webnovel

Chapter 10

[ Sylvan ]

Binalik ko ang tingin ko kay Emia matapos kong makita na may konting dugo yung palad ko na hinawak ko sa ulo ko.

" huwag kang mag alala, konting— "

Napatigil ako sa pagsasalita nun ng hawakan niya ang ulo ko ng dalawang kamay niya at ibaba ito para makita niya...

" teka sandali, huwag ka munang gagalaw... "

Hindi na ako nakapag react ng sabihin niya iyon ng may pag aalala sa kanyang tinig...

Hindi.

Hindi iyon ang totoong dahilan kung bakit ako hindi nakapag react dahil...

... Ito ang unang beses na may isang tao na pinaramdam sa akin na nag aalala siya sakin...

Sige na nga,... Pagbibigyan ko na siya,... Para naman mapalagay na ang loob niya,... Sige, hindi muna ako gagalaw...

[ Emia ]

Ano itong kakaibang nararamdaman ko?... Hindi ko mapigilan na hawakan ang ulo niya mag alala na baka malaki ang makita kong sugat...

THE SWEETNESS OF SCENT I SMELL

AND WITHIN THE AIR; THE BIRDS ARE SINGING

I TAUGHT THE TIME WENT TO SLOW

THE HEART BEATS AND IT TURNS TO GLOW

MY HANDS ARE REACHING FOR YOU

AND SO DOES YOURS TOO

SO,... WHEN THIS TALE OF OUR LOST HEARTS END

THE REALITY IS KNOCKING THROUGH OUR HEAD.

——————————

At the distant

[ Nina ]

I'm falling down...

Drop... Drop... Drop...

Umiiyak ang puso ko habang ako'y nanonood sa malayo simula pa lang ng mapatigil ako sa paglakad ng makita ko ang isang eksenang nakapagdulot ng kirot sa puso ko...

Napatigil ako ng mapalingon ako sa direksyon nilang dalawa sa kabilang pasilyo at makitang hinawakan ng mga kamay ni Emia ang ulo ni Sylvan.

Hindi ko inaasahang walang gagawing pagtutol si Sylvan sa ginawang kapangahasan ni Emia,...

Anong ibig sabihin nun?...

Kahit na ayaw ng mga mata kong tignan ang nangyayari eh gusto pa rin ng puso ko na nasasaktan na malaman ang mga susunod na mangyayari...

Kinakabahan ako,... Ayokong makita ang bagay na iyon,... Ang gawin ng isang lalaki ang bagay na iyon sa isang babae,... Ako ang dapat na nandoon sa kalagayan niya...

...

Ano ba Emia!?... Lumayo ka na sa kanya...

" anong ginagawa mo Nina?... "

Huh!?... Nagulat ako,... Hindi ko namalayan na may ibang tao na pala na nasa likuran ko... Lumingon ako para tignan kung sino yun...

" sinong tinitignan mo diyan?... "

" ikaw pala Elliot... "

" teka??? Si... "

Nakita ko ang pagkabigla ni Elliot ng makita niya kung sino ang tinitignan ko... Pero kakaiba naman?... Ang reaksiyon niya ay kakaiba sa pangkaraniwan...

There is something going on that wasn't supposed to be happening...

" kilala mo ba si Emia?... "

Hindi na ako nagulat ng tumingin sa akin ng seryoso si Elliot ng sabihin ko iyon.

Our presence is now the same...

Sigurado akong magsasabi siya ngayon ng isang bagay na totoo...

" siya ang dahilan kung bakit ako pumasok dito,... Ang totoo niyan,... Ng malaman ko na dito siya nag aaral eh agad akong lumipat dito... "

Hindi nga ako nagkamali... Sabi ko na nga ba at pamilyar sa akin ang asal niya kanina...

[ Elliot ]

" tutal naman eh pareho tayo nh sitwasyon eh bakit hindi na lang tayo magtulungan,... Ikaw ang bahala kay Sylvan at ako naman kay Emia... "

" pinapatawa mo ba ako Elliot?... Sa tingin mo ba makikipagtulungan ako sa iyo... "

" bakit naman hindi?... Kung gusto mo talaga si Sylvan eh aalisin mo ng pride mo... "

" hindi iyon pride, hindi lang talaga ao nagpapagamit sa kahit kanino... Alam ko namang gagamitin mo lang ako... "

" ang sama naman ng tingin mo sa akin... "

" bahala ka basta't hindi ako makikipagtulungan sayo,... Gawin mo ang gusto mo at gagawin ko naman ang sa akin... "

" baka pagsisihan mo iyan pag nawala sa iyo si Sylvan... "

Hindi na niya ako pinakinggan pa at diretso ng umalis...

Hay,... Teka nga... Ano na bang nagyayari kila Emia?...

Empty...

Space...

Space...

Nawala na agad sila!?...

**********

[ school clinic ] Emia

Agad kong binuksan ang pintuan ng clinic at nakitang kakatayo lang ni Sylvan kaharap ng table ng school nurse na nandoon.

Mukhang katatapos lang siyang kausapin ng nurse na ngumiti naman sa akin ng makita ako...

" okay ka lang?... " tanong ko kay Sylvan habang hindi pa rin ako tuluyang pumapasok at nakadungaw lang mula sa pintuan.

Papasok na sana ako ng biglang magsalita yung nurse na dahilan para mapahinto ako.

" nandito na pala yung girlfriend mo,... O sige na, makakaalis ka na... "

Nahiya ako nun sa sinabi ng nurse kaya lang hindi ako makapagreact dahil wala pa naman ako talaga sa loob. Hindi rin ako makatingin ng diretso kay Sylvan dahil doon.

" salamat po,... Aalis na ako... "

Narinig ko na lang na ipaalam ni Sylvan,... Loko!?... Bakit hindi man lang siya nagsalita...

...

Moments later...

...

Sabay na kaming naglalakad papunta sa canteen dahil hindi pa naman tapos ang breaktime kaya may time pa kaminv natitira para kumain...

Para KUMAIN!???...

Teka!? Teka!?... Hindi naman kami magkasamang kakain... Hindi ganun yun!...

( magkahawak ang mga kamay at pinagkikiskis ang parehong thumb finger... )

" okay ka lang?... "

Tanong sa akin ni Sylvan.

" ah!... Ano... Uhm... Oo... Okay lang... "

" pasensya ka na kung hindi ko na kinorect yung sinabi nung nurse kanina,... Hindi rin naman kasi niya ako pakikinggan... "

" ah! Hindi!... Okay lang,... Naiintindihan ko naman eh... "

[ Sylvan ]

Napapansin ko kanina pa niya pinagkikiskis ang dalawang thumb niya habang magkalock ang iba pa niyang daliri... Hindi rin siya makatingin sa akin...

" may problema ka ba?... "

" ah,... Wala naman... Okay ka na ba?... "

" ito ba?... (nakahawak sa ulo) okay na ito... "

" ganun ba?... Pasensya ka na pala sa nangyari kanina... "

" wag kang mag alala,... Yung sapatos mo?... "

" nakapagpalit na ako... "

Sigh,... Hindi ako sanay ng ganito,... Ang makipag usap ng makipag usap...

Kakaiba rin ang kinikilos ngayon ni Emia,... Naiilang tuloy ako nwanan siya...

——————————

Canteen...

[ Sylvan ]

Ilang minuto na kami dito ni Emia pero wala pa ring nagsasalita sa amin.

Natahimik na kami pareho pagpasok namin dito sa canteen kanina lang...

Hay!... Kailangan ba talagang ako pa ang maunang magsalita...

" yung nangyari kahapon, humihingi ako ng paumanhin... "

Tumingin siya sa akin na parang nabigla sa sinabi ko at nakita ko rin ng magbago ang expression sa mukha niya na parang malungkot...

Hindi niya ibinaba ang kanyang ulo pero ang direksyon ng mga mata niya eh nasa kanang banda sa ibaba.

" Sylvan,... Bakit ka ganyan magsalita ngayon?... Parang kanina ka pa ibang tao,... Hindi ko tuloy malaman kung ano ang dapat kong maging reaksiyon.... Hindi naman ako ganito pero sa tuwing kaharap kita eh lagi mo na lang akong tinatalo... Natatakot ako na kapag may sinabi ako eh mali na naman... "

Hindi siya makatingin sa akin ng diretso habang sinasabi niya iyon.

" hindi naman ako nag iba, kung paano mo ako nakilala nung una eh yun pa rin naman ako ngayon. Kasalanan ko kung bakit hindi mo ko nakilala sa paraang ganito pero... Ganito na talaga ako. Huwag mong isipin na laging mali ang tingin ko sayo. Mas gusto ko kung magiging tapat ka sakin... Sabihin mo lang kung anonv gusto mong sabihin kapag magkasama tayo... "

[ Emia ]

Napatingin ako sa kanya ng diretso ng marinig ko ang knyang huling sinabi...

Sabihin mo lang kung anong gusto mong sabihin kapag magkasama tayo... ???

Magkasama??? Anong ibig niyang sabihin?...

" a-anong ibig mong— "

" hahayaan kitang maging bahagi ng buhay ko... "

SHOCK!... BIG O!....

Napanganga ako sa gulat at mabilis din akong namula at agad na ibinaba ang tingin ko at mga kamay sa baba ng lamesa.

Ma.... Ma.... Ma.... Ma-maging bahagi ng bu-buhay niya????....

[ Sylvan ]

Hindi ko na napansin ang naging reaksiyon ni Emia sa sinabi ko dahil nakita ko sina Lliane at Lindoln na palapit sa kinauupuan namin habang may kanya kanyang hawak ng inumin at pagkain.

[ Lliane ]

Papunta ako sa kinauupuan nila Emia kasi nakita ko silang magkasama ni Sylvan at isa pa eh wala na ring upuan na bakante ang kaso nga lang eh doon din ang punta ni Lindoln... Pero ang palagay ko eh sinasadya niya lang na sundan ako, kanina pa kasi siya nakasunod sa akin simula pa lang nh matpos ang second class namin kanina.

Nagsalita ako sa kanya habang nakadiretso lang ng tingin ko kila Emia at ganun din siya.

" ano ba!? Wag mo nga akong sunda."

" hindi kita sinusundan... Nagkataon lang na magkaklase sina Sylvan at si Emia kaya pareho tayo ng pinupuntahan... "

" kung ganun eh di sa ibang luvar ka na maupo... "

" wala ng ibang bakante kundi kila Sylvan... "

" kapag hindi ka umalis, ako ang aalis... "

" ikaw ang bahala... "

[ Lindoln ]

Huminto si Lliane sa paglakad pero nagpatuloy lang ako at nakarating din kila Sylvan...

Hindi na ako nagsalita pa dahil umurong na si Sylvan para bigyan ako ng daan para makaupo kaya lang—

Pinky Pinky Pinky...

Wooh wooh wooh!?... Bakit ganito ang klima dito?...  Kinikilabutan tuloy ako...

Chương tiếp theo