webnovel

Chapter 11

[ Lindoln ]

Obsevation eye activate!!!! Searching for possible something, GO!...

" good morning Emia.  "

Bati ko.

" ah go-good morning... "

Matapos iyong sabihin ni Emia eh lumingon ako kay Lliane na naghahanap pa rin ng mauupuan...

" Lliane,  meron pa dito oh!... "

Nakangiti ako sa kanya pagsabi ko nun at buti na lang at kinawayan din siya ni Emia na parang nagmamadaling paupuin si Lliane.

Ayos!... Hehehe... Wala ka ng nagawa si Lliane kaya pumunta na rin siya sa pwesto namin at umupo katabi ni Emia... Bali magkaharap kami tapos sila Sylvan naman at Emia ang magkatapat.

Ako na ang naunang nagsalita... kasi naman eh may nahalata ako kanina...

Evil smile...

Mag e-enjoy ako nito...

" so,... Ano nga palang nangyari diyan sa ulo mo Sylvan, naaksidente ka ba kanina?... "

SHINING LIGHT...

Alam niyo,... Tama talaga ang kutob ko kanina pa simula pa lang ng paglapit ko sa kanilang dalawa...

Nahuli sa pain kong tanong si Emia dahil kitang kita ang ibang reaksiyon sa mukha niya ng magtanong ako kay Sylvan...

She's guilty!

" wala lang 'to... "

Sagot ni Sylvan. Alam kong wala akong mapapala dito kay Sylvan kaya si Emia na lang ang paaaminin ko... Hehehe...

[ Lliane ]

Sige,... Pagbibigyan ko muna si Lindoln ngayon,... Ang inaalala ko eh yung pinag usapan namin ni Sylvan kahapon,...

Naalala ko kasi yung usapan namin ng makita ko sila ni Emia na magkasama ngayon... Sineryoso talaga niya ang sinabi niya kahapon.

Oo nga, hindi na nga malungkot ngayon si Emia kaya lang pag tinitignan ko siya ngayon na nakayuko at hindi malaman kung saan titingin, kung sa harap ba o sa gilid? At parang nahihiya na akala mo eh isang babae na—...?

OH! MY!... Isang babae na... na!...

" mauna na kami sa inyo,  tara na Lindoln... "

" sige,  mauna na kami... "

Napalingon ako kila Sylvan ng magpaalam na ito at ganun sin ai Lindoln at matapos nun ay umalis na rin sila...

Analyzing eye activate!!!!

" oi!? Emia!?... "

" huh?... Ano yun?... "

" hmmm... "

" wag mo nga akong tignan ng ganyan... "

" hindi ka naman siguro...? "

" ano yun?... "

" wala ka naman sigurong gusto kay Sylvan di ba???... "

" huh!?... Wala ah,... Bakit mo naman nasabi yan...? "

Umurong siya paatras pagkasabi niya nun kaya umabante naman ako para makadikit sa kanya.

" talaga lang huh!?... "

" oo nga,... "

Umurong ulit siya kaya umabante ulit ako.

" sigurado?... "

" oo nga,... "

Umurong ulit tapos tumayo at kinuha ang mga gamit niya at nagpaalam sa akin. Kung ganun hanggang dalawa ka lang pala ha... Hindi mo na kayang i-deny sa pangatlong beses ah...

" una na muna ako sa iyo Lliane,... Malapit ng mag umpisa yung sunod na klase ko... "

" talaga!??? Eh ang alam ko eh mag classmate kaya tayo... "

"ah! Oo nga!... Eh,.. Hehe... "

" oo nga ka diyan... Halika nga dito (malambing) "

[ Emia ]

Nagulat ako kay Lliane ng bigla niya na lang akong yakapin at syempre eh hiyang hiya ako ng makitang may mga nakatingin na sa amin...

" okay na sa akin na ganyan ka, basta wag ka lang malungkot... "

" eh,... He... he... "

Ano ba yan,... Nakakahiya talaga...

************

[ 3rd classroom, Sylvan/Lindoln ] Sylvan

This is the picture of the two of us...

Nagbabasa ako ng notes ko habang si Lindoln naman ay nakaupo sa tapat kong lamesa at nakatingin sa akin.

" ano ba yun hah?... "

[ Lindoln ]

Malakas ang pang amoy ko na may nangyari sa kanilang dalawa ni Emia nung wala pa kami ni Lliane kanina... Hindi naman tatahimik yun tatahimik ng ganun at mahihiya na lang basta kay Sylvan,...

Napapaisip tuloy ako kung anong ginawa ng lalaking ito na nasa harapan ko ngayon...

Hmmm... Naghalikan kaya silang dalawa kanina... Este! Hinalikan kay ni Sylvan si Emia?...

" anong ginawa mo kay Emia kanina?... "

" kung saan saan na naman napupunta yang imaginasion mo... "

" paano mo nalaman!?... "

" kilala na kita... Wag mo nga kaming pag isipan ng iba... "

Nagsusulat siya habang nagsasalita,... Ang ibig sabihin eh nagsisinungaling siya kasi ayaw niyang tuminfin sa akin...

" wag mo nga akong bigyan ng ideya para magkagustuhan kami... "

Sabi ni Sylvan... Haha... Huli ka na ngayon...

" eh di inamin mo rin... "

Tumigil siya s pagsulat at itinutok ang likod ng ballpen niya sa akin.

" ilang beses ko na bang sinabi ang ganito sayo... Ang tanda ko eh huli ko itong sinabi nung si Nina pa ang ni li-link mo sakin... "

" hindi ah... Pero ano bang tingin mo dun kay Emia?... Kung paghahambingin mo sila ni Nina?... "

...

Ayaw talaga akong sagutin ni Sylvan at tumingin lang sa akin...

" oo na,... Titigil na ako... "

...

Ilang saglit lang din akong tahimik saka ako nangulit ulit...

" ano bang nangyari diyan sa ulo mo?... "

" wala nga,... Nabasakan lang ako ng libro sa ulo... "

Mukha namang totoo ang sinasabi niya kaya naman tumigil na ako sa pagtatanong...

Sigh... Kala ko pa naman eh may ibang nangyari...

**********

Starting of fourth class

[ Lliane ]

Kakatakot naman,... Mag classmate nga kami ngayon ni Sylvan, kaya nga hangga't maaari eh lumalayo ako sa kanya,... Mahirap na at baka maisip pa niyang kulitin ako sa pinag usapan namin kahapon...

Mabuti na lang talaga at ang aga ng teacher namin pumasok kaya safe ako...

...

End of fourth period...

Safe ako....? Yun ang buong akala ko pero hindi pala.

Sino ba naman ang hindi matatakot ng habang nililigpit ko ang gamit ko eh bigla na lang may kumalabit sa likod ko, tapos ang makikita ko pa eh si Sylvan na nakangiting demonyo...

SHOCKERS!!!!...

Hindi naman siya nagsalita pero matapos niyang tumingin sa malayo eh saka binuklat yung notebook niya at pinakita sa akin yung nakasulat doon...

It says, " yung pinag usapan,  kung hindi ikaw eh ako... "

Nilakihan talaga niya yung " ikaw " tapos " ako "...

Ayoko ngang kausapin si Lindoln,  bahala siyang magsabi...

Ng masiguro na niyang nabasa ko na ang nakasulat eh binuklat naman niya uli sa kasunod na pahina at ang nakasulat naman...

" ngayon ko na sasabihin... "

Pagkabasa ko nun eh tumingin siya sa akin ng nakangiti talaga at nang aasar...

Lose...

Give up...

I'm begging you...

" please naman oh... "

" naisip mo dapat na maiipit ako s inyong dalawa bago ka nagkwento sa akin... "

" sige na... "

**********

End of lunch break...

Starting of fifth period...

[ Emia ]

" anong nangyari sayo Lliane?... "

" wala... "

Mukhang wala sa mood itong si Lliane ngayon...

" yung Sylvan kasi na yun eh!... "

" bakit? Ano bang ginawa niya sayo?... "

" bina-blackmail niya kasi ako!... "

" ano bang pinamba-blackmail niya sa iyo?... "

Tumahimik si Lliane at tumingin sa akin ng medyo parang nagulat bago nag ngangangawa at sumalampak sa desk niya...

Napa-praning na ata ang baaeng ito...

Nung nakaraan lang eh grabe kung ipagtanggol si Sylvan nung naiinis ako tapos siya naman ngayon yung— hay naku!... Ewan ko ba...

**********

End of fifth period... Nina, Sylvan

[ Nina ]

Paalis na ang lahat sa classroom pero nanatili pa rin ako sa aking upuan habang si Sylvan naman ay inaayos na ang kanyang mga gamit.

Nakaupo ang ako habang naghihintay,...

Naghihintay???

May hinihintay nga ba ako?...

[ Sylvan ]

Nakalabas na ang pang huling clasamate namin ni Nina na natira at tumayo na rin ako sa aking upuan.

Mukhang wala pa atang balak na umalis si Nina,... Hindi pa rin kasi siya kumikilos sa kinauupuan niya.

Nagde-daydream siguro siya...

[ Nina ]

Hindi ko na napansin ang paglapit ni Sylvan sa aking pwesto at nahawakan na niya pala ang ulo ko.

Sylvan smiles...

Chương tiếp theo