni Lindoln ang ulo ko ng dumilat ako at ng mahalata kong nakahiga siya eh nag alala agad ako dahil hindi siya gumagalaw kaya naman agad kong itinaas ang ulo ko para makita ko ang mukha niya——

BLUSHED!!!!...

Agad akong lumayo ng bahagya kay Lindoln at saka naman siya umupo.

"Siguro ito talaga ang plano mo kaya mo gustong pagsamahin silang tatlo.... Pwede mo namang sabihin kung gusto mo akong masolo eh..." sabi ni Lindoln.

"Hindi ah!!!!"

Hindi ko alam pero mukhang masyadong naging defensive ata ang tono ng boses ko ngayon at napatawa na lang si Lindoln...

"Uulitin na naman tuloy natin ang mga nagkalat na libro na ito..." sabi ni Lindoln.

Nag ibang bigla ang aura sa loob ng library,... parang naging mas komportable ako ngayon.

"Sorry..."

Nasambit ko iyon ng tumingin ako kay Lindoln ng diretso habang nakaupo pa rin kami sa mga nag bagsakan na mga libro at ngumiti lang siya at sinabi...

"Okay lang..."

Matapos niyang sabihin iyon ay ilang sandali ring napako ang tingin namin sa isa't isa...

Ano kayang sasabihin ko?... Parehas kaya kami ng iniisip ngayon?...

Aahhh!!!!.... Kaming dalawa lang pa naman ngayon ang nandito... ano kayang iniisip niya?...

THROB!... THROB!.. THROB!...

IRREGULAR HEARTBEAT...

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon pero napansin kong inilahad niya ang kamay niya papunta sa akin...

PAW!...

Hindi naman ako aso ah?...

Hindi, ano ba itong iniisip ko?... Hindi ito ang tamang panahon para magbiro ako...

Something Remembered...

Oo nga pala,... nasa akin nga pala ang phone niya... tama, ngayon na ang pagkakataon ko para maisauli iyon...

Kinuha ko ang cellphone niya sa may bulsa ko at inilagay sa nakalahad niya na kamay,... ang kaso eh,... bigla na lang siyang napatawa sa ginawa ko...

"Bakit?..."

(Lindoln's note: Sira talaga siya,... hindi naman ang cellphone ko ang hinihingi ko sa kanya kaya ko inilahad ang kamay ko eh...)

"Ui!?... Bakit nga?..." ulit kong tanong kay Lindoln.

"Kaya kita gustong gusto eh..."

"Huh!?..."

BLUSHED...

ONE MILLION ETERNAL MOMENT STOP...

Namula ako sa sinabi na iyon ni Lindoln at matapos ang mga sandali na iyon,... ng ibulsa na niya ang kanyang cellphone at tumayo ay lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko saka ako hinila patayo.

"Tapusin na natin ang pag arte natin... alam kong alam mo ang ibig kong sabihin... Lliane..."

"O-um..." tumango ko sa sinabi niya.

Chương tiếp theo