[Emia] 2nd class
Late na si Sylvan ng dumating sa klase at nandun pa rin yung awra niya na "boomingly cool"... mabuti na lang at pinayagan pa siya ng aming teacher na pumasok. Dahil na rin siguro iyon sa smiling aura niya kaya siya nakaligtas...
Wait! Mabuti!???... Bakit nga ba ako natutuwa na nandito na siya ngayon at nasa harapan ko nakaupo... kanina lang eh nakapangalumbaba pa ako habang wala pa siya... ano bang iniisip ko!?...
--------
[Lliane] Breaktime
Naabutan ko si Emia sa may library na nakasalampak ang mukha sa binabasa niyang libro habang nasa lamesa...
Nagkakabisado kaya siya?... Dito pa siya nag breaktime sa library at nasa tabi pa niya yung isang balot ng juice at mga platic ng tinapay...
"Hi!?... Nagkakabisado ka?..."
"Lliane!?..."
Pataas ang tono ng pagkakasabida niya ng pangalan ko na kala mo eh nabigla tapos ay na excite ng makita ako...
Oo nga,... tama... dahil matapos lang ang sinabi niya ay agad na nagsimula siyang magkwento.
Buti na lang at hindi siya nagtanong king bakit ako naririto ngayon sa library... hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na kaya ako nandito ay dahil sa tinataguan ko si Lindoln...
"Hindi ko na talaga siya maintindihan Lliane..."
"Nitong nakaraang araw lang eh hindi kayo nag uusap tapos ngayon eh sinasabi mong may kakaiba kay Sylvan?... Pwede mo bang ikwento sa akin yung buong detalye nung nakaraan bago ka magalit sa kanya..."
Napansin kong tumahimik si Emia pagkatapos kong sabihin iyon at mula noon at hanggang sa matapos ang breaktime eh hindi na siya nagsalita pa...
Sa totoo lang habang naglalakad ako ngayon papunta sa third class ko eh hindi mawala sa isipan ko ang reaksiyon sa mukha ni Emia kanina.
Alam ko ang reaksiyon na yun... dahil yun din ang reaksiyon ng mukha ni Lindoln sa tuwing nasasama sa usapan ang tungkol sa family matters niya...
Tama,.. hindi ko kailangang mag madali... alam ko na darating din ang araw na sasabihin sa akin ni Emia ang lahat... at kagaya ng ginagawa ko kay Lindoln... hihintayin ko rin siya na magsabi sa akin nun...
----------
[Sixth class of Emia]
Panay pa rin ang pag ngiti ni Sylvan ngayong araw pag nagkakatinginan kami pero hindi ko muna iyon pinansin dahil sa iba nakatutok ngayon ang isipan ko...
Ayos!... Nakapag desisyon na ako... sasabihin ko na kay Lliane ang totoo...
----------
[Sylvan] End of sixth class
Katatapos ko lang burahin ang lahat ng nakasulat sa blackboard dahil napag utusan ako ng teacher namin ng tumingin ako sa direksiyon ng upuan ni Emia kaya lang wala na siya roon... mukhang umalis siya agad...
Sigh...
Napahawak ang kanang palad ko sa kanang mata ko...
Ano ba itong nagyayari sa akin?... Kahapon pa ako nagkakaganito...
"Mukhang na mo-mroblema ka ata ngayon Sylvan ah..."
Tumingin ako sa may pintuan at nakitang nag "hi" sa akin si Lindol pagtapos ay agad kong kinuha ang bag ko saka lumapit sa kanya...
"Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya paglagpas ko at sumunod naman siya sa akin.
"Habang nagbubura ka ng blackboard tapos tumingin ka sa upuan ni Emia..."
"Ah,..."
"Ui!?... Emia,..."
Bigla na lang asar sa akin ni Lindoln na madalas niyang ginagawa kapag may ni li-link siya na isang babae sa akin...
"Emia, Emia, Emia..."
Emia, and so on and so forth...
Sinisiko niya pa talaga ako habang sinasabi iyon.
----------
[Seventh class] Emia
Nagmadali na ako sa pag alis ko kanina pagtapos ng pang anim kong klase at nakarating na ako sa pang huli kong classroom. Konti pa lang ang mga classmates ko kaya naman kitang kita ko si Lliane na inaayos pa lang ang kanyang uupuan...
Nagmadali akong pumunta sa kanya at nakita niya naman kaagad ako bago pa ako tuluyang makalapit.
"Oh!?... Emia?..." sabi ni Lliane
Mabilis kong hinawakan ang dalawang palad niya ng mga palad ko,... hindi na talaga ako makapaghintay pa...
"May sasabihin ako..."
[Lliane]
Kanina lang napapaisip ako pagdating ko pa lang dito sa classroom kung ano na kayang sitwasyon ni Emia ngayon,... nag aalala ako,... dapat siguro ay hindi ko na siya inusisa pa, pero matapos niyang sabihin ngayon ang mga salitang
"May sasabihin ako..."
Parang nawalang bigla ang mga down thoughts ko sa pagiging magkaibigan namin...
Na e-excite ako!.. Ito na kaya yun?... Ito na ba yung tinatawag nila na "open up"?... Mag le-level up na ba ang friendship namin?...
Na e-excite na talaga ako!... Gustong gusto ko na talagang marinig ang mga sasabihin niya sa akin...
[Emia]
Kinakabahan ako noong una habang papunta ako rito dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Lliane pero ngayon kaharap ko na siya at hawak ang mga kamay niya habang nakatingin siya sa akin ng tingin na nagsasabing
"Sige lang makikinig ako..."
at nagpapahuwatig na kahit ano pa ang sabihin ko eh tatanggapin niya ako, eh pakiramdam ko... hindi! Sigurado ako na si Lliane nga ang una at nag iisa kong matalik na kaibigan...
"Lliane,... ang buo kong pangalan ay Emia Meridiem Rain..."
"Meridiem?..."
Alam ko na na realize na ni Lliane ang staus ko ng sabihin ko ang buo kong pangalan...
"Tama, kabilang akon sa A class family at ang nag iisang tagapagmana ng Meridiem Empire... Alam kong pamilyar ka na sa pangalang Meridiem,... pasensya ka na kung hindi ko agad sinabi sayo..."
Magkahawak pa rin kami ng kamay ng iyuko ko ang ulo ko dahil nahihiya akong tumingin sa mata niya...
"Sorry..."
Pagkasabi ko nun ay napatingin ako sa baba ng alisin ni Lliane ang pagkakahawak ko sa kamay niya kaya naman nagtaka ako kung anong naging reaksiyon niya at itinaas ko ang tingin ko sa kanya kaya lang---
[Lliane]
Sobrang saya ko ngayon na malaman na I'm also being valued by the one who I also valued and treated as a friend but right now I guess were more than just the name friend... were best friends!!!!
Matapos niyang sabihin ang nililihim niya at humingi ng tawad ay bigla na lang tumulo ang luha kaya naman inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak naming dalawa at bago pa niya tuluyang makita ang mukha ko ay ahad ko na siyang----
[Emia]
Naramdaman ko na lang ang mainit na yakap mula kay Lliane ng ikulong niya ako sa kanyang mga kamay...
"Lliane?..."
Ramdam ko ang higpit ng kanyang yakap...
"U-um...(umiling iling)... ikaw talaga,... palagi mo na lang akong pinag aalala..."
"Pasensya ka na..."
Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam na ganito pala kaganda ang magkaroon ng isang tunay na kaibigan...
"Hindi,... salamat..."
"Huh?..."
Nagtaka ako kung bakit nagpasalamat si Lliane...
"Salamat dahil nagtiwala ka sa akin... at hinayaan mong maging kaibigan ako at pinahalagahan..."
Matapos kong marinig na sabihin iyon ni Lliane ay tuluyan ko na siyang niyakap ng mahigpit. Na realize ko na hindi lang pala ako ang worried pagkakaibigan namin...
"Ako dapat ang magpasalamat sayo Lliane... ngayon may masasabi na akong kaibigan ko..."
Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga classmates namin pero okay lang yun...
"Ah-uhm... kayong dalawa, tama na yan at maupo na kayo sa upuan niyo,... yung mga nasa labas pa, pumasok na rin kayo..."
Sabi ng teacher namin ng dumating.
Malas!... Nasa moment pa kami ni Lliane eh...
----------
[End of classes] Lliane
"Uhm,... ano... sabay na tayong umuwi Emia..."
"Naku!... Hindi ako pwede ngayon,... may gagawin pa kasi ako..."
"Ganun ba?..."
"Mauna ka na Lliane..."
"O sige,... bye..."
"Bye..."
Nauna na ako kay Emia na lumabas ng classroom habang nagliligpit pa siya ng mga gamit niya. Sayang gusto ko pa naman siyang tanungin tungkol sa naudlot naming kwentuhan kaninang umaga...
Hindi ko na siya pinilit na samahan kasi mukhang may importante siyang gagawin...
----------
[Lindoln] on the road
"Hindi ko alam na kaya mo palang ayusin at ibalik sa dati ang relasyon niyo ni Nina... hindi ko akalaing gagawin mo yung ganung bagay sa may hagdanan..."
"Ump!?"
Halatang nagulat si Sylvansa huli kong sinabi,.. first time kong makita ang ganung expression sa mukha niya... halatang wala sa isipan niya ang ginawa niya kanina kay Nina...
"Wag kang mag alala,... hindi ko ipagkakalat yung nakita ko... pero hindi ko ini-expect na makikita ko ang ganun,... wala naman yun sa ugali mo..."
"Mali ka,... nasa ugali ko na talaga yun..."
"Oo nga pala,... nakalimutan ko..."
"Isa pa masama ang pakikinig sa pinag uusapan ng iba..."
"Hindi naman kayo iba sa akin, haha..."
Sigh,... wala pa rin siyang pinagbago...
Pinapahalagahan niya kung anong meron sa kanya at pino-protektahan ito...
Para sa kanya, walang mali at tama sa mga ginagawa niya. Hindi niya hinuhusgahan ang sarili niya dahil para sa kanya ang mga taong nakapaligid sa kanya ang gagawa nito... kaya naman kung ayaw mong husgahan ka, maging wala ka.
For everything is nothing and nothing is everything...
"Siyanga pala Lindoln?.. Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko..."
"Ah!.. Hindi ko hawak ngayon ang cellphone ko..."
Dahil nasa kanya pa rin ang phone ko...
----------
[Lliane] House
"Ma,... nandito na ako..."
Nakasanayan ko ng sabihin iyon pagpasok ko pa lang ng pintuan ng bahay namin at didiretso ng kusina kung nasaan si Mama...
"Magbihis kana muna sa kwarto mo,... tapos tulungan mo ako dito..."
"Okay..." (cheerful)
Matapos kong pumunta sa kwarto at magbihis ay agad akong tumulong kay Mama sa paghahanda ng pagkain.
Habang naghihiwa ako ng gulay eh may ibinigay si Mama sa akin...
"Yung cellphone mo,... palagi mo na lang iyang kinakalimutan... pang ilang beses ko na itong sinasabi sa iyo..."
"Pero lagi ko namang dala----"
Nakapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong short kaya lang napatigil ako sa pagsasalita ng maalala ko yung nangyari nung nakaraan... Tama,... hindi ako pwedeng magkamali, kay Lindoln nga yung cellphone na hawak ni Mama ngayon...
"O,... kunin mo na ito..."