[ Nina ]
Hindi ko na napansin ang paglapit ni Sylvan sa aking pwesto at nahawakan na niya pala ang ulo ko.
Sylvan smiles...
Nabigla ako ng ma-realize ko ang bagay na iyon at medyo napaatras ang upuan ko...
" ba-bakit??? "
[ Sylvan ]
Medyo napangiti ako sa naging reaksyon sa mukha ni Nina,... Ang lalim siguro ng iniisip niya kaya nagulat siya sa ginawa ko,...
" wala ka namang sakit... Hindi ka pa ba aalis?... Malapit ng magsipuntahan dito ang sunod na klase... "
Hindi siya sumagot at parang ngayon niya lang naisip na may mga susunod pang gagamit ng classroom.
Nakatingin lang ako sa kanya ng simulan niyanv kunin ang mga gamit niya at maglakad.
Nilampasan niya ako pero bago pa siya makalayo eh hinawakan ko ang bagpack niya kaya naman hindi siya makaalis at huminto na lang at lumingon sa akin...
" ano bag ginagawa mo?... Bitiwan mo nga ang bag ko... "
" sabay na tayo... "
[ Nina ]
Nakangiti siya ng sabihin niya iyon,...
Ngumiti siya.
Iyon ang isang bagay na kinaiinisan ko sa kanya. Ang kakayahan niyang ngumiti sa mga sitwasyon kung kelan siya nagiging manhid at walang alam...
Ang ngiti niya na parang sinasabi sa akin na hindi niya papansinin kung may problema lang ako at hindi siya magtatanong,... Gagawin niya lang kung anong gusto niyang gawin at wag ko na lang siyang pansinin...
Nakakainis pag ganun siya... MANHID!... NAKAKAINIS!...
——————————
Moments later...
Hallway...
[ Lliane ]
Naglalakad ako as usual at papunta na sa aking sixth period classroom.
Nasa room niya na si Emia kaya ako na lang mag isa ang naglalakad ngayon...
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pamba-blackmail sa akin ni Sylvan tungkol sa secret ko kung bakit ko nilalayuan si Lindoln.
Ako ang magsasabi o siya?... Pinapipili talaga niya ako,... Sa susunod talaga eh hindi ko na siya sasabihan tungkol sa buhay ko,...
May pasabi sabi pa talaga siya na magkwento lang ako kung gusto ko at tatahimik lang siya!!!! Lokohin niya!!!!
Ngayon na-realize ko na na hindi ko siya dapat na pagkatiwalaan...
...
Medyo nawala ako sa pag iisip ng makita ko siya,... Si Sylvan.
Lagot kailangan kong magtago— teka nga lang!...
Tatkbo na sana ako ng mapansin kong may kasama pala siya... Si... Nina?...
Wooh! Woh... Woh!... Anong meron dito!?... Parang may something ah??? Bakit kaya ganun makatingin si Nina kay Sylvan habang naglalakad sila?... Parang nagtitimpi na ewan...
Hindi ba nararamdaman ni Sylvan yung mga tingin ni Nina sa kanya...
1 step,...
2 step,...
3 step,...
4 stop.
Biglang huminto si Nina sa paglakad kaya huminto naman din si Sylvan at tumingin sa kanya.
[ Sylvan ]
Hinihintay kong magsalita si Nina ng humarap ako sa kanya pero nanatili lang siyang nakatahimik at nakatingin lang ng diretso sa mga mata ko...
10 seconds total silence...
" hanggang kelan?... "
" huh!?... "
... Medyo lito ako sa tanong niya na hanggang kelan,... Saan naman kaya niya nakuha ang tanong na yun?...
" hanggang kelan mo balak na umarte na wala kang alam!?... "
Ops!? Mukhang hindi ko magugustuhan ang mga nangyayari ngayon...
" hanggang kelan mo gusto na isipin ko na manhid ka lang!?... "
Aaaahhh!??? Lagot ako!?... Parang ang dami atang nakaturok na laser sa katawan ko...
[ Lliane ]
Ui!... Grabe ah,... Nakuha na nila ang bung attension ng mga estudyante na nakapaligid ngayon dito sa may hallway,...
Grabe ang show na ito ah,...
Hindi ko akalaing magagawa ni Nina ang ganito,...
Ano kayang nararamdaman ni Sylvan ngayong nakorner na siya ni Nina?...
A.) halos matunaw na siya sa dami ng nakakakita sa kanya.
B.) baka wala lang sa kanya at no effect lang.
C.) Boom! Boom! Heartbeat! Heartbeat!
Sayang, gusto ko pa namang makita ang magiging expression sa mukha ni Emia kung nandito siya...
Pero,... Humahanga talaga ako sa tapang na ipinapakita ni Nina ngayon...
[ Sylvan ]
Sigh,... Mukhang na corner na talaga ata ako ah...
" wala ka man lang bang sasabihin?... Nakakainis ka alam mo ba yun, kapag ganyan ka... "
Tsk!... Paano naman kaya ako makakapagsalita eh wala akong maisip na pwedeng sabihin,... Atsaka kailangang kong mag ingat dahil maraming nakatingin sa amin... Pwedeng mapasama lang ako kapag may sinabi akong hindi ko dapat na sabihin sa ganitong sitwasyon... Saka mukhang huminto ata sa pag iisip yung utak ko...
" Sylvan!? Gusto kita alam mo ba yun?... "
Ahm!?... Wala talaga,... Ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko...
Tik... Tak... Tik... Tak...
" tanga ka talaga!!!! "
Matapos itong sabihin ni Nina ay agad siyang tumakbo paalis.
Shut up.
Mukhang ni-lock ata yung bibig ko kaya hindi ako makapagsalita...
Gusto ko sana siyang sundan... Kaya lang,... Sigh... Di bale na nga lang...
[ Lliane ]
Ungas talaga,... Hindi man lang niya sinundan si Nina... Kung sabagay sa dami nga naman ng nakakita sa kanila eh hindi ka talaga makakagalaw...
Wala na,... Tapos na tuloy ying sine...
Paalis na sana ako ng makita ko si Lindoln pagtalikod ko. Nakita rin pla niya yung eksena...
Toink!...
Boiling temperature...
Caught looking...
Malas!?... Nakita pa niya akong nakatongin sa kanya...
Kahit na malayo siya sa pwesto ko eh nakuha pa niyang mag HI sa akin at ngumiti...
Talaga naman!!!!
Heartbeat Heartbeat Heartbeat
Hindi na ako nag isip at agad na tumalikod paalis sa lugar na iyon...
**********
End of final classes...
[ Lindoln ]
" ui!? Sylvan... Hintayin mo ako... "
Agad kong hinabol si Sylvan na palabas na ng classroom. Kanina ko pa kasi siya gustong mapagtripan— este makausap...
Syempre naman!... Matapos kong ma-witness tung krimen kanina eh hindi na ako mapakali...
...
Magkasabay na kami at syempre... Ano pa bang iba kong aasahan,... Hindi man lang siya nagkukuwento kaya hayun,... Ako na ang nangulit...
Siniko siko ko siya na tumingin naman na nagpapanggap na hindi niya alam kung anong ibig kong sabihin sa ginagawa ko...
" kumusta?... So anong magandang exciting na nangyari sa inyo kania ni Nina?... May something daw ah... "
Kailangan ko ng diretsahin itong si Sylvan kasi magpapanggap na naman itong walang alam...
" no comment... " sagot niya.
" magsabi ka na... "
" no comment,... Wag mo na akong kulitin... "
" playing safe ka na naman... "
[ Sylvan ]
Kung sasabihin kong wala lang yun eh baka masaktan ko lang si Nina dahil iisipin niyang wala lang sa akin anh mga sinabi niya...
Kung ikukuwento ko naman ang nangyari kanina eh baka isipin naman niya na ipinagkakalat ko iyon at masasaktan siya...
Mas makakabuti siguro kung mananahimik na lang ako... Saka na ako magsasalita sa issue kapag magkaharap na kami ni Nina... Tutal kaming dalawa lang naman yunh involve...
" may mga nagtext nga pala sa akin kanina, gusto mong basahin?... "
" tungkol saan?... " tanong ko...
" ito oh... "
Ibinigay sa akin ni Lindoln ang cellphone niya na nakabukas ma yung sinasabi niyang message...
" just for fun,... Describe Sylvan in one word
Comments as of 4:15pm
1.) Manhid 2.) Tanga 3.) Ungas 4.) Tukmol 5.) Girl Magnet 6.) Chickboy * pati yung bestfriend ko nilalandi niyan 7.) Paasa 8.) Kumag 9.) Two Timer 10.) Three Timer
Magdagdag pa kayo ng iba pang salita na wala pa sa listahan and PLEASE!!!! Bawal ang positive!!!! "
Ibinalik ko na kay Lindoln ang cellphone niya kasi wala namang kwenta yung mga text na ganun...
" so,... Ano?... May tumama ba sayo kahit isa... " tanong ni Lindoln.
" meron ba dapat?... "
" oi!... Oi!... Teka, baka iniisip mo na ako ang nagkalat nito ah... "
" wala akong naisip na ganyan pero dahil sa nasabi mo na rin lang... "
" swear! Wala akong kinalaman diyan... "
" hindi bale na,... Wala namang totoo sa mga nandiyan,... Kelan pa ako naging chickboy at lumandi!?... Two timer, three timer... Kalokohan... "
" dinamdam mo?... "
" hindi,... Napaisip lang ako kung paano nila nasabi yun samantalang wala naman akong kilalang nagawan ko ng masama... "
" weh??? Eh paano si Emia?... "
" bakit naman nasali yun sa usapan?... "
" si Nina?... "
" bahala ka nga... "
" si Angel?... Si Mary Rose?... Si Diana?... Si— "
" sino naman yang mg binabanggit mo?... "
" yung mga nag text sa akin... Parang may atraso ka ata sa kanila... "
" gawa gawa mo lanv ata yan eh... "
" paano si Kristine, si Gwen,... Paano ako oh oh... "
" magtigil ka nga... "
**********
Waiting shed
[ Sylvan ]
Naghiwalay na kami ng daan kanina ni Lindoln matapos niyang tumigil sa pangungulit sa akin kanina at ngayon ay nandito naman ako sa may waiting shed at naghihintay ng bus na masasakyan ulit dahil kakaalis lang kanina ng isang bus pagdating ko sa dito sa pwesto ko ngayon...
Mag isa na lang ako ng mga oras na iyon ng dumating si Lliane at agad na kumapit sa kaliwa kong braso na parang nagmamakaawa at saka nagsalita...
" sinabi mo na kay Lindoln?... "