webnovel

Chapter 34 at the beach

"Selos ka na naman?" tanong ni Heshi kay Yra habang pinapanood nila ang masayang kwentuhan nina Jion sa kalapit nilang table.

"Hindi no! past is past, nakaraan na sya, present ako!" sagot niya dito "Kaya lang nakakainggit parin."

"Nakakaingit ang alin?" mataman siyang tinitigan nito.

"Nakakainggit kase kilalang kilala na nya si Jion." di mapigilan ni Yra ang mapabuntung hininga. Unti unti na namang kumikirot ang dibdib nya.

"Eh ano naman kung matagal na nyang kilala si Jion, kababata lang sya kambal, ikaw ang girlfriend!" pinilit niyang ngumiti para hindi makita ng kaibigan na nginangatngat na sya ng matinding selos, kitang- kita kasi niya kung pano maglambing si Caroline sa boyfriend niya.

"Girls, wanna dance with me?" yaya ni Vince sa kanilang dalawa, "wag kayung magmukmok dyan!"

"No thanks," tangi kaagad ni Heshi

"Sayang naman ang music, its nice" kulit pa rin nito habang nakaturo sa dance floor. "come on girls, lets go!" kaya wala na silang nagawa kundi sumama nalang dito.

Nakailang palit na ng kanta ng maisipan niyang maupo medyo sumasakit na rin kase ang mga binti ni Yra, iniwan na niya sa dance floor sina Vince at Heshi na nageenjoy pa rin sa pagsayaw.

"Hi!" bati sa kanya ni Caroline, naupo na ito sa katabi niyang silya.

"Hello." naiilang niyang sagot dito.

"Natutuwa akong malaman na sa wakas ay nagka girlfriend din si Jion." ngiti lamang ang tanging sagot niya dito. "Nung bata pa kasi sya, nagpromise sya sa akin na hinding hindi sya mag ge- girlfriend dahil ako lang daw ang gusto niya." naiiling sa sabi pa nito.

Biglang nakaramdam ng kirot sa dibdib si Yra, why is she telling her this? hindi naman niya kailangan malaman pa ang tungkol sa mga ganoong bagay. "bakit mo sinasabi sakin yan?" tugon niya dito.

"Sorry, akala ko kase gusto mong malaman kung anung meron sya sa nakaraan." saad nito.

"Hindi ako interasado sa nakaraan niya, ang importante sa akin ay ang kasalukuyan." tiningnan niya ito sa mga mata. "wala akong pakialam kung gusto mong ibalik ang nakaraan ninyo o kung ano man ang meron kayo noon. I just want you to remember one thing, his mine, at hindi ko siya ibibigay sayo."

"Talaga!?"

Nagulat si Yra ng biglang magasalita si jion sa kanyang likuran,

"Im sa happy to hear that!" abot tainga ang ngiti nito. "Come here!" hinila na siya ng binata palayo sa karamihan ng mga tao.

Hindi malaman ni Yra kung matutuwa o mahihiya ba sya! nagdeklara lang naman siya undying love para sa nobyo nya sa harapan ng ibang tao.

Dinala siya ng binata sa Verranda kung saan walang ibang tao.

"You love me that much huh!" saad nito.

"Its just on spur of the moments. Nabigla lang ako!" hindi siya makatingin ng diretso sa nobyo.

"Oh, come on Mahal ko! say it to me once again, please! I wanna hear it!" isinandal siya nito sa malamig na pader.

"Narinig mo na kanina diba!" she look down, hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito.

"Alam mo ba kung anung nararamdaman ko sa mga oras na to?" lalo pa nitong ibinaba ang mukha palapit sa kanya, "Im so happy that I cant breathe Yra, parang gusto ko na ngang pumunta sa Doctor dahil parang nagmamalfunction na ang puso ko." halos pabulong na sabi nito.

"Di magpacheck up ka, baka bigla ka nalang atakihin dyan, ako pa ang may kasalanan!" nakangusong sagot niya dito.

Pinisil ni Jion ang dalawang pisngi niya gamit ang isang kamay nito kaya lalong tumulis ang mga labi niya, "Youre so cute mahal ko! kung pwede lang kitang ilagay sa bulsa ko para hindi kana nawawala sa paningin ko ginawa kona!" saka nito hinalikan ang mga labi niya.

"Ang swerte mo naman Miss Yra, araw-araw mong kasama si Sir Jion, samantalang kami hanggang tanaw nalang!" Saad ni Lorena habang umiinom ng buko juice.

Kasalukuyan silang nasa resort na pag aari ng Guia family sa Batangas para sa annual company outing nila, iyon ang regalo ni Jion sa mga empleyado niya dahil nakuha nila ang deal sa kumpanya ng Steven development corp. para sa itatayo nitong low cost housing.

"Hindi mo ba talaga kilala ang girlfriend ni Sir Jion?" tanong ni Maricon, "ikaw ang PA niya, Lagi ka nyang kasama saan man sya pumunta! Hindi mo ba talaga isha-share samin kung sino ang mapalad na babaeng yun?" dahil sa kissmark incident nila ni Jion ay naging hot topic ang pagkakaroon nito ng girlfriend.

"Private na tao si Sir, kaya sigurado akong hindi niya yun gustong ipaalam sa iba, kung may girlfriend man sya eh choice nya yun at hindi na natin kailangan alamin ang tungkol sa personal niyang buhay." paliwanag niya sa dalawa.

"Pero mukhang hindi na yun lihim ngayun," inginuso ni Lorena ang kinatatayuan ng kanilang boss, bago lang itong dating kasama sina Vince at Minjy at si Caroline, habang masayang nagkukwentuhan ay nakahawak pa ito sa isang braso ni Jion na animoy ito ang nobya ng boss nila.

"Wow ang ganda naman nung kasama ni boss!" nanghahaba naman ang leeg ni maricon sa pagtingin sa grupo ng boss nila. "Hindi na ako magtataka kung siya ang girlfriend ni Sir Jion, nakakainggit naman!"

"Kasama lang girlfriend agad! hindi ba pwedeng kababata lang muna?" pinagtaasan niya ng kilay ang dalawang babae.

"Bakit sino ba ang isang yun?" tanong pa ni Lorena.

"Siya si Miss Caroline, kapatid ni Sir Vince." saad niya, bago inilayo ang tingin sa mga nabangit na tao, sumasakit na kasi ang mata niya sa klase ng pag angkla nito sa nobyo niya. "Mabuti pa lumangoy nalang tayo! sayang ang oras natin kung panonorin lang natin sila." yaya niya sa dalawa.

Puno ng mga empleyadong naliligo sa dagat ang parteng iyon, kalimitan ay nakaswimsuit at two piece dahil private naman ang beach resort na iyon. Naiinis si Yra dahil man lang sila nagkakausap ni Jion simula ng dumating sila doon, pinagbilinan pa siya nitong magenjoy kasama ng ibang empleyado para hindi sya mainip.

Paglampas ni Yra sa pwesto ng nobyo hindi niya ito tiningnan man lang kahit alam niyang pinagmamasdan siya nito.

Chương tiếp theo