[Emia's Flashback one]
Natapos ang one month na parusa namin ni Sylvan at wala ng tatawag sa akin at manggigising para pumasok.
Ng mga oras na iyon ay nagpasya akong hindi ko muna buburahin ang number niya at akala ko noon eh magpapatuloy ang ugali niya na pag pansin sa akin pero hindi ko alam na ginawa niya lang pala yun dahil sa parusa naming pareho at nainis ako nun!...
Magkasama kami ni Lliane ng pauwi na kami ng makita naming magkasama sina Sylvan at Nina.
Wala naman akong dahilan para alamin kung saan sila pupunta...
Kung wala lang sa kanya eh wala lang din sa akin, babalik na lang din ako sa una kong buhay ng hindi ko pa siya nakikilala...
Yun ang naisip ko noon pero hindi ko alam kung bakit ko iyon naisip...
(FIRST HEARTBEAT)
****
[FLASHBACK TWO] EMIA
"Inaabangan mo ba ang tawag ko?..."
Matapos iyong sabihin ni Sylvan ay para siyang nagulat at agad na humingi ng paumanhin at nagmadaling lumabas ng classroom at pumunta sa railings.
Nalito ako sa ginawa niya at parang may nag uutos sa akin na sundan siya kaya naman paglabas ko ng classroom ay huminto muna ako at pinagmasdan siya habang nakatalikod.
Naku-curious akong gawin yun...
Nag aalala ako sa nakita ko sa kanya. May problema kaya siya?...
Bakit ba ako nag aalala?...
Hindi ko man lang siya nakitang nagulat sa paglingon niya at makita ako. Hindi ko tuloy alam kung paano ako magrereact...
(BLUSHES)
(SECOND HEARTBEAT)
****
[FLASHBACK THREE] Emia
Nitong nakaraang wednesday lang,... matapos kong hindi gaanong makatulog sa pag iisip ko kung ano ba talagang narardaman ko eh inumpisahan kong i-analyze mula ulo hanggang paa si Sylvan.
Wala,... malabo talaga akong magkagusto sa kanya...
Sinubukan kong tumingin sa ibang direksyon pero hindi ako makapagfocus ng maayos. Parang gusto ng ulo ko na bumaling ulit sa direksyon ni Sylvan,... nakakainis...
Yun nga lang,... nagulat ako...
Hindi ko inaasahan na sabay kaming lilingon at magtama ang mga paningin namin...
Sigh!... Bakit pa kasi kami nagkasabay sa paglingon eh,... nakakahiya!... Kailangan ko pa tuloy harangan ng kamay ko ang mukha ko para hindi niya ako makita...
(Total Blushed)
(THIRD HEARTBEAT)
****
[FLASHBACK FOUR] End of second class
Naglabasan na ang lahat kaya nagmadali na akong iligpit ang gamit ko,... ang kaso ng dahil doon eh mas lalo akong natagalan dahil naglaglagan ang mga libro ko at notebook...
Nagmadali akong damputin ang mga gamit ko at nakita ko na lang si Sylvan na pinupulot din ang iba pa...
(sweetness)
(FOURTH HEARTBEAT)
****
[Hallway]
Gusto ko na talagang malayuan ng mga oras na iyon si Sylvan ang kaso eh nabali naman ang takong ng sapatos ko.
Dahil sa mabilis akong maglakad ay nawalan agad ako ng balanse at naihagis ko bigla ang mga hawak kong libro habang dahan dahan akong bumabagsak mabuti na lang at may humawak na kamay sa dalawa kong balikat...
SLOW MOTION
K Y A A A H H H ! ! ! (Flustered)
BABUMP!!!!
(SAVIOUR)
(FIFTH HEARTBEAT)
Nakita ko pa ng babagsak na ang mga libro patungo sa akin pero hindi ako makagalaw... wala na akong magagawa pa...
Tatama iyon sa akin...
Napapikit ako at hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari...
Naramdaman ko na lang na may humila sa akin at agad kong naidilat ang mga mata ko at nakita ko na lang na nasa harapan na ng mukha ko si Sylvan...
(Eye contact)
Tumama sa ulo ni Sylvan ang mga libro at mula nun ay para na lang akong nagising bigla at agad akong tumayo mula sa pagkakaalalag niya sa akin at tumingin sa kanya...
"Ayos ka lang ba?..."
Hindi ko mapigilang mag alala dahil mabibigat ang mga librong bumagsak sa ulo niya...
Binitiwan niya na ako ng nakatayo ako ng maayos at saka niya hinawakan ng kanang kamay niya ang parte ng ulo niya kung saan siya nabagsakan.
"Okay lang ako..."
Tinignan niya ang kamay niya na pinanghawak niya sa ulo niya at napansin ko na may dugo iyon kaya naman hindi ko napigilang mag alala talaga.
"Kaya lang?..."
Dahan dahan akong lumapit sa kanya.
"Huwag kang mag alala, konting---"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at agad na hinawakan ng dalawa kong kamay ang ulo niya banda sa parte ng tenga at ibinaba ng kaunti para naman makita ko ang sugat niya...
"Teka sandali, huwag ka munang gagalaw..."
(Care)
SIXTH HEARTBEAT
Nagulat ako sa aking sarili,... ano itong kakaibang nararamdaman ko?...
Hindi ko mapigilan na hawakan ang ulo niya at mag alala na baka malaki ang makita kong sugat...
(Worried?)
SEVENTH HEARTBEAT
Nagtungo kami sa may school clinic at habang nasa loob si Sylvan ay nagpunta muna alo sa locker ko at nagpalit ng maayos na sapatos at matapos kong bumalik ay agad kong binuksan ang pinto at nakita si Sylvan na kaharap ang school nurse.
"Okay ka lang?..." tanong ko.
"Nandito na pala ang girlfriend mo,... o sige na makakaalis ka na..."
Nahiya ako ng marinig kong sabihin iyon ng nurse kay Sylvan kaya lang hindi ako makapagreact dahil wala pa naman ako sa loob at hindi rin ako makatingin kay Sylvan dahil sa sinabi ng nurse at isa pa,... parang may iba akong naramdaman ng marinig ko iyon na hindi ko maintindihan kung ano...
(SHY)
EIGHT HEARTBEAT
[Emia]
Pumunta kami sa may canteen matapos naming manggaling sa clinic pero nahihiya pa rin akong tignan si Sylvan. Siguro dahil na rin sa nangyari kanina pero higit pa doon ay parang nag iba ang pakikitungo sa akin ni Sylvan.
"Yung nangyari kahapon, humihingi ako ng paumanhin..."
Napatingin ako sa kanya dahil nabigla ako sa sinabi niya at pagkatapos ay nakaramdam na lang ako ng pagkalungkot at medyo itinagilid ko pakanan ang ulo ko at ibinaba ang tingin ko...
" Sylvan,... Bakit ka ganyan magsalita ngayon?... Parang kanina ka pa ibang tao,... Hindi ko tuloy malaman kung ano ang dapat kong maging reaksiyon.... Hindi naman ako ganito pero sa tuwing kaharap kita pakiramdam ko eh lagi mo na lang akong tinatalo... Natatakot ako na kapag may sinabi ako eh baka mapahiya na naman ako at mali na naman... "
" Hindi naman ako nag iba, kung paano mo ako nakilala nung una eh yun pa rin naman ako ngayon. Kasalanan ko kung bakit hindi mo ko nakilala sa paraang ganito pero... ganito na talaga ako. Huwag mong isipin na laging mali ang tingin ko sayo. Mas gusto ko kung magiging tapat ka sakin... Sabihin mo lang kung anong gusto mong sabihin kapag magkasama tayo... "
Napatingin ako sa kanya ng diretso ng marinig ko ang kanyang huling sinabi...
Sabihin mo lang kung anong gusto mong sabihin kapag magkasama kami... ???
Magkasama??? Anong ibig niyang sabihin?...
" a-anong ibig mong...?... "
Hindi ko maituloy ang sasabihin ko pero alam kong alam niya ang gusto kong itanong...
" Hahayaan kitang maging bahagi ng buhay ko... "
SHOCK!... BIG O!....
Napanganga ako sa gulat at mabilis din akong namula at agad na ibinaba ang tingin ko at mga kamay sa baba ng lamesa.
Hi-... hindi ko a-alam kung anong gagawin ko... nagtata-... nagtatapat na ba siya sa akin?...
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman,... ngayon lang ako napagtapatan ng ganito...
Nalilito na talaga ako,... hindi ko alam kung nagtatapat nga ba talaga siya...
Ma.... Ma.... Ma.... Ma-maging bahagi ng bu-buhay niya????....
(Totally Blushed) BOILING
NINTH HEARTBEAT
****
[BACK TO REALITY] Emia
Napabalikwas ako ng bangon matapos kong maalala ang lahat ng iyon at nararamdaman ko pa rin ang lakas ng tibok ng puso ko...
Matapos ng mga sandaling iyon ay agad akong napatingin sa cellphone ko na nasa kanang bahagi ng kama at biglang nag flash sa isipan ko ang mukha ng lalaking iyon...
TENTH HEARTBEAT
"HAAAAH!!!! NAKAKAINIS!!!..."
Binagsak ko bigla pakaliwa ang katawan ko sa kama at niyakap ang giant teddy bear ko at saka ako natulog...
********
[Next morning] Lliane
Tuesday...
Library...
"Hindi ka nakatulog?..."
Diretso kong tanong kay Emia matapos kong batiin siya ng "good morning" at sumagot siya ng inaantok pa ng "good morning".
Sa totoo lang eh hindi ko inaasahan na makikita ko dito si Emia sa library na nagbabasa at hindi ko rin ini-expect na ganito siya kaaga papasok...
"o-um..."
"Ang aga mo ata pumasok ngayon,... advance ka ng mahigit isang oras ah..."
"Wala, gusto ko lang mag review, malapit na kasi yung exams natin..."
Hmm... hindi naman siguro si Sylvan ang dahilan kung bakit siya puyat ngayon--- oops!?... Mali ata ako ng ginamit na words...
Siguro mahilig lang talagang magbasa itong si Emia...
Malamang sa kababasa niya nakuha yung mga sinabi niya sa akin kahapon patungkol sa LOVE,... speaking of love...
"Emia, ilan na ba ang nagiging boyfriend mo?..."
"E ahhh!!!!????"
"Bakit?... Wala ka pa bang nagiging boyfriend?..."
Nakangiti ako ng itanong ko iyon tapos binaba ni Emia ang tingin niya pakanan atsaka walang confidence na sinabi...
"Sapalagay ko hindi naman ibinibilang ang mga ganung bagay..."
POOF!!!!... Napangiti ako sa reaksiyon ng mukha ni Emia...
Kung ganun wala pa pala siyang nagiging boyfriend... kaya lang parang hindi naman ata ako makapaniwala nun... maganda naman itong si Emia at napaka cute pa naman niya ngayon...
"Emia."
Huminto ako sa pagsasalita at hinintay ko munang tumingin siya sa akin at sumagot.
"Ano yun?..."
"May nagtapat na ba sayo?..."
Magka eye to eye contact kami ng tanungin ko iyon kaya kitang kita ko ng bigla siyang mamula at iniiwas ang tingin sa akin...