webnovel

Chapter 17

"Meridiem family, or should I say that one of their people were the one who pick you up on the past wednesday..."

[Sylvan]

Hindi na ako magugulat na alam na niya iyon. Being a son of a second class family named Foris,... he sure got the connection...

"Pinakiusapan ako ni Emia na tumahimik... pero ngayon may idea na talaga ako kung anong nangyayari... nakita ka ba niya?..."

Tanong ni Lindoln pero alam kung alam na niya yun.

"oo..."

"Ayaw mong pinagkakatiwalaan ka ng ibang tao pero kahit na ganun eh masaya ka kapag may nagtitiwala sayo,... kaya ngayong naramdaman mong nagtitiwala siya sayo---"

"Iniisip kasi niyang tauhan ako ng lolo niya kaya feeling niya eh trinaydor ko siya..."

"Nagtiwala siya sayo pero ng makita ka niyang kasama ang lolo niya..."

"Alam ko yun..."

"Bakit hindi mo sabihin kay Emia ang totoo,... hindi ba, Sylvan?"

Emotionless mode activate

"Hindi ko obligasyon na sabihin sa kanya ang lahat ng nangyayari sakin..."

Karapatan ba ng isang tao na alamin ang kanya kanyang buhay ng iba?... Sapalagay ko eh hindi naman...

"Isa pa, kasalanan niya na ginawan niya na kaagad ng sarili niyang interpretasyon ang nakita niya..."

[Lindoln]

Sigh... inactivate na naman niya ang box mode niya...

yun nga lang... (smile) heh...

Sinabi mong hindi mo obligasyon pero hindi mo tinanggi na responsibilidad mong sabihin...

"Masisisi mo ba siya na mula pagkabata eh ang lahat ng nakakasalubong niya at lumalapit sa kanya eh ang habol lang kaya nakikipag kaibigan ay dahil sa pangalan nila... mas alam mo ang ganung pakiramdam dahil palagi kang nag iisa..."

"Hindi, dahil mas pinili ko ang mag isa..."

"At yung ang dahilan kung bakita napakalakas mo Sylvan... samantalang si Emia naman ay nagpapatuloy sa paghahanap sa bagay na matagal mo ng tinapon..."

"Kaya siya mahina..."

"Kaya mo siya pino-protektahan... (smile)"

[Sylvan]

Pino-protektahan?...

Ginagawa ko nga ba yun?...

"Sylvan!?... Hindi ba may nararamdaman kang kakaiba kapag malapit sayo si Emia?..."

R E A L I Z E ! ! ! !

Emotionless mode deactivate

Napatingin ako kay Lindoln ng sabihin niya yun at ma-realize ko ang isang bagay na hindi ko naintindihan...

"Tama ka..."

"Syempre, yun ay dahil naniniwala siyang naging magkaibigan na kayo..."

"Mali ka,... Lindoln..."

"Huh!?..."

[Lindoln]

Ngayon ko lang nakitang naging seryoso at tapat ang presensya ni Sylvan.

"Anong ibig mong sabihin?... Sylvan?..."

Tanong ko pero nagulat ako ng makita ko ang pag ngiti ni Sylvan at ang sumunod niyang mga sinabi...

"Hindi lang basta ganun ang nararamdaman ko..." (smile)

O M G !!!!

********

[Night, room of Sylvan]

Nakahiga na ako sa aking kama na medyo magkahiwalay ang aking mga paa at ang kaliwa kong kamay ay medyo nakaunat habang ang kanang braso ko ay nakapatong sa ulo ko.

Pinagmamasdan ko ang ceiling pero sa totoo lang eh wala naman doon ang focus ko...

Kinuha ng kaliwa kong kamay ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon kong suot at pinindot ang message icon para magsulat kaya lang... wala akong maisip na itext...

Ilang minuto rin akong nag isip ng maitetext ko pero sa bandang huli eh umalis na lang ako sa message icon at pinindot ang contact icon at nag scroll pababa pero hindi ko naman alam kung anong gusto kong makita sa mga contacts ko...

Bakit nga ba ako nandito?...

Narating ko ang dulo ng contacts ko at napansin ko na wala doon ang number ni Emia,...

Oo nga pala!... Nakalimutan ko na binura ko nga pala yung number niya pagtapos ng one month na parusa namin...

Kaya lang bakit madali kong napansin na hindi ko nakita ang pangalan niya sa contacts ko?...

Huwag mong sabihin sa akin na hinahanap talaga ng mga mata ko ang pangalan ni Emia sa phone numbers ko...

GEEZ!...

Walang gana kong binitawan ang cellphone ko sa kama at binagsak ang kaliwa kong kamay saka ako pumikit ng bahagya at dahan dahan...

( FLASHBACK MEMORIES ) ONE

Emia: Burahin mo na yung phone number ko sa phone mo...

Sylvan: Nung nakaraan ko pa binura yung number mo.

Emia: Buti naman para alam ko na hindi mo na naman ako iistorbohin...

Sylvan: Inaabangan mo ba ang tawag ko?...

FIRST STRIKE LOUD HEARTBEAT

****

( FLASHBACK MEMORIES ) TWO

[ Sylvan ]

Pansin ko simula pa lang pagpasok ni Emia ng classroom eh ang sama na kaagad ng tingin niya sa akin.

Tingin na nagagalit at tingin na ina-analyze ako simula ulo hanggang paa.

Yung pangalawa ang ayoko kasi kinikilabutan ako at hindi makakilos...

Tumingin ako sa kabilang direksyon at nangalumbaba para hindi ko siya makita...

BLUSHED... SMILE

SECOND LOUD HEARTBREAK

****

( FLASHBACK MEMORIES ) THREE

[ Sylvan ]

Nagtama ang tingin namin ni Emia ng sabay kaming mapalingon sa direksyon ng bawat isa at nahuli ko pa ang kakaibang reaksyon sa mukha niya bago siya biglang lumihis ng tingin at tumalikod.

Natutuwa ako sa reaksyon ng mukha niya....

Ungas.... (smile)

THIRD LOUD HEARTBREAK

****

( FLASHBACK MEMORIES ) FOUR

[ Sylvan ]

Hindi mabuti para sa akin na nagkataon pang nasa likod lang ako banda ni Emia... Kinailangan ko pa tuloy siyang alalayan dahil matutumba siya...

Matapos kasing aksidenteng maputol ang takong ng sapatos niya eh parang nag slow motion ang lahat at dahan dahan din siyang bumabagsak...

Nahawakan ko kaagad ang dalawang balikat niya para hindi siya tuluyang malaglag pero naihagis niya na pataas ang mga librong hawak niya...

FALL (Tok!) FALL (Tok!) FALL (Tok!)

Ang malas ko,... Sunod sunod pang nagbagsakan sa ulo ko ang mga libro na naihagis ni Emia,... Ang pagkakataon pa eh kinailangan ko talagang ipangharang ang ulo ko dahil kung hindi ko iyon gagawin eh diretso sa mukha ni Emia ang tama ng ma libro...

Ang nauna pa namang bumagsak eh yung kanto mismo nung libro kaya tuloy ang sakit ng ulo ko...

Ang sakit nun ah!... Nagkasugat pa ata ako sa ulo?...

Binalik ko ang tingin ko kay Emia matapos kong makita na may konting dugo yung palad ko na hinawak ko sa ulo ko.

" huwag kang mag alala, konting— "

Napatigil ako sa pagsasalita nun ng hawakan niya ang ulo ko ng dalawang kamay niya at ibaba ito para makita niya...

" teka sandali, huwag ka munang gagalaw... "

Hindi na ako nakapag react ng sabihin niya iyon ng may pag aalala sa kanyang tinig...

Hindi.

Hindi iyon ang totoong dahilan kung bakit ako hindi nakapag react dahil...

... Ito ang unang beses na may isang tao na pinaramdam sa akin na nag aalala siya sakin...

Sige na nga,... Pagbibigyan ko na siya,... Para naman mapalagay na ang loob niya,... Sige, hindi muna ako gagalaw...

(Fondness)

FOURTH LOUD HEARTBREAK

****

( FLASHBACK MEMORIES ) FINAL

[Sylvan]

Relax heartbeat...

Relax heartbeat...

One shot loud HEARTBEAT...

Babump!!! Naramdaman ko na parang may bumangga sa dibdib ko kaya medyo napagalaw ako ng paatras ng makita kong may pumatak na luha sa mga mata ni Emia at halata mo rin na nagbabadya ng tumulo ang mas marami panv luha dito

THIS IS THE VERY FIRST TIME THAT I FELT SOMETHING LIKE THIS... WHAT IS THIS?...

(CONFUSE)

FIFTH LOUD HEARTBREAK

********

[Back to reality] Sylvan

Aah!!!... Ano ba itong mga naaalala ko!?...

Dumilat ako ng mga oras na iyon at bumangon para kunin ang kumot na nasa bandang paahan ko at saka ko ikinumot at humiga patagilid sa kanan.

****

[Emia]

Nakadapa ako sa kama ko at naka ilalim ng inuunanan ko ang kanang kamay ko habang ang kaliwa ko namang kamay ah hawak ang cellphone ko at iniiscroll pababa at pataas ang inbox ko.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko at tinitignan ko ang mga messages ko...

"Walang text..."

Huh!!!?... Sinong walang text?... Nagtataka ako kung bakit ko nasabi yun... Matapos na walang ganang pag i-scroll ko sa mga messages ko ay naisipan kong pumunta sa phonebook ko...

huh?... sino nga ba ang gusto kong tawagan?...

Ah!.. Tama!... Si Lliane,...

Ini-scroll ko ng mabilis yung contact list ko at pag stop ko ng left thumb ko eh nakalagpas na pala sa letter "L" kaso biglang nag register call ang phone ko at napansin ko na lang na nadiinan ko pala ang pagpindot at hindi ko napansin na kay Sylvan na pala ang number na tinatawagan ko.

Mabilis kong pinindot ang hang up bago pa tuluyang mag ring ang phone ni Sylvan.

Buti na lang,... hindi ko alam kung anong sasabihin ko kung sakaling masagoy niya yung cellphone niya ng ganitong oras na ng gabi.

Tiningnan ko ng mabuti ang number ni Sylvan...

Naalala ko, hindi ko nga pala nabura ang number niya...

Hmp!!!!... Idi-delete ko na lang ito!... Tutal binura na rin naman niya ang number ko sa phone niya!... Ang lakas ba naman ng loob niya na burahin ang number ko samantalang siya itong walang pakialam na basta na lang kinuha ang cellphone ko at kunin ang number ko!.

... (thirty second later) ...

Kainis bakit ba hindi ko magawang burahin ang number niya...

Naiinis na talaga ako!... Hanggang dito ba naman eh lagi pa rin niya akong natatalo!?...

Bwiset!!!... sigh!?...

Walang kalakas lakas kong binaba ang kaliwa kong kamay na may hawak ng cellphone ko saka ako pumikit...

Chương tiếp theo