" ikaw ang nag iisang tagapagmana ng Meridiem Empire at— "
[ Emia ]
Agad kong ibinaba ang ulo ko at pinagdikit ang mga palad ko na humihingi ng pabor kay Lindoln ng putulin ko ng pagsasalita niya.
" um!... Please lang,... Wag mo sanang sabihin kahit na kanino... "
" hindi mo kailangang mag alala, ganyan din naman ako, mas gusto kong itago ang pagiging kabilang sa Second Class Family kaya lang... "
" naiintindihan mo ako??? "
Pareho kaming napatahimik ni Lindoln ng dumating si Lliane.
Wala pang alam si Lliane sa family class ko at ayaw kong magbago ang pakikitungo niya sa akin dahil baka mag alangan siya sa pagkakaiba ng eatado namin kaya naman ako tumahimik pero hindi ko inaasahan na ganun din ang gagawin ni Lindoln,...
Ah,... kung ganun ito pala ang ibih niyang sabihin na naiintindihan niya ako...
Ng tignan ko si Lindoln eh medyo nakuha ko ang signal niya na tumahimik lang...
**********
End of lunch break...
[ Lliane ]
Hindi ko nagustuhan ang pananahimik nilang dalawa ni Emia ng dumating ako,... Sapalagay ko eh may pinag uusapan silang dalawa na hindi ko pwedeng marinig...
Ako kaya ang pinag uusapan nila?...
[ Lindoln ]
Hindi ko namalayan na nasa may harapan ko na si Lliane,... Sa pagkakaalam ko eh ng umalis ako sa may canteen eh nandoon pa siya at kasama si Emia...
Sinundan kaya niya ako?...
" mag usap mga tayo Lindoln?... "
" tungkol saan? "
" ano yung pinag usapan niyo kanina?... Pansin ko na parang gusting gusto mong makausap si Emia,... Ano ba yun?... "
" pasensya ka na Lliane pero hindi ko pwedeng sabihin sayo... "
Nakita ko na naging malungkot ang itsura niya ng sabihin ko iyon pero mukhang inaasahan na niya na iyon ang sasabihin ko,...
Parang nagi-guilty tuloy ako...
Ganito rin ang nangyari noon at tatalikod na lang siya at aalis at pahkatapos ay hindi ko na siya ulit makikita...
" kagaya pa rin ng dati Lindoln... Hindi mo ako makuhang pagkatiwalaan... Parati mo na lang inililihim ang lahat... "
Pinigilan ko siya sa pag alis at hinawakan ang kamay niya matapos niya iyong sabihin.
" pasensya ka na Lliane kumg hindi ko man sayo masabi ang lahat... "
" hindi mo lang alam Lindoln, pero mas natatakot ako kumpara sayo... "
Medyo napahinto ako ng sabihin niya iyon,...
Mas natatakot siya???
Anong ibig sabihin niya dun?... Naguguluhan ako,... Parang may hindi siya sa akin sinasabi... Iniiwasan niyang magsalita... May kinalaman kaya yun kung bakit niya ako iniiwasan?...
**********
[ fifth class ] Sylvan and Nina
" ayos ka na ngayon?... "
" oo,... Salamat kahapon... Yun nga palang si Emia, bakit parang hindi ko na siya nakikitang kasabay mo?... "
" hindi naman... "
Medyo napaisip tuloy ako... Kumusta na kaya ang babaeng yun,... Buti na lang at hindi ko na siya kailangan pang tawagan para makapasok lang siya ng maaga,... Mukha ring wala naman siyang balak na lumapit ulit a akin,... Nakinig na siguro siya sa mva sinabi ko...
[ Nina ]
Buti naman at hindi na uli lumapit ang Emia na yun kay Sylvan...
Kahit na siya pa ang nag iisang apo ng Meridiem Empire eh hinding hindi ko siya aatrasan!... Hindi lang naman siya ang anak ng isang First Class Family dito...
**********
End of fifth class...
[ Sylvan ]
Nasa may classroom na ako ng sunod kong subject at napapaisip pa rin ako kung ano kayang magandang gawin para tigilan na ako ng mga sumusunod sa akin na mga nakaitim na lalaki...
————
Nasa gitna na ako nun ng pag iisip ng magkasalubong ang mga mata namin ni Emia na kapapasok pa lang ng classroom...
Umupo siya sa katabi kong upuan na kanina pa bakante at naupo lang siya dun at wala naman siyang sinabi na kahit ano... Totally, ang naisip ko eh babatiin niya ako pero hindi niya ginawa...
Nagkakamali rin pala ako kung minsan,... Nakakatuwa naman...
Smile...
————
Maagang tinapos ng teacher namin ang leksiyon niya kaya may free time pa kami bago ang susunod na klase pero hindi kami pinayagang lumabas ng room hangga't hindi tapos ang time niya...
[ Emia ]
Nagkanya kanyang grupo ang iba naming mga classmate para magkwentuhan at ang iba naman ay nagre-review para sa susunod nilang klase kagaya ko pero itong si Sylvan eh nakadekwatro pa at nakapangalumbaba na akala mo eh nag iisip pero ang tantiya ko eh natutulog lang siya...
Bwiset!... Hindi tuloy ako makapag review ng maayos,... Hindi ko siya mawala sa isip ko!?... Bwiset ah...
.agad akog tumingin sa kanya ng matutulis ang mata...
...
Bwiset! Parang wala lang talaga sa kanya at hayun at nananatili pa rin siyang nakapikit. Wala ba siyang nararamdaman kahit na konti na nakatingin na pala ako ng masama sa kanya?...
Hindi ako papayag na ako na lang lagi ang talo dito...
" burahin mo na yung number ko sa phone mo... "
" nung nakaraan ko pa binura yung number mo... "
Bwiset!!! Sumagot kaagad siya sa tinanong ko ng hindi man lang siya tumingin sa akin... Siguradong sigurado talaga siya na siya ang kinakausap ko...
Sabi ko na nga ba at kumukuha lang ito ng pagkakataon para mapagtawanan na naman niya ako...
Kunwari ka pang nakapikit diyan pwro ang totoo eh plinano mo na na ipahiya ako...
" buti naman para alam ko na na hindi mo na naman ako iistorbohin... "
Sa pagkakasabi ko njn eh dumilat na siya pero hindi niya pa rin inaalis ang asta niya na walang pakialam...
" inaabangan mo ba ang tawag ko? "
Lumingon siya sakin pagsabi niya nun na parang wala lang sa kanya ang pagkakasabi niya pero napatahimik ako ng mga salitang yun,... Pero ng hindi ako sumagot eh napansin kong biglang nagbago ang expressyon sa mukha niya na kala mo eh nagulat bigla...
" ahgk!... Pasensya na sa sinabi ko... "
Kasabay ng pagsabi niya nun ay napatayo siya at lumabas ng classroom at pumunta sa may railings.
Nalito ako sa ginawa niya. Bakit kaya siya nagmamadaling lumabas?... Butu na lang at tapos na run ang time ng klase namin kaya nagsimula na ring maglabasan ang iba naming classmates habang siya naman ay nakatayo pa rin dun sa may taoat ng railings kaya pinagmasdan ko muna siya—? Este!... Na cu-curious lang akong gawin yun...
——————————
[ Sylvan ]
Inaabangan mo ba ang tawag ko?...
Hah!?... Bakit ko ba nasabi yun kanina?... Pasaway,... Nakapagsalita tuloy ako ng hindi ako nag iisip...
Sigh,... Umiinit talaga ang dibdib ko kapag may hindi ako nagugustuhan na ginagawa ko...
[ Emia ]
Nag alala ako sa nakikita ko ngayon sa kanya... May problema kaya siya?...
Bakit ba ako biglang nag alala sa taong ito eh kanina lang—
Hindi ko ini-expect na haharap na pala siya kaya na-stack ako sa pagkakamasid ko sa kanya pero hindi ko man lang nakita na nagulat siya ng makita ako sa pagharap niya. Parang alam niya na talaga na nandoon ako o siguro eh gusto niya talaga na nandoon ako paglingon niya... Hindi ko tuloy alam kung paano ako magsasalita.
" something wrong? "
Sa bandang huli eh natanong ko. Natutulad tuloy ako sa tono ng pagsasalita niya.
" am i mean to you?... "
Nagulat ako sa itinanong niya sa akin but i was caught off guard by the feelings beyond his words... He seems different...
His different than his usual self...
Now that i remember,... This has happened before...
The very first time that i felt his feelings through his word is when he greeted me good morning...
And this was the second time that i feel that he trully really meant those what he worded...
" i'm sorry for being mean at all times,... I should go now... "
Hindi man lang ako nakapagsalita... Naguguluhan ako sa inaasal niya kung minsan,... Parang hindi siya nagiging totoo sa ipinapakita niyang ugali...
" something out of the world... "
Huh!??? Nagulat ako sa nasabi ko at agad na kong tinakpan ang sarili kong bibig.
Sigh... Mabuti na lanh at hindi niya ako narinig.
**********
[ Lliane ] seventh/final class
Ngayon ko lng nakitang tahimik itong si Emia sa loob ng classroom. Madalas kasi kapag nagkikita kami eh puro si Sylvan ang ipinangbubungad niya sa usapan at kung gaano siya kainis dito. Actually akala ko eh yun ang gagawin niya ngayon asi magkaklase lang sila kanina ni Sylvan...
" huh!?... Hindi, wala, wala... "
Nagulat na lang ako ng bigla iyong sabihin ni Emia ng humarap siya sa akin na ang expression ng mulha eh gulat din...
" huh?... Wala naman akong sinasabi ah?... "
" ah,... Ganun ba?... "
" ano bang nangyayari sayo?... "
Parang wala siya sa sarili niya... Walang kulay ang mga mata niya na parang sa ibang mundo nakatingin...
" hindi wala naman... "
Sagot niya sa akin.
——————————
End of final class
" Emia?... Kanina ko pa napapansin na kakaiba ka ata ngayong araw,... May maitutulong ba ako?... "
" pasensya ka na Lliane,... Medyo kailangan ko lang munang makapag isip ng mag isa,... Kita na lang tayo bukas... "
" o-o sige,... "
Napakalungkot ng tono ng boses niya,... Hindi ko na tuloy magawang magsalita pa ng magsalita,...
[ moments later ] Lliane
" mag usap tayo! "
" te-teka sandali!?... "
Hinila ko sa kamay si Sylvan at hindi ko na pinansin kahit pa magkasama sila ni Lindoln ang mahalaga sa akin eh kung ano bang nangyari sa kanila ni Emia kanina.
Mabuti na lang ng hilahin ko si Sylvan eh hindi na nagsalita pa si Lindoln.
" ano bang sasabihin mo at kinailangan pang hilahin mo ako palayo?... "
" ikaw!? Ano bang nangyari sa inyo kaninang dalawa ni Emia?... "
[ Sylvan ]
Teka! Teka! Parang sa ibang usapan ito mapupunta ah,... Iniisip ba nitong si Lliane na may—... Wooh!... Wooh!... Wooh!...
" ah! Teka sandali ah!... Medyo liwanagin natin ng konti ang sinasabi mo... "
" medyo liwanagin!?... Sagutin mo ang tanong ko! Anong ginawa mo kay Emia!?... "
" wala. "
" eh bakit ganun ang kinikilos niya... "
" sigh,... Sabi ko na nga ba... "
" anong sinasabi mo??? "