webnovel

Chapter 9

[ Sylvan ]

" nami-mislead ka ata sa iniisip mo tungkol sa aming dalawa. "

" hindi noh!... "

" iniisip mo sigurong may gusto ako sa kanya... "

" ewan ko lang,... Ikaw ang may sabi ng ganyan... "

" iniisip mo rin siguro na may gusto siya sa akin... "

" malay ko lang,... Ikaw ang nagsasabi niyan... "

" ano bang gusto mong marinig na sabihin ko?... "

" yung totoo siguro!... "

" sigh,... Hindi na nga ako magsasalita,... Lalabas lang na jina-justify ko ang sarili ko sayo... "

Matapos ko itong aabihin ay tumalikod na ako at nagsimulang umalis.

" teka?... Aalis ka na?... "

Mahinahon lang siya ng magtanong kaya nakangiti akong lumingon sa kanya.

" bukas... Kapag ganun pa rin ang kilos niya pag nagkita kayo eh papayag akong suntukin mo ako pero pag hindi na,... ( evil smile ) "

Alam kong alam niya kung anonh ibig kong ipabatid sa kanya lalo pa at kung ano ano ng kinuwento niya sa akin kaya naman natuwa ako sa nakita kong expression sa mukha niya.

" oi!?... Teka,... Hindi pwede yang iniisip mo samin ni Lin— "

" usapan na yan ah,... "

Hindi ko ma hinintay pa siyang magsalita at umalis na ako bago pa siya tuluyang makaangal...

[ Lliane ]

Bakit kaya ganun si Sylvan?... Iba ang ugaling nakikita ko sa kanya kumpara sa mga ikinukwento ni Emia sa akin,...

Kung ganito niya nakilala si Sylvan eh malamang na hindi siya inis dito. Kaya lang,...

...Ayoko ngang gawin ang iniisip niya... Bina black mail pa niya ako!...

**********

[ Sylvan ]

Nakakatuwa naman,... Ayan ah,... Bininigyan ko na ng pagkakataon si Lliane na gawin ang bagay na gusyong gustong gawin ng puso niya kaya lang pinipigil ng damdamin niya...

Binigyan ko na rin siya ng reason na dahil sa usapan namin at talo siya kaya niya yun gagawin...

Pero...

Hindi ko pwedeng gawin ang kausapin si Emia sa paraan na gusto ni Lliane,...

Kapag ginawa ko kasi yun ay parang prinovoke ko na rin si Emia...

Ang isa sa mga dahilan kung paanong nahuhulog ng isang babae  sa lalaki ay kapag lumalapit ang lalaki na may ibang intensyon sa ginagawa niya para sa babae...

Nararamdaman ng babae yun at  yun ang nagiging dahilan kung bakit nag uumpisang madevelop ang damdamin nila.

Kaya kung hindi mo talaga gusto na mahulog ang isang babae sa iyo eh wag mong lalagyan ng intensyon that is out of the blue ang lahat ng gagawin mo para sa kanya...

Sinusubukan kong gawin yun lahat pero mukhang sumobra ata ako,...

" ui? Sylvan?... Kanina pa tayo naglalakad pero mukhang may iniisip ka ata... Ano bang pinag usapan niyo kanina ni Lliane?... "

" may sinabi lang siya tungkol kay Emia. "

" mukhang iba na yan ah,... "

" ginagawan lang ni Lliane ng sarili niyang version ang tungkol samin ni Emia,... "

" sa inyo ni Emia hah!?... Kelan ka pa tumuno ng ganyan pag nagsasalita?... "

" bahala ka nga... Parehas kayo ni Lliane... "

" ganun talaga kami... "

" oo nga pala, pareho kayong may utang sa aking dalawa... "

" utang??? "

**********

[ evening ] Emia's mansion

Hindi ako makatulog...

Alas onse katorse na ng gabi pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ko at yakap ko ang isa kong giant teddy bear na white ang kulay habang hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mukha ni Sylvan,...

Hindi ko maintindihan ang nangyayri sa akin,...

Habang patuloy ko siyang iniisip eh marahan ngunit napakalakas ng tinok ng puso ko,...

Hindi kaya nagkakagusto na ako sa kanya?...

Suddenly... His face flashed through my mind...

Pink... Pink... Pink...

Red... Red... Red...

Blush... Blush... Blushed...

Hindi!!!!... Waaah!... Malabo namang mangyari yun...

Face... Face... Face...

Ahh!!!! Tigilan mo nga ang pagpapakita mo sa isip ko!...

**********

Next morning...

Wednesday...

[ Sylvan ]

Pansin ko simula pa lang pagpasok ni Emia ng classroom eh ang sama na kaagad ng tingin niya sa akin.

Tingin na nagagalit at tingin na ina-analyze ako simula ulo hanggang paa.

Yung pangalawa ang ayoko kasi kinikilabutan ako at hindi makakilos...

Tumingin ako sa kabilang direksyon at nangalumbaba para hindi ko siya makita...

[ Emia ]

Sigh,... Malabo talagang magkagusto ako dito kay Sylvan,...

Sinubukan kong rumingin sa ibang direksyon pero hindi ako makapagpokus kasi naman eh parang gusto ng ulo na bumaling ulit sa direksyon niya at kusa pa talagang kumikilos ang mga mata ko at hinahanap pa ata siya...

Ah!!!! Gusto ko ng mabulag!!!!

Yun nga lang,...

Nagulat ako, hindi ko akalaing sabay kaming lilingon ni Sylvan at nagtama pa ang mga mata namin.

[ Sylvan ]

Nagtama ang tingin namin ni Emia ng sabay kaming mapalingon sa direksyon ng bawat isa at nahuli ko pa ang kakaibng reaksyon sa mukha niya bago siya biglang lumihis ng tingin at tumalikod.

Natutuwa ako sa reaksyon ng mukha niya....

Ungas....

[ Emia ]

Hay!!!? Bakit pa kasi kami nagkasabay sa paglingon eh,... Nakakahiya!... Kailangan ko pa tuloy harangan ng kamay ko ang gilid ng mukha ko para lang hindi niya ako makita...

Ahaaaah!!!! Ano bang nangyayari sakin!???

...

Lumipas ang buong klase ng para akong naninigas sa kinauupuan ko at hindi man lang gumagalaw.

Ganun din ang nangyari sa second subject namin pero buti na lang at doon siya nakaupo sa may harapan ko at hindi sa gilid pero kahit na ganun eh kailangan ko pa rin siyang bantayan para kung sakaling luigon siya ay may time pa ako para mag iba ng tingin.

( end of second class )

Naglabasan na ang lahat kaya nagmadali na rin kong iligpit ang mga gamit ko ang kaso eh ng dahil doon eh mas lalo akong natagalan dahil naglaglagan ang mga libro ko at notebook.

Nagmadali akong damputin iyon at nakita ko na lang si Sylvan na pinupulot din ang iba pa na malayo s pwesto ko...

Naku naman!?... Please lang,... Wag ka ng tumulong,... Hindi na nga ako makatingin eh...

Ayoko ng magtagl pa dito dahil baka mas lalo akong hindi makagalaw dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko at medyo nanginginig na rin ako...

Buti na lang at matapos niyang damputin ang iba kong gamit ay basta niya na lang yung ipinatong sa mga hawak kong libro ng hindi na nagsalita pa...

SAD...

Hinde... Bakit parang nalungkot pa ata ako ng hindi man lang siya nagsalita eh kanina nga lang eh gusto ko ng umalis eh...

At bakit parang hinihintay ko pa siyang magsalita?... Mali itong ginagawa ko...

Hindi ko na pinansin pa ang sumunod niyang ginawa at agad akong umalis ng walang pasabi...

Awkward moments later...

Ano ka ba!?... Bakit mo ba ako sinusundan!?... Lumayo ka nga sa akin... Sinusubukam ko na ngang tumakas eh...

Eeeeiiii!!!!.... Ano ba!?... Gusto pa ata akong traydorin ng mga tuhod ko,... Feeling ko ang bagal bagal kong maglakad kahit pa nagmamadali na ako... Hindi ko tuloy siya maiwanan....

Aaaahhhh.... Nasa likod ko lang talaga siya...

....

Ang sumunod na mga nangyari ay hinding hindi ko inaasahan at ang bagay na ayokong mangyari sa ganitong pagkakataon...

Nabali bigla ang takong ng sapatos ko at dahil sa nagmamadali ako eh nawala ako sa balanse at naihagis ko pataas ang mga hawak kong libro at MUNTIK pa akong matumba...

MUNTIK!???

[ Sylvan ]

Hindi mabuti para sa akin na nagkataon pang nasa likod lang ako banda ni Emia... Kinailangan ko pa tuloy siyang alalayan dahil matutumba siya...

Matapos kasing aksidenteng maputol ang takong ng sapatos niya eh parang nag slow motion ang lahat at dahan dahan din siyang bumabagsak...

Nahawakan ko kaagad ang dalawang balikat niya para hindi siya tuluyang malaglag pero naihagis niya na pataas ang mga librong hawak niya...

FALL (Tok!) FALL (Tok!) FALL (Tok!)

Ang malas ko,... Sunod sunod pang nagbagsakan sa ulo ko ang mga libro na naihagis ni Emia,... Ang pagkakataon pa eh kinailangan ko talagang ipangharang ang ulo ko dahil kung hindi ko iyon gagawin eh diretso sa mukha ni Emia ang tama ng ma libro...

Ang nauna pa namang bumagsak eh yung kanto mismo nung libro kaya tuloy ang sakit ng ulo ko...

[ Emia ]

Napatayo agad ako ng diretso mula sa pagkaka-alalay sa akin ni Sylvan at saka ako tumingin sa kanya.

" a-ayos ka lang ba?... "

Hindi ko napigilang mag alala dahil mabibigat ang librong bumagsak sa ulo niya.

Binitiwan na niya ako nun ng makatayo ako ng maayos at himawakan ang ulo niya...

" okay lang ako... "

" kaya lang... "

Tinignan niya ang kamay niya na pinanghawak niya sa ulo niya at nakita kong may dugo iyon kaya nag alala na talaga ako...

[ Sylvan ]

Ang sakit nun ah!... Nagkasugat pa ata ako sa ulo?...

Binalik ko ang tingin ko kay Emia matapos kong makita na may konting dugo yung palad ko na hinawak ko sa ulo ko.

" huwag kang mag alala, konting— "

Napatigil ako sa pagsasalita nun ng hawakan niya ang ulo ko ng dalawang kamay niya...

" teka sandali, huwag ka munang gagalaw... "

Chương tiếp theo