Wednesday Morning
[Emia]
Hinatid ako ng driver namin sa school pero pinahinto ko siya ng makita ko si Lliane na naglalakad.
"Lliane!?..."
"O!? Emia..."
"Dito na lang po ako,... sasabay na ako sa kaibigan ko..."
Nagpaalam na ako sa driver namin at masiglang bumaba sa sasakyan.
(on the way to school)
"Kanina ka pa tahimik Lliane... may problema ka ba?..."
"Ah... wala,... may iniisip lang ako..."
"May hinihintay ka bang tawag?... Nang makita kasi kita kanina eh nakatingin ka ng malalim sa cellphone mo..."
"Wala naman... hehe..." (awkward)
[Lliane]
Sigh... Paano ko kaya ibabalik itong cellpohone ni Lindoln?... Nakakahiya, isang linggo na pala itong nasa akin... Bakit naman kasi hindi niya ipinaalala na nasa akin pala yung cellphone niya... kung sabagay, tinataguan ko rin naman kasi siya nung nakaraan...
Hindi, baka mamaya nakalimutan rin niya... Naghahanap kaya siya?... (worried)
"Boyfriend?"
"Huh!?..."
Napatingin ako kay Emia ng marinig kong magsalita siya...
[Emia]
WOW!... Hindi ko akalaing natamaan ko ang magic word...
"Nakalimang tawag na kasi ako sayo eh..."
Ang totoo eh ibinulong ko lang yung "boyfriend" ng sabihin ko pero narinig niya yun kaagad...
"Ano namang ibig sabihin mong boyfriend..."
Tanong ni Lliane.
"Wala,... hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi yun..."
"Tama na nga yan,... malapit na tayo sa school..."
Weh??? Ayoko ngang palampasin yung pagkakataon...
"Iniisip mo ba yung boyfriend mo?..."
"HUH ! ! ! !..."
"Yung boyfriend mo..."
"Hindi noh!..."
"So meron nga..."
"Wala ah..."
"Beats me..."
"Sinabi ng wala!..."
"Okay,... sabi mo eh..."
Sinabi nga niya pero hindi ako naniniwala... Gagamitin ko muna yung magic word ngayon...
"Boyfriend..."
"Tigilan mo na nga yan..."
"Boyfriend, boyfriend..."
----------
[First class period] Lliane
Pinapanuod ko ngayon si Emia habang nasa labas ako ng classroom nila.
Emia... total silence
Emia... good girl
Emia... afraid child
Emia... so scared...
Tumatahimik lang pala siya pag katabi na niya si Sylvan... palagay ko eh hindi naman mukhang multo si Sylvan eh...
But I guess I hit the magic word... SYLVAN... Hehehe... yari ka sakin mamaya Emia...
----------
[Recess]
(Sylvan and Lindoln synchronized movement)
"Sigh..."
[Sylvan]
Hindi ko akalaing magkakasabay kami ng ikikilos ni Lindoln ng ibaba ko ang tray ko na may pagkain at hilahin ang upuan at maupo. Nagkataon pang magkaharap kami ni Lindoln.
"May salamin siguro dito..." sabi ko kay Lindoln
"Hindi,... parehas lang siguro tayo ng problema..."
"Problema?... Mas gusto kong sabihin sitwasyon..."
"Sige,... sitwasyon na,... so anong meron sayo Sylvan?..."
"Wala naman,... hindi na kailangang isipin..."
"Eh bakit ganyan ka kumilos..."
"cough!... Wala,... para maiba naman..."
"Beats me..."
"Eh ikaw?..."
"Wala,... nothing to think about..."
"Talaga,...? Pero bakit parang iba ka magsalita?..."
"Cough!.. cough!.."
Nasamid si Lindoln pero dahan dahan kong hinila ang baso niya ng iced tea... kaya lang yung baso ko naman ang kinuha niya at uminom...
(Playful bestfriends...)
----------
[Third class]Lindoln
Sigh,... ano kayang meron ngayon kay Lliane at iba ang kilos niya kanina nung mag classmate kami ng second class namin?...
Parang may gusto siyang sabihin sa akin eh... kausapin ko kaya siya...
----------
[Sylvan]
Hmm?... Nakakapagtaka naman?... Parang ang awkward ng feeling ko kanina habang magkatabi kami ni Emia sa klase namin...
Iniiwasan niya kaya ako?... Hmm?... Kahit anong isip ang gawin ko ay hindi ko talaga maisip ang dahilan kung bakit niya ako kailangang iwasan... isa pa hindi ko naman siya nilalapitan...
----------
[Lindoln]
Matapos ang klase namin sa third period ay nakasabay ko sa Sylvan na patungo rin sa sunod niya na klase at napahinto kami ng mapadaan sa patapos pa lang na klase nila Lliane at Emia.
"Kayong dalawa!... Pumunta kayo mamayang hapon sa library para maglinis... ayoko ko ng mauulit ito sa susunod, okay?..."
"Yes Maam..."
"Yes Maam..."
Napagalitan sila Lliane at Emia?... Ano kayang ginawa ng mga iyon?...
----------
[Fourth Class] Sylvan
"Okay class,... regarding to your project, I want you to form your group into two, boys and grils, hindi pwedeng kapag magkagrupo ang parehong babae at lalaki,... or else I will give you an 'F'..."
Matapos iyong sabihin ng teacher namin at umalis ay mabilis na nag grouping ang mga classmates ko... samantalang ako naman ay maghihintay na lang na may mag aya sa akin...
"Sylvan?... Wala ka pa bang kapartner?... Wala pa kasi ako eh..."
Napatingin ako sa babaeng nagsalita na nasa kanan ko ng upuan. Matamis ang pagkakangiti niya...
I don't like her...
Una pa lang ng banggitin niya ang pangalan ko ay hindi ko na nagustuhan ang familiarity ng pagtawag niya...
Hindi naman kami personal na magkakilala at ito pa lang ang ung beses na natatandaan kong kinausap niya ako...
Pangalawa,... iba ang ibig niyang ipakahulugan sa mga katagang sinabi niya...
Sylvan?... Wala ka pa bang girlfriend?... Single pa din kasi ako eh...
Tssk! Her attitude will give me creeps for sure...
(Goosebumps)
Parang bigla na lang lumamig ang buong paligid at may dumaloy na kuryente mula sa paa ko hanggang sa batok...
Nakakagulat,... nanggagaling pa ata sa may bandang likuran ko ang aura na yun...
Scared...
Siguro yun ang dapat kong maramdaman ng makita ko si Lliane na nakatingin sa akin ng masama habang palapit sa likuran ko... parang may na se-sense akong killing intent sa kanya...
"Hindi na siya pwede,... magkagrupo na kami..."
Sabi ni Lliane sa katabi kong babae na nagtanong sa akin...
"Kelan pa? Kararating mo lang dito..."
"Bakit hindi si Sylvan ang tanungin mo?... Hindi ba Sylvan..."
Marumi maglaro itong si Lliane,... ako talaga ang balak niyang magsabi kung sino ang magiging kagrupo ko----
Naputol ako ng iniisip ng bigla akong akbayan ng isa kong classmate at putulin sila Lliane at Hamie sa pagpapalitan ng matatalas na tingin...
Well... exagerated na iyon masyado...
"Sandali lang hihiramin ko muna si Sylvan..."
Tsk!... Wala na akong nagawa pa ng hilahin ako ni Terrance habang naka akbay siya sa akin,... pero hindi ang pagkaka-akbay niya ang dahilan kung bakit ako walang ginawa ng hilahin niya ako kundi dahil sa naramdaman ko ang panginginig niya...
Lumabas lang kami sa may gilid ng pintuan at saka na ako kumalas sa pagkaka akbay niya sa akin.
"So, anong gusto mong sabihin..."
"Mahirap ito,... ang totoo niyan eh,... ano... paano ko ba sasabihin..."
"Wala akong time para pakinggan ang mga----"
"Teka, hindi ko alam kung paano ko sasabihin... first time ko itong gawin..."
"Hindi mo ako kaibigan kaya wag kang umasta ng ganyan sa harapan ko..."
"Hindi ko talaga kaya..."
"Kung ganun aalis na ako..."
Umaarte lang ako pero mukhang effective naman ang ginawa ko...
"Teka sandali!?... Gusto ko sanang maging kagrupo ko si Hamie sa project..."
"Bakit hindi mo sa kanya yan sabihin?..."
Nakahawak ako sa gilid ng pinto habang sinasabi ko iyon...
"Hindi ko kayang gawin iyon... isa pa nilapitan ka na niya..."
"Gusto mong i-reject ko siya..."
"Hindi naman sa ganun..."
Hindi naman sa ganun... kalokohan lang ang mga salitang iyon...
Ang totoo eh ganun naman talaga ang mangyayari...
Pinipili talaga ng mga tao ang mga hindi tuwirang salita para maiwasan nilang makasakita pero ang totoo eh maliwanag iyon para sa mga taong kausap nila...